You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY-ARALIN NG FILIPINO 4

I. Layunin:
 Nakikilala ang iba’t ibang antas ng pang-uri
 Nagagamit nang wasto ang pang-uri ( lantay, paghahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili,
at ng ibang tao-katulong sa pamayanan
 Nakakabuo ng pangungusap gamit ang antas ng pang-uri

F4WG-IIa-c-4

(Pakikinig at pagsunod nang maayos sa panuto)

II. Nilalaman:

A. Paksa: Wastong Gamit Ng Pang-uri


B. Sanggunian: MELC in Filipino 4 pahina 157
C. Kagamitan: larawan, laptop

III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1.Panalangin
Lesley, pangunahan ma ang ating
panimulang panalangin sa araw na ito. Opo ma’am.(Sa ngalan ng Ama…)

2. Pagbati

Magandang Umaga mga bata! Magandang umaga rin po ma’am.

3. Pagtala ng Liban

(Tatawagin ng guro ang class monitor) Wala po ma’am.


Jan, may lumiban ba sa araw na ito?

B. Panlinang na Gawain
1.Balik-aral Kahapun po ating tinalakay kung ano ang
pang-uri.
Ano ang napag usapan natin kahapun?
Dan?

Tama. Ano nga ba ang pang-uri? Han! Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa
isang pangngalan o panghalip.
Ang sapatos ni Amir ay bago.

Mahusay Han! Sino ang makapagbibigay ng


isang pangungusap na ginagamitan ng pang
uri? Kyle!

Magaling Kyle!

Mahusay mga bata! Bigyan natin sila ng


limang bagsak!

2.Pagganyak
Yan po ay kandila, araw at barbeque!
Ngayon naman, may ipapakita akong mga
larawan. Tignan ang larawang ito. Ano ang
iyong nakikita? Josh!

OO, tama. Sa tatlong larawan, alin sa mga


larawan ang mainit ? Sara.

Mahusay. Alin ang mas mainit? Leni.

Magaling. Alin ang pinakamainit?Kiko. Ang barbeque!

Mahusay mga bata! Nakuha ninyo ang Kandila.


tamang sagot. Gawin natin ang “power clap”.
3.Paglalahad
Araw.
Ang mga ito ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin ngayong araw. Pag uusapan
natin ang tungkol sa wastong gamit ng pang-
uri. Ano nga ba ang wastong gamit ng pang-
uri?

4. Pagtatalakay

Ang mga pang-uring ginagamit sa


paglalarawan ay naaayon sa kanilang
kaantasan o tinatawag na Antas ng Pang-uri
Mayroon tayong tatlong antas ng pang-uri.
Ito ay ang Lanta y, Pahambing at Pasukdol.
1. Lantay -ito’y naglalarawan ng isang
katangian ng tao, bagay, lugar o
pangyayari.
Halimbawa: Matangkad si Jhon Paul.
Si Genie ay mabait.

2. Pahambing- ito’y pagtutulad o


paghahambing sa dalawang tao, bagay,lugar
hayop, o pangyayari. Ginagamitan ng mas o
higit kung nakahihigit ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Kung pareho naman ang
katangian ginagamit ang kasing- o
magkasing. Kung nakahihigit ang isa sa
dalawang pinaghahambing ginagamit ang di-
gaano o di-gasino.
Halimbawa: Mas matangkad si Jhon
Dave kay Jhon Paul.
Magkasintaas pala sina
Edith at Emy.
Di-gasinong mataas si
Lydia.

3. Pasukdol –ito ay ginagamit kung


higit sa dalawang tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari ang pinaghahambing. Ginagamit
ang panlaping pinaka-, napaka- sa salitang-
ugat. Maaring gamitin ang mga salitang
ubod ng, saksakan ng, puno ng at iba
pang pasukdol na salita
Halimbawa: Pinakamatangkad si
Carlo sa tatlo.
Ubod ng bait ang
kanyang kapatid.
5. Paglalapat
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Ngayon mga bata, Ibigay ninyo ang
kaantasang pahambing at pasukdol ng
sumusunod na pang-uring
lantay. Isulat ang sagot sa pisara. Dito
ang sagot sa group I, group 2 at 3.
Magbibigay lamang ako ng 10 minuto
para tapusin ito.

Lantay Paham Pasu


bing kdol
1. maya
man
2.pula
3.malak
i
4.hinog
5.sagan
a

Ang oras ay tapos na, Ating tignan kung


tama ba ang inyong sagot. Clap clap, darna!

Magaling mga bata. Lahat ng grupo ay


nakakuha ng tamang sagot. Bigyan natin ng
“Darna Clap” ang lahat!
Ang tatlong antas ng pang-uri ay lantay,
pahambing at pasukdol.
6. Paglalahat
Ngayon , ano ang tatlong antas ng Pang-uri?

Magaling Joy! Si Judy ay maganda.

Magbigay ng halimbawa ng lantay na


Mas matangkad si Ace kay Zoro.
pangungusap.Roy!
Tama. Magbigay ng halimbawa ng
pahambing na pangungusap. Arney! Pinaka maganda si Nami sa magkakapatid.

Magaling. Sino naman ang maka pagbibigay


ng halimbawa ng pasukdol na
pangungusap?

Mahusay mga bata! “Power Clap” para sa


lahat!

IV. Pagtataya

Gamitin ang tamang antas ng pang-


uri na nasa loob ng panaklong sa
pagkompleto sa pangungusap.
1.
2. (Mainit) _________________ ang
panahon kahapon kaysa ngayon.
Sa katunayan, nakapagtala ng 43
digri na temperatura kahapon.
3. Matatalino ang tatlong anak ni
Mang Pedro ngunit ang (matalino)
___________________ sa
kanilang tatlo ay si Elena.
4. Panahon na naman ng
kapaskuhan ngunit hindi pa tiyak
sa ngayon kung ito ay
maipagdiriwang dahil sa COVID-
19(marami)
___________________ ang
nagbago dahil sa pandemyang ito.
5. Mulat sa gawaing bahay ang
magkapatid na Gina at Alex. Hindi
na sila kailangan pang utusan ng
kanilang mga magulang upang
gumawa sa bahay.
(Masipag)_______________
silang dalawa.
6. (Malakas) __________________
ang ulan dulot ng bagyo kaya
nagkaroon ng baha.

V. Takdang – Aralin

Sumulat ng limang (5) pangungusap sa


bawat antas ng pang-uri.

Inihanda ni:

JELYN GARMA

You might also like