You are on page 1of 6

Baitang/ Markah

GRADE ___ Paaralan 7 UNA


Antas an
DAILY LESSON
Guro Asignatura ARALING PANLIPUNAN
PLAN
Petsa/Oras Sesyon: Ikatlong araw

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
(Content Standard) kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay: Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
(Performance Standard) paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
I. LAYUNIN

Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya AP7HAS-Ie-1.5


Natatay ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga
C. Kasanayang Pampagkatuto Asyano noon at ngayon sa larangan ng: AP7HASIe-1.6
(Learning Competencies) -agrikultura
- ekonomiya
- panahanan at kultura
Layunin (Lesson Objectives)

Knowledge Nailalarawan ang yamang likas ng Hilagang Asya


Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng Silangang Asya sa mga Asyano
Skills
noon at ngayon sa larangan ng agrikultura,ekonomiya panahanan at kultura ng Silangang Asya
Napahahalagahan ang matalinong paggamit ng likas na yaman
Attitude
Aralin 2 – Mga Likas na Yaman ng Asya
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson) Paksa: Ang mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano
Hilagang Asya
II. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Kagamitang Panturo

Mga Sanggunian (Source)

1. Mga Pahina sa Gabay ng


Teaching Guide,p.105
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,p.40
Pangmag-aaral
B. Kagamitang Panturo Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Laptop o TV, mga larawan

1. Ano-anong likas na yaman ang sagana sa Kanlurang Asya?


A. Balik-aral sa nakaraang aralin 2. Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay sa rehiyong ito?
at/o pagsisimula ng bagong 3. Ano ang mahihinuha mong nagbunsod sa pagkakaroon ng mga ganitong katangian ng likas na yaman sa
aralin Kanlurang Asya?

B. Paghahabi sa layunin ng
aralin
glinang TIII. PAMAMARAAN
(PROCEDURES)

Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang panimula


1.Paano nagkakaugnay ang mga larawan?
2.Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang nasa larawan?
3.Maituturing bang mayaman sa likas na yaman ang lugar na ito? Bakit?
4. Ano-anong mga hamong pangkapaligiran ang maaaring mararanasan sa mga naninirahan rito?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga larawan ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin Ang likas na
yaman at ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng rehiyon ng Kanlurang Asya sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng:
-agrikultura
- ekonomiya
- panahanan at kultura
D. Pagtatalakay ng bagong Mga Gabay sa Pagtupad ng Gawain
konsepto at paglalahad ng  Itatakda sa inyo sa pamamagitan ng palabunutan ang isang rehiyon sa Asya na bibigyang pokus ng
bagong kasanayan #1 pananaliksik at paglalahad.
 Manaliksik at mangalap ng mga datos ukol sa likas na yaman ng rehiyong inyong nabunot, maging
ang pag-angkop, pakikibagay, at paglinang ng mga tao rito. Bigyang-pansin din ang implikasyon ng
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa aspekto ng agrikultura, ekonomiya, panahanan at
kultura.
 Magdaos ng bahaginan tungkol sa mga nakalap na impormasyon ng sa gayon ang bawat kasapi ng
pangkat ay may sapat na kaalaman sa paksa.
 Ang kabuuang kaalaman ng pangkat ay ibabahagi at iuulat sa klase para sa talakayan.
 Hayaan ang Ika-apat na pangkat na ibahagi sa klase ang kanilang mga nasaliksik at naipong
mga impormasyon. Hingin ang reaksyon ng mga tagapakinig at hayaan ang mga magaaral na
makapagpalitan ng kanilang mga opinyon, kaisipan at saloobin.
 Pagkatapos ng bahaginan kailangang i-proseso ang mga impormasyong nasaliksik ng mga mag-
aaral

Hilagang Asya
. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na damuhan na mainam
pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang
punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang
pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas
dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay
may tatlong uri ng yamang mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng
natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang
natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at langis, samantalang isa sa mga nagunguna sa
produksyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga
bundok may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley, gayundin ng
bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop
tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.
Ang Likas na Yaman ng Hilagang Asya
Ang Hilagang Asya ay higit na kilala bilang Central Asia o Gitnang Asya. Saklaw ng rehiyon ang
malaking bahagi ng matataas na bundok ng Pamir.

Tulad ng ibang rehiyon sa kontinente, ang kasaysayan ng mga bansa sa Hilagang Asya ay itinatakda ng
klima at heograpiya ng lupain. Sakop ng rehiyon ang ikatlong bahagi ng kontinente.

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang Armenia, Azerbaijan, Georgia, Kazakhstan,
Uzbekistan, Tajikistan, Turkmenistan, at Kyrgyzstan. Batay sa kasaysayan, ang bansa sa rehiyon ay may
malapit na pagkakaugnay sa mga taong nomadic at sa Silk Road. Ang rehiyon ay nagging sangandaan ng
mga mangangalakal mula noong sinaunang panahon sa pagitan ng Asia at Europe.

Implikasyon ng Piskal na Katangian ay Yamang Likas ng Hilagang Asya


 Sa Agrikultura
Sa kabila ng pagiging mabundok, ang rehiyon ay agrikultura. Ang Kazakhstan ay kilala bilang ikaanim
sa pinakamalaking pinangangailangan ng wheat sa mundo. Kilala naman ang kabuuang rehiyon na
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
Ano-anong heograpikal na katangian ang karaniwang matatagpuan sa Hilagang Asya?
(Tungo sa Formative
Paano ito nakakaapekto sa agrikultura, ekonomiya at panahanan ng mga Asyano sa rehiyon?
Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang Masasabi mo bang higit na pakinabang ang dulot ng mga bundok at katubigan sa Hilagang Asya para sa mga
araw-araw na buhay taga-tao nan naninirahan sa rehiyon ito?
1. Ano ang mahihinuha mong nagbunsod sa pagkakaroon ng mga ganitong katangian ng likas na yaman sa
Hilagang Asya?

2. Anu-anong likas na yaman ang sagana sa Hilagang Asya? Paano ito nakatulong sa pag-unlad ng
pamumuhay sa mga tao sa rehiyon ?

(Ang nakasulat sa ibaba ay idagdag sa ginawang naunang paglalahat)


Sa kabila ng pagiging mabundok, ang Hilagang Asya ay agrikultural. Kilala ang kabuuang rehiyon bilang
pinanggagalingan ng mga wheat, barley, bulak, sugar beets, sunflowers, flax, at iba’t ibang mga prurtas at
gulay, at bigas. Karaniwan din ang paghahayupan sa rehiyon dahil sa nagtataglay ito ng malalawak na
lupaing grassland at steppe
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Mga Asyano
Agrikultura
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas nito ay nagmula sa
pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain, mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa
at makapagluluwas ng mas maraming produkto. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng
H. Paglalahat ng Aralin sa mga makabagong makinarya. May ilang mga mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa
pansariling ikabubuhay lamang.
Ekonomiya
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad sa kasaganaan nito sa likas na yaman. Ang mga ito ay
pinagkukuhanan ng mga materyales na panustos sa kanilang mga pagawaan, Maging ang mauunlad na
bansa ay ditto kumukuha ng mga hilaw na materyales kung kaya’t halos nauubos ang likas na yaman ng huli
at hindi sila nakikinabang nito. Sa kabilang banda, likas na yaman din ang kanilang iniluluwas, kasabay nang
paggamit ng mga tradisyonal at makabagong teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita
nang sa gayon ay mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Panahanan
Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng ikabubuhay at panahanan
nito. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito. Isang
katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t abg ilan ay isinasagawa
ang land conversion, na nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Gumagamit ang tao ng
teknolohiya upang baguhin abg kakayahan ng lupa at ng kanilang kapaligiran.. (Mula sa ASYA:Pagkakaisa
sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,p.42)

I. Pagtataya ng Aralin Panuto : Punan ang patlang upang mabuo ang ideya.
1. Karaniwang ginagamit sa kasalukuyan ang __________na pagsasaka sa rehiyon, particular sa
Turkmenistan
2. Ang __________at ang lambak ng Chui River ang itinuturing na sentrong agrikultural ng rehiyon ng
Hilagang Asya.
3. Dahil sa nagtataglay ng malalawak na steppe o madamong lupain, laganap din ang _____________sa
rehiyon
4. Ang rehiyon mg _________ay bantog na yaman sa mga mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at
natural gas, bukod pa sa halos lahat ng uri ng kemikal. Sa rehiyon matatagpuan ang Muruntau Gold Mine sa
disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan na tinatayang pinakamalaking minahan sa buong mundo. Ito ang pangwalo
sa pinakamalaking produsyer ng ginto at kemikal sa buong mundo.
5.______ ang tawag sa tirahang animo tolda ng mga nomad sa Hilagang Asya. Ito ay madali nilang itinitiklop
sa sandaling kinakailangan nilang lumipit ng lugar upang makapanginain ng kanilang mga alagang hayop
J. Karagdagang gawain para sa Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng sanaysay ukol sa paksang ".Ang pag-unlad ng kabuhayan ng
takdang-aralin at remediation Hilagang Asya dahil sa ginto”.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral
sa bawat lingo. Paano mo ito naisasakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maaari niyang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon na
tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa guro?

Inihanda ni : LIZELDA E. ANTONIO


T-II Siaton NHS

You might also like