You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________________ Baitang & Seksyon: _________________ Iskor:_____________

Pangalan at Pirma ng Magulang o Tagapag-alaga: ________________________________________________

Ikaapat na Markahan –Modyul 3


Ikatlong Summative Exam sa Araling Panlipunan 9
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Aling sektor ang itinuturing na “Gulugod o “backbone” ng Ekonomiya” dahil ito ang nagtutustos sa pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan?
A. Industriya B. Agrikultura C. Paglilingkod D. Publikong Sektor
2. Karamihan sa mga Pilipino, lalo na ang nasa probinsya, ang umaasa sa Agrikultura para mabuhay. Alin sa mga
sumusunod ang bumubuo sa sector na ito?
A. Panggugubat, Pagmimina, Pangingisda, Paghahayupan
B. Paghahayupan, Pangingisda, Paghahalaman, Panggugubat
C. Pagmimina, Paghahalaman, Panggugubat, Paghahayupan
D. Pangingisda, Panggugubat, Pagmamanupaktura, Paghahayupan
3. Malawak ang nasasakupan ng Agrikultura. Maraming gawain ang nakapaloob dito. Alin sa mga sumusunod na
gawain ang angkop sa Agrikultura?
A. Pagmimina ng ginto upang gawing alahas
B. Pagsusuplay ng isda sa mga pagawaan ng sardinas
C. Pagkakabit ng kawad ng kuryente sa mga poste
D. Pagtanggap ng mga labada mula sa mga kapitbahay
4. Sektor ng Agrikultura ang nagtataguyod sa halos kabuuan ng ekonomiya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapatunay dito?
A. Dito nagmumula ang mga pagkain at hilaw na material na sangkap sa produksyon
B. Nandito ang maraming lakas-paggawa na may kasanayan at kakayahan
C. Malawak ang mga lupain sa Pilipinas
D. Masisipag at maabilidad ang nasa sector na ito
5. Katuwang ng Pamahalaan ang Agrikultural na sector sa pagsulong ng kanluran. Anong pakinabang ng agrikultura
ang higit na nakakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino?
A. Nagbibigay ng kita at hanap buhay sa mga mamamayan
B. Nadadagdagan ang Dolyar ng Pilipinas sa mga iniluluwas sa Pandaigdigang pamilihan.
C. Pinoproseso nito ang produkto na tutugon sa pangangailangan ng tao.
D. Ang mga labis na manggagawa ay pinapakinabangan ng ibang sector
6. Pinagmumulan ng malaking pondo ng pamahalaan ang kita ng Agrikultura sa labas ng bansa. Paano ito
nakakatulong?
A. Nagsusuplay ang Sektor ng Agrikultura ng kapital o lakas paggawa sa ibangsektor.
B. Nagsusuplay ito ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao at ng mga Industriya gaya ng hilaw na
material.
C. Iniluluwas ng mga umuunlad na bansa ang mga produktong agricultural upang madagdagan ang kita
D. Uutang sa ibang bansa upang pantustos sa pangangailangang pang-agrikultural na tutulong sa paglago ng
ekonomiya.
7. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa kita ng mga sektor ng ekonomiya. Isa sa mga sector na nagbibigay
ng malaking kita ay ang Agrikultura. Paano ito mapapanatili upang makapagbigay ito ng sapat na pondo sa bansa?
A. Hikayatin ang mga taong magtanim
B. Bigyan ng insentibo gaya ng pataba, binhi at iba pa ang mga nasa sector na ito
C. Magkaroon ng Agrikultural na mga paaralan
D. Panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa mga pook rural.
8. Sa taong 2005-2010, naitala ang maliit na ambag ng Agrikultura sa ekonomiya ng bansa, sa kabila ng pagkakaroon
natin ng matabang lupain at hitik na anyong tubig. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Kakulangan ng pasilidad at imprastraktura na tutulong sa Agrikultura.
B. Mas binigyang pansin ng pamahalaan ang ibang sektor
C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga nasa sektor ng Agrikultura.
D. Pinayagang makapasok ang mga banyagang produkto.
Inihanda ni:
Gng. Ludy Grace B. Libato
Guro, AP 9

You might also like