You are on page 1of 36

4

MAPEH
Ikalawang Markahan - Modyul 1

LU_Q2_MAPEH4_Module1 AIRs - LM
MAPEH 4
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat
Music : Melissa C. Dulay
Arts : Alan L. Ramos
PE : Flordiliza Hidalgo Estepa
Alma A. Samson
Lanie E. Bitaya
Health: Demetria V. Genove
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Reviewer/s: Carmela E. Ventura
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Lito D. Fontanilla Jr.

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, PhD, EPS in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q2_MAPEH4_Module1
4
MAPEH
Ikalawang Markahan - Modyul 1

LU_Q2_MAPEH4_Module1
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

LU_Q2_MAPEH4_Module1
MUSIC

Aralin
G clef
1

Sapulin

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa mga iba’t


ibang uri ng notes at rest, time signatures, rhythmic pattern at
iba pang simbolo sa musika.

Ang melody ay ang pinagsama-samang mahaba at maikling


tunog na nagtataglay ng iba’t ibang tono na nagbibigay ng
masidhing damdamin at buhay sa musika.

Ngayon, ating pag-aralan kung ano ang G clef, paano basahin


at isulat ang mga tono nito sa staff.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman,
kakayahan at pag-unawa sa aralin:

• Nakikilala ang kahulugan at gamit ng G-clef (MU4ME-IIc-3)

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Nakikilala ang mga note ng G-clef staff.


2. Nababasa ang mga note ng G-clef staff.

1 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Simulan

Panuto: Isulat ang pitch name ng mga sumusunod na whole note


sa patlang. Kopyahin at ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

___ ___ ___ ___ ___ ___

Lakbayin

Ang clef ay isang musikal na simbolo na ginamit upang


ipahiwatig ang pitch ng nakasulat na mga note. Ito ay nakalagay
sa unahan ng musical staff. Maraming uri ng clef sa musika at
isa na dito ay ang G clef o Treble clef.
Tingnan ang staff sa ibaba.

G clef

Bakit nga ba ito tinawag na G clef? Ito ay G-clef dahil kung


titignan natin ang umpisa ng pagguhit nito ay nasa pangalawang
linya na kung saan ang pitch name ay G.

2 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Galugarin

Panuto: Hanapin ang tamang kinalalagyan ng mga pitch name sa


staff. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

A. D.

B. E.

C. F.

_____1. BEAD _____4. CAGE


_____2. DAD _____5. BEG
_____3. FADE _____6. CAB

3 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Palalimin

Panuto: Isulat ang pitch name ng mga sumusunod na note sa


awiting “An Sakong Abaniko”. Kopyahin at isulat ang
sagot sa sagutang papel.

AN SAKONG ABANIKO

4 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Sukatin

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap


at M naman kapag mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_____1. Ang G clef ay makikita sa hulihan ng musical staff.


_____2. Ang pitch name ng mataas na C ay makikita sa pangatlong
puwang.
_____3. Ang pag-uumpisa ng pagguhit sa G clef ay sa pangalawang
linya.
_____4. Ang simbolo ng G clef ay 
_____5. Makikita ang pitch name na B sa unang puwang ng staff.

5 LU_Q2_MAPEH4_Module1
ARTS

Aralin Iba’t ibang Tanawin sa Pamayanang


1 Kultural

Sapulin

Ang mga sumusunod ay layunin ng isang batang tulad mo sa


modyul na ito.

1. Natatalakay ang iba’t ibang tanawin sa pamayanang


kultural Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng
komunidad ng pamayanang kultural. (A4EL-2A)
2. Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa
pamayanang kultural sa pamamagitan ng likhang sining.

6 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Simulan

Panuto: Isulat ang TAMA kung sumasang-ayon sa isinasaad ng


pangungusap at MALI naman kung salungat ang inyong
paniniwala dito.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang bahay ng mga katutubong Ivatan sa Batanes ay gawa sa
semento at yero.
2. Ang mga Badjao ay kilala bilang magigiting na mandaragat.
3. Gumamit ng mga makabagong teknolohiya ang mga Ifugao
sa paglikha ng tanyag na Hagdang-Hagdang Palayan.
4. May tatlo hanggang apat na bintana ang bahay ng mga
katutubong Ifugao.
5. Sa gilid ng dagat nagtatayo ang mga Badjao ng kanilang
tahanan.

Lakbayin

Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mga


bagay sa kanyang likhang sining sa pamamagitan ng espasyo. Ang
espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat sa
pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang
pintor, ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng
hugis ng mga bagay na kanyang iginuhit,
Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikita
sa pamamagitan ng paglalagay ng foreground, middle ground, at

7 LU_Q2_MAPEH4_Module1
background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang malalaki
at pinakamalapit sa tumitingin. Sa middle ground naman, ay may
katamtaman ang laki ng mga bagay na nasa pagitan ng foreground
at background. Ang mga bagay sa background ay nasa likod at
kadalasang maliliit.

Galugarin


Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa
lalawigan ng Batanes. Ang kanilang mga
tahanan ay maituturing na lumang estruktura
sa Batanes. Ito aya yari sa limestone at coral
habang ang bubungan ay mula sa cogon grass
na sadyang binuo sa pangunahing layunin na
magbigay ng proteksiyon laban sa kalamidad
tulad ng bagyo.
Ang mga babaeng Ivatan ay nagsusuot ng
headgear na tinatawag na vakul. Ito ay yari sa Photo Credits: Dreamstime.com
abaka na inilalagay sa ulo bilang proteksiyon sa araw at ulan.

Ang mga Ifugao naman ay makikita sa


bulubundukin ng Cordillera kung saan ang
mga hagdang-hagdang palayan ay
pangunahing atraksiyon sa lugar. Ang
kanilang tahanan na may kwadradong sukat
na natuturukan ng apat na matitibay na
posteng kahoy na nakaangat sa lupa ay
humigit kumulang apat na talampakan. Wala
itong bintana at ang dingding ay yari sa
Photo Credits: Pinterest/ Ifugaw
Terraces, Philippines matibay na mga kahoy. Mayroon itong
hagdanan na inaalis sa gabi upang di
makapasok ang kaaway o mabangis na hayop.
8 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Ang mga Badjao naman ay isang
pangkat-etniko na namumuhay bilang
mandaragat. Sila ay isang lahi ng
magigiting at mahuhusay na
mandaragat. Nakatira sila sa mga
Bangka o mga bahay na nakatayo sa
dagat. Pangingisda at paninisid ng perlas
at iba pang lamang dagat ang kanilang
hanapbuhay.
Photo Credits: alamy stock
photo

Panuto: Sagutin nang mahusay. Ang matrix ang basehan sa


pagsagot ng mga katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ilarawan sa dalawang pangungusap ang uri ng panahanan ng
mga Ivatan. (2 puntos)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ilarawan sa dalawang pangungusap ang tahanan ng mga


katutubong Ifugao. (2 puntos)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ilarawan sa isang pangungusap ang uri ng panahanan ng mga


katutubong Badjao.( 2 puntos)
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Palalimin

Pagpipinta ng Tanawin ng Pamayanang Kultural


Kagamitan: lapis, bondpaper, watercolor, basahan at water
container.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Isipin ang larawan na
iguguhit. Ito ay maaring
sariling komunidad na
kinabibilangan o ayon
sa inyong
imahinasyon.
Planuhin ang Gawain
ng mga tao, itsura ng
bahay at tanawin sa
komunidad na
iguguhit.
2. Unahing iguhit ang
guhit-
tagpuan(horizon) at
mga bagay na
pinakamalaki at nasa harapan(foreground) tulad ng tao at
ang kanilang ginagawa.
3. Sunod na iguhit ang mga bagay sa middle ground o tanawing
gitna tulad ng mga tahanan at puno.
4. Iguhit ang background o tanawing likod tulad ng bundok o
kapatagan at langit.
5. Kulayan ng watercolor at lagyan ng pamagat.

10 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Sukatin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng


tamang sagot sagutang papel.

1. Ang bahay ng mga katutubong Ivatan ay gawa sa____.


A. Kahoy B. semento C. bangka D. limeston at cogon
2. Ang pangkat- etnikong ito ay tinaguriang magigiting na
mandaragat.
A. Badjao B. Ifugao C. Ivatan D.Manobo
3. Gawa sa kahoy at walang bintana ang bahay ng mga
katutubong ito.
A. Badjao B. Ifugao C. Ivatan D. Kalinga
4. Ano ang tawag sa headgear ng mga babaeng Ivatan?
A. bangge B. gading C. kavul D. vakul
5. Inaalis ng mga katutubong Ifugao ang kanilang hagdan tuwing
umaalis sila ng bahay o natutulog sa gabi upang…..
A. walang makapasok na maraming magnanakaw sa lugar
B. Masaya ang pamilya dahil ito ang kanilang nakagawian
walang mababangis na hayop sa lugar na maaring
makapasok.
C. Walang makapasok na mga batang maiingay

11 LU_Q2_MAPEH4_Module1
B. Panuto: Iguhit ang kung ikaw ay sang-ayon sa sinasabi
ng pangungusap at naman kung hindi. Iguhit
ang sagot sagutang papel.
__________6. Ang mga bagay sa background ay kadalasang
malalaki at pinakamalapit sa tumitingin.
__________7. Sa pamamagitan ng espasyo, nagagawa ng isang
pintor na maging malayo a malapit ang kanyang
likhang sining.
__________8. Ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay
sa likhang sining ay tinatawag na foreground.
__________9. Katamtaman ang laki ng mga bagay na makikita sa
middle ground.
__________10. Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay
naipakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng
foreground, middle ground, at background.

12 LU_Q2_MAPEH4_Module1
PHYSICAL EDUCATION

Aralin Lakas at Tatag ng Kalamnan


1

Sapulin

Ang modyul na ito ay naglalahad sa iba’t-ibang gawaing


pisikal na kailangang malaman ng mga bata batay sa
rekumendasyon na makikita sa Physical Activity Pyramid Guide na
dapat nilang gawin upang mapalakas at mapatatag ang kanilang
kalamnan.
Sa araling ito, ang Physical Activity Pyramid Guide para sa
Batang Pilipino ay binibigyang-pansin upang lubos na
maunawaan ang kahalagahan ng mga gawaing kanilang ginagawa
at kung gaano kadalas ang paggawa ng mga ito para mapalakas
at mapatatag ang kanilang kalamnan.
Pagkatapos mo basahin ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
LEARNING COMPETENCY: Assesses regularly participation in
physical activities based on physical activity pyramid (PE4PF-IIb-h-
18)
MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga gawaing pisikal na nagdudulot ng
muscular strength at muscular endurance at nasusunod
ang mga gabay sa Physical Activity Pyramid Guide para sa
Batang Pilipino.
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at
tatag ng kalamnan.
3. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na
nakapagpapalakas at nakapagpapatatag ng kalamnan.
4. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa
ng mga gawain.

13 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Simulan

Nasusunod mo ba ang mga gabay sa Physical Activity


Pyramid Guide para sa Batang Pilipino na ipinakita sa inyo sa
mga naunang aralin? Ano-ano nga ba ang mga physical activity
na nagdudulot ng malakas at matatag na kalamnan?

Gawain I. Physical Activity Pyramid para sa Batang Pilipino

Tingnan muli ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang


Pilipino. Suriing muli at alamin kung aling mga gawain ang
dapat gawin araw-araw, 3-5 beses sa isang linggo, 2-3 beses sa
isang linggo at minsan lang sa isang linggo.

Physical Activity Pyramid Guide

14 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Panuto: Kopyahin ang tsart sa sagutang papel at isulat ang mga
gawaing makikita sa Physical Activity Pyramid Guide para
sa Batang Pilipino na kaugnay sa lakas at tatag ng
kalamnan.

Lakas ng Kalamnan Tatag ng Kalamnan

Gawain II. Pampasigla

Gawin ang mga sumusunod na gawain kasama ang iyong pamilya.

Panuto: Bumuo ng dalawang pangkat sa inyong pamilya. Bawat


pangkat ay magsisimula sa estasyon ng kanilang bilang.
Pumili n glider at gawin ang mga gawain sa bawat estasyon.
Ang nanay o tatay ay magbibigay ng hudyat na lilipat na
kayo sa kasunod na estasyon.

Sabay-sabay na mag-
jumping jack

Itulak ang isang mesa Kumuha ng lubid. Hatiin


sa isang dipa ang layo ang pangkat. Ang
mula sa pinagmulang kalahati ng pangkat ang
lugar. Pagkatapos ay hihila sa isang dulo at
itulak ito pabalik. ang kalahati naman ang
hihila sa kabila ng lubid.
Humiga sa lapag at
mag- curl-ups

15 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Gawain III. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong mga kilos ang ginawa ninyo sa bawat estasyon?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Alin sa mga gawain ang nagpapaunlad ng malakas na


kalamnan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Alin naman ang nagpapaunlad ng matatag ng kalamnan


___________________________________________________________
___________________________________________________________

Lakbayin

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang


makahila o makatulak ng mabigat na bagay. Halimbawa nito ay
ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay
tulad ng malaking timba ng tubig.

Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng


kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang bagay o
power nang paulitulit, o mas matagal na panahon. Halimbawa
nito ay ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na
tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan.

16 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Gawin Natin: Magsama-sama ang magkapangkat at gawin
ang mga sumusunod:

A. Pagtulak ng kaparareha
a. Tumayo na nakaharap sa kapares
b. Paglapatin ang kamay ng kapares. Itulak ang bawat isa
gamit ang puwersa ng braso.
c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo.

B. Paghila sa kapares
a. Tumayo na kaharap ang kapares.
b. Hawakan ang kamay ng kapares. Maghilahan ang bawat
sa sa loob ng 30 segundo.

C. Relay ng Pagbuhat
a. Humanay ang apat na pangkat.
b. Tumayo ang bawat pangkat sa harap ng starting line.
c. Sa hudyat, bubuhatin ng unang manlalaro ang sako o
bag na may lamang damit. Lalakad siya patungo sa end
line, iikot at babalik sa starting line.
d. Uulitin ang gawain ng mga susunod na manlalaro at
ang pangkat na unang makatapos ay siyang nanalo.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong: Usulat ang


sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng gawain?


2. Anong kinakailangan upang maitulak at mahila mo ang
iyong kapareha?
3. Ano naman ang kinailangan mo upang mabuhat at
manguna sa laro ninyo kanina?
4. Alin ang mas kinailangan mo sa mga nakaraang gawain,
ang lakas ng kalamnan o tatag ng kalamnan?

17 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Galugarin

May iba’t ibang gawain na nagdudulot ng lakas at tatag


ng kalamnan katulad ng pagtulak o paghila ng mga bagay,
pagbubuhat, at iba pa. Ang lakas ng kalamnan ay
pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng
mabigat na bagay o puwersa. Ang tatag ng kalamnan naman
ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng
mas magaang bagay o puwersa nang paulit-ulit, o mas
matagal na panahon.

Panuto: Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Lagyan ng tsek


(✓) ang kolum ng tamang sagot.

Kasanayan TAMA MALI


1. Ang pagtulak o paghila ng mabigat na
bagay ay ilan sa mga gawaing nagdudulot
ng lakas ng kalamnan.
2. Kapag ang isang tao ay hindi makatagal
sa pagdadala o pagbubuhat ng isang bagay
siya ay may tatag ng kalamnan.
3. Ang pag-iingat at pagiging masaya sa mga
gawaing ginagawa sa araw-araw ay mainam
na gawain.
4. Ang pagsunod sa Physical Activity Pyramid
Guide para sa Batang Pilipino ay
nakabubuti para sa ating kalusugan.
5. Hindi na kailangang magkaroon ng lakas
at tatag ng kalamnan dahil nakasasakit ito
ng katawan.

18 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Palalimin

A. Panuto: Piliin sa kahon ang mga gawain na dapat ilagay sa


tamang kolum. Gawin ito sa sagutang papel.

MGA GAWAIN
• Paglalakad (papuntang simbahan,
paaralan,palengke)
• Pag-jogging
• Paglalaro (habulan,taguan,
patintero, at iba pang mga laro)
• Pagsasayaw (ballroom, pop)
• Pagtulak ng kariton

Nagpapalakas ng Kalamnan Nagpapatatag ng Kalamnan

B. Panuto: Magtala ng mga gawain na ginagawa ninyo araw-araw


na nangangailangan ng lakas at tatag ng kalamnan.

1. __________________________________________
2. __________________________________________
3. __________________________________________
4. __________________________________________
5. _________________________________________

19 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Sukatin

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang nilalaman ng


pangungusap at M kung mali ito. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang
makahila o makatulak ng mabigat na bagay.
2. Ang pagbubuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa
bahay tulad ng malaking timba ng tubig ay
nakapagpapalakas ng kalamnan.
3. Ang pauli-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo
upang mailipat ito sa ibang lalagyan ay isang halimbawa ng
gawaing nagpapatatag ng kalamnan.
4. Ang tatag ng kalamnan ay nagtataglay ng kakayahang
makahila o makatulak ng mas magaang bagay ng paulit-ulit
o mas matagal na panahon.
5. Ang larong relay ng pagbuhat ay isang gawaing nagpapakita
ng pagpapatatag ng kalamnan.

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Ilagay ang tamang


sagot sa sagutang papel.

6. Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapatatag ng


kalamnan MALIBAN sa isa, alin ito?
a. Paglalaro ng relay ng pagbuhat
b. Pagbuhat ng malaking timba ng tubig
c. Pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang
ilipat sa ibang lalagyan.
d. Paglalaro ng paglilipat ng maliliit na bato mula sa
bilog papunta sa kabilang bilog.
7. Ito ay nagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak
ng mabigat na bagay.
a. lakas ng kalamnan
b. lakas ng kalooban
c. tatag ng kalamnan
d. tibay ng kalamnan

20 LU_Q2_MAPEH4_Module1
8. Ang pagbuhat ng malaking timba na may lamang tubig ay
nagpapakita ng pagpapayaman sa _____________.
a. lakas ng kalamnan
b. lakas ng kalooban
c. tatag ng kalamnan
d. tibay ng kalamnan

9. Ang tatag ng kalamnan ay nagtataglay ng kakayahang


makahila o makatulak ng mas magaang bagay o
puwersa nang _____________.
a. mabilisan
b. minsanan
c. paulit-ulit
d. mabagal

10. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na


tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan ay
halimbawa ng gawain na nagpapakita ng
_______________.
a. lakas ng kalamnan
b. lakas ng kalooban
c. tatag ng kalamnan
d. tibay ng kalamnan

21 LU_Q2_MAPEH4_Module1
HEALTH

Aralin Protektahan ang Sarili,


1 Nakakahawang Sakit
Alamin!

Sapulin

Mga layunin sa pagkatuto:

Nailalarawan ang mga sakit na nakukuha sa maruruming


pagkain.

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

a. Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.


b. Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat
pagtataya at pagsasanay.
c. Sagutin ang lahat na mga tanong sa pagtataya at
pagsasanay.

22 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Simulan

Ano-ano ang mga nakakahawang sakit?


Ano-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga ito
Alamin ang mga iba’t-ibang sanhi ng mga nakakahawang sakit?
Sa iyong palagay, kayamanan nga ba ang kalusugan? Bakit?

Panuto: Sumulat ng mga salitang may kaugnayan sa salitang


nasa loob ng bilog ng Mapa ng Konsepto. Kopyahin at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

SAKIT

23 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Lakbayin

Ang kasabihang “Ang kalusugan ay kayamanan” ay


nangangahulugang ang taong malusog ay may masiglang buhay.
Ang malusog na pangangatawan ay nakatutulong din na
makaiwas sa ibat-ibang sakit.

Ang sakit ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng


isang tao. Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na kundisyon
ng mga selyula o bahagi ng katawan. Maaari din itong sanhi ng
mga mikrobyong nagdudulot ng sakit.

Tatalakayin sa araling ito ang ibat-ibang uri ng mga


karaniwang sakit upang higit itong maunawaan kung paano
iiwasan. Inaasahan din na makatutulong ito upang higit na
pahalagahan at isagawa ang mga gawaing pangkalusugan laban
sa mga sakit.

Galugarin

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Ang sakit ay anumang kalagayan na hindi
pangkaraniwang nararamdaman ng isang tao. Ang sakit ng tao
ay maaaring nakahahawa o hindi nakahahawa. Ito ay
maaaring sanhi ng hindi maayos na kundisyon ng mga selyula
o parte ng katawan. Ito rin ay maaaring sanhi ng mga
mikrobyong nagdudulot ng sakit.
Ito ay maaaring dumapo sa kaninuman-bata man o
matanda, mayaman man o mahirap ngunit ito ay maiiwasan.
Ang isang taong may mahinang resistensiya(immune
system) ay medaling kapitan ng sakit at karamdaman.

24 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Gayundin, maaaring sanhi at dalai to ng kapwa tao,
hayop, pagkain at kapaligiran-lupa, tubig, at hangin.
Mabuting malaman ang dahilan, sintomas, at pagsugpo rito
upang mapanatili ang kalusugan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel
1. Ano ang sakit?
2. Ano ang sanhi ng sakit?
3. Paano nakukuha ang sakit?

3 Mahalagang element ng pagkalat ng nakakahawang


sakit:
Susceptible host – sinumang tao na maaaring kapitan ng
pathogen o mikrobyo.
Mikrobyo(pathogens) – mga mikrobyong nagdudulot ng sakit
tulad ng virus, bacteria, fungi at parasite.

Mga Uri ng Mikrobyo/Pathogens:


Virus – pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa
pamamagitan ng mikroskopyo.
Bacteria – mas malaki ito kaysa sa virus at nabubuhay
kasama ng hangin, tubig at lupa
Fungi – tila halamang mikrobyo na nabubuhay at mabilis
dumami sa madilim at mamasa-masang lugar.
Bulate(Parasitic worms) – pinakamalaking pathogen na
nabubuhay sa intestinal walls at nakikipag-agawan sa
sustansya para sa katawan.
Kapaligiran – isang element sa pagkalat ng mikrobyo na
maaaring sumama sa himpapawid at hangin (airborne), at
tubig (waterborne).

Ang mga sumusunod ay mga sakit na dala ng virus:


Sipon – pagkakaroon ng baradong ilong at hirap sa
paghinga. Pumapasok ang virus sa ilong sa pamamagitan
ng paglanghap, pagbahing at pag-ubo. Ang pag-inom ng
maraming tubig ay isang paraan upang maiwasan ito.

25 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Ubo – ubong mahigpit at tila kahol ng aso. Sanhi ito ng
bacteria. Dagdagan ng gatas o maligamgam na tubig ang
inumin upang lumuwag ang plema.
Trangkaso – lagnat na nasa 38⁰-40⁰ Celcius; pananakit ng
ulo, kalamnan at kasu-kasuan; masakit na lalamunan at
sipon. Uminom ng maraming tubig at umiwas sa mga
taong may trangkaso para hindi mahawaan.
Tuberkulosis – pag-ubo na may kasamang plema at
dugo. Maaaring makaiwas o masugpo ang sakit na ito
sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at ehersisyo,
pagtakip ng ilong kung may kausap na inuubo.
Pulmonya – hirap sa paghinga, kulang ng oksiheno. Ito
ay sakit na nakakaapekto sa baga. Pagbabakuna,
wastong nutrisyon at kalinisan sa sarili at kapaligiran ay
mga tamang paraan upang maiwasan ito.
Sakit sa atay (Hepatitis A) – paninilaw ng balat at puti ng
mata. Ito ay impeksiyon sa atay na maaaring makuha sa
maruruming pagkain. Tiyaking malinis ang pagkain at
ugaliing maghugas ng kamay para makaiwas sa sakit na
ito.
Sakit sa balat (Dermatitis) – pamamantal at pamamaga
ng balat. Ugaliing maging malinis sa lahat ng oras upang
hindi madapuan ng sakit na ito.

Dengue fever – pagtaas at pagbaba ng lagnat; paglitaw ng


skin rash kapag bumaba ang lagnat. Ito ay nakukuha sa
kagat ng lamok na may dalang virus. Dapat laging linisan
ang kapaligiran upang hindi pamugaran ng mga lamok.
Leptospirosis – pananakit ng kalamnan at kasukasuan
dala ng bacteria na maaaring pumasok sa balat o sugat
mula sa tubig-baha kung saan may ihi ng daga. Iwasang
maligo saligo o magtampisaw sa tubig-baha upang hindi
makakuha ng sakit na ito.

26 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Palalimin

A. Panuto: Maglista ng mga salitang naiuugnay mo sa mga sakit


at karamdaman a nasa loob ng kahon. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.

Ubo Sore eyes Trangkaso

Tuberkulosis Beke Alipunga

An-an Tigdas Bulutong tubig

Pulmonya Dengue Pigsa

B. Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawa ng nakakahawang


sakit, ang sintomas nito at kung paano ito maiiwasan.
Kopyahin ang tsart at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Nakakahawang sakit Katangian/Sintomas Pag-iwas

1.
2.
3.

27 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Sukatin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat Sa sagutang


papel ang ✓ kung ang pangungusap ay naglalarawan sa
nakakahawang sakit at  kung hindi.

1. Ang Tuberkulosis ay sakit na may kasamang plema at dugo


kapag umuubo.

2. Ang ubo ay dulot ng pagkakaroon ng impeksiyon sa balat.

3. Kagat ng lamok ang sanhi ng sakit na Dengue.

4. Ang Hepatitis A ay nakukuha sa mruruming pagkain at


inumin.

5. Ang Dermatitis ay pamamantal at pamamaga ng balat.

6. Ang sipon ay nagdudulot ng pananakit ng lalamunan at hirap


sa paghinga.

7. Leptospirosis ang sakit na dala ng lamok.

8. Pulmonya ang makukuha sa mga maruruming pagkain.

9. Paninilaw ng mata at balat ang sintomas ng sakit na Hepatitis


A.

10. Ang diarrhea ay ang pamamantal at pamamaga ng balat

28 LU_Q2_MAPEH4_Module1
LU_Q2_MAPEH4_Module1 29
SIMULAN SUKATIN
1. MALI
2. TAMA
3. MALI 1. D 6.
4. MALI
5. TAMA
2. D 7.
3. B 8.
4. D 9.
5. C 10.
ARTS
Simulan
Galugarin
1. C
2. E
3. A
4. D
5. B
6. F
Palalimin
Sukatin
1. M 2. T 3. T 4. T 5. M
Music
Susi sa Pagwawasto
LU_Q2_MAPEH4_Module1 30
SIMULAN PALALIMIN
✓ Mag-ehersisyo
A
✓ Kumain ng
1. Ubo – sipon, kahol aso 7. Tigdas – rashes, balat
masusustansiya
2. Tuberkulosis – dugo, plema 8. Dengue – balat, pagsuka, lagnat
✓ Umiwas sa may sakit
3. An-an – balat, makati 9. Trangkaso – lagnat, sakit sa ulo,
✓ Palaging malinis ang kasu-kasuan
katawan 4. Pulmonya – hirap huminga 10. Alipunga – makati, balat
✓ Iba pang sagot 5. Sore eyes – pula, makati 11. Bulutong-tubig – mahapdi, balat
6. Beke – balat 12. Pigsa – makirot, pamamaga
SUKATIN B
1.✓ 6. ✓ 1. Ubo – lagnat – uminom ng maligamgam na tubig
2. X 7. X 2. Tuberkulosis – pag-ubo, pagbaba ng timbang – ihiwalay ang gamit, mag-
3.✓ 8. X ehersisyo, tamang nutrisyon
3. Sakit sa atay – pananamlay, pagsusuka, nilalagnat – maghugas ng kamay,
4.✓ 9. ✓ malinis ang kinakain, tamang nutrisyon
5.✓ 10. X - iba pang sagot
Health
Sukatin
1. /
2. /
3. /
4. X
5. X
6. /
7. X
8. X
9. /
10. X
Physical Education
Sanggunian
Mga Aklat:

Musika at Sining -Ikaapat na Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro Unang Edisyon 2015
Musika at Sining 4” Kagamitan ng Mag-aaral pp. 178-181
Musika at Sining 4 Patnubay ng Guro pp. 227-231 DO no. 30, s.2019
Forniz, G.M., R.TN Jemino, S.F. Meneses Jr., T.T. Avangelista, G.V. Santos, PhD,
J.B. Sabas, R.B. Pena, and A.B. Ampong (2015). Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 LM.
Department of Education-Instructional Council Secretariat (DepEd-IMCS). VICARISH Publication and
Trading, Inc. p.71-84
Taño, Mila C., et.al., (2015). Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4, Kagamitan ng Mag-aaral
VICARISH Publication and Trading, Inc.

Iba pang sanggunian:


https://images.search.yahoo.com/search/images?
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material- inphysical-education-q1q4
https://drive.google.com/drive/folders/10Su7CayLKZtekd7
cKDOWRUi9n4kBhTBQ?fbclid=IwAR3zbwJpjsJLiqmOkOsjU7O7FtG3RFjhQRejYsmOQ_I-IioLRXAzmvasL

31 LU_Q2_MAPEH4_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

32 LU_Q2_MAPEH4_Module1

You might also like