You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines

***COLLEGE OF TEACHER EDUCATION***


Second Semester, AY 2022-2023

MASUSING BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


GRADE 8
PAKSA: HEOGRAPIYANG PISIKAL NG DAIGDIG

Inihanda ni: Ipinasa kay:

_Gina Lyn E. Ayran_ _Gng. Irish E. Flores, MAEd._


BSEd Social Studies EOP IV-A Guro
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN-VIII
I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahan na:

1. Masusuri ang heograpiyang pisikal ng daigdig;


2. Mapapahahalagahan ang impluwensya ng katangiang pisikal ng daigdig sa
daloy ng kaunlaran; at
3. Nakagagawa ng timeline o flowchart ukol sa pagkakabuo ng mga kontinente
ng daigdig.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Heograpiyang Pisikal Ng Daigdig

B. Sanggunian: Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig- Soriano, C. , Antonio, E.,


Dallo, E., Imperial, C., at Samson, M. Pahina 6-20

Internet Reference: https://prezi.com/p/-vbm-h43_zvp/estruktura-ng-


daigdig/?frame=ef89ca4760030ac2d104c9a9e8b6ced3c2cae1e5

C. Mga Kagamitan: Textbooks, Mga Larawan, Mapa

D. Stratehiya: Group Dynamic Approach- Dyads Group Presentation (Flow


Chart)

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1.1Pagbati sa mag-aaral
➢ Magandang hapon sa inyo mga mag-
aaral!
➢ Magandang hapon din po sa inyo
aming guro!
1.2Pagdarasal
➢ Kamusta ang inyong bakasyon? Sana
ay naging masaya at maganda ang
bakasyon ng bawa’t isa, ngayong
hapon sisimulan natin ang ating klase
sa pamamagitan ng isang mataimtim na
panalangin. Maari mo bang
pangunahan ang pagdarasal sa araw na
ito Axle? ➢ Ikinalulugod ko po na pangunahan ang
pagdarasal sa ating klase aming guro.
Tayo po ay tumayo, yumuko at taimtim
na manalangin. Panginoon, maraming
salamat po sa hapong ito at muli po
kaming nagkasama-sama upang
magkaroon ng panibagong kaalaman.
Gabayan po ninyo ang aming guro
upang maibigay ng wasto ang bawat
aral at maisapuso naming ito bilang
kanyang mag-aaral. Kayo po ang
manguna sa bawat gawain. Ito po ang
aming samo’t dalangin sa dakila
naming tagapagligtas. Amen.
➢ Maraming Salamat Axle!

1.3Paglilista ng mga Lumiban

➢ Christine Joy, mayroon bang mga


lumiban sa klase natin sa araw na ito?
Sinu-sino sila?
➢ Wala pong lumiban sa ating klase sa
araw na ito aming Guro.

➢ Magaling!

1.4Balik-Aral

➢ Bago tayo dumako sa ating unang


aralin para sa unang markahan,
talakayan nating muli ang mga naging
aralin noong nakaraang baitang. Anu-
ano ba ang ating napag-aralan noong
kayo ay nasa ika-pitong baitang?
➢ Ang mga naging aralin noong
nakaraang baitang ay patungkol sa
Araling Asyano, dito po nakapaloob
ang mga katangiang pisikal ng asya,
likas na yaman, yamang tao, pag-
usbong ng mga kabihasnan,
➢ Magaling Harold! Maraming Salamat. kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.
Tama, sa ika-pitong baitang ay
naunawaan natin at napahalagahan ang
kamalayan sa heograpiya, kasaysayan,
kultura, lipunan, pamahalaan at
ekonomiya nang mga bansa sa rehiyon
tungo sa pagbubuo ng pakakakilanlang
Asyano. Anu-ano nga ba ulit nga ba ulit
ang pisikal na katangian ng kontinente ➢ Ang Asya ang pinakamalaking
ng Asya? kontinente sa daigdig, ang kabuuang
sukat nito ay umaabot sa humigit
kumulang 44,486,104 kilometro
kuwadrado. Nahahati sa limang
rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran,
Timog, Timog Silangan At Silangang
Asya.

➢ Mahusay Kristine! Maraming salamat.


Anu-ano naman ang mga uri likas na ➢ Magkakaiba ang likas na yaman ng
yaman ng Asya? mga rehiyon sa Asya. Ang Hilagang
Asya ay mayroong malawak na
damuhan na mainam pagpastulan ng
mga halagang hayop. Isa naman sa
pinakamalaki sa mundo ang deposito
ng ginto ang bansang Kyrgyztan,
samantalang ang Tajikistan ay may
iba’t-ibang uri ng yamang mineral. Sa
mga lambak at ilog at sa mababang
burol ng mga bundok may produksyon
ng pagkaing butil. Sa bansang India
naman ay mayroong mga kapatagan,
lambak at reserba ng mga bakal at
karbon. Ang Kanlurang Asya naman ay
➢ Mahusay Lemuel! Maraming salamat. sagana sa mga yamang mineral
Ako ay natutuwa dahil marami kayong partikular na ang langis at petrolyo.
natutunan sa ating mga Aralin noong
nakaraang baitang. Magtungo na tayo
sa ating susunod na gawain.
1.5Pagganyak
Gawain: Arrange the jumbled letters!
Panuto: Hatiin sa dalawang grupo ang klase sa pamamagitan nang pagbibilang ng 1 hanggang 2.
Ang kabilang sa unang grupo ay ang mga bilang na 1 at ang pangalawang grupo naman ang nasa
bilang 2. Ayusin ang mga nagulong letra o jumbled letters upang makabuo ng mga makabuluhang
salita na may kaugnayan sa aralin. Kapag alam na ang sagot ay magtaas lamang ng kamay ang
lider ng bawat grupo. Ang grupo na may mataas na score ang mananalo.

1. O P E Y G A H I R A
2. S A I L I K P
3. G I G A D D G I
Salitang hinahanap:
1. Heograpiya
2. Pisikal
3. Daigdig

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


➢ Magsama-sama ang mga nasa unang
grupo at pumunta sa kaliwang row, ang
pangalawang grupo naman ay pumunta
sa kanang row. Si William ang lider ng
unang grupo at si Erickson naman ang
ikalawa. Ipapakita ko na ang unang
nagulong letra. Erickson ano ang
nabuong salita ng inyong grupo.
➢ Ang nagulong letra po ay salitang
heograpiya.
➢ Magaling! Heograpiya ang tamang
sagot. Mayroon ng isang puntos ang
pangalawang grupo. Ito naman ang
ikalawang nagulong letra. William ano
ang inyong kasagutan?
➢ Ang nagulong letra po ay salitang
pisikal.
➢ Mahusay! Tama ang iyong sagot.
Mayroon ng tag-isang puntos ang
bawat grupo. Narito ang huling
nagulong salita. Erickson, ano ang
inyong kasagutan?
➢ Ang sagot po ng aming grupo ay
daigdig.
➢ Magaling! Daigdig ang tamang sagot.
Nakakuha ng 2 puntos ang ikalawang
grupo at 1 puntos ang unang grupo
kaya ang pangalawang grupo ang
nanalo sa ating gawain. Bigyan natin
ng tatlong palakpak ang pangalawang
grupo. ➢ Tatlong palakpak, magaling, magaling,
magaling!

➢ Mahusay din naman ang ipinakita ng


unang grupo kaya bigyan din natin sila
ng tatlong palakpak.
➢ Tatlong palakpak, mahusay, mahusay,
mahusay!

2.Panlinang na Gawain

2.1 Paglalahad ng Paksa

➢ Ako ay lubos na natutuwa dahil sa


husay at galing na inyong ipinakita
kaya naman dumako na tayo sa ating
aralin sa araw na ito na pinamagatang
“Heograpiyang Pisikal ng Daigdig”.

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


2.2Pagtatalakay

➢ Bilang panimula ibigay muna natin ang


kahulugan ng salitang Heograpiya.
Mayroong ba kayong ideya kung ano
kahulugan ng salitang heograpiya?
Sige Mark, ano ang pumapasok sa
iyong isipan sa tuwing naririnig mo ang
salitang Heograpiya. ➢ Ang heograpiya po ay ang pag-aaral
tungkol sa katangian ng mundo.

➢ Mahusay Mark! Maraming salamat.


Ano naman ang masasabi ninyo
tungkol sa pisikal na katangian ng ➢ Ang daigdig ay may mga kalupaan at
daigdig? katubigan at mayroong iba’t-ibang uri
ng hayop na nakatira dito.
➢ Magaling April! Ang heograpiya ay
ang pag-aaral sa pisikal na katangian
ng daigdig. Ang salitang heograpiya ay
hango sa salitang griyego na geo at
graphein kung saan ang geo ay
nangangahulugan ng lupa at ang
graphein naman ay sumulat.
Samakatuwid ang heograpiya ay
nangangahulugan ng “sumulat ukol sa ➢ Ang heograpiya po ba ay ang pag-aaral
lupa” o “paglalarawan ng mundo”. lamang sa pisikal na katangian ng
Naintindihan ba? Axle ano ang iyong daigdig tulad ng mga anyong lupa at
katanungan? anyong tubig?

➢ Magandang katanungan Axle! Ang


heograpiya ay hindi lamang nakatuon
pag-aaral ng anyong lupa at anyong
tubig o pisikal na katangian, saklaw din
nito ang likas na yaman, klima at
panahon, flora at fauna at ang
distribusyon at interaksyon ng tao at
iba’t-ibang organismo sa kapaligiran
nito. Ang heograpiya din ay
binansagang ina ng agham dahil ito ang
unang siyentipikong pag-aaral noong
unang panahon upang matukoy ng mga
sinaunang tao ang katangian ng
kanilang lugar na humantong sa iba
pang mga pang-agham pag-aaral tulad
ng biology, antropolohiya, heolohiya,
matematika, astronomiya, kimika, at
iba pa. Maliwanag ba?
➢ Maliwanag po aming Guro!

➢ Ang heograpiya ay mayroong limang


tema, ito ay ang: (1) Lokasyon, (2)
Lugar, (3) Rehiyon, (4) Interaksyon ng
tao at kapaligiran (5) Paggalaw.
Sa inyong palagay bakit hinati sa
limang tema ang pagaaral ng
heograpiya? Sige Merz.
➢ Sa aking palagay ang heograpiya ay
hinati-hati upang mas madali itong
➢ Magaling! Maraming salamat Merz. initindihin at pag-aralan.
Layunin ng mga tema na gawing mas
madali at simple ang pagaaral ng
heograpiya bilang isang disiplina ng
agham panlipunan. Sa tulong ng mga
temang ito mas madaling mauunawaan
ng tao ang daigdig na kanyang
ginagalawan. Ang unang tema ay ang
(a)lokasyon. Maari bang pakibasa ang
ibig sabhihin ng lokasyon.
➢ Lokasyon ang tumutukoy sa
kinaroroonan ng mga lugar sa
daigdig.

➢ Maraming salamat Kristine! Ang


lokasyon ay ang paraan ng pagtukoy sa
isang lugar. Maaaring matukoy ang
lokasyon ng isang lugar sa daigdig sa
pamamagitan ng dalawang paraan. Una
ay ang lokasyong absolute na
ginagamitan ng mga imahinaryong
guhit tulad ng latitude line at longitude
line na bumubuo sa grid. Ang pagku-
krus ng dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan
ng isang lugar sa daigdig. Ang ikalawa
ay ang relatibong lokasyon na batayan
naman ay ang mga lugar o bagay na
nasa paligid ng isang lugar. Halimbawa
nito ay ang mga anyong lupa at tubig at
mga istrukturang gawang tao.
Mayroong dalawang paraan ng
pagtukoy sa relatibong lokasyon ito ay
ang (1) sistemang bisinal at sistemang
insular. Sa sistemang bisinal natutukoy
ang lokasyon ng isang lugar sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga
anyong lupa katulad na lamang ng mga
bansa, at probinsya, siyudad na
nakapaligid dito. Sa sistemang insular
batayan ang mga anyong tubig na
palibot dito katulad na lamang ng
karagatan, dagat, ilog, lawa, at iba pa. ➢ Ang lugar ay tumutukoy sa
Ang pangalawang tema ng hegrapiya
mga katangiang natatangi sa
ay ang (b) lugar. Maaari bang pakibasa
isang pook.
ang ikalawang bullet.
➢ Maraming salamat Justin! Ang lugar ay
tumutukoy sa katangiang pisikal at sa
mga taong naninirahan sa isang pook.
Maaari itong matukoy sa pamamagitan
ng dalawang paraan. Una ay ang
katangian na kinaroroonan ng isang
lugar katulad na lamang ng klima,
anyo, lupa at tubig at likas na yaman.
Pangalawa ay ang mga katangian
naman ng taong naninirahan tulad ng
wika, relihiyon, densisdad o dami ng
tao, kultura at sistemang political.
Kabilang din sa tema ng heograpiya
ang (c) rehiyon, ito ay binubuo ng mga
lugar na may magkakatulad na
katangian. Ilan sa mga salik sa pagbuo
ng rehiyon ay ang klima, mga
anyonglupa at anyong tubig at
katangiang kultural tulad ng relihiyon
at wika. Halimbawa ng isang rehiyon
ay ang Central at South America. Ang
pang-apat na tema ng heograpiya ay
ang (d) Interaksyon ng tao at
kapalgiran, ito ay tumutukoy sa
kaugnayan ng tao sa pisikal na
katangiang taglay ng isang tao sa
kanyang kinaroroonan sa temang ito
inilalarawan ang kapaligiran bilang
pinagkukunan ng pangangailangan ng
tao gayundin ang pakikiayon ng tao sa
mga pagbabagong nagaganap sa
kanyang kapaligiran. Ang panglima at
huling tema ng heograpiya ay ang (e) ➢ Ang paggalaw ay
Paggalaw. Maaari bang pakibasa ang
tumutukoy sa paglipat ng
ika-limang bullet.
tao mula sa kinagisnang
lugar patungo sa ibang
lugar kabilang din ditto ang
paglipat ng mga bagay at
likas na pangyayari tulad
ng hangin at ulan
➢ Maraming salamat Lemuel! Ang
paggalaw ay tumutukoy sa pagkilos ng
tao , produkto o kaisipan mula sa isang
lugar patungo sa ibang lugar.
Mayroong tatlong uri na distansya ang
isang lugar ayon sa paggalaw. Una ay
ang (1) Linear, tumutukoy ito sa kung
gaano kalayo ang isang lugar,
pangalawa ay ang (2) Time, ito naman
ay tumutukoy sa kung gaano katagal
ang paglalakbay at ang panghuli ay ang
(3) Psychological na tumutukoy sa
kung paano tinitingnan ang layo ng
isang lugar. Sa inyong palagay bakit
nga ba nagpapalipa-lipat ng lugar ang
tao? ➢ Sa aking palagay lumilipat ang tao ng
lugar upang humanap ng ikabubuhay.

➢ Magaling Axle! Maraming salamat.


Simula pa noong unang panahon ang
tao ay nagpapalipat-lipat ng tirahan sa
paghahanap ng ikabubuhay. Sa tulong
ng kalakalan, naikalat ang bagong
kaisipan at lumago ang kultura ng mga
tao. Dumako naman tayo sa ating
susunod na aralin, ang lokasyon. Sa
ating aralin kanina ay nalaman natin na
ang lokasyon ay tumutukoy sa
kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
Maari niyo bang ibigay ang dalawang
paraan kung paano natutukoy ang
lokasyon ng isang lugar.
➢ Ang dalawang paraan upang matukoy
ang lokasyon ng isang lugar ay ang
Absolute at Relatibo. Ang Absolute na
pagtukoy ay ginagamitan ng mga
imahinaryong guhit tulad ng latitude
line at longitude line na bumubuo sa
grid. Ang relatibong pagtukoy naman
ay ginagamit na batayan ang mga lugar
o bagay na nasa paligid ng isang
lugar.Ang relatibong pagtukoy ng
lokasyon ay mayroong dalawang
pamamaraan, una ay ang sistemang
bisinal at sistemang insular.Sa
sistemang bisinal natutukoy ang
lokasyon ng isang lugar sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga
anyong lupa samantalang sa sistemang
insular naman natutukoy ang lokasyon
ng isang lugar sa pamamagitan ng
pagkilala ng mga anyong tubig na
➢ Magaling April! Sa pagtatakda ng nakapaligid dito.
lokasyon sa globo mahalagang mabatid
ang ilang termino o konseptong may
malaking kaugnayan dito. Ginagamit
ang imaginary line o imahinaryong
linya upang matukoy ang lokasyon ng
isang lugar sa globo o mapa. Maari
bang pakibasa ang ibig sabihin ng
longhitud na linya.
➢ Ang linyang longhitud ay
distansyang angular na
tumatahak mula sa north
pole patungong south pole .

➢ Maraming salmat Harold! Ang


longhitud ay isang imahinaryong linya
at mayroong distansyang angular na
tumatahak mula sa north pole
patungong south pole, ang prime
meridian naman ay itinatalaga bilang
0°longitude.Ito ay nasa Greenwich
England.

Tinatawag namang latitude ang


distansyang angular sa pagitan ng
dalawang parallel na tumatahak mula
sa silangan-pakanluran. Ang equator
ang humahati sa globo sa hilaga at
timog hemisphere. Ito ay itinatakda
bilang 0° latitude. Ito din ang batayan
upang matukoy ang klima ng isang
lugar.

➢ Ang international Date line naman ang


180° mula sa prime meridian
pakanluran man o pasilangan na
matatagpuan sa kalagitnaan ng
karagatang pasipiko. Nababago ang
pagtatakda ng petsa alinsunod sa
pagtawid sa linyang ito pasilangan o
pakanluran. .Ito din ang
nagpapaliwanag kung bakit hindi pare-
pareho ang petsa o oras ng bawat
bansa.

➢ Ang pinakadulong bahagi ng northern


hemisphere ay tinatawag na tropic of
cancer. Ito ay direktang sinisikatan ng
araw, makkita ito sa 23.5° hilaga ng
ekwador. Ang pinakadulong bahagi
naman ng Southern hemisphere ay
tinatawag na Tropic of Capricorn, ito
din direktang sinisikatan ng arawna
matatagpuan 23.5° timog ng ekwador.
Tingnan ang larawan, maaari niyo ba
muling ituro ang longhitud na linya sa
mapa.

➢ Ito po ang longhitud na linya aming


guro.
➢ Magaling Karl! Saan naman ang
latitude na linya May ann?
➢ Narito po ang latitude na linya aming
guro.
➢ Mahusay May ann! Maaari mo bang
ipakita ang Prime meridian at ang
International Date Line April.
➢ Ito po ang Prime Meridian at ang
International Dateline aming Guro.

➢ Magaling April! Ngayon naman gamit


ang mapang ito, sino ang
makapagbibigay ng absolute at
relatibong lokasyon ng Pilipinas? Sige
Dianne. ➢ Ayon sa mapa, ang absolute na
lokasyon ng Pilipinas ay nasa 4°-21°
hilagang latitud at 116°- 127°
silangang longitud. Ang relatibong
lokasyon naman gamit ang Bisinal na
pagtukoy, ang Pilipinas ay
napapaligiran ng mga bansang China,
Japan, Micronesia, Marianas, Guam,
Brunei, Indonesia, Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand. Gamit ang
Insular na pagtukoy, ang Pilipinas ay
napapaliligiran ng Bashi Channel,
Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes at
dagat Sulu at Dagat Kanluran ng
Pilipinas.
➢ Mahusay Dianne! Napakahusay
ninyong lahat. Talakayin naman natin
ang Katangiang Pisikal ng Daigdig.
Masdan ninyo ang larawan A at B.
Paano mailalarawan ang mga taong
namumuhay sa lugar na ito?

Larawan A
Larawan B

➢ Ang larawan A ay isang lugar na


magubat maaaring ang ikinabubuhay
ng mga tao rito ay pangangaso. Ang
larawan B naman ay malapit sa dagat at
maaaring ang mga tao rito ay
pangingisda ang ikinabubuhay.

➢ Magaling William! Maraming


salamat. Ang mga larawan na iyan ay
isa lamang sa dahilan na nagpapakita
ng kahalagahan sa pagaaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.
Mahalaga na mapagaralan ito sapagkat
nakakaapekto ito nang malaki sa
pamumuhay at kultura ng tao.
Binubuo ng Yamang lupa, Yamang
tubig, Klima at Yamang Likas ang
pisikal na katangian ng daigdidg. Ang
bawat isa ay nakiimpluwensya sa
bawat isa. Unahin nating talakayin ang
Mga Ayong Lupa. Ang daigdig ay
binubuo ng 149,000,000 kilometro
kwadradong bahagdan ng lupa na
hinati sa pitong kontinente. Maaari
bang pakibasa ang unang bullet. ➢ Kontinente.Ang malalaking
bahagi ng lupa sa mundo ay
tinatawag nakontinente.
Mayroong pitong kontinente
sa mundo ito ay ang Asia,
Africa, North America, South
America, Antartica, Europe
at Australia.

➢ Maraming salamat April! Tinatawag na


kontinente ang pinakamalaking masa
ng lupa sa daigdig. Mayroong mga
kontinenteng magkakaugnay at
mayroon naming napaliligiran ng
katubigan. Mayroong pitong
kontinente sa daigdig ito ay ang Africa,
Antartica, Asya, Europe, North
America, South America at
Australia.Mayroong mga panukala na
maaaring magbigay-liwanag kung
paano nabuo ang mga kontinente. Isa
ditto ang pinakakilala ang teorya ni
➢ Teorya ni Alfred Wegener.
Alfred Wegener.Maaari mo bang
Ipinanukala ni Alfred
basahin Karl.
Wegener noong 1912,isang
geologist na Aleman , ang
tinatawag na Continental
Drift.Ayon sa teoryang ito ,
ang mga kontinenteng kilala
natin 200 milyong taon na
ang nakalipas nang ang
Pangaea ay nabasag at
nagging dalawang
malalaking umbok ng lupa
na Gandwanaland at
Laurasia.

➢ Maraming salamat Karl! Isinulong ni


Alfred Wegener, na isang Aleman ang
teoryang Continental Drift. Ayon sa
teoryang ito ang mga kontinente ay
dating magkakaugnay 260 milyong
taon na ang nakalilipas at ito ay ang
kontinenteng Pangaea na
napapalilibutan ng karagatan na
Panthalasa. 200 Milyong taon ang
nakalipas ng nagsimulang gumalaw
ang mga continental plates sa ilalim ng
lupa at nahati ang Pangaea sa dalawang
kontinente at ito ay ang Laurasia sa
Hilaga at Gondwanaland sa Timog.65
Milyong taon ang nakalipas
,nagpatuloy sa paggalaw ang mga
continental plates hanggang sa
marating ang kasalukuyang
kinalalagyan ng mga 7 kontinente.
Maliwanag ba? ➢ Maliwanag po aming Guro!
➢ Naririto ang mga mahahahalagang
datos tungkol sa mga kontinente ng
daigdig.Simulan natin sa kontinente ng
Africa , nandito ang pinakamalaking
suplay ng ginto at diyamante , nandito
din and pinakamahabang ilog sa buong
mundo na kilala sa pangalang Nile
River.Matatagpuan din ditto ang
Saharra Dessert na pinakamalaking
Desyerto sa buong daigdig. Ito din ang
nagtataglay ng piunakamaraming
bansa sa lahat ng kontinente. Ang
Antartica naman ag tanging
kontinenete na natatakpan ng yelo na
may kapal na 2 kilometro , dahil dito
walang taing nainirahan ditto maliban
sa mga siyentipikong nagsasagawa ng
pagaaral tungkol dito gayunpaman
sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot ditto.Ang Asia
naman ang pinakamalaking kontinente
sa daigdig ssinasabing ang sukat nito
ay mas Malaki pa pinagsamang lupain
ng North at South America at ang
kabuuang sukat nito ay 1/3 ng buong
kalupaan ng daigdig , matatagpuan
ditto ang bansang pinakamalaking
populasyon at ito ang China. Naririto
Din ang pinakamataas na bundok sa
daigdig and bundok Everest
.Samantala ang Europa naman ay
sangkapat o ¼ na bahagi lamang
ngkalupaan ng Asia ito ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente sa daigdig.
Hugis malaking tatsulok naman ang
kontinente ng North America,
dalawang mahahabang kabundukan
ang matatagpuan sa koontinenteng ito
ang Apalachian Mountains at ang
Rocky Mountains. Hugis tatsulok din
ang South America, paunti-unting
nagiging patulis mula sa bahaging
ekwador hanggang sa Cape Horn sa
katimugan, ang Andes Mountain ang
pinakamahabang kabundukan sa
kontinenteng ito. Ang Australia ay
isang bansa ding kinikilalang
pinakamaliit sa daigdig. Ito ay
napapalibutan ng karagdatang Indian at
karagatang Pasipiko. Ito ay
inihihiwalay ng Arapura Sea at Timor
Sea. Dahil sa 50 Milyong
pagkakahiwalay ng Australia bilang
kontinente may mga bukod tanging
species ng halaman at hayop na ditto
lamang matatagpuan. Kabilang na ditto
ang kangaroo, koala, tazmanian devil
at laticus. Naririto pa ang
mahahalagang datos patungkol sa
pitong kontinente.

➢ Ayon sa datos, aling kontinente ang


mayroong pinakamaraming bilang
bansa?

➢ Ang kontinenteng pinakamaraming


bilang ng bansa ay ang Africa,
mayroong itong 53 mga bansa.
➢ Magaling Kristine! Maraming salamat.
Ano naming kontinente ang mayroong
pinakakaunting bilang ng mga bansa?

➢ Ang kontinenteng pinakakaunting


bansa ay ang South America, dahil
mayroon lamang itong 12 bansa.
➢ Mahusay William! Maraming salamat.
Maaari niyo bang muling sabihin ang 7
kontinente ng Daigdig.
➢ Ang pitong kontinente ng daigdig ay
ang Asia, Africa, Australia, Antartica,
Europe, North America, at South
America .
➢ Magaling Dianne! Maraming salamat.
Ako ay lubos na nagagalak sa galling at
interes na inyong ipinakita. Kaya’t
tumungo na tayo sa ating susunod na
gawain.

2.3Pangkatang-Gawain
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo at ang bawat grupo ay inaasahang makagawa ng
malikhaing “timeline o flowchart” na nagpapakita kung papaano nabuo ang kontinente ng
daigdig. Ang mga magaaral ay bibigyan rin ng 2 minuto upang ipaliwanag sa harapan ang kanilang
ginawang timeline o flowchart. Ang bawat kategorya ng kraytirya sa ibaba ay binubo ng limang
puntos.

KRAYTIRYA PANGKAT 1 PANGKAT 2


1.
Pagkamalikhain –
nagpapakita ng
natatangi o kakaibang
paraan ng
presentasyon.

2. Organisasyon ng
Nilalaman –
Nabanggit ang mga
impormasyong
kinakailangan
patungkol sa kung
paano sinakop ng mga
imperyalismong
kanluranin ang West
Asia.
3.Pagtutulungan –
naipapakita ng bawat
grupo ang tinatawag
na “Team Work”. Ang
bawat isa ay may
papel na
ginagampanan.
Kabuuan: _____
Interpretasyon:

5 – Naipamalas ng buo ang katangiang hinahanap ng Kraytirya.

4 – Hindi masyadong naipamalas ang katangiang hinahanap ng Kraytira.

3 – Kulang ang naipamalas na katangiang hinahaap ng Kraytirya.

2 – Hindi maunawaan ang naipamalas ang katangiang hinahanap ng Kraytirya.

1 – Walang kinalaman ang naipamalas na katangiang hinahanap ng Kraytirya.

3. Paglalahat o Pagbubuod
Panuto: Sa pamamagitan ng mga sumusunod na pangungusap o sitwasyon, magtatawag ang guro
ng piling estudyante upang piliin kung ito ay tumutukoy sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon
ng tao at kapaligiran at paggalaw at kanila itong ipaliliwanag base sa naging aralin.
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon at sabihin kung ito
ay tumutukoy sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw.

1. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng


dagat ang bansa.
2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, Timog ng Bashil Channel ,
at Silangan ng West Philippine Sea.
3. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming Nars na
Pilipino na doon magtrabaho.
5. Malamig na klima ang nararanasan sa Baguio.

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


➢ Ako ay lubos na natutuwa dahil sa
galing na inyong ipinakita sa paggawa
ng malikhaing timeline. Ngayon
naman ay tumungo na tayo sa ating
susunod na aktibidad. Makikita ninyo
sa inyong harapan ang mga
pangungusap. Unawain ang bawat
sitwasyon at sabihin kung ito ay
lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon
ng tao at kapaligiran o paggalaw.
Maliwanag ba ? ➢ Maliwanag po aming Guro!
➢ Kung ganoon simulan natin. Ang
unang pangungusap: Ang pangingisda
ay isang aktibong kabuhayan ng mga
Pilipino dahil napalilibutan ng dagat
ang bansa. Alin sa limang tema ng
heograpiya ito tumutukoy? ➢ Ito po ay tumutukoy sa Interaksyon ng
tao at kapaligiran, dahil sa kapaligiran
nito na dagat, ay nabuo ang kanilang
pangunahing hanapbuhay, ang
➢ Tama! Maraming salamat. Aling tema pangingisda.
naman ang tinutukoy ng pangalawang
pangungusap? Matatagpuan ang
Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean,
Timog ng Bashi Channel, at Silangan
ng West Philippine Sea.
➢ Ito po ay tumutukoy sa lokasyon,
sinasabi sa pangungusap ang
relatibong lokasyon ng Pilipinas.
➢ Magaling! Tama ang iyong sagot.
Aling tema naman ng heograpiya ang
tinutukoy ng pangatlong pangungusap?
Kasapi ang Pilipinas sa Association of
Southeast Asian Nations. ➢ Ito po ay tumutukoy sa Rehiyon,
sapagkat ang Association of Southeast
Asian Nations ay samahan ng mga
bansa sa Asya.

➢ Tama! Anong tema naman ang


tinutukoy ng pang-apat na
pangungusap? Ang malaking sahod sa
bansang Germany ang nag-eenganyo
sa maraming Nars na Pilipino na doon
magtrabaho. ➢ Ang pang apat na pangungusap ay
tumutukoy sa Paggalaw, sapagkat
nabanggit sa sitwasyon ang dahilan ng
paglipat ng mga Pilipinong Nars sa
Germany ay ang mataas na sahod na
nagiging dahilan ng paggalaw ng tao.
➢ Tama! Mahusay! Anong tema naman
ng heograpiya ang tinutukoy ng
panghuuling sitwasyon? Malamig na
klima ang nararanasan sa Baguio.
➢ Tumutukoy ito sa lugar, sapagkat
binaggit ang natatanging klima na
naglalarawan sa lugar na Baguio.
➢ Tama! Napakahusay, ako ay natutuwa
dahil galing na inyong ipinamamalas.
Samakatuwid, ang Lokasyon ay
tumutukoy sa kinaroroonan ng mga
lugar sa daigdig. Lugar ay tumutukoy
sa mga katangiang natatangi sa isang
pook, Rehiyon naman ay binubuo ng
mga lugar na may magkakatulad na
katangian, ang Interaksyon ng tao at
kapaligiran nman ay tumutukoy sa
kaugnayan ng tao sa pisikal na
katangiang taglay ng isang tao sa
kanyang kinaroroonan at ang Paggalaw
na tumutukoy sa paglipat ng tao mula
sa kinagisnang lugar patungo sa ibang
lugar. Maliwanag ba? ➢ Maliwanag po aming Guro!

4. Pagpapahalaga
Panuto: Magkakaroon ng “Question and Answer” ang klase. Pipili ng ilan sa mga estudyante
ang guro upang sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang heograpiya sa pagunlad ng pamumuhay sa


daigdig?
2. Bilang estudyante at mamamayang Pilipino paano mo mapapahalagahan at
mapangangalagaan ang ating daigdig?
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
➢ Mahuhusay! Isa pang katanungan, sa
iyong palagay, paano nakakaapekto
ang heograpiya sa pagunlad ng
pamumuhay sa daigdig? ➢ Malaki ang epekto ng heograpiya sa
pagunlad ng pamumuhay ng tao sa
daigdig sapagkat dito sila bumabase
kung ano ang uri ng pamumuhay sila
maaaring umangkop. Nakadepende
ang kaunlaran ng komunidad sa
heograpiya. Halimbawa, kung ang
isang lugar ay malapit sa baybayin at
malapit sa malalim na dagat, nagiging
mas madali ang aksebilidad ng isang
lugar sa kalakalan. Kung ang isang
komunidad naman ay malapit sa ilog,
mas madali ang Agrikultura.At kung
nasa disyerto ang isang komunidad,
nagiging mahirap ang kaunlaran dahil
sa kawalan ng tubig.
➢ Napakahusay Christine Joy!
Maraming salamat. Bilang estudyante
naman at mamamayang Pilipino paano
niyo naman mapapahalagahan at
mapapangalagaan ang ating daigdig na
kinabibilangan? ➢ Bilang estudyante at mamamayang
Pilipino aking mapapahalagahan at
mapapangalagaan ang ating daigdig sa
pamamamagitan ng pagsisimula sa
pinakasimpleng paraan ito ay ang
paggalang at pagpapahalaga sa ating
kapaligiran. Ang simpleng pagsunod sa
batas ng kapaligiran tulad na lamang ng
hindi pagkakalat ay malaking tulong
upang mapangalagaan ang ating inang
kalikasan.
➢ Mahusay Axle! Ako ay natutuwa dahil
sa husay at galing na inyong
ipinamamalas sa araw na ito.

IV.Pagtataya
Test I. Multiple Choice (5points)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba at piliin at bilugan ang
tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig. Anong sangay


ng agham panlipunan ito?
a. Antropolohiya c. Heograpiya
b. Ekonomiks d. Kasaysayan
2. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar
patungo sa ibang lugar?
a. Lokasyon c. paggalaw
b. Lugar d. rehiyon
3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?
a. Anyong lupa c. Imahinasyong guhit
b. Anyong tubig d. Estrukturang gawa ng tao
4. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?
a. rehiyon c. paggalaw
b. lokasyon d. interaksyon
5. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit hindi pare-pareho ang petsa o oras ng bawat bansa.
a. Longhitud na linya c. Latitud na linya
b. International Date line d. Oras

TEST II: Identification (5 points)


Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon,
interaksyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat ang
sagot bago ang bilang.
1. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.
2. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) SA Pilipinas ang
nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng
transportasyon at ng pabahay sa lungsod.
3. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay napabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magagandang pasyalan.
4. Ang Singapore ay nasa 1°20’ hilagang latitude at 103° 50’ silangang longhitud.
5. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayang ng Brazil.

TEST III: Essay (5 Points)


Panuto: Gumawa ng isang essay na binubuo ng tatlo (3) hanggang limang (5) pangugusap na
naglalarawan sa tanong na nasa ibaba.
“Paano nakatutulong ang limang tema ng heograpiya sa pagunawa ng heograpiya ng isang
bansa?”

V.Takdang Aralin
1. Pumili ng isang bansa, magbgay ng sariling interpretasyon tungkol sa heograpiya ayon sa
limang tema.
2. Magsaliksik ukol sa kahulugan ng Heograpiyang Pantao.

You might also like