You are on page 1of 9

SUMMATIVE TEST 4

Araling Panlipunan 7 Quarter 2


(Week 8)

Pangalan: ________________________________________________ Iskor : ___________

I. Panuto: Basahin ng may pag-uunawa ang bawat aytem. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Isa ito sa mga mahahalagang kontribusyon ng mga sinaunang lipunan na


naging batayan ng numero 60 sa pagbibilang. Ano ang tawag sa
sistemang ito?
a. Sexagesimal
b. Sexagonal
c. Sexismo
d. Sexiginal

2. Isa ito sa mga kontribusyon na nagmula sa Kanlurang Asya. Naging


madali ang paglalakbay at gawain gamit ang pamanang ito.
a. Gulong
b. Goma
c. Ginto
d. Gatong

3. Ano ang tawag sa kagamitang nagpapabilis ng sistema ng pagtatanim na


nagmula sa Kanlurang Asya?
a. Auto
b. Araro
c. Alibata
d. Abaka

4. Itinuturing na isa sa pinakadakila at pinakamahalagang akdang


pampanitikan sa mundo na nagmula sa Timog Asya.
a. Sanskrit
b. Rig Veda
c. “Rama’s Way”
d. “The Great Story of the Bharatas”

5. Ano ang katagang maidugtong sa pangungusap tungkol sa mga


kontribusyon ng mga sinaunang lipunan? “Ang mga kontribusyon ng
mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya ay mga pundasyon sa mga
kaalaman upang magkakaroon ng mas makabago at __________ na
pamumuhay ang panahon ngayon.”
a. Maunlad
b. Matahimik
c. Masaya
d. Masagana

6. Ano ang pagkakaiba ng mga mongheng Vietnam at kababaihan sa India


na na nagsusunog ng kanilang sarili?
a. Para sa mga mongheng Vietnam, ang pagsusunog ng kanilang
sarili ay isang protestang pulitikal samantala para sa mga
kababaihan sa India ang pagsunog sa katawan ay paniniwalang
espiritwal.
b. Ang mga mongheng Vietnam ay naniniwala sa espirituwal na
kaluwalhatiian samantalang ang mga kababaihan sa India ay
naniniwalang magkakaroon ng pantay-pantay na karapatan.
c. Pinaniniwalaan na ang mga mongheng Vietname ay magkakaroon ng
kalayaan sa karapatang pulitikal samantala ang mga kababaihan
naman sa India ay magkakaroon ng Kalayaan sa pagpili ng antas sa
lipunan.
d. Dahil sa ipinagkait ng pamahalaang Vietnam ang karapatan ng mga
monghe na bumoto, kailangan nilang sunugin ang sarili samantala sa
ang mga kababaihan naman sa India ay nagpapakita ng kalayaang
pumili tungkol sa kanilang sarili.

7. Bakit mahalagang pahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga


sinaunang lipunan at komunidad sa Asya?
a. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya ang daan sa kasaganaan sa kasalukuyang panahon.
b. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa
Asya ang nag-uugnay ng mga tao noon at ngayon.
c. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa
Asya ang nagbibigay kaalaman upang makamit ng mga tao ang
kasaganaan ngayon.
d. Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa
Asya ang nagpagising sa makabayang damdamin upang ipaglaban
kung ano man ang karapatan natin bilang isang tao.

8. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapahayag na ang “The


Pillow Book” na sinulat ni Makura no soshi ay itinuturing bilang isang
mahalagang primaryang sanggunian tungkol sa buhay ng mga Hapones?
a. Dahil dito nakasulat ang mga anekdota, obserbasyon, saloobin, at
tala sa talaarawan ni Sei Shonagon.
b. Dahil dito nakasukat ang lahat ng mga anekdota, obserbasyon,
saloobin, at tala sa lataarawan ni Sei Shonagon.
c. Dahil nakapagtatag ito ng isang kultura sa pamayanan ng mga
Hapones.
d. Dahil ang aklat na ito ang nangibabaw ang nabuong mga pahayag ni
Sei Shonagon para sa mga Hapones na pamumuhay.

9. Bakit itinayo ang Great Wall of China?


a. Upang proteksiyon laban sa pamumuhay na nagawian ng mga Tsino.
b. Ito ang sistemang military na nagpatatag ng mgs dinastiyang
sumakop sa bansang Tsina.
c. Dinisenyo upang maging pananggalang laban sa mga tribog
lagalag mula sa hilaga ng China.
d. Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng pag-unlad ang bansang Tsina
sa kanilang kultura at paniniwala.

10. Bakit nagkakaroon ng “Apat na Dakilang Imbensiyang Tsino”?


a. Dahil ang papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic compass
ay pangunahing imbensiyang nagbunsod ng kasaganahan sa bansa.
b. Dahil ang papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic compass
ang daan upang magkakaroon ng koonyalismo ang bansa.
c. Dahil ang papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic compass
ang tulay upang magkakaroon ng paglaki ng populasyon ayon sa
kakayahan ng mga Tsino.
d. Dahil ang papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic
compass ay mga mahahalagang kagamitan upang mapalawak ang
teritoryo ng Tsina.

11. Karamihan sa mga mag-aaral sa Agusan Pequeno National High School


ay lumiliban sa klase kung ang panahon ay tag-ulan dahil karamihan sa
kanila ay lumalakad lamang patungong paaralan. Batay sa pamana ng
mga sinaunang lipunan, ano ang angkop na kagamitan na maaaring
maging dahilan upang maiwasan ang pagliban sa klase kung tag-ulan?
a. Gulong
b. Araro
c. Papel
d. Magnetic compass

12. Si Mang Juan ay isang mahirap na magsasaka sa Lungsod ng Butuan.


Dahil iniwan siya ng kanyang pamilya, nagkakaroon siya ng isang
matinding karamdaman. Ang karamdaman na ito ay hindi lamang sa
pisikal na aspekto pati na rin sa emosyonal at psychological na bahagi ng
kanyang buhay. Kung gagamutin si Mang Juan batay sa Ayurveda, ano
ang HINDI angkop na gamutan para sa kanya?
a. Gamutin si Mang Juan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga
emosyonal na balakid at tanggapin kung ano man ang kalagayan sa
ngayon.
b. Iwasan ang pag-inom ng gatas habang kumakain ng mga labanos,
mga kamatis, patatas, saging, karne, isda, itlog, prutas na sitrus,
melon, tinapay, o seresa.
c. Hahanapin ang pamilya at ibuhos ang galit at sakit na
nararamdaman sa puso.
d. Patatawarin ang sarili.

13. Sa iba ay mga halimbawa ng mga desinyong kadalasang ginagamit sa


aralin ng Matematika. Sa anong konsepto angkop ang mga halimbawang
ito?

a. Sukgisan o geometry
b. Pilosopiya
c. Antropolohiya
d. Pisika

14. Si Filemon ay isang manlalakbay galing sa bansang Fiji. Sa kalagitnaan


ng kanyang paglalakbay sa karagatan ay may malaking alon na
humampas sa kanyang yati na naging dahilan ng pagkawasak ng ibang
mahahalagang kagamitan panglakbay lalong lao na ang radio signal na
nagbibigay sa kanya ng direksiyon ng kanyang paroroonan. Sa anong
paraan malalaman at mararating ni Filemon ang tamang direksiyon ng
paroroonan?
a. Paggamit magnetic compass
b. Paggamit ng protractor
c. Paggamit ng relo
d. Paggamit ng pulbura

15. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng


mga sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay batay sa kasaysayan na
naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng
paniniwala nila ang suttee o sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae
sa apoy nang sinusunog na asawang lalaki. Bahagi rin ng kulturang
India na, maaari lamang kumain ang babaeng asawa kung tapos ng
kumain ang kaniyang asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtingin ito
sa mga kababaihan?
a. Hindi pinagkakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at
kasanayan sa buhay.
b. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa
lipunan.
c. Hindi pinagkakalooban ng langit ang mga kababaihan na mamumuno
sa lipunan.
d. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at
limitado ang kanilang mga karapatan sa lipunan.

Basahin ang kwento sa ibaba bilang isa mga mga mahahalagang pamana
ng sinaunang lipunan sa bansa.

16. Batay sa kwento, ano ang pinaniniwalaan ng may-akda na


naaayon sa kahalagahan ng kontribusyon nito sa ating lipunan?
a. Naniniwala ang may-akda na sa anumang gawain, ang taimtim na
dedikasyon at pagmamahal ang papairalin.
b. Naniniwala ang may-akda na ang katapangan ng isang tao ang maging
susi sa maunlad na hinaharap.
c. Naniniwala ang may-akda na ang isang bagay na mahalaga ay
kailangan pag-ingatan.
d. Naniniwala ang may-akda na ang minimithing Kalayaan ang mag-
udyok sa isang tao upang ibigay kahit ang buhay.

17. Alin sa mga sumusnunod na analohiya ang may ugnayan sa bansa


at kontribusyon?
a. Japan: self-immolation
b. Tsina: Great Wall
c. India: two-child policy
d. Arabo: suttee

18. Alin sa mga sumusnunod na analohiya ang may ugnayan sa bansa


at kontribusyon?
a. Afghanistan: Burka
b. Vietnam: Kimono at Obi
c. Pilipinas: Acupuncture
d. Korea: Tea ceremony

19. Kumpletuhin ang cyclechart ng mga kontribusyon sa Silangan


Asya.

Acupuncture

?
Kontribusyon ng Civil Service
Silangang Asya Examination

Pagpipilian:

i. Diborsyo
ii. Tanka
iii. magnetic compass
iv. Sanskrit
a. i at ii
b. ii at iii
c. iii at iv
d. iv at i
20. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag sa larawan?

a. Sinasabi na ang mga ninuno ng mga Hapon


ay angkan ng mga Diyos.
b. Sa ipinakita rito ang ugnayan ng tao at
kapaligiran.
c. Ang angking talion ng mga Hapon ay
nagmula sa kalangitan.
d. Ang babaeng nasa larawan ay ang sistemang
kolonyalismo sa Japan.

21. Ang larawan sa ibaba ay isa sa mga kinagigiliwang alamat ng


mga Pilipino. Ano ang angkop na pamagat nito?

a. Ang Alamat ng Ulan


b. Ang Alamat ng Bahaghari
c. Ang Alamat ng Kahoy
d. Ang Alamat ng Ulap

22. Paano nakaaapekto sa lipunan at kultura ang paniniwala at


tradisyon ng mga bansa sa Asya?
a. Ito ang nagiging gabay sa pagkamulat ng wastong kagawian bilang
isang mamamayan ng bansa.
b. Naging balakid ang bawat paniniwala sap ag-unlad ng bawat
mamamayab.
c. Isang simbolo ito ng pagkakaisa at pagkawatak-watak ng paniniwala.
d. Lumawak ang impluwensiya ng bansa dahil sa paniniwala at
tradisyon nito.
23. Naging makatarungan ba ang paggamit ng mga pulbura sa
kasalukuyang panahon?
a. Ang imbensiyon ng pulbura ang naging hudyat upang sakupin ng
mga Kanluranin ang Asya.
b. Ang paggamit ng pulbura ang naging sandata upang ipagtanggol
ang bansa laban sa mga mananakop nito.
c. Marami sa mga mamamayan sa bansa ang nawalan ng buhay dahil
sa hindi wastong paggamit ng pulbura.
d. Walang silbi ang pulbura kung ang bawat mamamayan ay hindi
mabigyan ng karapatan na gamitin ito.
24. Basahin at unawin ang tanyag na pahayag ni Dr. Jose Rizal
tungkol sa pagmamahal sa sariling wika na ipinapakita sa ibaba.
Karapat-dapat bang tularan ang ipinahihiwatig na mensahe nito?

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika


Ay higit pa sa hayop at malansang isda”

a. Hindi. Ang taong kulang ng kaalaman sa wikang Filipino ay makikita


sa kanilang gawa.
b. Hindi. Kinakailangan ang masusing karunungan sa wika upang
matawag tayong mga Pilipino.
c. Oo. Ang wika ay kayaman ng isang bansa kaya sa paggamit nito
maipapakita ang tunay na pagmamahal sa bansa.
d. Oo. Ang pagmamahal sa wika ang tulay sa pagkakaisa at kasarinlan
ng mga tao at tulay tungo sa tagumpay ng bawat Pilipino.

25. Bigyang-diin natin ang pahayag ni Labor and Employment


Secretary Silvestre H. Bello III na mas pinaganda at mas pinaayos pa ang
serbisyo at programa ng pamahalaan para sa benepisyo at pagpapagaan
ng buhay ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) ngayong taon.
Subalit hindi lingid sa ating kaalaman na marami pa ring pang-aabuso
ang nagaganap sa kanila sa kamay ng kanilang mapag-abusong amo.
Sapat na ba ang ginawang pagbabago ng pamahalaan upang mabigyang
proteksiyon ang ating mga OFW?
a. Mas kinakailangan ang pagpataw ng malaki at matataas na buwis
upang makatulong sa paghihirap ng bansa.
b. Dapat magkakaroon ng mahigpit na batas at programa na
nagbibigay proteksiyon laban sa mga mapag-abusong mga amo.
c. Binibigyan ng livelihood program ang mga naiwang mga anak
upang may kasiguraduhang makapagtapos ng pag-aaral.
d. Hindi lamang pinansiyal na tulong ang ipamimigay sa kanila, pati
na rin nag psychological assistance dahil sa dulot ng pang-aabuso.

II. Para sa bilang 26-30. Dugtungan ang bawat aytem ayon sa


kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at
komunidad sa Asya at sa ngayong lipunan.
A. Ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan ang nagbibigay
kaalaman sa bawat mag-
aaral_________________________________________.
B. Ang kahalagahan ng paggamit ng papel na natuklasan ng mga Tsino
ay _________________________________________________________.
C. Sa panahon ng pandemya ay naging libangan na ng mga
mamamayan ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman. Isa na
rito ang Bonsai o ang pagpapatubo ng binansot na punongkahoy sa
mababaw na paso. Ang pag-aalaga ng Bonsai ay nagbibigay
kasiyahan sa mga
_____________________________________________________________________
__.
D. Ang Civil Service Examination o pagsusulit para sa mga nais
manilbihan sa pamahalaan ay mapapahalagahan sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________
__.
E. Ang koneptong Feminista o ang sistema ng paniniwala at teoryang
nagbibigay ng mahalagang pagtingin sa karapatan ng mga
kababaihan ay dapat na ipapatupad at gawing batas upang
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

God bless!

Inihanda ni:

MARY GRACE J. ALLEN


SST-I
Agusan Pequeňo National High School
Brgy. Agusan Pequeňo, Butuan City

You might also like