You are on page 1of 14

4

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Halika, Ilarawan Mo!

AIRs - LM
LU_Q2_FIlipino4_Module3
FILIPINO 4
Ikalawang Markahan - Modyul 3: Halika, Ilarawan Mo!
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit


o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Daven O. Castueras


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Anthony C. Cacas at Gina R. Dacayanan
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Gracelle P. Ducusin

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q2_FIlipino4_Module3
4
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Halika, Ilarawan Mo!

LU_Q2_FIlipino4_Module3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng
iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

LU_Q2_FIlipino4_Module3
Sapulin

Ang mga salitang naglalarawan ay ginagamit sa paglalarawan ng laki,


hugis, kulay, taas, bilang, dami at iba pang katangian ng tao, pook, hayop at
mga bagay. Pang – uri ang tawag dito.
May mga salitang naglalarawan na angkop lamang gamitin sa tao,
pook, hayop at mga bagay.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahaang:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):

• Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing, pasukdol)


sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao
at katulong sa pamayanan.

• Nakasusulat ng talatang naglalarawan.

Halika simulan na natin.

1 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Simulan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Sa Bukid
Marivic J. Dangatan

Ibig kong magbakasyon


sa malayong bukid,
Doon ay payapa’t lunti
ang paligid.

Maraming halaman,
klima ay malamig,
Kakilala ng lahat
tao’y mababait.

Hangin ay malinis
tunay na dalisay,
Ang dagat asul
Ang langit ay bughaw.

Bukid ay malawak,
Sagana sa palay.
Tanawi’y marikit
at kaakit – akit.

Panuto: Batay sa nabasang tula. Sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang lugar na inilalarawan sa tula?

2. Ano – anong bagay ang inilarawan sa bukid?

3. Ibigay ang salitang naglalarawan sa:

2 LU_Q2_FIlipino4_Module3
a. bukid
b. halaman
c. klima
d. mga tao
e. hangin
f. dagat
g. langit
h. palay
i. tanawin

4. Ano – anong salitang naglalarawan ang ginamit sa paglalarawan ng tao,


pook, bagay at hayop?

5. Ano ang masasabi ninyo sa gamit ng mga salitang naglalarawan?

Lakbayin

Batay sa larawan na nasa ibaba, ano ang pagkakaiba nila Maria,


David at Zimo?

www.google cliparts.com

3 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Ang salitang nagamit sa larawan ay mataba.

Maria: Si Maria ay mataba.


David: Si David ay mas mataba kaysa kay Maria.
Zimo: Si Zimo ang pinakamataba sa kanilang tatlo.

Ano ang napansin mo sa pagkakagamit ng salitang mataba bilang


isang pang-uri sa larawan?

Unti – unti mo nang nauunawaan ang ating aralin. Sa ating


pagpapatuloy, suriin naman natin ngayon at intindihing mabuti ang
sumusunod na aralin.

Ano ang mga Antas ng Pang-uri?

• PANG-URI – Kilalanin ang tatlong (3) uri ng pang-uri – ang Lantay,


Pahambing, at Pasukdol, at mga halimbawa ng mga ito.

• Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay,


Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may ipinagkaiba.

a. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang


pinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa
nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon.

Halimbawa: Si Maria ay mataba.

b. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may


pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar,
at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-
lapad, at mas kasya.

Halimbawa: Si David ay mas mataba kaysa kay Maria.

c. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay


nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito
ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.

Halimbawa: Si Zimo ang pinakamataba sa kanilang tatlo.

4 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Galugarin

Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng


pang-uri. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:
(mabilis)
Lantay - Mabilis tumakbo si Lance.
Pahambing - Mas mabilis tumakbo si Lance kumpara kay Sam.
Pasukdol - Pinakamabilis tumakbo si Gabe sa mga bata.

1. (matalas)
lantay - _____________________________________________

pahambing - ________________________________________

pasukdol - __________________________________________

2. (masarap)
lantay - _____________________________________________

pahambing - ________________________________________

pasukdol - __________________________________________

3. (mabango)
lantay - ____________________________________________

pahambing - _______________________________________

pasukdol - _________________________________________

5 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Palalimin

Panuto: Isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS


kung pasukdol ang kaantasan ng pang-uring may
salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang bata ay mabait.


2. Pinakamaganda si Carrie sa mga bata.
3. Mabango ang mga bulaklak sa hardin.
4. Si Gabe ay mas mabilis kaysa kay Ethan.
5. Higit na malakas si Joaquin kaysa kay Miguel.
6. Ang kotse ni Kevin ay mas mabilis kaysa sa kotse ni Lino.
7. Malabo ang tubig sa ilog Pasig.
8. Ang bulkang Taal ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
9. Iyang hawak mo ang pinakamatamis na mangga sa lahat.
10. Ikaw pala ang pinakapayat sa buong klase.

Sukatin

Panuto: Suriin ang tamang pang-uri para sa kaantasang


ipinahihiwatig sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa


kanyang mga kaibigan.
2. (Mahaba, Mas mahaba, Pinakamahaba) ang buhok ni Sam sa lahat.

3. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang tiyan ng nanay ko.

4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, mas malayo, pinakamalayong) lugar?

6 LU_Q2_FIlipino4_Module3
5. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.

6. (Matangkad, Mas matangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga


batang naririto.

7. Ang pari ay (mabait, mas mabait, pinakamabait) sa kanyang mga


parokyano.

8. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa kaharian.

9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.

10. Ang bakuna ay (mainam, mas mainam, pinakamainam) na


proteksiyon sa CoVid-19 Virus.

7 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Susi sa Pagwawasto

8 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Sanggunian

Lalunio, L., Mindo, D. and Ril, F., 2000. Hiyas Sa Wika 6. 1st

ed. Quezon City: LG&M Corporation

Angelika D. Jabines 2015, Yaman ng Lahi 4, Wika at Pagbasa,

Kagamitang ng Mag – aaral, Unang Edisyon 2015

Liwanag, L., 1999. Landas Sa Wika. 1st ed. Quezon City: Dane

Publishing House Inc.

9 LU_Q2_FIlipino4_Module3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriclum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

10 LU_Q2_FIlipino4_Module3

You might also like