You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Province of Rizal
MUNICIPALITY OF RODRIGUEZ
COLEGIO DE MONTALBAN

Detalyadong Banghay sa Araling Panlipunan IV

Name of Teacher Teresa G. Amolo Section BEED GEN. 3E


Learning Area Araling Panlipunan Time 2:30-4:00 PM
Grade level Four Date October 26, 2021

I. Mga Layunin

1. Naiisa – isa ang tatlong pangumahing likas ng yaman ng bansa


2. Naipaliliwanag ang iba't ibang uri ng likas ng yaman ng bansa.
3. Nasusuri ang kahalagahan at pangangalaga ng mga likas na
yaman ng bansa.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa – Mga Pangunahing Likas ng Yaman ng Bansa


B. Sanggunian - Internet
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/HEKASI_4_MISOSA__12_MGA_
LIKAS_N.PDF
C. Kagamitan- laptop, PowerPoint presentation

III. Proseso ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang gawain Magandang hapon po, Binibining Amolo

- Magandang hapon mga bata! _ nagsitayo anglahat)


- Maari bang mag sipag tayo ang lahat para
sa panalagin.

“Panginoon maraming salamat po sa


ibinigay ninyong paninabagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok namin ang mga itinuturo
sa amin at maunawaan ang mga aralin na
makakatulong sa amin sa pagtatagumpay
sa buhay na ito. Amen

(Magtala ng lumiban sa klase)


- Wala po ma'am
Klas! May mga lumiban po ba sa klase
ngayon?
Okay! Maraming salamat klas.

Mga bata pakiayos ang mga upuan niyo.


Pakipulot lahat ng mga basura sa ilalim ng
inyung upuan at itapon ito sa tamang
basurahan.

B. Pamukaw Sigla
_ opo ma’am
Mga bata alam niyo ba ang kantang ang
mga ibon?

Okay! Klas mag si tayo ang lahat at sabay


natin ang kantahin ang mga ibon kailangan
may kasamang sayaw klas. (Tumayo ang lahat )

Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng


Diyos hindi kumukupas. Ang mga ibon
na lumilipad ay mahal ng Diyos hindi
kumukpas. ‘wag ka ng malungkot o
praise the Lord.
(Ulitin natin ng isang beses klas!)

Okay! Mag si upo na ang lahat.

C. Balik Aral

Bago tayo dumako sa ibang aralin mag


balik aral mun tayo kung naalala niyo ba
ang ating pinag aralan kahapon.

Maari niyo bang Sabihin kung ano ang


pinag aralin natin kahapon?

(Mag tawag ng isang mag aaral)


Shine, ano ang pinag aralan natin _ Ma’am ang ating pinag aralan ka hapon
kahapon? ay tungkol sa pagpapahalaga at paniniwala
ng mga Pilipino.
Tama! Mahusay shine.

Ano nga ba ang dalawang pag papahalaga Ma’am ang dalawang paniniwala at
at paniniwala ng mga Pilipino? pagpapahalaga ng mga Pilpino ay anh
pagkapantay- pants ya katapatan sa
(Mag tawag ng isang mag aaral) paglilinkod.

Ikaw Angela.

Tama, ang lahat ng inyong kasagutan ay


tama. Nagpapatunay lamang ito na may
nalalaman o nakikinig kayo sa ating pinag
aralan kahapon.

D. Pagganyak

Class meron akong ipapakita sa inyong


mga larawan pag masdam niyong mabuti
ang mga larawan dahil ako may kauting
katanugan sa mga opinyon niyo tungkol sa
mga larawan.
Klas! Ano- anu ang mga napapansin niyo _ Ma’am may tubig po.
sa mga larawan?

Tama! Magaling

Bukod sa tubig ano pa ang inyong _ma’am meron pong lupa/palayan .


napapansin?

Okay, ikaw grace

Tama magalijg. Meron pa bang ibang


sasagot?
_ma’am ginto po.
Okay! Donny ano ang inyong nanapansin?

Magaling mga bata! Lahat ng inyong


sagot ay tama.

Alam niyo ba kung anong tawag sa kanila?

Kisses ano ang tawag sa kanila? _ Ma’am sa tingin ko po ito po ay


pangunahing likas ng yaman ng bansa.
Napaka husay Kisses.

E. Paglalahad

Okay, mga bata, ngayong hapon ang ating


paksang aralin ay tungkol sa Pangunahing
Likas ng Yaman ng Bansa.

F. Pagtatalakay

Isa sa mga likas ng yaman ng bansa ay


ang anyong-lupa. Ang yamang lupa ay
pangunahing likas na yaman na
nagtutustos ng mga kailangan ng tao upang
mabuhay. Ang mga pangunahing
pangangailangang ito ay pagkain, tahanan,
kasuotan at mga gamot. Sa lupa rin
umaasa ang mga halaman, mga mag
sasakang Pilipino at hayop.

Halimbawa ng tinatamin sa lupa ay ang


palay, prutas at marami pang iba .
_Mga bata ano nga ulit ang inaasahan ng
mga magsasakang Pilipino at mga hayop? _ Ang yamang lupa po ma’am

Tama. Magaling mga bata!

Kayo nga mag bigay kayo ng halimbawa na _ Ma’am Mga prutas po


isa sa mga likas na yaman sa lupa. _palay
_ Ma’am Lahat po ba nakatanim sa lupa.
Tama. Bakit niyo nasabi naito ay isa sa
mga yamang lupa?

Okay, ikaw Kisses? _Ma’am nasasabi ko po na ito ay isa mga


yamang lupa dahil ito po ay
Magaling Kisses. napakinabangan sa ating mga kapwa
Pilipino at ito po ay naka tanim sa lupa.
Mahalaga ba ang yamang lupa klas?
_ opo, ma’am
Opo , tama . Bakit kaya ito importante?

Okay Jedah bakit mahalaga ang yamang _ma’am mahalaga po sa atin ang lupa dahil
lupa sa atin? po ma’am dito po tayo kumukuha ng
pangkabuhayan nating mga Pilipino.
Maging Tama. Klas, lahat ng mga sagot
ninyo tama mga bata.

_ Mahalaga ang yamang lupa sa ating mga


Pilipino dahil malaking tulong ang
naibibigay sa atin ng mga yamang lupa
kauna unahan na rito ay ang pangunahing
pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga
taong naninirahan sa ating bansa, dito rin
tayo kumukuha ng kakainin sa pang araw
araw. Madalas ay ito din ang dahilan kung
bakit tayo dinadayo ng mga taga ibang
bansa dahil sa pag nanais na matikman
ang iba't ibang uri ng yamang lupa na
mayroon tayo.

_Napakaraming naitutulong ng yamang


lupa sa ating buhay kaya naman dapat
natin itong paramihin at alagaan upang ang
mga susunod na henerasyon ay mayroon
pang maabutan.

_ Naintindihan ba mga bata? _ Opo ma’am


_ May mga tanong ba kayo? _ wala na po ma'am
_ Okay! Dito naman tayo sa yamang tubig .
Isang archipelago ang bansang Pilipinas
kaya naman ang yamang tubig nito ay tulad
ng dagat , golpo, ilog, at lawa na ginawang
pangisdaan, pinagkunan ng inumin,
paliguan, at pinagkunan ng inerhiya.

Pangunahing yamang tubig ng bansa ang


mga pangisdaan. Ito ay sa dahilang ang
ating bansa ay napaliligiran ng tubig. May
mga dagat, lawa, ilog at sapa sa ating
bansa na napagkukunan ng iba’t ibang
uri ng isda, perlas, kabibe, alimango, hipon,
damong dagat at marami pang iba.

Ano- anu ang makukuha natin sa yamang _ ma’am isda,kabibe, alimango at


tubig klas? maraming pang iba maam.

Tama, Mahalaga ba sa ating ang yamang _opo ma’am


tubig mga bata?
_ mahalaga ito maam dahil isa ito sa mga
Bakit ito mahalaga chenny? pinag kukunan natin ng mga ulam natin,
tubig na ating inumin sa araw-araw at isa
Tama, salamat chenny napaka galing . din to sa mga pangkabuhayan ng ating
kapwa Pilipino tulad ng pangingisda.
Lahat ng mga sagot niyo mga bata ay
tama.

_ Dito na tayo sa ikatlong pangunahing


yaman ng ating bansa at ito ay yamang
mineral. Yamang mineral ay isa rin sa
pangunahing yaman ng ating bansa.
Mayroong mineral na metal tulad ng ginto,
bakal at tanso. May mineral din namang di-
metal tulad ng langis, petrolyo, at
geothermal na pinag kukunan ng
elektrisidad.

_ Ano nga ulit ang dalawang yamang _ metal at di-metal po ma’am.


mineral mga bata ?

Tama! Magaling mga bata.

_Mga bata ang likas na yaman ng ating


bansa ay sapat na upang maibigay ang
mahalagang pangangailangan ng
mamayanan. Dapat nating pagyamin at
pangalagaan ito mga bata

May mga katanungan pa ba kayo mga _ wala na po ma’am.


bata?

G Paglalahat

_okay class,Ano ang paksang ating


tinalakay ngayong hapon?

_Okay Jane? _ Ang paksang ating tinalakay ngayong


hapon ay tungkol sa Pangunahing likas na
yaman ng bansa po ma’am.
Tama! Ano-anu ang tatlong likas na yaman
ng bansa?

Okay missy? _ Ma’am ang tatlong likas na yaman ng


bansa ay ang yamang lupa, tubig at mineral
_mahusay missy. po ma’am.

May mga katanungan pa ba mga bata? _wala na po maam.

Okay, dahil wala na kayong katanungan


maaari ba kayong kumuha ng papel at _naghanda ng mga papel at nag sagot ng
sagutan ang aking mga inihandang tahimik.
katanungan.

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga likas na yaman ng bansa na nasa loob
ng kahon. Isulat ito sa tamang kolum sa talahayan.

Bakal tubo kahoy


Perlas waling- waling palay
Abaka kapok prutas
Goma langis
Tanso hipon

Yamang lupa Yamang tubig Yamang mineral

V. Takdang Aralin
Magtala ng iba’t ibang halimbawa ng yamang lupa, tubig at mineral.
Republic of the Philippines
Province of Rizal
MUNICIPALITY OF RODRIGUEZ
COLEGIO DE MONTALBAN

DETALYADONG BANGHAY
NG
ARALING PANLIPUNAN IV

Inihanda ni: Amolo, Teresa G. BEED GEN. 3E

Mr. Fernando Morla Sr.


Instructor

You might also like