You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan IV

l. Mga Layunin:
A. Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa.
B. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa mga likas na yaman
ng bansa.
C. Natutukoy ang mga yamang nakukuha sa likas na yaman ng
bansa.
ll. Paksang Aralin:
A. Paksa – Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa
B. Sangunian – Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral)
lV, Pahina 67-72
C. Kagamitan – larawan, tarpapel, biswal eyd
lll. Proseso ng Pagtuturo:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
- Klas, bago ang lahat paki-ayos
muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo.
- Okay Roger pamunuan mo ang - Amen
ating panalangin.
- Magandang umaga mga bata! - Magandang umaga
din po teacher.
- Ngayon sa pagsisimula ng ating
talakayan ay mayroon akong
- Kumanta ng Likas na
inhandang pampasigla para
yaman na kanta
mas aktibo tayo sa ating leksyon
ngayon.

- Magaling, maari na kayong


umupo.

- Handan naba kayo sa ating


leksyon ngayon? - Opo teacher.

B. Pagganyak
- Magaling! Dahil handa na kayo,
may ipapakita ako sa inyong
isang larawan na may kinalaman
sa ating paksain ngayon.
- (ipinakita ang larawan)
- Ngayon klas suriin ninyong
mabuti ang larawan

- Okay klas batay sa larawan, ano


kaya ang tatalakayin natin
- Teacher.
ngayong umaga?

- Okay marlon.
- Tungkol sa yamang-
tubig po teacher.

- Tama! Ang yamang-tubig ay ano - Teacher.


klas?
- Okay Jesaca. - Ang yamang-tubig
ay isa sa mga likas na
yaman po teacher.
- Tama! Magaling Marlon at
Jeseca.

C. Paglalahad
- Klas, ang ating tatalakayin
ngayong umaga ay tungkol sa
“mga pangunahing likas na
yaman ng bansa”.

D. Pagtatalakay
- Isa sa mga mga likas na yaman
ng bansa ay ang yamang-lupa,
itinatanim at nakapag-aani ng
palay, gulay at prutas ang mga
magsasakang Pilipino. Umaasa
rin sa lupa ang mga hayop
- Ano nga ulit ang inaasahan ng - Ang yamang-lupa po
mga magsasaka at mga hayop teacher.
klas?

- Tama! Ditto naman tayo sa


yamang-mineral. Isa rin sa
pangunahing likas na yaman ay
ang yamang-mineral. May
mineral na metal tulad ng ginto,
bakal, at tanso. May mineral din
namang di-metal tulad ng langis,
petrolyo, at geothermal na
pinagkukunan ng elektrisidad.

- Ano nga ulit ang dalawang - Metal at di-metal po


yamang mineral klas? teacher.
- Tama! Magaling mga bata.

- Ang ikatlong pangunahing likas


na yaman naman klas ay ang
yamang-tubig. Isang
archipelago ang bansang
Pilipinas kaya naman ang
yamang-tubig nito ay tulad ng
dagat, golpo, ilog, at lawa na
ginagawang pangisdaan,
pinagkukunan ng inimin,
paliguan, at pinagkukunan ng
inerhiya.

- Klas ang likas na yaman ng bansa


ay sapat upang maibigay ang
mahahalagang
pangangailangan ng
mamayanan at makapamuhay
ng maginhawa. Dapat
pagyamanin at pangalagaan
natin ito klas.

- Bilang batang Pilipino, kailangan - Opo teacher.


ang inyong tulong upang
mapagyaman at masagip ang
mga likas na yaman ng bansa.
Naiintindihan ba mga bata?

E. Pormatib Tsek
- Klas ano nga ulit nga ang - Teacher.
pangunahing likas na yaman ng
bansa?
- Okay Charity. - Yamang-lupa,
yamang-mineral, at
yamang-tubig po
- Tama. Magaling Charity. teacher.

- Ano-anu naman ang mga


- Bundok, talampas at
halimbawa ng yamang lupa?
- Yamang mineral? kapatagan.
- Yamang tubig? - Ginto, tanso at bakal
- Karagatan, lawa at
talon
- Magaling mga bata

F. Paglalahat
- Okay. Ngayon class ay mayroon
tayong gagawin. Papangkatin
ko kayo sa tatlong grupo.
Bibigyan ko ng larawan ang
bawat miyembro ng grupo. Ang
gagawin ninyo ay tukuyin kung
ang larawan ay yamang lupa,
yamang mineral o yamang tubig
at ipaskil sa pisara kung saang
hanay sila naaayon.

- Handa naba kayo?


- Opo teacher.
- Okay! Ala una, alas dos, alas tres,
go!
- Wow magaling mga bata.
Palakpakan ninyo ang inyong
sarili
G. Paglalahat
- Okay klas, ano ang natutunan
ninyo ngayong umaga?
- Okay Jeseca.
- Natutunan ko po ang
- Magaling Jeseca.
tatlong pangunahing
likas na yaman ng
bansa.
- Ano pa klas?

- Okay Daisy.
- Natutunan ko po na
dalawa ang uri ng
yamang-mineral at
- Magaling Daisy at Jeseca. ito ay ang metal at di-
metal.

lV. Pagtataya:
Panuto: basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng
bansa. Isulat ang mga ito sa tamang kolum sa talahanayan.
Abaka bakal
karbon

Goma kapok korales

Sinarapan perlas sulpur

Chromite tanso geothermal

Waling-waling tubo pandaka pygmaea

Yamang-lupa Yamang-mineral Yamang-tubig

V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng tig-dadalawang halimbawa sa likas na yamang lupa,
mineral at tubig at ilagay ito sa short bandpaper. Maari niyo ring
kulayan o bigyang buhay ang inyong likha.

Inihanda ni: Bb. Faith P. Maratas


BEED-2A

You might also like