You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I – ILOCOS REGION
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
PURO NATIONAL HIGH SCHOOL
CAOAYAN, ILOCOS SUR

ARALING PANLIPUNAN 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at
itiman ito sa sagutang papel.
1. Ang Human Development Index (HDI) ay sumusukat ng ano?
A. dami ng ari-arian na mayroon ang isang tao C. nakapamuhunan sa stock market
B. nakapag-abroad sa iba’t ibang bansa D. kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay
2. Nakatulong ang mga likas na yaman tulad ng yamang – lupa, tubig, kagubatan, at mineral sa pagsulong ng
ekonomiya. Pero bakit sinasabing wala itong kasiguruhan sa aklat na Concepts and Choices (2008)?
A. naaapektuhan ito ng iba’t ibang klima
B. inaabuso ng tao ang paggamit ng likas na yaman
C. lahat ng mga lugar ay biniyayaan ng likas na yaman
D. ang mga likas na yaman ay may nauubos at di nauubos
3. Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan
ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa paanong
paraan ito mapapatunayan?
A. limitado ang akses sa edukasyon
B. maayos na serbisyong pangkalusugan
C. kaliwa’t kanang mga karahasan at krimen
D. hindi pantay na pakikilahok sa mga gawaing panlipunan
4. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa
papaanong paraan ito sinusukat?
A. pamamahagi ng kita at yaman ng bansa
B. hindi na umaasa sa foreign aid
C. pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at nagtataasang gusali
D. ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real
GDP/ GNP
5. Anong pamagat ng aklat na sinulat nina Todaro at Smith na nagpapahayag na ang pag-unlad ay isang multi-
dimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at
mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di
pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan?
A. Capital in the Twenty-First Century
B. Economic Development
C. The End of Alchemy: Money, Banking and the Future of the Global Economy
D. Principles of Economics
6. Ang pag-unlad ng isang bansa ay ang inaasam-asam ng mga tao at ng pamahalaan. Alin sa sumusunod ang tama?
A. Hindi sapat na basehan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na umuunlad ang bansa.
B. Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng Gross Domestic Product
(GDP)
C. Sa bawat sakuna ng bansa patuloy pa ring ito nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa
ibayong-dagat.
D. Ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa dahil sa isang pandemya ay hindi nangangahulugan na magpapatuloy
ito sa pagbaba sa susunod na taon kung isaalang alang ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng bansa.
7. Ang Pilipinas at ang ibang bansa sa dagdig ay may ugnayan na kadalasa’y nakasentro sa ekonomiya. Bakit
kailangang pang makikipag-ugnayan tayo sa ibang bansa?
A. Abot kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
B. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
C. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigan pamilihan.
D. Upang madagdagan ang pagtugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
8. Alam ng negosyanteng si Kath na hindi pa makakabayad ng renta sa bahay sina Cassy dahil sa panahon ng
COVID-19 at kailangan din niya magbayad ng buwis para sa kanyang negosyo. Ano ang mainam gawin ni Kath?
A. Palayasin sina Cassy kapag hindi ito nakabayad ng renta.
B. Maningil parin ng renta sa bahay kahit nasa kalagitnaan ng pandemya.
C. Sundin ang batas ng DTI na hahatiin sa anim na buwan na installment ang bayad dito.
D. I-report sa barangay si Cassy at gumawa ng kasunduan kung kalian sila magbabayad.
9. Kung ikaw ang Mayor sa Iligan, papaano mo babaguhin ang batas sa pamilihan ayon sa kalagayan ng
pamumuhay ng mga Pilipino sa pandemya ngayon?
A. Kakalabanin ko ang mga kurakot na mambabatas.
B. Ipababa ko ang presyo ng mga bilihin para marami ang hindi magugutom.
C. Ipapaalis ko ang karagdagang bayad ng buwis para bababa ang presyo ng mga bilihin.
D. Magsusulat ako kay Pangulong Duterte na maging patas sa pagpataw ng presyo sa bawat bilihin upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa
10. Ito ay isang salik na nagagamit nang mas episyente upang mas maparami pa ang mga naililikhang produkto at
serbisyo na makakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
A. kapital C. teknolohiya
B. likas na yaman D. yamang-tao
11. Aling sektor ang itinuturing na “Gulugod ng Ekonomiya” dahil ito ang nagtutustos sa pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan?
A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. Industriya D. Publikong Sektor
12. Malawak ang nasasakupan ng Agrikultura. Maraming gawain ang nakapaloob dito. Alin sa mga sumusunod na
gawain ang angkop sa Agrikultura?
A. Pagmimina ng ginto upang gawing alahas
B. Pagkakabit ng kawad ng kuryente sa mga poste
C. Pagsusuplay ng isda sa mga pagawaan ng sardinas
D. Pagtanggap ng mga labada mula sa mga kapitbahay
13. Karamihan sa mga Pilipino, lalo na ang nasa probinsya, ay umaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa mga
sumusunod ang bumubuo sa sektor na ito?
A. Panggugubat, Pagmimina,Pangingisda,Paghahayupan
B. Paghahayupan, Pangingisda, Paghahalaman, Panggugubat
C. Pagmimina, Paghahalaman, Panggugubat, Paghahayupan
D. Pangingisda, Panggugubat, Pagmamanupaktura, Paghahayupan
14. Sa taong 2005-2010, naitala ang maliit na ambag ng Agrikultura sa ekonomiya ng bansa, sa kabila ng
pagkakaroon natin ng matabang lupain at hitik na anyong tubig. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Mas binigyang pansin ng pamahalaan ang ibang sektor
B. Pinayagang makapasok ang mga banyagang produkto
C. Kakulangan ng pasilidad at imprastraktura na tutulong Agrikultura.
D. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga nasa sektor ng Agrikultura.
15. Ang Pilipinas ay tanyag na agrikultural na bansa, ano ang dapat gawin sa sektor ng agrikultura upang umunlad
ito?
A. Ipagmalaki ang mga taong namamahala rito.
B. Dagdagan ang pondo ng Agrikultural na sektor
C. Kumprehensibong pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
D. Iboto ang mga taong may malasakit sa sektor ng agrikultura
16. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng
kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
B. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
C. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road)
17. Ano ang nagiging epekto ng di pantay na pagmamay-ari ng lupain sa pagsasaka?
A. Hindi napapalawak ang kalakalang panloob
B. Hindi nagagamit ang mga binhi at pataba nang maayos.
C. Hindi nagagamit ang pondo ng mayayaman para sa industriya.
D. Hindi nahihikayat ang mga magsasaka na paunlarin ang pagsasaka.
18. Anong suliranin ng agrilkultura ang tumutukoy sa pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa labis na
pagkuha ng kahoy para gawing troso?
A. Climate Change C. Pagliit ng lupang pansakahan
B. Pagkakalbo ng kagubatan. D. Lumalaking populasyon sa bansa.
19. Milyon-milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan dahil sa pagbabago ng panahon sanhi ng pagtaas
ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo . Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat tao?
A. pagmahal ng presyo ng mga bilihin
B. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
C. pagdagsa ng mga dayuhang mangangalakal
D. pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at halaman
20. Nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakakaahon na nagresulta sa pagkawala
ng kanilang lupang sakahan. Ano ang sanhi ng suliranin ito?
A. Climate Change
B. Pagliit ng lupang sakahan
C. kakulangan ng suporta sa iba pang sektor ng ekonomiya
D. kakulangan ng mga pasilidasd at imprastura sa kabukiran
21. Alin sa mga uri ng pangingisda ang ginagamit ng mga malalaki at komersiyal na barko na nakasisira sa mga
korales?
A. fine mesh net C. Paggamit ng active gear
B. Paggamit ng active gear D. cyanide fishing
22. Ang kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya ay isa suliraning kinakaharap ng sektor ng
agrikultura. Alin sa mga sumusunod ang epekto nito sa ating produksyon?
A. mababang kalidad ng produkto
B. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
C. nababawasan ang suplay na ginagamit sa industriya
D. kakulungan sa pinakukunan ng hilaw na materyales
23. Sa Batas Republika Bilang 1160, nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation
Administration (NARRA). Bakit ito itinatag?
A. Upang mapangasiwaan ang pamimigay ng mga binhi sa mga magsasaka
B. Upang mapangasiwaan ang pagbibigay ng lupa ang mga pamilyang walang lupa.
C. Upang mapangasiwaan ang pagpapalawak sa mga lupang sakop ng mga mayayaman.
D. Upang mapangasiwaan ang pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan.
24. Anong batas ukol sa lupa ang kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan
ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988?
A. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 C. Land Registration Act ng 1902
B. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 D. Batas Republika Bilang 1160
25. Maliban sa agrikultura, nilalayon ng ating pamahalaan na pangalagaan ang ating mga yamang pangisdaan. Ito
ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng
Pilipinas.
A. Fisherfolk Code of the Philippines of 1988 C. Fishery research of the Philippines
B. Philippine Fisheries Code of 1998 D. Wala sa nabanggit
26. Ang bayan nina Nathan na may maraming mangingisda ay may sariling daungan. Nakatutulong ba ito sa kanila?
Bakit o Bakit hindi?
A. Oo, dahil madali na ang pagbibiyahe ng mga mangingisda
B. Oo, dahil mapadali nito ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan.
C. Hindi, dahil mga mayayamang kompanya lamang ang makikinabang dito.
D. Hindi, dahil may bayan ang mga daungan.
27. Ang Fishery research o ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine
resources development, at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa ng ating pamahalaan. Bakit ginagawa ito
ng ahensya?
A. Upang mas maraming isda ang mahuli.
B. Upang yumaman ang mga mangingisda
C. Upang maparami ang nagbebenta ng mga isda.
D. Upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.
28. Ano ang sekondaryang sektor ng industriya na tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng
manual labor o ng mga makina?
A. Konstruksiyon C. Pagmimina
B. Pagmamanupaktura D. Utilities
29. Isa sa mga mithiin ng pamahalaan ng Pilipinas ang maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa ng bansa
upang masiguro ang kalidad sa paggawa. Alin sa mga paraan ang nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan upang
makamit ito?
A. Training and Development Process C. Training and Seminars
B. Capacity Building D. Training and Opportunity Building
30. Nais ng pamahalaan na mapangalaagan ang mga negosyante sa kanilang sariling likhang produkto. Alin sa mga
batas na nasa ibaba ang nagbibigay proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga sariling likha?
A. Anti-Red Tape Act C. Intellectual Property Code
B. Anti-Fencing Law D. Copyright
31. Ang pagpapatayo ng mga gusali, pagpapagawa ng mga kalsada at tulay at iba pang istruktura ay halimbawa ng
anong sekondaryang sektor ng industriya?
A. Pagmamanupaktura C. Pagmimina
B. Tubig,gas at kuryente D. Konstruksiyon
32. Alin sa mga serbisyo ng pamahalaan ang may layunin na matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa tubig, kuryente at gas?
A. Konstruksiyon C. Pagmamanukpaktura
B. Utilities D. Pagmimina
33. Si Teacher Mary Grace ay siyam na buwang buntis at nakatakdang manganak kaya siya ay nagsumite ng
kanyang Maternity Leave na magsisimula sa araw na isilang niya ang kanyang anak. Ayon sa batas, ilang araw
ang katumbas ng extended maternity leave ni Mary Grace?
A. Animnapung (60) araw para sa normal na panganganak; Pitumpu't walong (78) araw para sa panganganak
sa pamamagitan ng caesarian section.
B. Siyamnapung (90) araw para sa normal na panganganak; o Isandaang (100) araw para sa panganganak sa
pamamagitan ng caesarian section.
C. Isang (1) taon para sa normal na panganganak; o dalawang taon para sa panganganak sa pamamagitan ng
caesarian section.
D. Isang-daan at limang (105) araw para sa normal na panganganak; at karagdagang tatlumpung(30) araw ng
walang bayad para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section.
34. Naitatag ang ahensyang ito sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning paunlarin ang mga
programa na makakatulong sa paghahanapbuhay ng mga OFW. Ano ang tawag sa ahensiyang ito?
A. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
B. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
C. Commission on Higher Education (CHED)
D. Department of Education (DepED)
35. Ang ahensiyang nangangasiwa sa gawain at pagsasanay ng mga manggagawang propesyonal at nagsasagawa
ng board examinations para sa mga propesyon gaya ng Nurse, Engineer at Teacher. Anong ahensiya ng gobyerno
ito?
A. Professional Regulation Commission (PRC)
B. Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
C. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
D. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
36. Naglabas ang Bureau of Working Conditions ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa ayon sa
batas. Alin sa mga sumusunod na probisyon ang nagsisilbing gabay tungkol sa pagsasaayos ng minimum wage o
pinakamababang sahod ng manggagawang Pilipino?
A. Land Registration Act 1902
B. Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)
C. Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394)
D. Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code)
37. Ayon sa batas, kapag nakapagtrabaho ka ng lampas walong (8) oras ay magkakaroon ka ng karagdagang
bayad. Bilang isang manggagawa, ano ang iyong matatanggap sa sobrang oras na iginugol mo sa iyong trabaho?
A. Faternity Leave C. Service Charges
B. Overtime Pay D. Service Incentive Leave
38. Nang maospital ang anak ni Aling Rosa dahil sa Dengue Fever, siya ay namoblema kung papaano babayaran
ang mga gastusin sa ospital dahil sapat lang ang kanyang kinikita sa pang-araw-araw na pangangailangan ng
kanyang pamilya. Kung ikaw si Aling Rosa, papaano ka maghahanap ng tulong para sa pagpapaospital ng iyong
anak?
A. Humingi ng cash assistance sa Social Security System (SSS).
B. Manawagan araw-araw sa Government Service Insurance System (GSIS).
C. Pumila buong araw sa pinaka malapit na opisina ng Department of Interior and Local Government (DILG).
D. Pumunta sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at humingi ng tulong pinansyal bilang
kasapi ng ahensiya.
39. Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa
kinikitang negosyo, at hindi legal sa inilatag na paraan sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sector
40. Ano ang naging banta sa paglaganap ng impormal na sektor sa ekonomiya ng bansa?
A. Pagtaas ng GNP ng bansa C. Paglaganap ng illegal na gawain
B. Pagtaas ng GDP ng bansa D. Pagkakaroon ng maraming trabaho sa ekonomiya
41. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maitutulong upang maiwasan ang negatibong epekto nang paglaganap ng
pamimirata sa ating pamilihan?
A. Tutulong ako sa pagbenta ng kanilang mga pekeng paninda.
B. Huwag bumili ng mga pekeng produkto at maging maingat.
C. Tangkilikin ang hindi de-kalidad na produkto dahil mura ito.
D. Gumawa ng palastasan tungkol sa mga pekeng produkto upang maging mabinta ito.
Para sa 42-43 na tanong:
42. Si Mang Kanor ay isang habal-habal driver sa Iligan City. Hirap man sa buhay ay napagtapos niya ang kanyang
tatlong anak sa kolehiyo. Ano ang iyong mahihinuha sa sitwasyon ni Mang Kanor kahit ang kanyang hanapbuhay ay
nasa impormal na sektor?
A. Hindi siya makapasok sa kompanya dahil wala siyang natapos.
B. Bolakbol siya sa klase kaya mababang uri na hanapbuhay ang kaya niya.
C. Sipag at tiyaga ang kanyang puhunan upang mapagtapos ang kanyang mga anak.
D. Lahat ng nabanggit
43. Base sa pahayag na nasa itaas, paano nakapagbigay ng leksyon sa buhay ang sitwasyon ni Mang Kanor?
A. Minsan may katamaran rin ang mga Pilipino kaya umaasa tayo sa iba.
B. Pinapakita na ang mga Pilipino ay mapamaraan sa lahat ng hamon ng buhay.
C. Pwede nating malampasan ang lahat ng hirap kung matapang tayo sa pagharap ng pagsubok sa buhay.
D. Sagot sa A at C
44. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga trabahong nasa impormal na sektor, alin dito ang hindi kabilang
sa impormal na hanapbuhay?
A. Nagtitinda ng banana cue C. Empleyado ng isang kompanya
B. Naglalako ng mga gulay D. Tricycle Driver
45. Binigyang-diin sa komperensya sa Tokyo, Japan noong 2009 na ang impormal na sector ay nakapagbigay ng
trabaho o empleyo sa mga mamamayan. Sino ang sumulat sa pahayag na ito?
A. Cleofe S. Pasina C. Cleofe S. Pastrana
B. Chin T. Hu D. Chen C. Su
46. Siya ang naglathala ng aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of Wealth of Nations” at siya rin ang may
akda ng Absolute Advantage Theory.
A. Adam Winston C. Adam Curts
B. Adam Smith D. Adam Kolllins
47. Ito ay isang pamamaraan upang mapamahalaan ng maayos ang supply at demand ng bansa kailangan sa
pagbili ng mga produkto mula sa ibang bansa.
A. Balance of payment C. Pag-aangkat
B. Balance trade D. Pagluluwas
48. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, na
nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pangekonomiya ng isang bansa.
A. Balance Payment C. Pag-aangkat
B. Balance of trade D. Sistemang Barter
49. Ang kalakalang Panlabas ay may malaking papel sa ekonomiya ng bansa. Papaano ito nakakatulong sa pag-
angat ng ating ekonomiya?
A. Nalulugi ang negosyong lokal.
B. Napapabilis ang paglago ng ekonomiya
C. Natutugunan ang pangangailanganng bansa.
D. Nagaganyak ang marami na lumikha ng mas mataas na kalidad ng produkto
50. Ang kalakalang Panlabas ay may malaking papel sa ekonomiya ng bansa. Papaano ito nakakatulong sa pag-
angat ng ating ekonomiya?
A. Nalulugi ang negosyong lokal.
B. Napapabilis ang paglago ng ekonomiya
C. Natutugunan ang pangangailanganng bansa.
D. Nagaganyak ang marami na lumikha ng mas mataas na kalidad ng produkto

*******************************************************GOOD LUCK*****************************************************************

Inihanda ni:

Karen Irish May S. Costa


Guro sa Araling Panlipunan

Binigyang-pansin ni:

CHRISTIAN A. GIRON, Ed. D.


School Principal I

You might also like