You are on page 1of 5

Division of City Schools

School District VI
PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2


IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar F2WG-IIc-d-4
II. Nilalaman
A. Paksang-aralin:
Pagbasa: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig
Gramatika: Salitang Naglalarawan ( Pang-uri)
B. Sanggunian: TG sa Filipino p.154 , LM sa Filipino p.327-329
K to 12 MELC 147 , Third Quarter USLeMs(Filipino 2),www.google.com
C. Kagamitang Panturo: laptop, headphone,PPT,
Educational Meeting/apps: gmeet,quizziz,bamboozle, mentimeter
D. Subject Integration: ESP, A.P. Health
E. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kalikasan at katawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbibigay ng mga paalala habang nasa online class
2. Pagpapayaman ng talasalitaan
Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
Piliin ang titik ng tamang sagot. (Gamit ang mentimeter app)
1. Ang bantayog ni Jose Rizal ay monumentong makikita sa Rizal Park.
a. monumento b. makikita c. Rizal Park
2. Nakalalanghap ng sariwang hangin at nakaaamoy ng halimuyak ng mga bulaklak.
a. sariwang hangin b. nakaaamoy c. mga bulaklak
3. Malalago ang mga dahon at mayayabong ang mga puno rito.
a. mga dahon b. mga puno c. mayayabong

3.Pagganyak
Gabay na tanong:
(Gamit ang Mentimeter app)

1. Sino na sa inyo ang nakapunta na sa isang parke? Piliin ang thumbs up kung kayo ay
nakapunta na at thumbs down kung hindi pa.
(magpakita ng larawan ng parke)
2. Ano ang iyong nararamdaman kapag ikaw ay nasa isang parke?
Magpapakita ang guro ng larawan ng Rizal Park o Luneta Park. Pag-uusapan ang nasa larawan

Pangganyak na tanong: Bakit dinarayo ang Luneta Park o Rizal Park?


B. Paglalahad
Ipaalala ang pamantayan sa pakikinig.
Magpapalabas ng video ang guro na panonoorin ng mga bata na pinamagatang
Ang Rizal Park

C.Pagtatalakay
1.Pagsagot sa pangganyak na tanong.
 Bakit dinarayo ang Luneta Park?
2.Pagtalakay sa kwentong napakinggan
a. Ano ang makikita sa Rizal Park?
b. Sino si Dr. Jose Rizal?
c. Paano pangangalagaan ang ating kapaligiran?
D. Pagtuturo at Paghahalaw
Pagbasa ng mga pangungusap mula sa kwentong napakinggan.
1. Ang Rizal Park o Luneta ay maganda.
2. Dito makikita ang makulay na paglubog ng araw,
3. Nakalalanghap dito ng sariwang hangin.
4. Malalagong punong kahoy ang nakatanim dito.
Mga Tanong:
1. Mula sa unang pangungusap, anong salita ang naglalarawan sa Rizal Park?
2. Sa pangalawang pangungusap,ano ang salitang naglalarawan sa paglubog ng araw?
3. Sa pangngatlong pangugusap, anong salita ang naglalarawan sa hangin?
4. Sa pang-apat na pangungusap, anong salita ang naglalarawan sa punong kahoy?
Mula sa mga pangungusap ating punan ng sagot ang tsart.
Salitang inilalarawan Salitang naglalarawan
1.Rizal Park- lugar maganda
2.araw-bagay makulay
3.hangin-bagay sariwa
4.punong kahoy-bagay malalago
Alamin ang salitang naglalarawan at inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
(gamit mentimeter apps)

1.Si Dr. Jose Rizal ay matalinong bayani.Ang salitang inilalarawan ay si Dr.


Jose Rizal, si Dr. Jose Rizal ay _______.
A. tao B. bagay C. pangyayari

2.Ang sampaguita ay kulay puti. Ano ang salitang naglalarawan sa


sampaguita?
A.malago B. sampaguita C. kulay puti

3.Ang pagdiriwang ng Pasko ay tunay na masaya. Ano ang inilalarawan ng salitang


masaya?
A.pista B. Pasko C. kaarawan

E. Pagpapatibay na Gawain
1.Pangkatang Gawain: (Gamit ang bamboozle game apps)
Pangkatin ang klase sa dalawang pangkat. Maglaro tayo!
(Ilarawan Mo! Piliin ang titik ng tamang sagot.)
1. Ang kulay dilaw na mangga ay ________________.

A. matamis B. maalat C. mapait


2. Ang ating mga bayani ay __________________.
A. tamad B. duwag C. magigiting

3. Kumakain ng __________damo ang mga baka.


A. sariwang B. tuyong C. maruming
Tukuyin ang salitang inilalarawan o naglalarawan sa pangungusap.
1. May palaro sa malawak na plasa. Ano ang salitang naglalarawan sa plasa?
2. Malawak ang pasyalan sa Rizal Park. Ano ang inilalarawan ng salitang malawak?
3. Ang pista ay masaya at makulay. Ano-ano ang salitang naglalarawan sa pista?
2. Malayang Pagsasanay
Ikembot ang baywang kung ang salitang may salungguhit ay salitang naglalarawaran at e-ekis
ang mga braso kung ito ay salitang inilalarawan.
1. Masarap ang hinog na mangga.
2. Si Mang Kiko ay may alagang matatabang kalabaw.
3. Mahaba ang buhok ni Kim.
4. Si Andres ay matiyaga.
5. Puti ang kulay ng bulaklak ng sampaguita.
F. Paglalahat
Piliin ang masayang mukha kung ang pahayag ay nabanggit sa ating aralin at malungkot na
mukha naman kung hindi.(gamit ang mentimeter apps)
Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi tungkol sa tao, bagay ,lugar at pangyayari.
Ang salitang naglalarawan sa tao,bagay,lugar at pangyayari ay tinatawag na pang-uri.
Itanong: Ano ang pang-uri?

G. Pagtataya
Basahin at unawain ang bawat tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot.
(gamit ang quizziz.com apps)
1. Kulot ang buhok ni lola Maring. Ano ang salitang naglalarawan sa buhok ni lola Maring?
A. itim B. kulot C. puti
2. Ang bansang Pilipinas ay payapa. Ano ang salitang naglalarawan sa bansang Pilipinas?
A. bansa B. malinis C. payapa
3. Ang aming guro ay matiyaga. Ano ang salitang naglalarawan sa guro?
A. matiyaga B. matalino C. mabait
4. Ang sapatos ay matibay. Ano ang inilalarawan ng salitang matibay ?
A.sapatos B. paa C. tsinelas
5. Ang silid-aralan namin ay maayos. Ano ang inilalarawan ng salitang maayos?
A. ospital B. silid-aralan C. tahanan

IV. Takdang Aralin

A. Gawaing Pagpapayaman:
Panoorin sa youtube ang kwento ng Apat na Kaibigan. Isulat ang 5 salitang naglalarawan
na napanood na video at gamitin sa pangungusap.
https://www.youtube.com/watch?v=O7nrlfRo-sY
B. Karagdagang Gawain
Pumili ng limang pambansang sagisag ng ating bansa at ilarawan ito.
C. Pantulong na Gawain
Gumupit ng isang larawan ng tao,bagay,hayop, lugar at pangyayari sa lumang magasin at
ilarawan ang mga ito.
Inihanda ni:

JACQUELINE L. VERBO
Guro

Binigyang pansin ni:

GNG. ZENAIDA G. MOTITA


DALUBGURO
Ang Rizal Park
Ang Rizal Park o Luneta ay isang magandang pasyalan sa Pilipinas. Ito
ay isa sa mga makasaysayang pook ng bansa. Ito ay nasa lungsod ng Maynila.
Dito matatagpuan ang bantayog ni Dr. Jose Rizal ang ating pambansang
bayani.

Ang Rizal Park ay may malawak at berdeng damuhan. Mayroon


dancing fountain na kahanga hangnga pagmasdan.Mayroong mga kalesa na
kung saan itim o puting kabayo ang iyong sasakyan, kitang kita ang masayang
ngiti ng mga taong namamasyal dito.
Mayroon ding mga hardin sa loob nito. Dito makikita ang
naggagandahang at makukulay na ibat ibang uri ng mga bulaklak.
Nakalalanghap dito ng sariwang hangin dahil sa maraming halaman at
malalagong punongkahoy na nakatanim sa boung parke. Makikita rin dito ang
maganda at makulay na paglubog ng araw.
Maraming tao ang namamasyal dito dahil sa taglay nitong kasaysayan at
kagandahan. Ngunit dahil sa COVID 19 na pandemya ang Rizal park ay
kasalukuyang nakasarado sa publiko para sa kaligtaas ng maraming tao.

You might also like