You are on page 1of 11

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480


Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

MASUSING BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. MGA LAYUNIN
Sa katupasan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% na
kasanayan na:

1. nakapaglalarawan ng mga kapaligirang pisikal at yamang likas sa Timog at Silangang


Asya
2. naipaliliwanag kung paano nahuhubog ng kapaligiring pisikal at yamang likas ang
agrikultura, ekonomiya, pananahan, at kultura ng mga Asyano sa Timog at Silangang
Asya
3. makapagbabahagi ng kwento na nagpapakita ng disiplina at pagprotekto sa
kapaligirang pisikal at likas na yaman ng bansa.

II. MGA NILALAMAN


Paksa: Implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano
Teksbuk: Araling Panlipunan 7 (Modyul para sa Mag-aaral)
Sanggunian: Modyul 4: Implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano
Kagamitan: Tarpapel, Biswal, Laptop, at Presentasyon
Pamantayan sa pagkatuto: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng;
Agrikultura, Ekonomiya, Pananahan, at Kultura.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

A. Paunang Gawain

I. Panalangin

II. Pagbati at Pagtala ng mga lumiban

III. Pagbibigay ng mga Paalala

B. BALIK-ARAL
Klas, bago tayo magtungo sa aralin
ngayong araw magkakaroon muna tayo ng
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

balik-aral patungkol sa paksang ating


tinalakay kahapon. Ano nga ang ating
naging huling aralin?
(Magtataas ng kamay ang mga mmag-aaral)
Carlo, ano ang ating paksa kahapon?
Patungkol po ito sa mga likas na yaman ng
Asya.
Mahusay! Maaari niyo bang ihayag ang
inyong mga natutunan patungkol sa likas
na yaman ng Asya?
(Magtataas ng kamay ang mga mmag-aaral)
Sige, Trina maari mo bang ibahagi ang
iyong mga natutunan?
Natuklasan ko po na nag bawat rehiyon na
bumubuo sa Asya ay may kanya-kanya o iba’t
ibang uri ng likas na yaman na
pinagkakakitaan ng mga mamamayan na
naninirahan dito.
Magaling! May gusto pa bang magbahagi
ng kanyang kaalaman? Sige, Jasmine.
Natutunan ko po na sa Hilagang Asya ay may
malawak na damuhan na mainam
pagpastulan ng mga alagang hayop at
pagsasaka naman po ang pangunahing
pinagkakakitaan ng mga nabibilang sa Timog
Asya. Ang ilang mga bahagi ng Silangang
Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at
paghahayupan at ang Kanlurang Asya ay
sagana sa yamang mineral partikular na sa
langis at petrolyo.
Napakahusay! Ako ay natutuwa sapagkat
marami kayong natutunan sa ating
nakalipas na diskusyon. Ngayong araw,
ang mga likas na yaman sa Asya ay may
kaugnayan din sa ating aralin ngayong
araw. Bago tayo dumako dito,
magkakaroon muna tayo ng paunang
aktibidad.

C. MOTIBASYON/PAGGANYAK

Gawain 1: BUILD me MAP!

Bago tayo pormal na magsimula sa ating


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

aralin, ako ay naghanda ng isang gawain


na kung saan kayo ay mahahati sa
dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
may bubuuing larawan at gulo-gulong
salita. Matapos mabuo ang larawan at
salita pipili ang grupo ng isang
representatib na magprepresenta ng
gawain ng bawat pangkat.

Ang row na ito ang unang pangkat at ang


second row naman ang pangalawang
pangkat. Malinaw ba Klas?

Magaling! Maaari na kayong magsimula Opo, Ma’am!


sa ating paunalang gawain. Mayroon
lamang kayong tatlong minute para buuin
ang larawan at salita.

(Ang mga mag-aaral ay magsisimula na sa


Okay klas! Time’s up! Nakatapos ba ang paggawa ng kanilang aktibidad)
dalawang pangkat?

Opo, Ma’am!
Maari nang mag presenta ang unang
pangkat.

Para po sa unang pangkat narito po ang


larawan at salitang nabuo ng aming pangkat.

TIMOG ASYA

Ang larawan pong ito ay nagpapakita ng parte


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

ng timog asya saating mapa. Kilala po ang


timog asya na mayaman sa sektor ng
agrikultura.
Magaling! Palakpakan natin ang unang
pangkat. Ngayon, para naman sa
ikalawang pangkat.
Ito naman po ang larawan at salita na nabuo
ng ikalawang pangkat.

SILANGANG ASYA

Ang larawang ito ay nagpapakita naman po


ng silangang asya. Ito naman po ay kilala
bilang isa sa may malawak at matatabang
lupain na kung saan nakakapagtanim o
nakakapag-alaga ng mga hayop ang mga
mamamayan.
Mahusay! Palakpakan din natin ang
ikalawang pangkat. Klas, sainyong naging
gawain may nabubuo ba kayong ideya sa
magiging paksa natin ngayong araw?
(Magtataas ng kamay ang mga mmag-aaral)
Jake, ano ang iyong ideya?
Maaari po na ang ating paksang paguusapan
ay patungkol sa likas na yaman ng timog at
silangang asya.
Maraming salamat Jake sa iyong ideya.
Ang ating paksang tatalakayin ngayong
araw ay patungkol sa implikasyon ng
kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon sa larangan ng;
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

Agrikultura, Ekonomiya, Pananahan, at


Kultura.

D. PAGLALAHAD NG ARALIN

Klas, bago tayo mag simula sa ating


talakayin, maaari niyo bang basahin ang
ating layunin ngayong araw?
(Ang mga mag aaral ay sabay sabay na
magbabasa)

Layunin:

Sa katupasan ng aralin, 100% ng mga mag-


aaral ay inaasahang makakatamo ng 75% na
kasanayan na:

1. nakapaglalarawan ng mga kapaligirang


pisikal at yamang likas sa Timog at Silangang
Asya
2. naipaliliwanag kung paano nahuhubog ng
kapaligiring pisikal at yamang likas ang
agrikultura, ekonomiya, pananahan, at kultura
ng mga Asyano sa Timog at Silangang Asya
3. makapagbabahagi ng kwento na
nagpapakita ng disiplina at pagprotekto sa
kapaligirang pisikal at likas na yaman ng
bansa.
Maraming Salamat Klas!
E. PAGTATALAKAY SA ARALIN

Katulad ng aking nabanggit ang ating


aralin ay patungkol sa implikasyon ng
kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at ngayon sa larangan ng;
Agrikultura, Ekonomiya, Pananahan, at
Kultura. Ngayon klas, may mga larawan
akong ipapakita at inyong susuriin ang
kahalagan nito sa ating araw-araw na
pamumuhay.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

Unang Larawan:

Ano sa tingin niyo klas ang ipinapakita sa


larawan? Sige, Harold. Masusuri po sa larawan ang sektor ng
arikultura na kung saan napapakinabangan ng
bawat mamamayan ang mga lupain para
pagtamnan ng mga halaman o gulay na
maaari nilang ipagbili o kainin sa araw-araw.
Gaya po ng nasabi sa paunang gawain, ang
timog at silangang asya po ay nagtataglay ng
malawak na lupain na pangunahing
pinagkakakitaan ng mga mamamayan.

Mahusay! Bigyan natin ng masigabong


palakpakan si Harold. Ngayon para naman
sa ikalawang larawan.

Ikalawang larawan:

Ano sa tingin niyo klas ang


ipinapahiwatig ng larawan? Sige, Mika. Sa larawan naman pong ito makikita ang mga
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

produkto na nakakatulong sa pagpapayabong


o pagpapaunlad ng ekonomiya ng bawat
bansa. Ang mga larawan din po ay mga
produkto na madalas matagpuan, mapagbili, o
makain sa mga bansa sa loob ng Asya.

Magaling, Mika! Palakpakan natin siya


klas. Ngayon klas, kanina nabanggit ang
Timog at Silangang Asya, sino ang
maaaring makapagbigay saakin ng mga
bansa na nakapaloob sa dalawang
rehiyon? Sige, Jonathan. Ang Timog Asya po ay binubuo ng Pakistan,
Nepal, Bhutan, India, at Bangladesh. Ang
Silangang Asya naman po ay binubo ng mga
bansang China, Mongolia, Korea, Japan, at
Taiwan.

Napakahusay! Klas, ang ekonomiya ng


timog at silangang asya ay nakadepende
sa sektor ng agrikultura. Ilan sa mga
produktong mula sa rehiyon ay paly, tsaa,
nuts, barley, bulak, trigo, kape, oilseed, at
mga produktong pangrekado.

Ngayon klas, ano sa tingin niyo ang


kahalagahan ng kapaligirang pisikal at
likas na yaman ng mga bansang nabanggit
ng inyong kamag-aral sa ating
pamumuhay at kultura? Sige, Cleo. Sa pagdami ng tao ay patuloy din po ang
pagdami ng pangangailang pangkabuhayan at
pananahanan at ang dami ng populasyon sa
isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas
na yaman nito. Ang atin din pong kapaligiran
at likas na yaman ay parte na ng ating kultura
at pagkakakilanlan.

Magaling, Cleo! Ang mga suliraning


pangkapaligiran na nararanasan natin sa
kasalukuyan ay pangunahing epekto ng
paglaki ng populasyon na mayroon ding
malaking epekto sa ating kalagayang
pandaigdig. Kung kaya kinakailangan ng
disiplina at pagprotekta saating mga likas
na yaman at kapaligiran upang patuloy
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

itong magamit at mapakinabangan ng mga


susunod pang henerasyon.

May tanong ba Klas? Wala po, Ma’am.

F. PAGLALAHAT

Gawain 2: FILL ME UP!

Klas, para mas masubukan ko pa ang


inyong kaalaman patungkol sa ating
naging talakayan ay magkakaroon tayo ng
isang gawain na tatawagin nating “FILL
ME UP”. Paano nga ba ito? Pakibasa nga
ang panuto, Lean.
Panuto: Ilahad mo ang mga implikasyon o
epekto ng sumusunod na sitwasyon sa iba’t
ibang aspeto. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

Aspeto Sitwasyon Implikasyon


Agrikultura Pagkakaroon
ng malawak
at matabang
lupain
Ekonomiya Kakulangan
ng hilaw na
materyales
Pananahan Paglaki ng
populasyon
Kultura Pagkasira ng
kapaligiran
at
pagkaubos
ng likas na
yaman

Naunawaan ba ang panuto klas?


Opo, Ma’am.

Mayroon lamang kayong limang minute


para tapusin ang gawain. Maaari na
kayong magsimula.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

Okay klas, Time’s up! Ipasa na ang


inyong mga kwaderno.

G. PAGLALAPAT

Gawain 3: GALING MO, ARTE MO!

Ngayon klas dahil malinaw na sa bawat


isa ang ating aralin. Magkakaroon tayo ng
ikatlong gawain kung saan ang bawat isa
ay magpapakita ng kanilang galing sa pag
arte o pagsasadula. Mahahati ang klase sa
dalawang grupo. Jessie, maaari mo bang
basahin ang panuto at rubrik ng ating
gawain?

Opo, Ma’am.

Panuto: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng


isang komersyal na nagpapakita ng disiplina
at pagprotekta sa kapaligiran at likas na
yaman ng bansa. Ang bawat grupo ay may 1-
3 minuto para sa pagsasadula/pagarte nang
nabuong komersyal.

Rubrik

Pamantayan 5 3 2 1
Angkop ang
pagsasalaysay ng
ideya ng
komersyal
Magaling at
malinaw ang
pagsasadula ng
komersyal
Orihinal at
makatotohanan
ang komersyal na
isinadula.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

Naunawaan ba ang gawain, klas?


Opo, Ma’am.
Maaari na kayong magsimula sa gawain.

H. PAGTATAYA

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang


mga babasahing pahayag/katanungan.
Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang mabuting


epekto ng pagkakaroon ng
urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon
sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na
porsyento ng kriminalidad
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang
yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho
para sa mamamayan

2. Alin sa sumusunod ang dahilan ng


mabilis na pagkawala ng biodiversity
sa
kontinente ng Asya?
I. Patuloy na pagtaas ng populasyon
II. Pagkakalbo o pagkakasira ng
kagubatan
III. Introduksiyon ng mga species na
hindi likas sa isang partikular na
rehiyon
IV. Ang pagkakaroon ng
desertification o pagkatuyo ng mga
lupain.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. I, III, IV

3. Alin sa sumusunod ang hindi


maituturing na suliraning
pangkapaligiran?
A. Pag-unlad ng mga industriya
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pagkasira ng kagubatan
D. Pagkakaroon ng mga polusyon

4. Malaki ang epekto ng paglaki ng


populasyon sa ating likas na yaman
sapagkat maraming mamamayan ang
nangangailangan ng mga hilaw na
materyales lalo’t higit sa mga bansang
mauunlad at bansang papaunlad pa
lamang. Kung ating susuriing mabuti,
Ano ang magiging implikasyon nito sa
ating likas na yaman ng Asya
pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay
mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas
ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa
ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas
na yaman ng Asya.

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo


maipapakita ang iyong pagtulong sa
pangangalaga ng ating kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad
ng mga tuyong damo, dahon at mga
plastic
B. Palagiang pagwawalis at
pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang
pangkalikasan sa pamamagitan ng
pagtatanim at di pagputol ng maliliit
na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng
paaralan at ng pamahalaan

Prepared by:

RODRIGUEZ, RIO PATTYMA F.


BSED SOCIAL STUDIES 3A

You might also like