You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Talisayan District
CADALAGAN ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City

Banghay Aralin sa Music


Ika-limang Baitang
September 7, 2023

I. Layunin: Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng mga note at rest

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Pagkilala sa iba’t-ibang uri ng mga note at rest


B. Sanggunian: Shine with MAPE 5 p. 13, 33
C. Kagamitan: Powerpoint, tsart
D. Pagpapahalaga: Pakikiisa/Pagmamahal sa Bayan
E. Konsepto: Sa masusing pag-aaral sa mga simbolo ng musika,
Maipakikita ang kaugnayan ng iba’t-ibang tunog at mga simbolo sa
pagsusuri, paglikha, pagsusulat at pagtatanghal ng musika

III. Pamamaraan

A. Pagganyak
Meron akong inihandang laro bago natin simulan ang ating pagtatalakay sa ating
leksyon ngayong araw. Ang inyong gagawin lamang ay inyong huhulaan ang pamagat
at ang umawit sa kantang iyon.

Guess the Song

B. Paglalahad

Suriin ang iskor ng awiting “Lupang Hinirang”.


Anong ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas?
Ilang uri ng mga rhythmic pattern ang makikita sa ating pambansang awit? (May dalawang uri
ng mga rhythmic pattern ang makikita sa awitin.)

C. Pagtalakay
Pagkilala sa Iba’t-Ibang Uri ng mga Note at Rest

Ang bawat tunog na naririnig natin sa musika ay kinakatawan ng simbolo na


tinatawag na note.

Samantalang may mga pagkakataong nakaririnig tayo ng saglit o mahabang


katahimikan sa awitin o tugtugin. Ito ay kinakatawan ng simbolo na tinatawag na
rest.

D. Paglalahat
Tandaan: Ang bawat nota ay may katumbas/katapat na rest. Ang bilang ng kumpas
na tinatanggap ng note ay siya ring bilang ng kumpas na tinatanggap ng kaugnay
na rest.

E. Paglalapat
Batay sa ating napag-aralan tukuyin kung ilang nota at rest ang makikita sa Lupang
Hinirang.

Bilang ng nota: _____


Bilang ng rest: _____
IV. Pagtataya

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

a. Iguhit ang half note.

b. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang quarter note?

c. Ilang kumpas/beat mayroon ang quarter note?

d. Iguhit ang quarter note.

B. Panuto: Buuin ang tsart ng mga nawawalang note at rest.

V. Takdang Aralin

Pag-aralan ang awit. Lagyan ng kaukulang kumpas ang bawat note.

Prepared By:

RIZAMAY-AN L. INDANAN
Teacher I

Checked By:

GLENN E. LUSAYA
ESP-I

You might also like