You are on page 1of 8

2

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

MTB-MLE
Ika-apat na Markahan-Modyul 2:
Natutukoy at Nagagamit ang
mga Pang-uri sa Pangungusap

May-Akda: MARY ANN C. ALABIN

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Magandang araw mga bata. May bagong pag-
aaralan tayo ngayon. Ito ay ang pagtukoy at paggamit
sa pang-uri sa pangungusap.
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang
maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. masagot ang mga tanong sa lunsaran,
2. mapagbabalik-aralan ang mga pang-uri,
3. matukoy ang mga pang-uri sa lunsaran at
4. magamit sa pangungusap ang mga pang-uri.

Subukin

Basahin ang pang-uri at bilugan ang tamang letra


ng larawan na angkop dito.

payat mabilis

1. 2.

a b. a. b.

mainit maasim

3. 4.

a b. a. b.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Aralin
Natutukoy at Nagagamit ang
1 mga Pang-uri sa Pangungusap

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagtukoy at


paggamit ng mga pang-uri sa pangungusap.

Balikan

Magbalik-aral tayo sa iyong nakaraang-aralin.


Ilarawan mo nga ang iyong sarili. Ano ang kulay ng
iyong buhok? Ano ang kulay ng iyong balat? Mataba ka
ba o payat?

Tuklasin
A. Panimula:
Lagyan ng (/) ang angkop na pang-uri sa bawat
larawan.

1. 2. 3.
masaya malinis maasim

malungkot madumi matamis


B. Pagbasa:
Basahin ang maikling kwento.

Ang Aming Bakasyunan


Ni Mary Ann C. Alabin

Sa isang malayong probinsya kami nagpunta. Malapit


ito sa sa tabing dagat.

Ang bahay na aming tutuluyan ay malaking at may


limang kuwarto at may malawak na bakuran. Ang ganda
ng paligid dito. Maraming punong luntian. Mga bulaklak
na iba’t iba ang kulay. May dilaw, pula, kahel at ube ang
mga kulay nito.

Ang hangin ay sariwa. Ang mga prutas at gulay dito


ay masasarap. Masaya ako at magkakasama kaming
pamilya dito.

C. Pag-unawa sa Binasa:

Sagutan ang mga tanong sa harap ng iyong


magulang.
1. Saan nagpunta ang nagkukuwento?
2. Anong salita ang naglalarawan sa bahay?
3. Anong salita ang naglalarawan sa bakuran?
4. Ano-ano ang mga kulay ng bulaklak?
5. Anong salita ang naglalarawan sa naramdaman ng
pamilya?
Suriin
Balikan ang iyong binasa at basahin ang mga
salitang may salungguhit na nasa ibaba.

malayo malapit malaki lima


malawak maganda marami luntian
dilaw pula kahel ube
masaya

Ang tawag sa mga salitang ito ay Pang-uri.


Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa
pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari) o
panghalip.

Ang pang-uri ay naglalarawan ng tao.

Maalaga ang aking nanay.


Ang salitang maalaga ay naglalawaran sa nanay.

Ang pang-uri ay naglalarawan ng bagay.

Ang trak ng bumbero ay pula.


Ang salitang pula ay naglalawaran sa trak.

Ang pang-uri ay naglalarawan ng hayop.

Ang elepante ay malaki.


Ang salitang malaki ay naglalawaran sa elepante.
Ang pang-uri ay naglalarawan ng lugar.

Malawak ang aming bukirin.


Ang salitang malawak ay naglalawaran sa bukirin.

Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangyayari.

Masaya ang kaarawan ni Nina.


Ang salitang masaya ay naglalawaran sa kaarawan.

Pagyamanin
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang pang-uri
at isulat sa iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. masarap 2.mabango 3.malaki


4. mabait 5.sampu

Isaisip
Ngayong naunawaan mo na ang iyong aralin dapat
mo naman itong isaisip.

Angpang-uriaysalitangnaglalarawan sa
pangngalan(tao,bagay,hayop,lugar at
pangyayari) o panghalip.
Isagawa

Kumuha ng limang bagay o laruan sa inyong bahay.


Gumamit ng pangungusap upang mailarawan kung ano
ang kulay, hugis o laki nito.

Tayahin
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang pang-uri.
Bilugan ang mga pang-uring ginamit.

Susi sa Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Tagasuri:
Mary Ann C. Alabin (Guro-Mal/ES) Leah A. De Leon, Superbisor, MTB-MLE
Tagalapat: Janice B. de Guzman

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leah A. De Leon
Superbisor sa Kindergarten at MTB-MLE

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like