You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin sa Ikalawang Baitang

Filipino 2

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga salitang pamilang

b. Naisusulat ang anyong ordinal ng mga salitang pamilang

c. Nakasusulat ng Talata nang may wastong bagay, bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra.

d. Nabibigyan ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan

II. Paksang Aralin

A. Paksa

Aralin 2: Pagbasa: Pantay- Pantay Tayong Lahat (Maikling Kwento)

Wika: Mga salitang Pamilang

B. Pagkakakilanlan

Pamagat ng Libro: Filipino 2, My Learning Buddy, A Modular Textbook for the


21st Century Learner
Pahina: 102-112

C. Gamit sa Pagtuturo

a.Laptop

b. PPT

c. Aklat

III. Pagtataya

1. Isahang Gawain

2. Pasalitang Pagsasalaysay

3. Oral na pagsagot

IV. Plano sa Pagtuturo

1. Panalingin

3. Pagtatala ng hindi pumasok


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang Umaga mga bata. Magandang Umaga din po naman.


Ang isang mag-aaral ay nagtaas ng kamay
Tayo muna ay manalangin, Sino ang nais upang manguna sa pananalangin.
manguna sa pananalangin?

Maaari ko bang malaman kung sino ang hindi pumasok sa Opo


araw na ito?

Bago tayo magsimula ayusin ang mga sarili at magpokus


lamang sa ating aralin sa araw na ito.

A. Pagtuklas

Magbabasa ang guro ng Tula na may kinalaman sa


susunod na aralin.

Naunawaan niyo ba ang Tula na ating binasa? Opo,


Tungkol saan kaya ang tula? Tugkol po sa sampung magkakaibigan,
Magaling!
Ngayon ay dumako naman tayo sa ating pagtatalakay.

B. Pagtatalakay

Magpapakita ang guro ng salita.

PAMILANG
Nagpapakita po ng bilang o numero
Ano kaya ang naalala niyo sa salitang Pamilang?
Tama! Ang mga salitang nagpapakita ng bilang o numero
ay tinatawag na pamilang. Ginagamit ang mga ito sa
paglalarawan ng mga pangngalan.
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng pamilang. Dalawa po,
Tama! ano pa? Labing lima po,
Magaling!
Tutukuyin ng mga bata ang salitang pamilang sa ika una,
pangalawa at ikatlong linya ng tula.
Mayroon akong sampung kaibigan.
Ano ang salitang pamilang sa unang linya ng tula? sampu po,
Tama!
Si Isa ay tuwid at malakas ang katawan
Isa po,
Alin kaya ang salitang pamilang sa ikalawang linya?
Magaling!
Nakaluhod si Dalawa, masaya’t may kasama.
Sa ikatlong linya kaya?
Tama, ang sampu, isa, dalawa ay mga salitang pamilang. Dalawa po,
Magbigay nga kayo mga bata ng pangungusap gamit ang
salitang pamilang.
Naiintindihan niyo na ba ang salitang pamilang at kung
ano ano ang mga ito? opo,
Ngayon ay aalamin naman natin kung anu-ano ang uri ng
Salitang Pamilang, Handa na ba kayo? Opo,
1 Pamilang na Kardinal- tulad ng isa, isangdaan, isang
libo, isang milyon
(Magbibigay ang guro at mga bata ng halimbawa ng
Pamilang na Kardinal)
2. Pamilang na Ordinal- na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo.
Maari ding gumamit ng panlaping ika, tulad ng ikalawa,
ikaapat, ikapito.
(Magbibigay ang guro at mga bata ng halimabawa ng
Pamilang na Ordinal)
3. Pamilang na Pamahagi- na nagpapakita naman ng Opo,
pagkakahati-hati ng isang buo tulad ng ½ o kalahati, ¼ o May mga salitang Pamilang po,
kapat (mula sa ika-4 na bahagi). Kasama rin dito ang mga
bilang na sinusundan ng porsiyento (%) tulad ng 50% o
100%.
(Magbibigay ang guro at mga bata ng halimabawa ng
Pamilang na Pamahagi)

C. Pagpapalalim

Tukuyin ang pangungusap kung Kardinal, Ordinal o


Pamahagi gayundin ang salitang pamilang.
1. Ikalawa si Manny Villar sa pinakamayamang tao sa
Pilipinas. Ordinal, Ikalawa
2.Halos kalahati ang nawala sa ekonomiya dulot ng
pandemya. Pamahagi, kalahati
3.Dalawang mansanas at tatlong mangga ang binili ko.
4. Isang daang porsyento ang ibibigay ko para sa aking Kardinal, dalawa, tatlo
isang daang porsyento,pamahagi
pangarap.
5. Ako ang pangatlo sa magbibigay ng talumpati.
Orinal, pangatlo
Magbibigay ang mga bata ng pangungusap na may
salitang Pamilang na Kardinal, Pamilang na Ordinal
at Pamilang na Pamahagi.
Gawain A
Hanapin at bilugan gamit ang inyong Pen ang mga
salitang pamilang sa sumusunod na mga pangungusap (Nagtaas ng kamay ang mga bata at nag-umpisang
at tukuyin kung anong uri ng salitang Pamilang. sumagot)
Ang klase ng ikalawang baiting ng St. Thomas ay may
apatnapung mag-aaral. Sa mga mag-aaral dito, kalahti ay
babae. Samakatuwid, 50% dito ay mga lalaki. Ang
kanilang silid ay nasa ikatlong palapag ng paaralang Lord
Jesus Academy.
Gawain B
Isulat ang anyong ordinal ng mga salitang pamilang upang
mabuo ang kaisipan ng pangungusap. pangalawa
(dalawa)1. Sa tatlong magkakapatid ay _____si Oyiboy. pangsampu
(sampu)2. Dahil matangkad si Julie, lagi siyang ____ sa
pila ng kanilang klase.
(pito)3. Kailangang nasa paaralan na tayo bago ang ____ ikapito
ng umaga. ikatlo
(tatlo)4. Sa listahan ng Top 10 sa klase ay ___ si John.
panglimang
(lima)5. _____ ulit ko na siyang tinawag pero di pa rin
niya ako pinapansin.

D. Paglilipat
Gamit ang salitang pamilang sumulat ng tatlong pangako
na iyong tutuparin para makatulong sa pangangalaga ng
kalikasan.

Inihanda ni:
Ginang Rebecca A. Endaya
BEED-IV

You might also like