You are on page 1of 5

Republic of the Philippines Score:

Department of Education
Region VII , Central Visayas
________/40
Division of Cebu Province
USMAD NATIONAL HIGH SCHOOL Parent’s Signature
Usmad, Argao, Cebu
______________

Araling Panlipunan 9
Fourth Quarter Examination

NAME:_______________________________Grade/Section:_____________ Date:_______
TEST I. Directions: Read each item carefully and write the correct answer before the number.

1. Ang mga sumusunod ay mga sektor ng agrikultura. Maliban sa isa, ano ito?
A. Paghahayupan B. Paghahalaman C. Pangisdaan D. Pagmamanupaktura
2. Bakit mahalaga para sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng sariling lupaing sakahan?
A. Mapapataas nito ang kita ng mga magsasaka.
B. Maiiwasan ang pagrarali ng mga magsasaka laban sa pamahalaan.
C. Maiiwasan ang pananamantala ng mga grupong makakaliwa (NPA) sa mga magsasaka.
D. Mapapataas nito ang suplay ng pagkain sa bansa
3. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa mga suliranin ng mga
magsasaka. Ano ang pinakamalaking dahilan nito?
A. Likas sa mga magsasaka ang pagiging pabaya.
B. Kawalan ng mga konsyumer sa mga produktong agrikultural.
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa mga pamilihan.
D. Hindi marunong mag-imbak ng kalakal ang mga magsasaka.
4. Noong 2008, umabot lamang sa 54.94 kilo ang per capita fish production ng bansa. Ano ang
pinakamabuting gawin ng pamahalaan upang malutas ang suliraning ito?
A. Magluwas ng isda sa ibang bansa.
B. Higpitan ang parusa laban sa iligal na paraan ng pangingisda.
C. Umangkat ng isda galing ibang bansa.
D. Pagbutihin ang distribusyon ng isda sa bansa.
5. Alin ang pinakaposibleng dahilan bakit patuloy ang pagliit ng kabuuang lawak ng mga lupang
bukiriin sa ating bansa?
A. Paglala ng problema ng desertipikasyon.
B. Paglipat ng mga magsasaka sa ibang trabaho.
C. Pagpapatupad ng pamahalaan sa reporma sa lupa.
D. Ginagawang mga subdivision ang mga dating sakahan.
6. Ano ang sektor na tumutugon sa mga pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksyon?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na Sektor
7. May makabagong paraan ng pagbibiyahe ng isda na natuklasan. Sa paraang ito, maaring umabot
ng buhay ang mga isda sa pamilihan. Paano makakatulong ang teknolohiyang ito?
A. Mapabubuti ang kalidad ng isda sa pamilihan.
B. Mapapabilis ang panghuhuli ng isda.
C. Bababa ang halaga ng isda sa pamilihan.
D. Mapaparami ang isdang nahuhuli ng mga mangingisda.
8. Target ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) ang pamamahagi sa mga magsasaka
ng 10.3 milyong ektarya ng lupa. Noong 1996, binago nito ang target sa 8.06 milyong
ektarya. Noong 2008, nagpasa ang Kongreso na bagong batas upang palawigin ang CARP.
Ano ang implikasyon nito?
A. May mga magsasakang nananatiling walang lupa noong 2003.
B. Nakikinabang ang mga magsasaka sa repormang agraryan.
C. Masigasig ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agraryan.
D. Nananatiling bigo ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agraryan.
9. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwiraan nangangalaga sa mga kapakanan ng mga
mangingisda sa bansa?
A. Philippines Rice Research Institute
B. Mines and Geo-Sciences Bureau
C. Philippine Coast Guard
D. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
10. Dahil sa naganap na malakas na bagyo sa bansa, ano ang pinakamalaking pinsala ang naidulot
nito sa sektor ng agrikultura?
A. Pagkasira ng malawak na lupaing pansakahan at mga palaisdaan.
B. Mabagal na sistema ng transportasyon.
C. Pagkasira ng mga tirahan ng ibon at hayop sa gubat.
D. Pagbaba ng kita ng mga mangingisda at magsasaka.
11. Alin sa mga sumusunod na lupain ang HINDI sakop ng CARP?
A. Mga pribadong lupa anuman ang nakatanim dito.
B. Lahat ng lupaing ideneklara bilang National Park.
C. Mga lupain na pagmamay-ari ng gobyerno na maaring sakahin.
D. Lahat ng lupang agricultural anuman ang tanim o tenyur.
12. Anong seKtor ang binubuo ng mga espesyalisasyon at gawaing pamproduksyon na nakabatay sa
heograpiya ng isang lugar?
A. Agrikultura B. Industriya C. Pagmimina D. Pagsasaka
13. Ang mga produkto na mula sa sektor ng Agrikultura ay likas dahilan kaya tinatawag din itong
____.
A. Primarya B. Sekondarya C. Tertiarya D. wala sa nabanggit
14. Ang sektor ng Agrikulutura ay itinuturing na may malaking bahagi sa ekonomiya dahil lahat ng
mga __________ ay umaasa rito.
A. Industriya B. Sektor C. Tao D. Teknolohiya
15. Anong sangay ng pamahalaan na gumagabay sa magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at
wastong paraan sa pag tanim?
A. Bureau of Animal Industry
B. Department of Agriculture
C. Department of Environment and Natural Resources
D. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
16. Tumutukoy sa sektor ng ekonomiya na ang kagamitang hilaw ay dumaraan sa proseso para
maging panibagong produkto?
A. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Agrikultura
B. Panlabas na Sektor D. Sektor ng Paglilingkod
17. Sub-sektor ng Industriya na ipinagkakaloob na serbisyo ng pamahalaan para sa mamamayan.
A. Pagmimina B. Pagmamanupaktura C. Utilities D. Konstruksiyon
18. Tumutukoy sa sektor ng industriya kung saan kumukuha ng mineral.
A. Konstruksiyon B. Utilities C. Pagmimina D. Pagmamanupaktura
19. Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay
maging isang produkto?
A. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Agrikultura
B. Panlabas na Sektor D. Sektor ng Paglilingkod
20. Alin sa mga sumusunod ang suliranin ng sektor sa industriya?
A. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran.
B. Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor.
C. Kakulangan ng pondo o kapital sa mga namumuhunan.
D. Pagkaubos ng likas na yaman.
21. Alin sa mga sumusunod na sektor ng industriya ang tumutugon sa pagpapagawa ng mga gusali,
tulay at iba pang istruktura?
A. Konstruksiyon B. Utilities C. Pagmimina D. Pagmamanupaktura
22. Alin sa sumusunod ang iba pang tawag sa sektor ng industriya?
A. Primaryang Sektor
B. Sekundaryang Sektor
C. Terserang Sektor
D. Impormal na Sektor
23. Nagpatupad ng isang proyekto ang isang Mayor na wala namang kapakipakinabang sa mga
mamayan. Anong suliranin ng sektor ng industriya ang binigyang diin?
A. Import liberalization
B. White-elephant projects
C. pagsasapribado
D. wala sa nabanggit
24. Alin sa mga sumusunod na sub-sektor ng industriya na tumutugon sa industriya ng pagpapatayo
ng gusali, pagawaan, pabrika at iba pang istruktura?
A. Industriya B. Pagmimina C. Konstruksyon D. Large Scale Industry
25. Ang pagawaan ng noodles ay nabibilang sa anong sub-sektor ng industriya?
A. Konstruksiyon B. Utilities C. Pagmimina D. Pagmamanupaktura
26. Kabilang sa sektor na ito ang lahat ng serbisyo o trabahong ipinagkakaloob ng pamahalaan.
A. Pampribadong Paglilingkod
B. Pampublikong Paglilingkod
C. Paupahang bahay at real estate
D. Kalakalan
27. "Salamin ng maunlad na ekonomiya ang sektor ng paglilingkod na nagtataglay ng malawak na
kakayahan". Ano ang maaaring mahinuha sa pahayag na ito?
A. Pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ang sektor ng paglilingkod.
B. Nakabatay sa dami ng bumubuo sa sektor ng paglilingkod ang kaunlarang pang-ekonomiya
ng isang bansa.
C. Makalilikha nang mas maraming kalakal at paglilingkod ang bawat kasapi ng lipunan kung
nagtataglay ito ng sapat na kakayahan.
D. Nakadepende ang kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa sa sektor ng paglilingkod.
28. Pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod ang ____.
A. Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksyon
B. Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal
C. Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao
D. Magkaloob ng buwis sa pamahalaan
29. Paano nakakasama sa isang manggagawa ang lipunang may pagtatangi sa isang kasarian sa
larangan ng paggawa?
A. Nalilimitahan nito ang kakayahan at dignidad ng isang tao.
B. labag ito sa pagkakapantay-pantay ng tao.
C. Magdudulot ito nang higit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan.
D. magdudulot ito ng kahirapan
30. Ibinibigay sa mga manggagawang nagdadalang-tao, kasal man o hindi.
A. Special leave for Women C. Maternity Leave
B. Parental leave for Solo Parent D. Paternity Leave
Test II. Ibigay ang kumpletong pangalan sa mga sumusunod:

1. DOLE 5. CHED
2. OWWA 6. DEPED
3. TESDA 7. DENR
4. PRC 8. DA

Test III. Enumeration


1-3 Magbigay ng tatlo sa mga Sub-Sektor ng Argrikultura.
1.
2.
3.
4-6 Magbigay ng tatlo sa mga Sub-Sektor ng Industriya.
4.
5.
6.
7-9 Magbigay ng tatlong Sub-Sektor ng Paglilingkod.
7.
8.
9.
10. Ito ay ang mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at
paglilingkod.

K_l_k_l_n

Prepared by:

JE-ANN G. MONTEJO
Teacher I Checked by:

CRISTINO O. CARREON, DEV.ED.D


Principal II
1. D
2. A
3. C
4. B
5. D
6. A
7. A
8. C
9. D
10. A
11. B
12. A
13. A
14. B
15. B
16. A
17. C
18. C
19. A
20. C
21. A
22. B
23. B
24. C
25. D
26. B
27. C
28. C
29. A
30. C

You might also like