You are on page 1of 5

Banghay Aralim sa Filipino V

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay kayang:
a. Naibibigay ang tamang antas ng pang-uri sa mga pangungusap,
b. Naibabahagi ang kahalagahan ng tatlong antas ng pang-uri, at
c. Natutukoy mula sa larawan ang kaantasan ng pang-uring hinihingi.
II. Paksang Aralin
Paksa: Antas ng Pang-uri (lantay, pahambing at pasukdol.)
Sanggunian: Luzviminda, et. Al.,
Libro sa Filipino V: Hiyas sa Wika,
Lexicon Inc., Tandang Sora, Quezon City, Phil.2003, pp.1-8
Pagpapahalaga: kooperasyon at katapatan
Mga kagamitan
Video presentation (Tatlong Bibe)
Laro (ANP)
III. Pamamaraan
A. Gawain
Tumayo ang lahat at sabay-sabay ating awitin ang awiting “Tatlong Bibe.”
B. PagsusurI
Ano ang napansin ninyo sa awiting” Tatlong Bibe?” May mga paghahambing ba kayong
napansin?
Ano-ano ba ang mga antas ng pang-uri?
Ito ay ang lantay, pahambing at pasukdol..
Ano ang antas ng pang-uri na lantay?
Ang lantay o karaniwan ay naglalarawan ng isang katangian ng tao, bagay, hayop, lugar
o pangyayari.
Halimbawa:
Mahaba ang buhok ni Dianna.
Malaki ang kalabaw.
Malapad ang libro ko.
Ano naman ang antas ng pang-uri na paahambing?
Ang Pahambing naman ay pagtutulad o paghahambing sa dalawang tao, bagay, hayop,
lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Mas matangkad si Melissa kay Dianna.
Mas Malaki ang kalabaw kaysa kambing.
Mas mabigat ang libro kaysa kwaderno.
Ano naman ang pangatlong antas ng pang-uri?
Ito ay ang pasukdol. Ito naman ay ginagamit kung higit sa dalawang tao, bagay, hayop,
lugar o pangyayari ang pinaghahambing. Sa pasukdol gumagamit tayo ng mga pananda
gaya ng pinaka, napaka at ubod.
Halimbawa:
Pinakamaliit ang buto ng mustasa sa lahat ng buto.
Ubod ng liit ni Linda kumpara sa kanyang mga kapatid.
Sa lahat ng hayop, ang giraffe ang may pinaka mahabang leeg.
C. Paglalahat
Ano nga ulit ang tatlong antas ng pang-uri?
(lantay,pahambing at pasukdol.)
Sa tingin ninyo bakit kailangan nating matutunan ang tatlong antas ng pang-uri? Ano ang
kahalagahan nito?
Mahalaga ito para malaman natin kung anong tamang antas ng pang-uri ang gagamitin sa
paglalarawan ng isa, dalawa o higit pang bagay, tao, hayop, pook o pangyayari.
D. Paglalapat
Pangkatang gawain:
Mayroon tayong laro, ngayon ay papangkatin ko kayo sa dalawang pangkat. Sa kanan
ang pangkat A, at sa kaliwa naman ang pangkat B. Bawat isa sa inyo ay malyang
sumagot at magtaas ng kamay, pabilisan sa pagtaas ng kamay kung sasaagot. Ang grupo
na may pinakamaraming puntos ang siyang panalo.
Ang salita ay nasa kaantasan ng pang-uri. Tukuyin ninyo sa tatlong pagpipilian ang
inilalarawan nito base sa antas nito.
Halimbawa:

Mainit

Longganisa Araw Kandila

Longganisa ang sagot dahil mas maiinit ang kandila at pinakamainit naman ang araw.
Ang antas ng wika na hinihingi ay mainit at ito ay nasa uring lantay.

Ngayon tukuyin ang larawang hinihingi ayon sa antas ng pang-uring ibinigay.

1. Mabagal
Pagong suso uod
2. Pinakamatamis

Cherry saging cake


3. Mas malamig

Yelo north pole ice cream


4. Mas mainit

Kape araw apoy

IV. Pagtataya
Pakilabas ang inyong papel at panulat at may sasagutan kayong pagsusulit.
PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri kung
ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Halimbawa:
Pasukdol: Si Anna ang pinakamabait na anak ni Aling Susan.
__________1. Ang pangkat ni Ramon ay mabilis sa pagtakbo.
__________2. Si Ken ay mas gwapo kay Bamba.
__________3. Ubod ng linis ng bahay ni tita Lena.
__________4. Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.
__________5. Sina Yuri at Torry ay magkasing taas na.

V. Takdang Aralin
Panuto:
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita, isulat ito sa iba’t-ibang
kaantasan ng pang-uri.
Halimbawa:
*Maganda
Si Maria ay maganda. (lantay)
Mas maganda si Martha kaysa kay Maria. (pahambing)
Pinakamaganda si Linda sa kanilang tatlo. (pasukdol)

Matangkad mabilis makapal malinaw makisig


Malaki mabigat malawak maunlad

Ipinasa ni: Aprely Avellaneda Ipinasa kay: Mrs. Judy Ann Atentar
Beed 2B Guro sa asignaturang Filipino

You might also like