You are on page 1of 2

Department Of Education

Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Lingayen
Mangatarem II District
MALABOBO ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Plan in Music 4

I.Layunin
Nakikilala ang iba't-ibang uri ng nota at pahinga ng musika
.
II.Paksang-Araling:Pagkilala sa iba’t-ibang uri ng Note at Rest
Sanggunian:Musika at Sining 4 pahina
Mga kagamitan:
Video Presentation
Pagpapahalaga:Pakikiisa
Konsepto:Sa masusing pagsusuri sa mga simbolo ng musika,naipapakita ang kaugnayan ng
iba’t-ibang tunog at mga simbolo sa pag-aaral,paglilikha,pagsusulat at pagtatanghal ng musika.
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
Balik-aral:
Pag-awit ng isang awitin (NOTE SONG) sa may saliw na This is the Way.
B.Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng ibat-ibang nota/rest.
2.Paglalahad/Pagtatalakay
Ipakilala ang iba’t-ibang uri ng rest at notes.Tukuyin ang katumbas na bilang at
kumpas ng bawat isa.
3.Paglalahat
Ipakita muli sa mga bata sa pamamagitan ng kanta na ang bawat nota ay may
katumbas na rest o pahinga.Ang bilang ng kumpas na tinatanggap ng note ay siya ring bilang ng
kumpas na tinatanggap ng kaugnay na nota.
4.Repleksyon
Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng mga nota at pahinga sa pagsusulat ng
musika?
IV.Pagtataya
Panuto:Basahin at unawain ang bawat bilang .Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Anong uri ng simbolo sa musika ang kumakatawan sa tunog?
a. limguhit
b. nota
c. clef
d. pahinga
2.Ilang kawalong nota ang katumbas ng hating nota?
a. 4
b. 8
c. 2
d. 1
3.Ang uri ng simbolo sa musika na kumakatawan ng katahimikan?
a. limguhit
b. nota
c. clef
d. pahinga
4.Ilang kawalong nota ang katumbas ng kapat na nota?
a.apat
b.tatlo
c.dalawa
d.isa
5.Piliin ang simbolo ng pahinga ng pinkamababang katahimikan?
a.
c.

b. d.

V. Takdang-aralin:
Iguhit ang mga nota na ating tinalakay at iguhit din ang katumbas nitong pahinga.Ilagay ito sa
isang malinis na kopon.

Prepared by: JONALYN C. CORPUZ


Demo Teacher in Music IV

Checked by: CELEDONIA T. VALIENTE


Master Teacher II

You might also like