You are on page 1of 2

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN

Pangalan: __________________________________________________________ Iskor: ______

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Isulat sa nakalaang patlang ang napiling sagot.

_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga hanapbuhay ng
Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may kaugnayan sa hanapbuhay
na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma
_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban
dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong uri ng mineral ang
mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso
_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at
napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
b. palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga produktong
palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Ano
ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka
______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng
isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng
likas na yaman sa ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang
c. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay
nagmumula sa pagsasaka
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales na panustos sa kanilang pagawaan
_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan ng
mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man,
kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang
mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang
bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman
upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman
upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga
yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin
_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang
kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa
pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at
pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong
pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?
a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang
pangangailangan ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya
at maghanapbuhay na lamang
_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan Plain. Alin sa
mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal
_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring
matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin
itong isa sa mayamang rehiyon sa Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa
Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa
ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na natatanggap ng
mga bansa sa Kanlurang Asya
_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang mga bansa
sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang pangangailangan ng
mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang dalampasigan
nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog
Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa
daigdig

You might also like