You are on page 1of 5

Department of Education

Region III – Central Luzon


SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
PASAY CITY NORTH HIGH SCHOOL
Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9
(EKONOMIKS)
SY 2022-2023
PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat panguPPngusap at tukuyin ang sinasaad. Piliin ang
tamang sagot at itiman ang bilog ng iyong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng
pamumuhay.
A. Pagsulong B. Pag-unlad C. Inobasyon D. Kabuhayan

2. Ang mga sumusunod na palatandaan ay makikita sa mauunlad na bansa maliban sa:


A. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
B. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
C. Patuloy ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
D. Malaking porsiyento ng mga mamamayan ay may disenteng pinagkukunan ng pangkabuhayan.

3. Ang mga mamumuhunan ay nagnanais na makalikha ng maraming produkto at nangangailangan ng mga


makabagong teknolohiya upang tumaas ang antas ng produksyon. Ano ang tawag sa resulta ng prosesong ito?
A. Pagsulong B. Teknolohiya C. Inobasyon D. Pag-unlad

4. Ang mga sumusunod na salik ay nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa maliban sa:
A. Teknolohiya at inobasyon B. Imprastraktura C. Yamang-tao D. Likas na yaman

5. Isa sa napakahalagang salik ng pagsulong ng isang bansa ang yamang-tao, paano ito nakatutulong sa pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Nakabatay sa laki ng populasyon ang dami ng manggagawa na nagdudulot ng pag-unlad ng bansa.
B. Ang tao ay itinuturing na pasanin ng gobyerno kung patuloy ang paglaki ng populasyon nito.
C. Ang tao ay walang direktang kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang kasanayan ng tao ang gumaganap ng mahalagang papel upang makalikha ng mas maraming output.

6. Ang tao ang itinuturing na pinakamahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ano ang angkop na
paliwanag ukol dito?
A. Dahil sa kanilang pamumuhunan sa ating bansa, nagdudulot ito ng empleyo sa bansa.
B. Dahil ang tao ang nakikinabang sa pag-angat ng ekonomiya.
C. Dahil sa kanilang kasanayan, abilidad at kakayahan sa paglinang ng pinagkukunang-yaman.
D. Dahil ang tao ang namamahagi ng mga pinagkukunang-yaman.

7. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at serbisyo upang ibenta at
layunin nitong kumita o tumubo.
A. Pagnenegosyo C. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan
B. Pakikipagkaibigan D. Pagdalo sa mga pagtitipon

8. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at pinanggagalingan ng malaking pondo ng


pamahalaan upang makapagbigay ng mga serbisyong panlipunan.
A. Pagnenegosyo B. Pagbubuwis C. Pagsali sa mga organisasyon D. Pamumuhunan

9. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging mapanagutan ng mamamayan?
A. Pagboto nang tama C. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Pagbili ng lokal na mga produkto D. Pakikilahok sa pamamahala

10. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?


A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato
B. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng karapat-dapat na maging pinuno
C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan
D. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar

11. Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?


A. Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan
B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan
C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral
D. Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan
ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit

13. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang makatutulong sa
agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmimina B. Pangingisda C. Paggugubat D. Paghahayupan

14. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula
sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).
A. komersyo B. aquaculture C. municipal D. wala sa nabanggit

15. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito ay
maging isang produkto?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sector

16. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga,
tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor ng agrikultura?
A. Paghahayupan B. Pangisdaan C. Paghahalaman D. Paggugubat

17. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ay mga kalabaw, baka, kambing, baboy,
manok at bibi o pato?
A. Paghahayupan B. Pangisdaan C. Paghahalaman D. Paggugubat

18. Saang bahagi nabibilang sa sektor ng agrikultura ang pangunahing nakukuha dito ay mga yamang mineral,
yamang di-metal at enerhiya na matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan,
saang sektor ng agrikultura nabibilang?
A. Paghahayupan B. Pangisdaan C. Pagmimina D. Paggugubat

19. Dahil sa krisis na Covid_19 lubos na naaapektuhan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng pagkain, kaya naman ang mga mamamayan ay nagtanim ng mga gulay at prutas upang
matugunan ang pangangailangang pagkain sa araw araw. Ang gampaning ito ng mamamayan ay nabibilang sa
anong bahagi ng sektor ng agrikultura?
A. Paghahalaman B. Paghahayupan C. Pangingisda D. Paggugubat

20. Sina Mang Pedring, Mang Tomas at Mang Ador ay ilan lamang sa mga magsasakang nagbenta ng kanilang
lupang pansakahan na naging bahagi na ng subdivision. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa naging
dahilan nila sa pagkawala ng kanilang interes sa pagsasaka?
A. Climate Change.
B. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
C. Pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO).
D. Nahihirapang makipaglaban sa presyo ng produkto ng ibang bansa.

21.Ano ang mangyayari sa mga darating na panahon kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga
mangingisdang gumagamit ng malalaki at komersiyal na barko sa pangingisda na sumisira sa mga korales?
a. Lalong maghihirap ang mga mangingisda.
b. Magkakaroon ng kaguluhan sa hanay ng mga mangingisda.
c. Masisira ang mga korales na nagsisilbing pangitlugan ng mga isda.
d. Mauubos ang mga isda na pangunahing pagkain ng mamamayan.
22. May mga epekto ang pagkaubos ng kagubatan. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Lumalawak ang maaaring pagtaniman ng mga magsasaka.
B. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.
C. Nababawasan ang suplay ng hilaw na sangkap na gamit sa pabrika.
D. Pagkaubos ng watershed na nagsusuplay ng tubig sa irigasyon.

23. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa na
nagiging dahilan upang huminto at sa kalaunan ay ipagbibili nila ang kanilang lupang sakahan. Ang suliraning ito ay
bunga nang?
A. Pakikipagkalakalan ng bansa sa mga dayuhang bansa.
B. Panunuyo ng ating bansa sa iba pang mga bansa sa daigdig.
C. Pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO).
D. Pakikipagkaibigan ng ating bansa sa iba pang mga bansa sa daigdig.
24. Dahil sa pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon mabilis na nauubos ang likas na yaman.
Piliin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng maaaring maging bunga nito?
A. Pagkawala ng kagubatan.
B. Nagdudulot ng pagguho ng lupa.
C. Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil sa mataas na produksiyon.
D. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami.

25. Lubhang nakakaapekto sa bansa ang patuloy na epekto ng Climate Change. Upang maiwasan ang
pagbabagong ito sa klima, ano ang maaaring gawin?
A. Makiisa sa mga gawaing nangangalaga sa kalikasan.
B. Pagsunod sa mga polisiyang ipinatutupad hinggil sa Climate Change.
C. Pagkakaisa na iwasan ang nagpapalala sa Climate Change.
D. Pagsusog sa mga polisiyang ginawa laban sa Climate Change.

26. Si Andres, Berting at Minerva ay mga anak ng mga mangingisda sa Probinsiya ng Aurora, Albay at Batanes
na nagdesisyong pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran. Ang kanilang pakikipagsapalaran ay bunga ng?
A. Kahirapan Sa Hanay Ng Mga Mangingisda.
B. Pagsisikap Na Maiahon Sa Kahirapan Ang Kanilang Pamilya.
C. Kawalang Pag-Asa Na Maiahon Sa Kahirapan Ang Kanilang Pamilya.
D. Paghahangad na mabago ang estado ng buhay ng mga mangingisda.

27. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga batas at programang pang-agrikultura?


A. Nagbibigay ng proteksiyon sa mga magsasaka.
B. Nasisiguro ang kaayusan ng sektor ng agrikultura
C. Nagiging produktibo ang sektor ng agrikultura
D. Nagiging maayos at produktibo ang sektor ng agrikultura

28. Bilang isang mag–aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagpapalakas ng sektor ng
agrikultura?
A. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa sektor ng agrikultura.
B. Magprotesta sa kalsada para sa mga magsasaka.
C. Tangkilikin ang mga lokal na produktong agrikultural.
D. Mamigay ng mga brochure tungkol sa sektor ng agrikultura.

29. Naitatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) sa ilalim ng Batas
Republika Blg. 1160 upang mamahagi ng mga lupain. Kanino ipinamahagi ang mga ito?
A. mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan C. mga nagbubungkal ng lupa
B. mga preso na nakulong D. mga mahihirap na pamilya

30. Ang pagsasaliksik at pagtingin sa potensiyal na teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources
development ay ginagawa. Bakit ito ginagawa?
A. Upang mapayaman at maparami ang yamang–tubig
B. Magkaroon ng parangal sa ibang bansa
C. Makatulong sa pandaigdigang pananaliksik tungkol sa yamang tubig
D. Magkaroon ng malaking kita sa produksiyon ng isda

31. Ang mga sumusunod ay ang mga lupain na hindi sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program
MALIBAN sa:
A. Paaralan B. Watershed C. Sementeryo D. Mga bukirin

32. Bakit mahalaga mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nabibigyang pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan maayos na Sistema ng pautang, mga proyektong
pang-imprakstruktura, redistribusyon ng lupa at iba pa.
B. Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka
C. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sector ng agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit

33. Ano ang katangian ng mga Pilipino na labis na hinahangaan hindi lamang sa loob ng bansa lalo’t higit pa sa
ibang panig ng mundo?
A. Pagiging bukas at handa sa pagkatuto sa iba’t ibang kasanayan C. Pagiging maparaan
B. Kasipagan D. Lahat ng nabanggit
34. Ito ay isa sa mga sektor ng ekonomiya na umaalalay sa buong proseso ng produksiyon, distribusyon,
kalakalan at pagkonsumo sa loob at labas ng bansa.
A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor ng Paglilingkod
B. Sektor ng Industriya D. Impormal na Sektor

35. Ano ang pangunahing gampanin ng Sektor ng Paglilingkod?


A. Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal.
B. Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksiyon.
C. Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangilangan ng tao.
D. Magkaloob ng buwis sa pamahalaan.

36. Anong sektor ang kinabibilangan ng mga manggagawa na nagbibigay serbisyo sa transportasyon,
pananalapi, komunikasyon, media at serbisyo mula sa pamahalaan?
A. Sektor ng Agrikultura b. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Paglilingkod D. Impormal na Sektor

37. Ang mga pulis, guro, sundalo at lahat ng kawani ng pamahalaan ay kabilang sa anong subsector ng
paglilingkod?
A. Kalakalan B. Pananalapi C. Paglilingkod Pampribado D. Paglilingkod Pampubliko

38. Ito ay ang ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng paglilingkod na nangangasiwa at


sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyunal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng
mga serbisyong propesyunal sa bansa.
A. Professional Regulation Commission (PRC) C. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
B. Commission on Higher Education (CHED) D. Department of Labor and Employment (DOLE)

39. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa
kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. Impormal na Sektor

40. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng
pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na
paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod maliban sa isa.
A..Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang
bunga nito
B..Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata
C. Kakulangan ng mapapasukang trabaho
D..Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na pamamaraan

41. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong epekto ng impormal na sektor?
A. Pinatataas nito ang kita ng ating bansa
B. Pinalalakas nito ang lakas paggawa ng Pilipinas
C. Nakatutulong ito sa pagpaparami ng output na nalilikha ng bansa
D..Nililinang nito ang kakayahan ng mga mamamayan sa pagnenegosyo

42. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa walang pormal na dokumento na kailangan sa pagsasagawa ng
gawaing pang-ekonomiya?
A. Kalakalang panlabas C. Makroekonomiks
B. Impormal na sektor D. Sektor ng Ekonomiya

43. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa impormal na sektor?


A. Manggagawa B. Guro C. Doktor D. Illegal vendor

44. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa iba pang katawagan sa impormal na sektor?
A. Illegal workers B. Community C. Illegal identity D. Underground Economy

45. Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa sa daigdig.
A. Barter B. Import C. Export D. Kalakalang Panlabas

46. Ito ay tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan.


A. Kalakalan Panlabas B. Import C. Barter D. Export
47. Ito ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa ibang bansa.
A. Import B. Barter C. Export D. Kalakalang Panlabas

48. Kinikilala bilang global trading system.


A. World Trade Organization C. Executive Council
B. General Agreement of Tariffs D. Asia Pacific Economic Cooperation and Trade

49. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog – Silangang Asya.
A. Asia Pacific Economic – Cooperation (APEC)
B. Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN)
C. Executive Council
D. World Trade Organization

50. Bakit patuloy na lumalawak ang pakikipag – ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalan?
A. Dahil sa patuloy na pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng pag – export at import
B. Dahil sa pagsukat ng export at import
C. Dahil sa malaking kita ng bansa
D. Dahil sa malaki ang naaangkat at napagbibiling produkto

GODBLESS AND GOODLUCK!!!

Ma’am Rachell

You might also like