You are on page 1of 3

ARALIN

Sektor ng Agrikultura
G (4th Kwarter, Modyul 2)
*Basahin at unawain ang teksto sa pahina 365-380
Isaisip: Larawan. Kilalanin

Panuto: Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat gawaing nakapaloob sa sektor ng
agrikultura
.
Tayahin
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms
(CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa
pamahalaanna dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang
agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga
proyektong pangimprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit
2. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang paguusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga
lupain at hitik ang ating mga anyong- tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos
sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-
2010. Ano ang nais ipahiwatignito?
A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.
B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
C.Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sektor ng agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay
maging isang produkto?
A. agrikultura B. industriya C.paglilingkod D.impormal na sektor
4. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman ang
tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa
pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o
interaksiyon ng dalawangsektor?
A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya
ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman
ang kapitan ng industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang
sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
D.Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa
tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.
5. Nakakatulong sa pag supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
A. pangingisda C. paggugubat
B. paghahalaman D. paghahayupan
6. Tumutukoy sa pag aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa ibat ibang uri ng tubig
pangisdaan.
A. forestry B. farming C. aquaculture D. livestock
7. Tumutukoy sa uri ng pangisdaang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada
para sa sa mga gawaing pangkalakalan o pag nenegosyo.
A. komersyal B. municipal C. aquaculture D. freshwater
8. Tawag sa pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa
pagkasira ng natural na tirahan ng mga hayop at halaman.
A. subdivision B. conversion C. logging system D. forestry
9. Tawag sa ginagamit ng mga mangingisda na may malalaking lamabat na may pabigat, hinihila upang mahuli
ang lahat ng isadang madadaanan.
A. thrawl fishing C. aquamarine
B. dynamite fishing D. fishing vessel
10. Ito ay batas na nagbibigay proteksyon laban sa pang aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari
ng lupa sa mga manggagawa.
A. Batas Republika Bilang 1160 C. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
B. Agricultural Land Reform Code D. Atas ng Pangulo Blg. 27
11.Ito ay itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan
ng Pilipinas.
A. National Integrated Protected Areas System C. Philippine Fisheries Code of 1998
B. Sustainable Management Strategy D. Fishery Research Center
13.Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Noong
nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China.
Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang
ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong
Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi
makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng
pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw
na inilalahad sa
balita na ang ekonomiya ng bansa.
A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga
mamamayan.
B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa.
C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
D.Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP.
14. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga probinsya ang nakaasa sa agrikultura
para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagmimina C. paggugubat
B. pangingisda D. paghahayupan
15. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira
ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-tomarket road)
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

You might also like