You are on page 1of 3

NOTRE DAME SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK

Bayan Sr. St. Poblacion, Polomolok, South Cotabato


Tel No. (083) 500-8414
Email: ndscp2020@gmail.com
Passion for Truth and “A Woman of Great Faith, Resolute Hope and
Compassion for Humanity Steadfast Love; A Woman for our Times”

DEMONSTRATION TEACHING
Banghay Aralin sa Filipino 5
Petsa at Oras: Marso16, 2024/11:00-12:00 AM

A. Pamantayan ng Nilalaman
>Naipamalas ang kakayahan at talas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap
>Gramatika o kaysarian ng salita
C. Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapaglarawan ng mga tao, lugar, hayop o pangyayari sa pamayanan. (F3WG-Ivcd-4).

I. Layunin
a. nakapaglalarawan ng mga tao, lugar, bagay, hayop at pangyayari gamit ang
pang-uri
b. naisasapuso ang pangangalaga sa pamayanan at gamit ang pang uri at,
c. nakapagsusulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri.
II. Paksang Aralin:
 Pang-uri
III. Kagamitan:
 Kartolina, laptop, at diorama.
IV. Pamamaraan:
Pang-araw-araw na gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pag-iisa-isa sa mga Mag-aaral
 Mga tuntunin sa silid-aralan
A. Pagababalik-aral
 Ano ang topiko natin noong nakaraan?
 Pangalan, ano ba ang pangalan?
Pangalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa tao, hayop, lugar, bagay
at pangyayari
B. Pambungad na Gawain (Explicit learning)
 Magpapabasa ng tula na pinamagatang “SA BUKID”
“Sa Bukid”
Ang hangin sa bukid ay
Sariwang tunay
Lalo’t kung umaga
Masarap mamasyal
Dito ay masagana
Sa lahat ng bagay
Matamis na prutas at berdeng gulay
C. Pagtatalakay
C1. Paghahanda
 Ano kaya ang mga mararanasab natin sa bukid?
 Paano natin mapanatiling ganito ang bukid? Ano ang dapat nating gawin?
 Meron pa ba kayong napapansin sa tula?
 May mga salitang salungguhit. Alam niyo ba ang tawag sa mga salita na ito?
P A N G U R I

8+8 1-10 7+7 10-3 25-4 6+6+6 5+4

=16 =1 = 14 =7 = 21 =18 =9
C2.
Paglalahad: (Tignan mo ako!)
 Ihahati sa dalawang grupo at obserbahan ang diorama.
 Ano ang masabi o mailarawan sa diorama?
 Ang mga salitang ito ay tinatawag na?
 Pang-uri dahil ito ang tawag sa naglalarawan ng tao, bagay, lugar, hayop at
pangyayari. Ito ay naglalarawan sa pangalan.
C3. Paglalahat:
 Ayon sa dioramang ipapakita ng guro.
 Ano ang tawag sa saliitang naglalarawan sa mga pangalan?
 Bakit ito mahalaga na malaman natin?
C4. Paglalapat: (PILIIN MO AKO)
 Ihahati ang klase sa tatlong pangkat.
 Panuto: Bawat grupo ay pipili ng isang kartolina at gawin ang pinapagawa
nito.
 Unang pangkat panuto: Salitang nag lalarawan, Bilugan ang pang-uri na
ginagamit sat ula.
“KAGANDAHAN”
Sa hardin ng halaman, maganda't maligaya, Mga bulaklak, mabango't
maamo. Ang mga dahon, malambot at kayamanan, Sa pang-uri'y tila'y
nagsasabi, "Ito'y kay ganda." Sa langit na malawak, masalimuot na dilim,
Ang bituin ay kumikislap, maganda maliwanag. Sa gabi'y
tahimik, mapayapa at malamig, Sa pang-uri'y bumubukas ang pinto ng
pangarap.
Pangkat 2.
 Panuto: gumawan ng pangungusap na nag lalarawan sa picture na
naipakita.

Pangkat 3.
 Iguhit ang nais ipahiwatig ng mga pangungusap. Tukuyin ang pang-uri
na ginamit.
1. Ang malambot na unan ay nakatutulong sa mgandang pag tulog.
2. Ang mabilis na takbo ng kabayo ay nag bibigay saya sa mga
manonood.
3. Ang magandang umaga ay nag sisilibing panimula ng magandang
araw.
V. Pagsusulit:
 Panuto: Bilogan ang pang-uring naglarawan sa pangungusap.
1. Ang mga isda sariwa.
2. Puting-puti ang mga bulaklak sa hardin.
3. Ang palda ni Jean ang maikli.
4. Makinis ang balat ng sanggol.
5. Si Kim ay mabait na bata.
6. Ang mga basura ay mabaho.
7. Matamis ang tsokolet
8. Mainit ang panahon ngayon.
9. Kulot ang buhok ng bata.
10. Ang aso ay matapang.
VI. Takdang Aralin:
 Gumawa ng limang pangungusap at bilogan ang pangalan at
saluingguhitan ang pang-uring ginamit.
VII. Repleksyon
 Naging epektibo ang ginamit na mga estratehiya ng guro katulad ng laro
at pagpapangkatna binigyan lalo ng Hindi bababa sa 80-85% ng mga
mag-a-ara; amg makapasa sa 15-20%ang nangangailangan ng
remediation o karagdagangactibidad.
VIII. Integrasyon:
 Ang topiko ay isasama sa asignaturang science patungkul sa
kapaligiran.

Inihanda ni:
Vhyncent Charisse M. Bongosia
GEMC 104 Student

Iniwasto ni:

MICHAEL P. ARGONILLO, LPT, MAEd (u)


Instructor

Tagamasid:

MICHAEL P. ARGONILLO, LPT, MAEd(u) Maria Rufina Pono


Instructor Dean- Teacher Education Program

You might also like