You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin

Araling Panlipunan IV
l. Mga Layunin:
A. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.
B. Nailalarawan ang yamang-lupa, yamang-tubig, yamang-mineral ng bansa.
C. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman.
ll. Paksang Aralin:
A. Paksa – Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa
B. Sangunian – Araling Panlipunan lV,-- Kagamitan ng Mag-aaral
C. Kagamitan – larawan, tsart, biswal eyd
lll. Proseso ng Pagtuturo:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Klas, bago ang lahat paki-ayos muna ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo.
- Okay Roger pamunuan mo ang ating - Amen
panalangin.
- Magandang umaga mga bata! - Magandang umaga din po
teacher.

- Handan aba kayo sa ating leksyon ngayon? - Opo teacher.

B. Pagganyak
- Magaling! Dahil handa na kayo, may
ipapakita ako sa inyong isang tula na may
kinalaman sa ating paksain ngayon.
- (ipinakita ang tula)
Ilog Pasig
Ang tubig na dumadaloy noon
Malinis, malinaw, ginagawang paliguan
Isa rin itong malaking palaisdaan
Na pinagkukunan ng kabuhayan
Ng karaniwang mamamayan.
Dahil mga pabrika itinayo sa paligid
Ang Ilog Pasig naging tambakan
Mga isda at halamang-dagat
Na doo’y namumuhay, naapektuhan
Pawang naglaho o nangamatay.
- Ngayon klas makinig ang lahat nang mabuti
dahil itutula ko ang ating tula ngayon.
- (itinula ang tula)
- Okay klas, palakpakan si teacher gaya nito: 1, - (isinagawa ang palakpak)
2, 1, 2, 3, 1, 2, 3, 4, yehey3x!

- Okay klas batay sa tulang napakinggan ninyo - Teacher.


sa akin, ano kaya ang tatalakayin natin
ngayong umaga?
- Okay Edmar. - Tungkol sa yamang-tubig po
- Tama! Ang yamang-tubig ay ano klas? teacher.
- Okay Nicole. - Teacher.
- Tama! Magaling Edmar at Nicole. - Ang yamang-tubig ay isa sa
mga likas na yaman po
C. Paglalahad teacher.
- Klas, ang ating tatalakayin ngayong umaga ay
tungkol sa “mga pangunahing likas na yaman
ng bansa”.

D. Pagtatalakay
- Isa sa mga mga likas na yaman ng bansa ay
ang yamang-lupa, itinatanin at nakapag-aani
ng palay, gulay at prutas ang mga
magsasakang Pilipino. Umaasa rin sa lupa ang
mga hayop
- Ano nga ulit ang inaasahan ng mga magsasaka - Ang yamang-lupa po teacher.
at mga hayop klas?
- Tama! Ditto naman tayo sa yamang-mineral.
Isa rin sa pangunahing likas na yaman ay ang
yamang-mineral. May mineral na metal tulad
ng ginto, bakal, at tanso. May mineral din
namang di-metal tulad ng langis, petrolyo, at
geothermal na pinagkukunan ng elektrisidad.
- Ano nga ulit ang dalawang yamang mineral - Metal at di-metal po teacher.
klas?
- Tama! Magaling mga bata.
- Ang ikatlong pangunahing likas na yaman
naman klas ay ang yamang-tubig. Isang
archipelago ang bansang Pilipinas kaya naman
ang yamang-tubig nito ay tulad ng dagat,
golpo, ilog, at lawa na ginagawang
pangisdaan, pinagkukunan ng inimin,
paliguan, at pinagkukunan ng inerhiya.
- Klas ang likas na yaman ng bansa ay sapat
upang maibigay ang mahahalagang
pangangailangan ng mamayanan at
makapamuhay ng maginhawa. Dapat
pagyamanin at pangalagaan natin ito klas.
- Bilang batang Pilipino, kailangan ang inyong - Opo teacher.
tulong upang mapagyaman at masagip ang
mga likas na yaman ng bansa. Naiintindihan
ba mga bata?

E. Pormatib Tsek
- Klas ano nga ulit ang pangunahing likas na - Teacher.
yaman ng bansa?
- Okay Jhon. - Yamang-lupa, yamang-
- Tama. Magaling Jhon. mineral, at yamang-tubig po
teacher.
F. Paglalahat
- Okay ngayon klas papangkatin ko kayo sa
dalawa. Ito ang pangkat isa at ito naman ang
pangkat dalawa. Bawat pangkat ay may tig- - (pumili ng tig-iisang
iisang magboboluntaryo. magboboluntaryo)
- Okay ang gagawin ninyo ay ipaghambing ang
mga larawan sa kanan sa mga salita sa kaliwa. - Opo teacher.
Naiintindihan ba mga bata?
- Handa naba kayo? - Opo teacher.
- Okay! Ala una, alas dos, alas tres, go!
- Wow magaling mga bata. Ang unang mabilis
na nakatapos na pangkat ay ang pangkat-isa
kaya bibigyan ng pangkat-dalawa ng palakpak
ang pangkat-isa: 1, 2, 1, 2, 3, 1, 2, 3, 4,
yehey3x!

G. Paglalahat
- Okay klas, ano ang natutunan ninyo ngayong
umaga? - Natutunan ko po ang tatlong
- Okay Shane. pangunahing likas na yaman
- Magaling Shane. ng bansa.
- Ano pa klas? - Natutunan ko po na dalawa
- Okay Jane ang uri ng yamang-mineral at
ito ay ang metal at di-metal.
- Magaling Jane
lV. Pagtataya:
Panuto: basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng bansa. Isulat ang mga ito sa
tamang kolum sa talahanayan.

Abaka bakal karbon

Goma kapok korales

Sinarapan perlas sulpur

Chromite tanso geothermal

Waling-waling tubo pandaka pygmaea

Yamang-lupa Yamang-mineral Yamang-tubig

V. Takdang Aralin:
Sagutan ang Gawain C sa aklat na Araling Panlipunan sa pahina 70. Isulat ito sa isang
buong papel.

You might also like