You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 7
KWARTER 1, IKAAPAT NA LINGGO
LINGGUHANG GAWAING PAGKATUTO BLG.4
YAMANG LIKAS AT ANG MGA IMPLIKASYON NG
KAPALIGIRANG PISIKAL SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
NOON AT NGAYON.
Pangalan: __________________________________ Pangkat at Baitang: _________________
Paaralan: _______________________________________________ Petsa: _________________

I. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal
sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon. AP7HAS-If1.6

Layunin:
1. Nakapagpapakita ng yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang
pisikal.
2. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng likas yaman sa pamumuhay ng
mga Asyano.
3. Nakapagtatalakay ng kahalagahan ng likas na yaman sa pamumuhay ng
mga Asyano.

II. Pangunahing Konsepto


Ang masaganang likas na yaman nagmumula ang pagkain ng mga
mamamayan at pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa
paggawa ng iba’t ibang produkto.
Mahalagang salik ang mga likas na yaman sa paghubog ng
kasaysayan at kultura ng Asya. Ang madalas na paglipat ng tirahan ng mga
grupong nomadiko noon ay batay sa kinalalagyan ng mga likas na yaman.
Nang magsimula ang sistemang agrikultura, unti-unting umusbong ang
sinaunang kabihasnan sa kasaysayan. Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang
mga pagkakahalintulad sa pamumuhay ng mga Asyano noon. Pinipili ng
mga tao na manirahan sa lugar na mapagkukunan ng kanilang mga
pangangailangan. Nananatiling pagsasaka at pangingisda ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng kontinente.
Higit sa lahat, ang mga likas na yaman ay nakaapekto sa ekonomiya
ng Asya. Namayagpag ang mga unang kabihasnan sa Mesopotamia at
1|Panid
Lambak Indus sapagkat narito ang mga pangangailangan ng mga sinaunang
mamamayan para mabuhay. Ngayon, maunlad o may potensiyal sa pag-
unlad ang mga bansang masagana sa likas na yaman.

III. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1. Pagsusuri ng Larawan


Nakahanay ang iba’t ibang larawan na nagpapakita ng ugnayan ng tao
at ng kalikasan. Pansinin at suriin ang bawat isa. Pagkatapos ay sagutan
ang pamprosesong mga tanong.

https://www.dreamstime.com/stock-photos-asian-fishing-cartoon-image13269953 https://www.shutterstock.com/search/mining+cartoon

https://www.dreamstime.com/illustration/cartoon-oil-extraction.html https://www.vecteezy.com/free-vector/cartoon-forest

Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan?
(5 puntos)

2. Karamihan ba sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ay


natutugunan ng ating mga likas na yaman? Patunayan ang iyong sagot.
(5 puntos)

2 |P a n i d
3. Ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paano matutugunan ng
likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito
gayon ang lupa naman ay hindi lumalaki? (5 puntos)

4. Paano makakatulong ang mabisng paggamit ng likas na yaman sa pag-


unlad ng kabihasnang Asyano? (5 puntos)

Gawain 2: Sama-sama, Tuklasin, Yaman ng Asya!

A. Pagsusuri sa Implikasyon ng Pisikal na katangian at Likas na


Yaman ng Silangang Asya.

Agrikultura

Ang masaganang yamang tubig tulad ng Huang Ho at Yantze ay nagmumula


sa kilalang pinakamalaking pinanggalingan ng bigas, bulak, tsaa, trigo at mais sa
China

Bigas din ang pangunahing produktong pagkain ng mga bansang Taiwan,


Japan, South Korea at North Korea. Bukod sa bigas, nangunguna rin ang Taiwan
sa aquaculture na ang pangunahing produkto ay ang palos. Samantala, salat man
sa likas na yaman, nagawan naman ng paraan ng mga Hapones na maging
produktibo ang kanilang lupain gamit ang makabagong sistema ng pagsasaka,
tera-terasang pagtatanim, at pag-aabono.

Bagama’t mabundok, ginawan naman ng paraan ng mga taga-South Korea


na magkaroon ng masaganang ani. Dahil sa kakulangan ng masaganang taniman,
kinailangan ng bansang ito na ipatupad ang land reclamation schemes, sistemang
irigasyon, paggamit ng iba’t ibang uri ng butil, at makabagong abono.

Ang Mongolia ay mayroon lamang 1% lupaing sakahan, 8% hanggang 10%


kagubatan, at ang natitira ay pawang mga pastulan ng hayop at disyerto. Walang
kasiguruhan ang pagtatagumpay ng ani sa bahaging ng Mongolia. Ang hindi
matantiyang dating ng ulan at pagyeyelo sa lupain ay maaring magbigay ng
masagana o kawalan ng ani sa mga magsasaka ng bansa. Gayundin, ang
pagpapastol ay tunay na mahirap sa ganitong uri ng kalagayan bunsod ng
kawalan ng maaring pagpapastulan ng mga alagang hayop ng mga magsasaka.

Ekonomiya
Ang mga bansa sa Silangang Asya ay nagtataglay ng iba pang likas na
yamang sadyang nakatutulong sa pagsulong ng kanilang ekonomiya.

3 |P a n i d
Mayaman ang China sa langis at iba pang mineral na karaniwang
nagmumula sa gitna at hilagang kabundukan nito. Bunsod na umuunlad nitong
industriya, ang mga daungang lungsod ng bansa ay kasalukuyang sentrong
pagawaan ng magagan na industriya tulad ng magagaan na makinarya, tela,
damit, plastik, at iba pa.

Ang Taiwan ay mayroon namang maipagmamalaking deposito ng karbon,


petrolyo at natural gas. Mayaman din ang bansa sa wind at solar energy na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng
gadget na karaniwang iniluluwas ng bansa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Nagsilibing hamon sa bansang Japan ang kakulangan nito ng depositong


mineral na lubos na kailangan sa paglilinang ng mga industriya. Dahil dito,
kinailangan ng bansang umasa sa pag-aangkat ng mga hilaw na materyales na
kailangan ng industriya. Ang Japan ang naging kauna unahang economic miracle
sa rehiyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang bagay na ito ay
naglagay sa Japan sa daigdig ng ekonomiya bilang World’s Leading Industrial
Power.

Mula noong 1962, naganap na rin ang mabilis na industriyalisasyon ng


South Korea. Naging maunlad ang mga industriyang tela, plastik, abono, at mga
kagamitang elektroniko sa bansa. Samantala, sa North Koea naman ay
nangunguna sa produksiyon ng graphite, tungsten, at magnesite.

Kultura

Dahil sa pagkakaiba ng klima at topograpiya, nahubog din ang


magkakaibang kultura at panahanan.

Bunga ng kasukdulang uri ng klima sa mga hilagang kapatagan ng China,


ang mga magsasaka rito ay karaniwang nakatira sa magkakalapit na mga
pamayanan na ang panirahan ay gawa sa luwad at adobe. Kaiba naman ang
panahanan at buhay sa lambak at tabing ilog ng bansa na ang tao rito ay
naninirahan sa mga banga na siya ring gamit bilang transportasyon sa paglilipat
ng mga produkto. Bunsod naman ng paglakas sa ekonomiya ng bansa, karaniwan
ng nanirahan sa mga condominium ang mga Tsinong nasa mga lungsod at
naghahanapbuhay sa mga opisina ng mga kompanyang nagmamay-ari ng mga
paggawaan.

Ang mga Hapones din ay nag-iiba iba ng pamumuhay, ayon sa uri ng


kanilang panahanan at edad. Ang mga taong naninirahan sa malalayong pulo ng
bansa ay karaniwan ngnagingisda at magsasaka samantalang ang mga
naninirahan sa nagtataasang gusali at gumagamit ng pinakamakabagong
teknolohiya.

Samantala, karaniwang mga magsasaka ang mga Koreanong naninirahan sa


hilagang bahagi ng South Korea. Sila ay karaniwang naninirahan sa mga
bulubundukin kung saan matatagpuan ang kanilang sakahan. Hindi naglaon, sa
pagsisimula ng modernisasyon sa bansa, ang karamihan sa kabataang Koreano ay
nagsisimula nang lumipat sa mga lungsod upang mag-aral at maghanap buhay.

B. Pagsusuri sa Implikasyon ng Pisikal na katangian at Likas na


Yaman ng Timog Asya.

Agrikultura

Agrikultural ang mga bansa sa Timog-Asya. Pinasasagana ng Ganges River

4 |P a n i d
ang Gangetic Plain ng India kung kaya’t ito ay katatagpuan ng malaking bilang ng
populasyon. Ang malawak na lambak ng Indus, Ganges at Bramaputra ay
kabilang sa pinakamatabang kapatagang sakahan sa daigdig. Dahil dito, ang mga
lupaing ito ay tinaguriang “Pusong Lupain ng India” at kinikilalang pinagmulan
ng kabihasnan.

Ang kalakhang teritoryo naman ng Bangladesh ay nakalatag sa mababa at


matabang delta ng mgg ilog Ganges, Jammu, at Meghna. Ang Bangladesh ang
pangunahing prodyuser ng hilaw na materyales na jute. Ang jute ay hibla ng
gulay na napahaba ng hanggang apat na metro. Karaniwang gamit ito sa paggawa
ng lubid, tela at iba pa.

Pagsasaka at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-


Bhutan at taga-Nepal. Nakasalalay sa pagsasaka ang may 80 bahagdang
populasyon ng dalawang bansa. Bigas ang pangunahing ani ng mga bansang ito.
Dagdag pa rito ay prodyuser din sila ng trigo, mais, barley mga prutas na citrus,
tubo at jute. Ang mga magsasaka sa dalawang bansang ito ay ay nagpapastol din
ng mga baka, tupa, at kambing. Sa mga hayop na ito nagmumula ang mga
pruktong dairy na iniluluwas pa nila sa iba’t ibang bansa.

Ekonomiya

Mayaman din sa mineral ang mga bansa sa rehiyon. Pumapang-apat ang


India sa mga bansang nagtataglay ng pinakamaraming reserba ng karbon sa
buong daigdig. Sa Pakistan, bagama’t mahinang uri ng karbon ang matatagpuan
dito ay maipagmamalaki naman itong natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at
limestone. Matatagpuan naman ang maraming uri ng calcium, carbonate,
hydropower at gympsum sa Nepal. Mayaman ang Sri Lanka sa mga batong
sapphire at ruby at mga yamang tubig.

Sa kasalukuyan, hindi na gaanong umaasa sa pagsasaka ang ekonomiya


ng Sri Lanka. Mula ng bumaba ang sinasakang produkto ng bansa, bumaba na
rin ang pagluluwas ng mga sinasakang produkto ng bansa ngunit pinasigla
naman ang pagpoproseso ng mga pagkain, kemikal, semento, papel, mga
produktong gawa sa goma at pagdadalisay ng petrolyo.

Kultura

Ang panahanan at kultura ng mga bansa sa Timog Asya ay nauugnay sa


uri ng klima at topograpiya sa rehiyon. Karaniwang na sa mga pulo ng Sri Lanka
at Maldives ang mga panahanang ang loob ay makapagbibigay ng mas malamig
na pakiramdam. Dahil kapwa naliligiran ng tubig, bigas at isda ang mga
pangunahing pagkain sa mga bansang ito.

Kaiba naman ang uri ng panahanan sa mabubundok na mga bansang


Nepal, Bhutan, India at Pakistan. Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahang
makatatagal sa mahaba at napakalamig na klima. Karaniwan ang pagsusunog ng
kahoy na ginagamit sa pagpapainit at pagluluto.

Samantala, rural pa rin ang uri ng buhay sa malaking bahagi ng


Bangladesh. Ang mga panahanan sa pamayanan ay karaniwang parihaba na
gawa sa luwad, kawayan o pulang ladrilyo.

C. Pagsusuri sa Implikasyon ng Pisikal na katangian at Likas na


Yaman ng Timog-Silangang Asya.

Agrikultura
Sa pangkalahatan, ang Timog-silangang Asya ay agrikultural. Ang

5 |P a n i d
malalawak na lambak, burol, at kapatagan ng rehiyon na naitataguyod ng mga
kapakinabangang mga ilog at delta ang pinakamahalagang katangian ng mga
bansa sa rehiyon. Mahalaga rin ang bahaging ginagampanan ng klimang monsoon
sa rehiyon sa dahilang ito ang nagbibigay ng higit na masagang produksiyon ng
bigas at iba pang produktong nakatutulong sa paglinang ng ekonomiya ng mga
bansa.

Ang karamihan sa mga Asyano sa rehiyon ay naninirahan sa mga


kapatagang sakahan na napasasagana pa ng mga makabagong sistemang
irigasyon. Ang mga burol ng Mekong at Tonle Sap sa Cambodia ang makitid na
baybayin at matabang sakahan sa paanan ng bundok ng Annamite ng Vietnam,
ang masaganang kapatagan ng Chao Phraya, ang malawak na saklaw ng
kapatagan ng Luzon (partikular na sa Nueva Ecija at Banaue Rice Terraces) sa
Pilipinas, ang matabang lupain ng Java sa Indonesia, at ang masaganang
kapatagan ng lambak-ilog ng Irrawaddy ng Myanmar ay pawang pinagmulan ng
milyon-milyong toneladang ani ng bigas at iba pang produjtong mahalaga, hindi
lamang para sa ikabubuhay ng populasyon sa rehiyon kundi pati sa iba pang mga
bansa sa labas ng rehinyon at kontinente

Ekonomiya

Bunsod ng napakaraming uri ng produkto ng rehiyon katulad ng


pampalasa kagaya ng paminta, luya, bawang at nutmeg. Dahil dito, kinilala ang
rehiyon bilang “rising tiger economy” o may pinakapapaunlad na ekonomiya sa
mundo.

Ayon sa Ministry of Trade & Industry (MTI) ng Indonesia, ang bansa ay


kasalukuyang nakararanas ng mabilis na transportasyong pang-ekonomiya at
kinikilala sa ngayon bilang pinakamalaking ekonomiya sa Timog-silangang Asya.
Ito ay bunsod ng napakaestratehikong lokasyon ng bansa

Sa isang banda, sinisikap naman ng Vietnam na malinang ng husto ang


sektor nitong industriyal. Ang vietnam ay kasalukuyang kilala sa paggawa ng mga
tela, electronics, at sasakyan. Kasalukuyan ding nililinang ang reserbang langis
ng bansa.

Ang Singapore at Brunei ay pawang kilala bilang mayayamang ekonomiya.


Nilinang ng bansa ang kalakalang extended entrepot. Ito ay may kinalaman sa
pagbili ng hilaw na materyales mula sa ibang bansa at paglinang nito bilang
produktong iniluluwas namang muli sa ibang bansa. Halimbawa nito ang water
fabrication at oil refining. Ang Singapore ay kilala sa kasalukuyan bilang
pinakaindustriyalisadong bansa sa Timog-silangang Asya.

Ang Brunei ay mayaman naman sa langis at natural gas. Dahil hindi


napapalitan o hindi renewable ang nabanggit na likas na yaman ng bansa,
kasalukuyang nililinang dito ang programmang Wawasan Brunei 2035 bilang
bahagi ng National Vision Programme.

Kultura

Ang mga panahanang stilt na nakatayo sa tabing dagat na nasusuportahan


ng mga poste ang karaniwang tahanan ng mga mangingisda sa rehiyon.
Samantala, ang nipa hut o bahay kubo na nabububungan ng mga pawid ang
karaniwang panahanang matatagpuan sa paligid ng mga sakahan.

Gayunpaman, bunsod ng pagbabago sa kabuhayan mula sa tradisyonal na


agrikultura patungong paggawa at serbisyo, ang mga panahanan sa rehiyon ay
nabago na rin. Ang mga panahanang dating gawa sa kahoy at pawid ay

6 |P a n i d
karaniwang gawa na sa mga ladrilyo o semento. Ang mapigilang pag-unlad ng
mga pook urban ay nauwi na rin sa paglilinang ng panahanang urban na
karaniwang gawa sa nagtataasang mga gusali.

D. Pagsusuri sa Implikasyon ng Pisikal na katangian at Likas na


Yaman ng Kanlurang Asya.

Agrikultura

Ang karaniwang populasyon ng mga bansa sa Kanlurang Asya ay


matatagpuan sa lupain kung saan mayroong suplay ng tubig. Ang karamihan sa
kanila ay naninirahan malapit sa mga baybayin ng silangan at kanlurang
silangan ng rehiyon ng Mediterranean Sea, lambak ng Tigris at Euphrates, oases
ng mga disyerto at paanang bahagi ng mga bundok ng Iran. Ang mga lupaing
nagbibigay sa mga magsasaka ng masaganang ani ng wheat, rye, barley, gulay at
prutas.

Ang Yemen, Cyprus, Jordan at Syria ay mga bansang agrikultural na bulak


ang pinakamahalagang produkto. Ang Iran naman ay kilala sa kanilang cereal,
tubo at iba’t ibang prutas, wheat at barley.

Sa kabilang dako, ang 30% naman ng lakas-paggawa ng Azerbaijan ay


pawang mga magsasaka. Tulad ng Armenia, ang Azerbaijan ay nakapag-aani rin
sila ng mga prutas, gulay, tabako, at silkworm. Dahil sa masaganang damuhan,
karaniwan din ang paghahayupan ng tupa sa bansa.

Ang mga bansang Turkey at Cyprus ay agrikultural din. Ang mga bansang
ito ay nakapagtatanim at nakapag-aani ng mais, barley, at bigas. Ang
paghahayupan ay karaniwan din dito.

Ekonomiya

Dahil mayaman sa langis, ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon ay


nakasandig sa pagluluwas ng langis at natural gas. Pag-aari ng Saudi Arabia ang
ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo. Bukod sa Saudi Arabia,
ang iba pang bansa sa rehiyon gaya ng Yemen, Oman, Qatar, Kuwait, at United
Arab Emirates ay mayayaman din sa langis. Ang angking yamang langis na ito ay
nakatulong sa transpormasyon ng mga bansang ito bilang mga modernong
estado.

Karamihan sa mga bansa sa rehiyon ay kasalukuyang gumagawa ng


paraang mailipat ang higit na porsiyento ng kanilang ekonomiya sa agrikultura.
Layunin ng mga bansa na mapasigla pa rin ang kanilang ekonomiya sa panahong
maaring maubos o kaunti na lamang ang kanilang reserbang langis.

Gamit ang makabagong teknolohiya, ang Saudi Arabia ay gumagawa ng


paraan na malinang ang pagsasaka at paghahayupan, kasama na ang
pagpoprodyus ng mga produktong dairy at eksplorasyon ng mineral sa bansa.

Samantala, bilang paghahanda sa panahon hindi na kakayanin ng


reserbang langis ang ekonomiya ng mga bansang Yemen, Kuwait at United Arab
Emirates, nililinang nila sa kasalukuyan ang industriyang turismo upang higit
pang mapasigla ang pagdayo ng mga turista sa kanilang mga bansa.

Pinangunahan nman ng Qatar ang paglilinang ng knowledge economy mula


pa noong 2004. Inaasahan ng bansa na ang bagay na ito ay makauudyok ng mga
kompanyang technology-based mula sa ibang bansa na mamumuhunan dito.

7 |P a n i d
Ang mga bansang Armenia, Azerbaijan, at Georgia ang paglilinang ng
hydroelectric power, mga yamang mineral at industriyang nagmumula sa
kagubatan at kabundukan tulad ng paggawa ng mga alahas, aluminum smelting
at iba pa.

Kultura

Dahil sa magkaiba ang topograpiya ng mga bansa sa Kanlurang Asya,


magkakaiba rin ang matatagpuang tradisyonal na panahan sa rehiyon. Ang mga
nomad ay karaniwang nagpapalipat-lipat ng tirahan batay sa panahon ng
pagpapastol.

Higit na matibay ang mga panirahan gawa sa malalaking tipak ng bato at


semento sa mabubundok na bansa ng Lebanon, ilabang bahagi ng Syria, Turkey,
Iran at Iraq. Karaniwang inaani at iniipon ang pagkain sa panahon ng tag-araw sa
mga lupaing ito at itinatabi sa bodega sa ilalim ng lupa. Ito ay inilalalan para sa
kanilang pangangailangan sa panahong hindi sila maaring lumabas ng tirahan at
hindi maaring magtanim dahil sa nagyeyelong kapaligiran.

Panuto: Ilarawan ang Asya sa pamamagitan ng pagbuo sa


graphic organizer.

Mga Rehiyon sa Asya Katangiang Pisikal at topograpiya.


1.

1.
2
2.

3. 3

4.
4.

Magbigay ng pagbubuod sa kahalagahan ng implikasyon sa likas na yaman ng


Asya.

 Agrikultura

 Ekonomiya

 Kultura

8 |P a n i d
IV. Malayang Pagsasan
Gawain 3. Balitaan

Narito ang isa sa mga balitang nailathala tungkol sa


pagsasakripisyo ng kalikasan bunsod ng industriyalisasyon. Pagkatapos
nito’y ipahayag mo ang iyong puna at saloobin sa pamamagitan ng
pagsagot sa pamprosesong tanong.
The Manila Times.net

Asia’s Natural Resources Getting Strained by Development

Asia’s natural resources getting strained by development Asia Pacific


countries must maintain their natural capital such as forests, biodiversity,
freshwater, and coastal and marine ecosystems to achieve a green
economy, according to a joint report by the Asian Development Bank (ADB)
and Worldwide Fund for Nature (WWF).

The report entitled “Ecological Footprint and Investment in Natural Capital


in Asia and the Pacific” said that the Asia Pacific region is consuming more
resources than its ecosystems can sustain, threatening the future of the
region’s beleaguered forests, rivers, and oceans as well as the livelihoods
of those who depend on them.

In the past two decades, the report noted that the state of ecosystems in
the region has been declining because of the activities such as conversion of
primary forests to agricultural land or monoculture plantations; extensive
coastal developments and unsustainable exploitation of marine resources;
and conversion of freshwater ecosystem for agricultural use.

The joint ADB-WWF study, looks in more detail at the state of ecosystems in
Asia-Pacific and what can be done to sustain them. It focuses on ways of
preserving key large-scale regional ecosystems, including the forests of
Borneo, the marine wealth of the Coral Triangle, the Mekong region’s
diverse habitats, and the mountainous Eastern Himalayas. These areas
contain some of the region’s most important natural resources on which
millions of people depend for their sustenance and development.

Nessim Ahmad, ADB director for Environment and Safeguards, said that
major ecosystems such as the Coral Triangle and the heart of the Borneo
rainforest are vital to the future of Asia- Pacific. ”We need large-scale
programmatic efforts based on regional cooperation and local level action to
make sure they are sustained for future generations,” Ahmad added.

Per capita drops

Moreover, the report explained that by 2008, the per capita natural
resources in these regional ecosystems had shrunk by about two-thirds
compared to 1970. Despite the rich natural capital in the region, the report
noted that biodiversity is in decline in all types of ecosystems, with the rate

9 |P a n i d
of species loss about twice the global average.

The report used the Living Planet Index—one of the more widely used
indicators for tracking the state of biodiversity around the world—to
measure changes in the health of ecosystems across the Asia-Pacific. The
global index fell by about 30 percent between 1970 and 2008, while the
Indo-Pacific region shows an even greater decline of 64 percent in key
populations of species during the same period.

Across the region, the gap between the ecological footprint, or human
demand for natural resources, and the environment’s ability to replenish
those resources is widening, it added.

The report also said that the challenge for countries of Asia Pacific is to
manage their natural sustainability, so that they maintain ecosystems
services such as food, water, timber, pollination of crops and absorption of
human waste products like carbon dioxide, to attain long-term development.
“We need to create mechanisms that make protecting our resources the
right economic choice for the communities that use and depend on them,”
said WWF Director General Jim Leape.

Investing in the region’s resources pays. It is estimated that every dollar


spent on conservation efforts would yield an economic and social value of
ecosystems worth over $100, it added. On the other hand, ADB said that it
places environmentally sustainable growth at the core of its work to help
reduce poverty in the region. It approved a record of 59 projects supporting
environmental sustainability in 2011, which amounted to about $7 billion in
financing

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang suliraning inilahad sa balita? Sino ang direktang


apektado ng nasabing suliranin? (5 puntos)

2. Sa inilahad sa balita, ano ang dahilan ng pagkakaroon ng


ganitong seryosong suliranin? Ipahayag ang iyong pagsang-ayon
o pagtutol sa industriyalisasyon at sa paraan ng paggamit ng
likas na yaman. (5 puntos)

3. Ayon sa may-akda, ano-ano ang mga posibleng solusyon upang


mapigil o mahinto ang mga inilahad na problema? Anong mga
proyekto ang dapat na isagawa? Sa iyong palagay, posible bang
maisakatuparan ito? Sa papaanong paraan? (5 puntos)

10 |P a n i d
V. Aplikasyon
Gawain 4. I-diyaryo mo!

Magkalap ng matibay na pinagkukunang impormasyon sa


nangyaring krisis na kinakaharap sa mga rehiyon sa Asya hinggil sa
kakulangan ng suplay ng pagkain at malnutrisyon at italakay ang
kahalagahan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano. Pumili
lamang ng isang rehiyon para sa pag-aaral. Pagkatapos magsaliksik,
gawan ito ng sariling diyaryo.

Rubriks:

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Nilalaman Naipapakita ang 20


kahusayan sa paksa sa
pamamagitan ng
produkto

Pagkakaayos Ang mga kagamitan ay 20


malinis at ang timeline
ay madaling
maintindihan

Pagkamalikhain Nakapupukaw ng 10
atensiyon ang p
agkakagawa

Kabuan 50

VI. Pagtataya
Gawain 5: Pagpipilian

Piliin ang letra ng tamang sagot.


 
1. Ang mga yamang-likas ay binubuo ng mga _______________.
a. Yamang lupa at tubig
b. Yamang kagutaban, lupa, tubig, at mineral.
c. Yamang mineral at kagubatan
d. Yamang kagubatan at mga produktong agrikultura
2. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang karamihan ay disyerto na
napagkukunan ng yamang mineral.
a. Silangang Asya b. Timog Asya
c. Timog-Silangang Asya d. Kanlurang Asya
3. Ang bansang ito sa Timog-silangang Asya ay may malaking deposito

11 |P a n i d
ng langis at natural gas, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa
buong daigdig.
a. Brunei c. Singapore
b. Malaysia d. Indonesia
4. Anong bansa sa Silangang Asya ang kapos sa mga likas na yaman
subalit isa sa nangunguna sa Industrialisasyon at modernisasyon
sa buong mundo?
a. China b. Japan c. South Korea d. Taiwan
5. Bansa sa Kanlurang Asya na pinakamalaking tagapagluwas ng
petrolyo sa buong daigdig.
a. UAE b. Iran c. Saudi Arabia d. Iraq

VII. Susi sa Pagwawasto


Gawain 1: Pagsusuri sa larawan!

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 2: Sama-sama, Tuklasin, Yaman ng Asya!

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 3: Balitaan

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 4: I-diyaryo mo!

(Magkakaiba ang outputs)

Gawain 5: Pagpipilian

1. b

2. d

3. d

4. b

5. c

VIII. Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan 7
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 36-44

Modyul sa Sariling Pagkatuto sa


Araling Panlipunan 8
Pahina 36-44

Name of Writer: RICHARD JUNE A. ALBAR


School/Station: AGUSAN NATION HIGH SCHOOL
Division: BUTUAN CITY
Contact Information: 09171189405

12 |P a n i d
Names of the QA Team:

DANAH G. ACLAO
Teacher-I
AMBAGO INTEGRATED SCHOOL

JONNHA MAY DE JESUS


Teacher-I
WEST INTEGRATED SCHOOL

ALVIN S. GULTIA
Teacher-I
MAIBU NATIONAL HIGH SCHOOL

HAZEL RANARIO
Teacher-I
BUTUAN COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

IRWIN T. FAJARITO
Teacher-III
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

JOHNFECAR MAESTRADO
Teacher-III
BUTUAN CITY SCHOOLS OF ARTS AND TRADES-MAIN

NOEL A. OROPA
Teacher-III
TALIGAMAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARINA B. SANGUENZA, PhD


Aral Pan Dept Head
Agusan NHS

CARLOS C. CATALAN JR.,PhDM


EPS –Araling Panlipunan
DIVISION OF BUTUAN CITY

13 |P a n i d

You might also like