You are on page 1of 4

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan : ________________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakaangkop


na sagot mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

_____1. Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga
hanapbuhay ng Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may
kaugnayan sa hanapbuhay na ito?
a. wool b. caviar c. jutes d. goma

_____2. Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban dito may
yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong
uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso

_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at


napakahalagang butil pananim ang palay?
a. maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barleyb. palay ang pangunahing pagkain ng
mga tao sa Timog-Silangang Asya
c. sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
d. galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito

_____4. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga
produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga
naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag na magsasaka

______5. Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng isang
bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa
ekonomiya?
a. ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
b. ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay nagmumula sa
pagsasaka
c. may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay
lamang
d. marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na
panustos sa kanilang pagawaan

_____6. Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay


napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa
mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang
kabuhayan?
a. pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula
sa ibang bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas
b. ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas
yaman upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito
c. magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas
na yaman upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito
d. hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang
ng mga yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin

_____7. Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang kalupaan. Naging
dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa pagsasaka at iba pang gawaing
agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at
pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong pamilya upang
patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?

a. makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman


b. hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya
c. humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang pangangailangan
ng pamilya
d. tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya at
maghanapbuhay na lamang

_____8. Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan


Plain. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng
Timog Asya?
a. pagmimina c. pagpapastol
b. pagsasaka d. pangangalakal

_____9. Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang


lupang maaaring matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong
agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong isa sa mayamang rehiyon sa Asya?
a. dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
b. dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa Pandaigdigang Pamilihan
c. dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa ekonomiya nito
d. dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na natatanggap ng mga bansa sa
Kanlurang Asya

_____10. Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang
mga bansa sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang
pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?
a. sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang
dalampasigan nito
b. sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog Asya
c. sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa Timog Asya
d. sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa
daigdig

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba at unawain ang nais ipahiwatig nito.)


_____11. Paano nakakaapekto ang larawan sa itaas sa pamumuhay ng mga
Asyano?
a. natutustusan nito ang pangangailangang pinansiyal ng mga mamamayang Asyano
b. nagpapakita ito ng ebidensiya na napakayaman ng kontinente ng Asya
c. bagamat ito ay may naitutulong sa pamumuhay ng mga Asyano, maaari itong magdulot ng pagkaubos
ng likas na yaman
d. makakaapekto ito ng malaki sa mga mahihirap na mamamayan sapagkat ang mga mayayamang
mangangalakal lamang ang nakikinabang

(Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Gawing itong batayan sa pagsagot sa


susunod na tanong.)

_____12. Batay sa larawan, ano ang kapakinabangang makukuha ng mga Asyano


sa kanilang mga yamang tubig?
a. ito ay magdudulot ng mga suliranin tulad ng pagbaha
b. ito ay maaaring mapagkunan ng pagkain at hanapbuhay
c. ito ang nagiging pangunahing industriya ng mga mahihirap na mga bansa
d. ito ang natatanging pinagkukunang yaman ng mga mahihirap na bansa

_____13. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa ay nagmumula sa pagsasaka.


Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan ang mga
pangangailangan ng bansa ngunit ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
nagdudulot ng suliranin ng kakulangan. Anong pakikiangkop ang ginagawa ng
bansa upang mapalaki ang produksiyon nito?
a. pagpapakilala ng family planning sa mga mamamayan
b. paghihikayat sa mga mamamayan ng urban/backyard gardening
c. paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki ang produksiyon
d. pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo

_____14. Ang pag-iral ng suliraning dulot ng COVID-19 sa kasalukuyan ay may


malaking epekto sa yamang lupa ng ating bansa tulad sa industriya ng pagsasaka.
Naging mahirap sa mga magsasaka ang pagbebenta at pagdadala ng kanilang mga
produkto sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang
sa hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga
magsasaka?
a. pagtatalaga ng mga mobile market na siyang nagdadala ng mga produkto sa mga pamayanan
b. paglulunsad ng Online Market and Delivery upang mas maging madali ang pamimili ng mga
mamamayan
c. pag-aangkat ng mga lokal na pamahalaan sa mga produkto ng mga magsasaka upang ibahagi sa mga
mamamayan bilang ayuda ng pamahalaan
d. paghihikayat sa mga magsasaka na ibahagi o ipamigay na lamang ang kanilang aning produkto upang
hindi ito masira at mabulok

_____15. Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng


COVID-19 na lumilimita sa paggalaw ng tao. Ang suliraning ito ay nagdudulot ng
limitasyon ng mga mamamayan sa pagkuha ng pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang kahit
papaano ay matugunan ang inyong pangangailangan?
a. pangangampanya sa social media para sa agarang ayuda mula sa pamahalaan
b. pakikipag-uganayan sa mga non-government organization na nagbibigay ng food packs
c. pagbabadyet ng inyong konsumo sa araw-araw upang hindi kaagad maubos ang pagkain
d. paghihikayat sa inyong mag-anak na magtanim ng mga gulay na madaling anihin sa bakuran o
backyard gardening

16-20. Ilarawan ang likas na yaman sa Pilipinas at magbigay ng sitwasyon kung saan ang likas na yaman
ay nakaka apekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.

You might also like