You are on page 1of 5

Department Of Education

Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Lingayen
Mangatarem II District
MALABOBO ELEMENTARY SCHOOL

Banghay-Aralin sa Filipino 4 (MELC-BASED)

I.Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay kayang:
a.Magbigay ng halimbawa ng antas ng pang-uri.
b.Magamit ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
c.Matukoy ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
II.Paksang-Araling:Antas ng Pang-uri (F4WG-IIa-c-4)
Sanggunian:TG pahina 102
Kagamitan ng mag-aaral pahina 50
Mga kagamitan
Video Presentation (Tatlong bibe)
Laro, Powerpoint presentation
III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain (Sasagot ang mga estudyante)


a.Pagbati Magandang Araw din po.
Magandang Araw mga bata!

b.Pagsusuri ng lumiban sa klase Wala po.


Mayroon ba tayong lumiban sa klase ngayon?
Magaling mga bata!
Ako po Ma’am.
c.Pagsasanay
Ma’am,Ma’am.
Sino sa inyo ang nakakaalam sa kantang tatlong bibe?
Magaling!
Lahat pala kayo alam ang kantang Tatlong Bibe.Ngayon
ay magsitayo kayo at tayo’y await.
(Panoorin at sabayan ang video sa Powerpoint
Presentation)

Magaling!
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

d.Balik-aral Mapayat at mataba po.


Anu-ano ang mga salitang ginamit sa paglalarawan sa
mga bibe?

Magaling!
Ang mga salitang iyon ay napag-aralan natin nung
nakaraan.Ano ang tawag sa mga salitang iyon? Pang-uri po.
Ano ang pang-uri?Magbigay ng halimbawa at gamitin sa Ang pang-uri ay mga salitang
pangungusap. naglalarawan sa tao,bagay,
hayop,lugar o pook at pangyayari.
Magaling!
Ngayon naman magbigay nga kayo ng halimbawa ng Ang mga bata ay magtataas ng kamay
pangungusap na ginagamitan ng pang-uri. at tatawagin ng guro at sasagot.
B.Panlinang na Gawain
a.Pagganyak
Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral.
Ilarawan at ikumpara ang tatlong bata.

Ang inyong mga pang-uring ginamit sa paglalarawan sa


kanilang tatlo ay naaayon sa kanilang antas.

b.Pagtatalakay
May ideya ba kayo kung ano ang tatalakayin natin
ngayon?

Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang antas ng pang-uri.

Ang inyong mga pang-uring ginamit sa paglalarawan na


matangkad , mas matangkad at pinakamatangkad kina
Jammelah, Althea at Cherish ay naaayon sa kanilang
kaantasan o tinatawag na Antas ng Pang-uri.

Mayroon tayong tatlong antas ng pang-uri:


Lantay,Pahambing at Pasukdol.

C.Pagtatalakay
ANTAS NG PANG-URI
1.Lantay -itoy naglalarawan ng isang katangian ng
tao,bagay,lugar o pangyayari.

Halimbawa:
Matangkad si Jammelah.
Magaling si Migz. Babasahin ng mga estudyante sabay -
Magbigay nga kayo ng pangungusap na ginagamitan ng sabay ang kahulugan ng Lantay.
pang-uring lantay.

2.Pahambing-Ito’y pagtutulad o paghahambing sa


Ang mga bata ay magtataas ng
dalawang tao,bagay,lugar,hayop,o pangyayari.May mga kamay,tatawagin ng guro at sasagot.
pananda na ginagamit sa pang-uring pahambing gaya ng
mas,higit at magkasing.

Halimbawa:
Mas matangkad si Althea kay Jammelah.
Higit na magaling si Ciantal kay Sharon

Sino naman ang makapagbibigay ng halimbawa ng


pangungusap na ginagamitan ng pang-uring Pahambing?

3.Pasukdol-kaantasang nagsasaad ng katangiang


namumukod at walang hihigit pa.Ginagamit ito sa
paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o
panghalip.Ginagamit ang pinaka,napaka,ubod ng,hari
ng, saksakan ng at pag-uulit ng pang-uri at salitang -
ugat.

Halimbawa:
Pinakamatangkad si Cherish sa kanilang tatlo.
Pinakamagaling si Patrick sa tatlong magkakaklase.

Paglalahat
Ano ang tatlong antas ng pang-uri?
Sa tingin ninyo bakit kailangan nating matutunan ang Para po malaman natin kung anong
tatlong antas ng pang-uri? tamang antas ng pang-uri ang
gagamitin sa paglalarawan ng
isa,dalawa o higit pang bagay,tao,pook
o lugar at pangyayari.
C.Pangwakas na Gawain

a.Pagsasanay 1

Gamitin sa pangungusap ang mga pang-uri ayon


sa hinihinging kaantasan nito :
1.Ubod ng tapang
2.Mas masarap
3.Matamis
4.Pinakamataba
5.Mabilis

Tukuyin ang ginamit na pang-uri sa bawat


pangungusap.
____________1.Ang kabayo ay mabilis tumakbo.
___________ 2.Mas malaki ang bag ni Jamil
kaysa kay Ezekiel.
____________ 3.Mas masustansiya ang prutas
kaysa kendi.
____________ 4.Ang Mount Everest ang
pinakamalaking bundok sa buong mundo.
____________ 5.Malambot ang unan.

b. Pagsasanay 2
Mayroon tayong laro.
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa
dalawang pangkat.Sa kanan ang pangkat
A at sa kaliwa naman ang pangkat B.

Ang salita ay nasa kaantasan ng pang-uri.Tukuyin ninyo


sa tatlong pagpipilian ang inilalarawan nito base sa antas
ng pang-uri na ginamit.

IV.Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.Isulat sa
patlang ang tamang antas ng pang-uring ginamit sa
bawat pangungusap.
__________________1.Ang pangkat ni Maica ay mabilis
sa pagtakbo.
__________________ 2.Si Irish ay mas masipag kay
Maricris.
__________________ 3.Ubod ng linis ang bahay ni Tita
Unice.
___________________4.Maganda ang mga tanawin na
makikita sa Baguio.
___________________5.Sina Luke at Arvin ay
magkasingtangkad.

V.Takdang-Aralin:
Iguhit ang inyong tahanan at ilarawan ito gamit ang
tatlong antas ng pang-uri.

Prepared by: JONALYN C. CORPUZ


Grade IV- A Adviser

Checked by: CELEDONIA TEJADA VALIENTE


Master Teacher II
Pangalan:____________________________________________________Petsa:_____________

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.Isulat sa patlang ang tamang antas ng


pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.

__________________1.Ang pangkat ni Jimi ay mabilis sa pagtakbo.


__________________ 2.Si Marietta ay mas masipag kay Marissa.
__________________ 3.Ubod ng linis ang bahay ni Tita Christina.
__________________ 4.Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.
__________________ 5.Sina Kristabelle at Marjorie ay magkasingtangkad.

GOODLUCK!!

You might also like