You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 7
KWARTER 1, IKALIMANG LINGGO
LINGGUHANG GAWAING PAGKATUTO BLG.5
YAMANG LIKAS AT ANG MGA IMPLIKASYON NG
KAPALIGIRANG PISIKAL SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
NOON AT NGAYON.
Pangalan: __________________________________ Pangkat at Baitang: _________________
Paaralan: _______________________________________________ Petsa: _________________

I. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal
sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon. AP7HAS-If1.6

Layunin:
4. Nakapagsusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal
sa pamumuhay ng mga Asyano noon.
5. Nakapagsusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang
pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano ngayon.
6. Nakapagpangangalaga sa mga yamang Likas ng Asya sa pamumuhay
ng mga tao sa pamamagitan ng konserbasyon na likas yaman.

II. Pangunahing Konsepto


Mahalaga sa pag-unlad ng Asya ang mga likas na yamang
matatagpuan dito, kinakailangang linangin ang mga ito upang magpatuloy
ang magagandang idinudulot ng mga ito sa kontinente. Iba’t ibang hakbang
ang isinasagawa ng mga bansang Asyano upang maisakatuparan ito kagaya
ng mga pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman, pakikipagtulungan sa
bawat isa at pagpapatupad ng mga patakaran hinggil sa mga likas na
yaman.

III. Pinatnubayang Pagsasanay


Gawain 1: Pagbuo ng Paglalahat
Bumuo ng isang paglalahat sa natalakay sa MELC week-4 kaugnay sa
mga likas na yaman sa yamang kapaligiran ng bawat rehiyon sa Asya.

1|Panid
Silangang Asya:

Timog Asya:

Timog-Silangang Asya:

Kanlurang Asya:

2 |P a n i d
Gawain 2: Pagpapatibay ng Opinyon

Naniniwila ka ba na napagtitibay ng uri ng kapaligiran ang


pagpapahalaga at tibay ng isang pangkat ng tao? Patunayan ang iyong sagot
sa pamamagitan ng ilang ebidensiya.

Mga Ebidensiya:
 _____________________________
_____________________________
_____________________________
 _____________________________
_____________________________
_____________________________
 _____________________________
_____________________________
_____________________________

IV. Malayang Pagsasanay

Gawain 3: Paglinang sa Likas na Yaman


Maraming organisasyong nagsasagawa ng mga pag-aaral at
pagpapakilala sa mga bagong kaalaman na makatutulong sa pamumuhay
ng tao. Ilan sa mga ito ay ang International Center for Agricultural Research
in the Dry Areas o ICARDA, International Livestock Research Institute o
ILRI, International Rice Research Institute o IRRI, at World Fish. Bukod sa
mga nabanggit, nagsasagawa rin ng mga pag-aaral ang iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, akademiya, at pribadong sektor. Sa Gitna at Kanlurang Asya,
pinag-aaralan kung paano mapabubuti ang lahi ng mga pananim kagaya ng
palay, trigo, barley, at garbonsos upang mabuhay ang mga ito sa malamig o
mainit na klima at maalat na lupain. Ipinapakilala rin ang mga ligtas ma
pestisidyo upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at peste sa mga pananim.
Sa Timog Asya, ang maayos na pangangasiwa ng tubig, maingat na
pangangalaga sa mga isda, pagpapakilala sa genetically-improved farmed
tilapia o GIFT, at pagsunod sa wastong paraan ng pagpaparami ay kabilang
sa pinag-aaralan kung paano mapabubuti ang lahi ng mga isdang inaani sa
rehiyon. Karamihan ng mga bansa sa rehiyon ay may mga sangay ng
pamahalaan na tinaguriang National Oil and Gas Companies o NOGC na
nangangasiwa sa produksiyon, distribusyon at paghahanap ng mga
panibagong pagkukunan ng yamang langis.
Kasabay ng pagtuklas ng mga ng mga bagong kaalaman,
nagtutulungan din ang mga bansang Asyano upang maging komprehinsibo
ang paglinang sa mga likas na yaman. Sa Silangang Asya, halimbawa, ang

3 |P a n i d
mgagandang bunga ng mga pag-aaral sa palay katulad ng pagpapakilala sa
mga lahing Hybrid at Tongil sa China at South Korea, at ang mataas na
produksyon sa bansang Japan ay dulot ng pinagsamang pagsisikap at
pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng IRRI at mga lokal na
institusyong pang-agrikultura ng mga bansang nabanggit. Nagkakaisa
naman ang mga bansa sa Gitnang Asya sa layuning palakasin ang
industriya ng pangingisda. Binuo ang Central Asia Program for Fishieries
ang Aquaculture Development upang tugunan ang mga suliranin hinggil sa
suplay ng pagkain at kabuhayan ng mga mamamayan ng rehiyon. Isang
halimbawa ng mga gawainng programa ay ang pangangasiwa ng mga
pagsasanay at lakbay-aral upang ipalaganap ang mga kaalaman ukol sa
pakain ng isda, kalakalan at pamumuhunan sa industriya ng pangingisda,
at iba’t ibang teknolohiya na makatutulong sa paraan ng pangingisda.
Nagpapatupad naman ng iba’t ibang patakaran ang mga bansang
Asyano na nagsisilbing patnubay sa pagkakamit ng kani-kanilang mga
layunin sa usapin ng likas na yaman. Sa Timog-Silangang Asya, may mga
batas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga yamang mineral ng rehiyon
tulad ng 1995 Mining Act sa Pilipinas, 1994 Mines Law at 1996 Mines Rules
ng Myanmar, 2010 Mineral Law ng Vietnam. Layunin ng mga patakarang
nabanggit ang pagtataguyod ng responsableng pagmimina sa pamamagitan
ng makatarungang eksplorasyon, paggamit at pangangalaga sa mga yamang
mineral. Nagsisilbi rin itong proteksiyon laban sa posibleng pang-aabuso ng
mga namumuhunan sa industriyang ito dahil sa mga kondisyon at
limitasyong itinakda ng mga batas na ito. Samantala, maraming
pagbabagong ipinatutupad sa Silangang Asya tungo sa pagpapabuti ng
sektor na pang-agrikultura. Halimbawa, inilunsad sa Japan noong 2010 ang
sistemang nagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga magsasakang may
mataas na produksiyon ng pananim na kapantay o lumagpas sa itinakdang
bilang. Malaki rin ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa mga
proyektong impraestraktura at irigasyon na makatutulong sa
pagapapayabong ng sektor.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong hakbang ang ginagawa ng mga bansang Asyano sa paglinang
ng mga likas na yaman na ito? Magbigay ng tig-isang konkretong halimbawa
ng gawain para sa bawat kategorya ng likas na yaman. (5 puntos)

2. Para sa iyo, aling organisasyon ang higit na nakakatulong sa paglinang ng


mga likas na yaman? Bakit? (5 puntos)

4 |P a n i d
3. Bakit mahalagang linangin ang mga likas na yaman? (5 puntos)

V. Aplikasyon
Gawain 4: Isagawa mo!
Bilang isang Pilipino o Butuanon na mag-aaral, sa anong
pamamaraan mo malinang at mapreserba ang mga likas na yaman sa ating
kapaligiran o/at sa bansa? Isawaga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng:
a. liriko/awit
b. tula
c. poster
d. slogan
e. Video-blog
Pumili lamang ng isang gawain na nakapagbibigay interes sa iyo.
Rubrik sa Gawain
Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
Kalidad ng Paggawa 20
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 50

VI. Pagtataya
Gawain 5: Pagpipilian

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin ang tamang pamamaraan sa pangingisda?


a. Paggamit ng Dinamita
b. Paggamit ng Lambat
c. Paggamit ng Lason
d. Paggamit ng Ilaw
2. Anong uri ng lambat ang kailangan sa paghuli ng isda?
a. Lambat na may maliliit na butas

5 |P a n i d
b. Lambat na may katamtamang butas
c. Lambat na walang butas
d. Lambat na malalaki ang butas
3. Halos wala ng mga puno sa kagubatan. Ano ang iyong maitutulong
upang masolusyunan ito?
a. Magdasal
b. Huwag magsayang ng pagkain
c. Magtanim uli ng halamang puno.
d. Putulin ang mga natitirang punong-kahoy.
4. Bilang isang Batang-Pilipino, alin sa mga ito ang maaari mong
gawin habang pinapatupad ang enhanced community quarantine
bilang tanda ng pag-alaga sa likas na yaman?
a. Sumama sa “tree planting activity”.
b. Gumawa ng “craft” mula sa bote sa loob ng inyong bahay.
c. Sama-samang Linisin ang kanal ng inyong Baranggay.
d. Magkakaroon ng sama samang pagpupulong sa paglinis ng kalye
sa inyong lugar.
5. Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at
pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?
a. Labis na pagpuputol ng mga puno
b. Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan.
c. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
d. Pagmamalabis na pagkuha ng mga yamang mineral sa
kapaligiran.

VII. Susi sa Pagwawasto


Gawain 1: Pagbuo ng Paglalahat

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 2: Pagpapatibay ng Opinyon

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 3: Paglinang sa Likas na Yaman

(Magkakaiba ang sagot)

Gawain 4: Isagawa mo!

(Magkakaiba ang outputs)

Gawain 5: Pagpipilian

1. b

2. b

3. c
VIII. Sanggunian
4. b

ASYA: Pagkakaisa
5. a sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan 7
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 36-44

Modyul sa Sariling Pagkatuto sa


Araling Panlipunan 8

6 |P a n i d
Pahina 36-44

Name of Writer: RICHARD JUNE A. ALBAR


School/Station: AGUSAN NATION HIGH SCHOOL
Division: BUTUAN CITY
Contact Information: 09171189405

Names of the QA Team:


DANAH G. ACLAO
Teacher-I
AMBAGO INTEGRATED SCHOOL

JONNHA MAY DE JESUS


Teacher-I
WEST INTEGRATED SCHOOL

ALVIN S. GULTIA
Teacher-I
MAIBU NATIONAL HIGH SCHOOL

HAZEL RANARIO
Teacher-I
BUTUAN COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

IRWIN T. FAJARITO
Teacher-III
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

JOHNFECAR MAESTRADO
Teacher-III
BUTUAN CITY SCHOOLS OF ARTS AND TRADES-MAIN

NOEL A. OROPA
Teacher-III
TALIGAMAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARINA B. SANGUENZA, PhD


Aral Pan Dept Head
Agusan NHS

CARLOS C. CATALAN, PhDM


EPS –Araling Panlipunan
DIVISION OF BUTUAN CITY

7 |P a n i d

You might also like