You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Unang Markahan: IMPLIKASYON NG KAPALIGIRANG PISIKAL AT


YAMANG LIKAS NG MGA REHIYON SA ASYA
Aralin Bilang 12

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
A. Pamantayang
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
B. Pamantayan sa
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
Pangganap
kabihasnang Asyano.
Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-likas
ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa
larangan ng agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura.
AP7 HAS -If-1.6
C. Mga Kasanayan sa 1. Naipahahayag ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at
Pagkatuto yamang likas ng mga rehiyon sa Asya
2. Natutukoy ang mga kontribusyon ng kalikasan sa pag-unlad ng
Asya.
3. Napahahalagahan ang biyaya ng kalikasan sa mga rehiyong
Asyano
II. NILALAMAN Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
III. KAGAMITANG
PANTURO Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 42-43
A. Sanggunian
B. Iba pang Kagamitang
Laptop, speaker, larawan, video clip, papel at ballpen
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa mga unang Ano-ano ang mga implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng
mga tao?
natutuhan
Larawan-Suri: Magpapakita ang guro sa klase ng mga larawan na
nagpapakita ng natatanging likas na yaman mayroon ang Asya.

B. Paghahabi sa layunin ng
aralin (Pagganyak)
https://tinyurl.com/y7olsxul
https://tinyurl.com/y7pq6qjm

https://tinyurl.com/y83halua

1. Ano-ano ang masasabi mo ukol sa naipakitang larawan?


2. Nakakaapekto ba ito sa pamumuhay ng mga Asyano? Sa
paanong paraan?
Video-Suri: Magpapakita ang guro sa klase ng isang video clip na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa likas na yaman.

C. Pag- uugnay ng mga https://tinyurl.com/yaevp4no


halimbawa sa bagong
aralin 1. Ano-ano ang masasabi mo ukol sa naipakitang video clip?
( Presentation) 2. Sa paanong paraan maaring maipakita ang pagpapahalaga sa
mga likas na yaman mula sa video clip na napanood?
3. Paano nagiging mahalaga ang mga likas na yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano?
Pangkatang Gawain: Magbibigay ang guro ng mga likas na yaman sa
Asya at isusulat ng mga mag-aaral ang mga implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano.
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Halimbawa: Palay – nagbibigay ng pangunahing hanapbuhay sa mga
bago ng kasanayan No I taong nakatira malapit sa bukid
(Modeling)
Likas Na Yaman
1. Unang Pangkat: Langis at Petrolyo
2. Ikalawang Pangkat: Mga Isda at iba pang Yamang Dagat
3. Ikatlong Pangkat: Ginto
4. Ikaapat na Pangkat: Yamang Lupa gaya ng mga Pananim
5. Ikalimang Pangkat: Yamang Gubat
1. Ano ang mga naging kontribusyon ng kalikasan sa pag-unlad
E. Pagtatalakay ng bagong ng mga bansang Asyano? Magbigay ng mga halimbawa.
konsepto at paglalahad ng 2. Paano nakaaapekto ang mga likas na yaman sa pamumuhay ng
bagong kasanayan No. 2. mga Asyano?
( Guided Practice) 3. Paano mapapanatili ang kagandahan at natatanging taglay na
likas na yaman ng Asya?
F. Paglilinang sa Pagsulat ng Sanaysay
Kabihasaan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng sanaysay tungkol sa isa sa mga
(Tungo sa Formative sumusunod na paksang may kinalaman sa rehiyon ng Asya.
Assessment)
1. Ang Langis at Petrolyo na Nagbunsod sa Paglago at Pag-unlad ng
( Independent Practice )
Ekonomiya ng Kanlurang Asya
2. Ambag ng mga Yamang Dagat sa Kanlurang at Timog Silangang
Asya
3. Pag-unlad ng Kabuhayan ng Hilagang Asya Dahil sa Ginto
4. Ang Paghubog ng Agrikultura sa Kabuhayan ng mga Tao sa Timog
Asya
5. Ang Kapakinabangan ng Mayamang Depositong Mineral at Yamang
Lupa sa Pamumuhay ng mga Bansa sa Silangang Asya

Rubrics:
Nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga ideya- 5
Wasto ang mga pangungusap at maayos ang pagkakasulat- 5
Kabuuan- 10
G. Paglalapat ng aralin sa Poster Making: Gumawa ng poster na nagpapakita kung paano mo
pang araw araw na buhay mapapahalagahan ang biyayang naibibigay ng mga likas na yaman sa
(Application/Valuing) ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Rubrics:
Pagkamalikhain- 5
Kaangkupan sa paksa- 5
Kabuuang Iskor- 10 puntos
Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagatataglay ng
______________________________ na nagdudulot ng napakaraming
implikasyon gaya ng
H. Paglalahat ng Aralin ____________________________________________________ kung
(Generalization) saan ito ay maaaring ___________ at nagbubunsod ng ____________
__________________. Sa patuloy na paglago ng bansa, ito rin ay
nakakaapekto sa mga likas na yaman sa pamamagitan ng ___________
____________.
Tukuyin kung TAMA o MALI ang ipinapahayag ng mga sumusunod
na pangugusap.

1. Ang ginto ang isa sa mga pangunahing yamang mineral sa Hilagang


Asya.
2. Ang patuloy na pagdami ng populasyon ay direktang nakaaapekto sa
kalagayan ng likas na yaman.
3. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong
panluwas nito ay nagmumula sa likas na yaman.
I. Pagtataya ng Aralin 4. Ang paggamit ng tradisyunal at makabagong teknolohiya sa
paglinang ng likas na yaman ay nakatutulong upang mapataas ang antas
ng pambansang kita.
5. Ang Silangang Asya ang nangunguna sa pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig.

Susi sa Pagwawasto:
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
J. Karagdagang gawain para Bigyang kahulugan ang mga sumusunod:
sa takdang aralin
(Assignment) 1. Desertification
2. Salinization
3. Habitat
4. Hinter Lands
5. Ecological Balance
6. Deforestation
7. Siltation
8. Red Tide
9. Global Climate Change
10. Ozone Layer
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan nasolusyunan sa
tulong ang aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like