You are on page 1of 6

Baitang/ Markah

GRADE ___ Paaralan 7 UNA


Antas an
DAILY LESSON
Guro Asignatura ARALING PANLIPUNAN
PLAN
Petsa/Oras Sesyon: Ikatlong araw

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
(Content Standard) sinaunang kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay: Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran
(Performance Standard) at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
I. LAYUNIN

Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya AP7HAS-Ie-1.5


Natatay ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa
C. Kasanayang Pampagkatuto pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: AP7HASIe-1.6
(Learning Competencies) -agrikultura
- ekonomiya
- panahanan at kultura
Layunin (Lesson Objectives)

Knowledge Nailalarawan ang yamang likas ng Timog Asya Asya


Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng Timog Asya sa mga
Skills
taga-Timog Asya noon at ngayon sa larangan ng agrikultura,ekonomiya panahanan at kultura
Napahahalagahan ang matalinong paggamit ng likas na yaman
Attitude
Aralin 2 – Mga Likas na Yaman ng Asya
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson) Paksa: Ang mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa pamumuhay ng mga
Asyano
II. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Kagamitang Panturo

Mga Sanggunian (Source)

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Teaching Guide,pp.105-111


2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,p.41
aaral
3. Iba Pang Sanggunian Kayamanan Araling Asyano Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan,pp. 49-53
B. Kagamitang Panturo Laptop o TV, mga larawan

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano-anong likas na yaman ang sagana sa Silangang Asya?
2. Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay sa rehiyong ito?
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o 3. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa Silangang Asya ang mga anyong lupa
pagsisimula ng bagong aralin nito.
4. Paano nakatutulong ang mga hayop sa Silangang Asya sa paghahanapbuhay ng mga
mamamayan? Magbigay ng mga halimbawa.

Magpakita ang guro ng iba’t ibang mga produktong pang-agrikultura, uri ng panahanan at
iba’t ibang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa rehiyon ng VII ng Pilipinas. Iugnay ang mga
glinang TIII. PAMAMARAAN

B. Paghahabi sa layunin ng aralin ipinakitang larawan sa araling tatalakayin. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang Timog Asya ay
mayroon ding mga ipinagmamalaking produktong pang-agrikultural, at nakabuo din ng
kultura na kahanga-hanga.
(PROCEDURES)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin
Ipakita at ipaliwanag sa mga-aaral na ang mga larawan sa itaas ay may kaugnayan sa
pamumuhay ng mga taga-Yimog Asya sa larangan ng agrikultura,ekonomiya at panahanan

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Mga Gabay sa Pagtupad ng Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #1  Itatakda sa inyo sa pamamagitan ng palabunutan ang isang rehiyon sa Asya na
bibigyang pokus ng pananaliksik at paglalahad.
 Manaliksik at mangalap ng mga datos ukol sa likas na yaman ng rehiyong inyong
nabunot, maging ang pag-angkop, pakikibagay, at paglinang ng mga tao rito. Bigyang-
pansin din ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa
aspekto ng agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura.
 Magdaos ng bahaginan tungkol sa mga nakalap na impormasyon ng sa gayon ang
bawat kasapi ng pangkat ay may sapat na kaalaman sa paksa.
 Ang kabuuang kaalaman ng pangkat ay ibabahagi at iuulat sa klase para sa talakayan.
 Hayaan ang Ikalawang pangkat na ibahagi sa klase ang kanilang mga nasaliksik at
naipong mga impormasyon. Hingin ang reaksyon ng mga tagapakinig at hayaan
ang mga magaaral na makapagpalitan ng kanilang mga opinyon, kaisipan at
saloobin.
 Pagkatapos ng bahaginan kailangang i-proseso ang mga impormasyong nasaliksik ng
mga mag-aaral

Ang Likas na Yaman ng Timog Asya

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa


Timog Asya. Palay ang mahalagang produkto dito bagamat may mga pataniman din ng trigo,
jute, tubo at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman sa India ang lupa lalo’t higit ang
mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra.
Malaki rin ang reserba ng bakal at karbon sa bansang ito. Bagamat ipinagbabawal ng
pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo. Ang mga kagubatan sa Nepal ay
matatagpuan sa mga gulod ng bulubunduking Himalayas. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan
ay matatagpuan ang mga gubat bakawan. Makapal at mayabong ang gubat sa timog-kanlurang
Sri Lanka na hitik sa puno ng mahogany at iba’t-ibang uri ng palm. Ang Mga Likas na Yaman ng
Timog Asya Sa dakong gitna ng pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga
kagubatang evergreen samantalang sa hilaga at silangang bahagi nito ay naroon ang mga
punong ebony at satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa
pagtustos nito ng iba’tibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan at
Bangladesh ay may paghahayupan. Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso,
asin, at gypsum ay ilan sa mga pangunahing yamang mineral ng Timog Asya. (Hango sa
Learner’s Module “Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,p.41)

.
Ang Likas na Yaman ng Timog Asya
Ang Timog Asya ay binubuo ng walong bansa ng India, Pakistan, Bangladesh, Bhutan,
Nepal, Maldives, at Sri Lanka. Sakop ng Pamir ang mga bansang ito maliban sa Sri Lanka.
Sakop ng Pamir ang mga bansang ito maliban sa Sri Lanka at Maldies. Palibhasa ay malawak
din tulad ng Silangang Asya, matatagpuan din sa rehiyon ang iba’t ibang uri ng topograiya.

Ang India ay isang tatsulok na tangway sa pagitan ng Arabian Sea at Bay of Bengal. Bahagi
ito ng isang malaking masa ng lupa na kung tawagin ay subkontinenteng India na kinabibilangan
ng Bangladesd at Pakistan. Inihihiwalay ang subkontinenteng ito sa iba pangbahagi ng Asya ng
nagtataasang kabundukan ng Hindu Kush, Himalaya, at Deccan Plateau. Matatagpuan din sa
subkontinente ang tatlong mahahalagang ilog ng Ganges, Indus at Brahmaputra. Ang India ay
nagmamay-ari ng mahaba at piling sonang pangisdaan na may sukat na 370 kilometro sa Indian
Ocean.
Tulad ng India, ang mga bansang Pakistan, Bhutan, at Nepal ay pawang mabundok,
matalampas, at dinadaluyan ng mga ilog na nagpapasagana sa mga lambak na sakahan ng
mga Asyano sa rehiyon.
Sa kabilang dako, ang Sri Lanka at Maldives na pawang mga pulo ay binubuo ng mga
kapatagan at burol. Ang Maldives na binubuo ng mga kapatagan at burol. Ang Maldives na
binubuo rin ng mga coral atoll ay pawang nakalatag sa tropiko.

Implikasyon ng Pisikal na Katangian at Likas na Yaman ng Timog Asya


. Sa Agrikultura
Agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya. Pinasasagana ng Ganges River ang Gangetic
Plain ng India kung kaya’t ito ay katatagpuan ng malaking bilang ng populasyon. Ang dalawa
pang ilog ng bansa ay ang Brahmaputra at Indus. Ang malawak na lambak ng Indus, Ganges, at
Brahmaputra ay kabilang sa pinakamatabang kapatagang sakahan sa daigdig. Dahil dito, ang
mga lupaing ito ay tinaguriang “Pusong Lupain ng India” at kinikilalang pinagmulan ng sinaunang
kabihasnan. Samantala, ang masaganang kapatagan naman ng Pakistan ay matatagpuan sa
Punjab. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng limang sangang Indus River. Tulad ng mga taga-
India, ang mga Pakistani ay karaniwang mga magsasaka. Bunsod nito, ang higit na
nakararaming populasyon ng bansa ay naninirahan sa kapatagang halos 28% bahagdang lupain
ng bansa.
Ang kalakhang teritoryo naman ng Bangladesh ay nakalatag sa mababa at matabang delta
ng mga ilog ng Ganges, Jammu, at Meghna. Agrikultura ang pinakamahalagang sektor ng
Buuin ang tsart sa ibaba
Bansa Likas na Yaman Kapakinabangan
India
Pakistan
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
Bangladesh
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Nepal
Bhutan
Sri Lanka
Maldives
F. Paglinang sa Kabihasaan
1. Bakit agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya?
(Tungo sa Formative Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na Bakit mahalaga ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman?
buhay Bilang isang mag-aaral paano mo maipakita ang epektibong paggamit ng likas na yaman?

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng paglalahat

1. Pangunahing katangian ng Timog Asya ay ang nagtataasang kabundukan nito. Nasa


H. Paglalahat ng Aralin sa bahaging ito ng Asya ang matatayog na Sistema ng kabundukan tulad ng Himalayas at Hindu
Kush.
2. Ang Timog Asya ay mayayaman sa mga kapatagan at gilid ng mga bundok na ginagawang
sakahan, kagubatan, mineral, at hydroelectric power. Ito ay sanhi ng magkakaibang uri ng
topograpiya sa rehiyon.

Panuto : Isulat ang T kung tama at M kung Mali ang mga pahayag.

1. mabundok ang lahat ng bansang sakop ng Timog Asya.


I. Pagtataya ng Aralin 2. Ang Maldives at Sri Lanka ay pawang dinarayo ng mga turista.
3. Madalas bumaha sa Bangladesh.
4. Sa Bangladesh nagmumulas ang pinakamalaking bahagdan ng jute sa buong mundo.
5. Mayaman sa potensiyal
J. Karagdagang gawain para sa takdang- Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng sanaysay ukol sa paksang ". Paano hinubog ng
aralin at remediation agrikultura ang kabuhayan ng mga tao sa Timog Asya?

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral
sa bawat lingo. Paano mo ito naisasakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin
upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa
anumang tulong na maaari niyang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon na
tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa guro?

Inihanda ni : LIZELDA E. ANTONIO


T-II Siaton NHS

You might also like