You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/Oras 8:00 - 9:00 am Markahan Unang Markahan

YUGTO NG PAGKATUTO

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng
kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

B. Pamantayan sa Paggaganap malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng


kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

C. Kasanayan sa Pagkatuto Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na


kalagayang ekolohiko ng rehiyon (AP7HAS-Ig-1.7)

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Natutukoy ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya

● Nauunawaan ang kahalagahan ng sustainable development at

● Nakabubuo ng iba’t ibang programa upang masolusyunan ang


mga suliraning pangkapaligiran sa Asya

II. NILALAMAN Sitwasyong Ekolohikal sa Asya

Aralin 8: Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sangunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Kayamanan (Kasaysayan ng Asya)
Pahina 80 - 85
2. Mga pahina sa mga Kayamanan (Kasaysayan ng Asya)
kagamitang Pang-Mag-aaral Pahina 80 - 85
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan
mula sa portal na learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan, Cartolina, Laptop, Projector, PowerPoint
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-Aral mula sa nakaraang A. Panalangin
Aralin at/o pagsisimula ng Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
bagong aralin Espiritu Santo. Amen Espiritu Santo. Amen

B. Pagbati
Magandang Umaga sa lahat! Magandang Umaga po, Sir

C. Pagtatala ng lumiban
Class secretary, may liban ba sa Wala po, Sir
ating klase sa araw na ito?

D. Panuntunan sa loob ng
silid-aralan:
● Makinig at makilahok sa
talakayan
● Umupo ng maayos at
itaas ang kamay kung
gustong sumagot, may
mga katanungan o may
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

nais linawin
● Ilagay sa "silent mode"
ang cellphone

Bago natin simulan ang ating


panibagong aralin ngayong araw,
tayo ay mag balik-tanaw muna
sa ating tinalakay noong
nakaraan aralin.

May nakaka-alala pa ba sa
paksang tinalakay nating Ang tinalakay po natin kahapon
kahapon? ay patungkol sa Yamang likas ng
mga rehiyon sa Asya.
Tama po!

Maaari ba kayong mag banggit


ng mga rehiyong napapabilang Ang mga rehiyong kabilang po sa
sa Asya? Asya ay ang Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya, Timog
Tama po! Asya, Hilagang Asya, at
Kanlurang Asya.
At dahil sa magkakaiba ang klima
ng mga rehiyong inyong
nabanggit, ito ang nagiging
dahilan kung bakit iba iba rin ang
mga yamang likas na mayroon
ang bawat rehiyon sa Asya at isa
rin ito sa mahalagang batayan
kung bakit magkakaiba ang uri
ng pamumuhay at kultura ng
mga taong nakatira sa bawat
rehiyon ng Asya. Maliwanag na
ba sa lahat ang paksang tinalakay
natin kahapon? Opo, Sir

B. Paghahabi ng layunin sa Aralin Approve o disapprove!

Magpapakita ng larawan ang


guro at itataas ng mga mag-aaral
kanilang kamay na naka like sign
(👍) kung approve sakanila ang
larawan at dislike sign (👎 ) naman
kung disapprove .
1. 👍
1.

2. 👎
2.

3. 👎
3.
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

4. 👎
4.

Magaling!

C. Pag-uugnay ng mga Pass the Cabbage


halimbawa sa bagong Aralin
Bago tayo tumungo sa ating
pormal na talakayan
magkakaroon muna tayo ng laro
na tatawagin nating “Pass the
Cabbage” kung saan ipapasa
pasa ninyo ang cabbage na gawa
sa papel kasabay ng pag tugtog
ng background music at kapag sa
inyo tumigil ang tugtog
babasahin ninyo ang salitang
nakapaloob sa ating cabbage at
ibibigay ninyo ang inyong sariling
ideya o pagkakaintindi sa Opo, Sir!
salitang nakapaloob sa cabbage.
Maliwanag na po ba?

Magaling! Ngayong magsisimula


na tayo

(mga salitang nakapaloob sa (posibleng sagot ng mga mag-


cabbage) aaral)

1. Overpopulation 1. Ito po ay ang mabilis na


pagdami o paglaki ng populasyon
sa isang lugar o bansa.

2. Pagbaba ng kalidad ng 2. Ito po ay ang pagkasira


lupa ng lupaing taniman dulot ng labis
na pag gamit ng lupa sa
pagsasaka at kapabayaan ng tao.

3. Ito po ay ang paglipat at


3. Urbanisasyon paglaganap ng mga tao mula sa
kanayunan papunta sa mga
lungsod na lugar na nagiging
dahilan ng pagdami at
pagsisiksikan ng mga tao sa mga
lungsod.

4. Ito po ay ang pagkalason


4. Polusyon at pagkasira ng kapaligiran dulot
ng kapabayaan ng mga tao.

5. Ito po ay ang labis na


5. Global Warming pagtaas ng temperatura sa ating
daigdig.

Magaling! Palakpakan nyo


naman ang inyong mga sarili
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Ngayon, base sa ating Sa tingin ko po ang paksang


isinagawang gawain, ano kaya tatalakayin natin ngayong araw
ang paksang tatalakayin nating ay patungkol sa mga suliranin o
ngayong araw? May ideya na ba problema na kinakaharap ng
kayo? ating kapaligiran.

Tama po!

D. Pagtalakay sa bagong Ang paksang tatalakayin natin


konsepto at paglalahad ng ngayong araw ay tungkol sa mga
bagong kasanayan #1 suliraning pangkapaligiran sa
Asya.

Ang mga salitang inyong


nabanggit sa ating larong pass
the cabbage ay ang iba’t ibang
uri ng suliraning pangkapaligiran
na kinakaharap ng kontinente ng
Asya, at ngayong aalamin nating
mabuti kung ano nga ba ang ibig
sabihin ng mga salitang ito at
kung ano ang epekto nito sa
ating kapaligiran.

Para sa unang suliraning “Mabilis na pagdami at


pangkapaligiran sa Asya, maaari kakapalan ng Populasyon”
mo bang basahin Egan? Sa Asya matatagpuan ang mga
bansang may pinakamabilis na
pagdami ng populasyon at
mataas na bahagdan ng
kakapalan ng tao at
nangangahulugan ito ng higit na
paggamit ng yamang likas at
pangangailangan sa higit na
maraming produksyon upang
Maraming salamat Egan! mabigyang buhay ang
sangkatauhan.

Para sa pangalawang suliraning


pangkapaligirang mayroon ang
Asya, maaari mo bang basahin “Pagbaba ng Kalidad ng Lupain”
Shiela? Sanhi ng labis na pang-aabuso sa
lapaing pinaninirahan,
bumababa ang kalidad o
kakayahan ng lupaing makapag
bigay ng masaganang ani. Ang
kadalasang pagkapinsala ng lupa
ay bunga ng walang ingat na
pagputol ng mga puno sa
kagubatan, labis na paggamit ng
mga pataba, pestisidyo at iba
pang kemikal na nagiging sanhi
ng pagkalason ng milyong
ektaryang lupain at ang
kadalasang bunga ng gawaing ito
Maraming salamat Shiela! ay desertification.

Pakibasa naman po ng “Urbanisasyon”


pangatlong suliraning Sa Asya, nararanasan ang
pangkapaligiran sa Asya, Rose. pinakamataas na antas ng
urbanisasyon sa buong daigdig at
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

ito ang dahilan ng paglago ng


mga slum o karaniwang tirahan
ng mahihirap sa mga lungsod.
Kaugnay ng urbaninsasyon ay
ang suliraning kakapalan ng
populasyon, pangkalusugan, at
Maraming salamat, Rose! pangkapaligiran sa bahaging ito
ng mga lungsod.

Pakibasa po ng pang-apat na
suliraning pangkapaligiran na “Polusyon”
nararanasan sa Asya, Reymart. Ang polusyon ay tumutukoy sa
pagdumi o kontaminasyon ng
hangin, tubig, at lupain bunga ng
labis na paggamit at pagtapon ng
mga bagay na nakakalason sa
kapaligiran. Ang polusyon ng
hangin, tubig at lupain sa Asya ay
nangyayari sa mga rehiyong
laganap ang industriyalisasyon at
Maraming salamat, Reymart! nagtataglay ng malaking
populasyon.

At para sa pang-huling suliranin, “Global Warming”


maaari mo bang basahin Jolina? Sinisira ng global warming ang
ozone layer ng daigdig. Ang
pagkasira nito ay nauuwi sa
pagpasok ng ultraviolet rays
mula sa sinag ng araw. Ang
bagay na ito ay nagbubunga ng
higit na maraming kaso ng sakit
ng tao at pagkasira ng
Maraming salamat, jolina! ecosystem.

E. Pagtalakay sa bagong
konsepto at paglalahad ng Ang inyong mga binasa ay ang
bagong kasanayan #2 limang suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap
ng Asya ngayon at upang
masolusyunan ang mga
suliraning ito, bawat bansa ay
itinataguyod ang tinatawag
nating Sustainable Development

Maaari nyo bang basahin ang


ibig sabihin ng sustainable “Sustainable Development”
development? Tumutukoy sa matinding
pananagutan sa maingat na
paggamit ng kapaligiran upang
matugunan ang kasalukuyang
pangangailangan ng henerasyon
nang hindi isinusuko ang
kakayahang matugunan ang
Maraming salamat! pangangailangan ng mga
susunod pang henerasyon.

At ang sustainable development


rin ay nababatay sa sama
samang pagkilos ng mga
namamahala at mga tao sa iba’t
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

ibang sector ng buhay upang


matugunan ang suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap
ng bawat bansa.

Maliwanag na po ba sa inyo ang


tungkol sa mga suliraning
pangkapaligirang kinakaharap ng Opo, Sir
Asya?

May mga katanungan pa ba kayo


o nais linawin sa ating paksa? Wala na po, Sir

Ngayon, upang masukat ang


inyong kaalaman at pag unawa
sa ating tinalakay na aralin,
magkakaroon muna tayo ng
maikling gawain.

F. Paglinang ng kabihasaan TAMA o MALI


(Tungo sa Formative
Assessment) Panuto: Isulat ang T kung Tama
ang isinasaad na pangungusap at
M naman kung Mali.

__1. Ang Urbanisasyon ang


dahilan ng paglago ng mga slum
o karaniwang tirahan ng
mahihirap sa mga lungsod.
__2. Ang kakapalan ng 1. T
populasyon ay tumutukoy sa 2. M
pagdumi o kontaminasyon ng 3. T
hangin, tubig, at lupain bunga ng 4. T
labis na paggamit at pagtapon ng 5. T
mga bagay na nakakalason sa
kapaligiran.
__3. Ang Global Warming ay ang
pagtaas ng temperatura sa loob
ng daigdig.
__4. Ang matinding pananagutan
sa maingat na paggamit ng
yamang likas ay tinatawag na
Sustainable Development.
__5. Dahil sa labis na paggamit
ng mga pataba, pestisidyo at iba
pang kemikal kaya bumababa
ang kalidad ng mga lupain.

G. Paglalapat ng Aralin sa pang- Programa kontra sa mga


araw-araw na buhay Suliraning Pangkapaligiran

Panuto: Ipapangkat sa tatlo (3)


ang klase, bawat pangkat ay
bibigyan ng isang suliraning
pangkapaligiran at iisip ng
programa na maaaring
makatulong upang
masolusyunan ang bawat
suliraning mayroon ang bawat
pangkat.
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA:

Kooperasyon 30%
Kaangkupan ng ideya 50%
Presentasyon 20%
Kabuuan 100%

Bibigyan ko lamang kayo ng


limang (5) minuto upang
makapag isip ng programa at
karagdagang tatlong (3) minuto
para sa presentasyon.

Maliwanag na po ba sa inyo ang Yes po, Sir


inyong gagawin?

Mabuti! Maaari na kayong


magsimula.

H. Paglalahat ng Aralin At para naman sa inyong


panghuling gawain, mag handa
ng isang buong papel.

Panuto:
Tukuyin ang limang (5) Suliraning
Pangkapaligiran sa Asya. Bilang
isang mamamayan na
nakakaranas sa mga suliraning
ito, ano ang inyong magagawa
upang masolusyunan ito.

I. Pagtataya ng Aralin Reflection

Panuto:
Gumawa ng reflection paper
patungkol sa inyong mga
natutunan sa aralin ngayong
araw.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin:


Takdang Aralin at Remediation
Basahin at pag-aralan ang Aralin
9 na nasa pahina 89-95 para sa
susunod na talakayan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag -aaral
nanakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa Aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

You might also like