You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 4
Balangkas ng Pamahalaan
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo

Alma O. Bituin
Manunulat

Edsel B. Basilla
Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa natapos na aralin ay tinalakay ang balangkas ng pamahalaan. Sa
panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matutunan
ang mga sumusunod:
1. Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan
2. Naipaliliwanag ang kapangyarihan at tungkulin ng mga namumuno sa lokal at
pambansang pamahalaan

Talaan ng Aking Alam


Panuto. Sumulat ng 2-3 tanong tungkol sa bawat Paksa at sagutan ang mga
nabuong tanong base sa kaalman mo.

Kolum 1 :PAKSA Kaalaman at Konsepto


Mga Tanong Ko Mga Sagot ko sa Tanong Ko
1. Mga Namumuno ng
Bansa

2. Paraan ng Pagpili sa
Mga Namumuno ng
Bansa

3. Kapangyarihan at
tungkulin ng mga
namumuno sa lokal at
pambansang
pamahalaan

PANUTO: Sa harap ng iyong Gabay sa Tagapagdaloy, ikuwento ang nagging


damdamin mo sa natutunan mo sa SLeM Week 2. Habang ginagawa mo ang
Gawain na ito ay mag selfie kayo at ipost sa ating GC at lagyan ng caption.

2
Ang modyul na ito ay binuo upang lubos ninyong maaunawaan ang mga
paksang sakop ng Aralin na pinamagatang Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan
ng Pilipinas.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at Unawain

Kahon ng Konsepto

Ang Lehislatibong Sangay ng Lehislatibong Sangay ng Pamahalaan


Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay
ibinibigay sa Kongreso ng Pilipinas, na siyang kinabibilangan ng Senado at ng
Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives).
Mayroong 24 na Senador sa Senado. Nakasaad sa batas na sila ay pawang mga
inihalal ng mayoridad ng mga botante ng Pilipinas. Hihigit sa 250 ang maaaring
makabilang sa Kapulungan ng mga Kinatawan at 20% nito ay kinakailangang mga
kinatawan ng mga Party-list.
Nakatakda sa konstitusyon na ang bawat Senador ay kinakailangang:
1. mamamayang ipinanganak sa PIlipinas at may magulang na Pilipino;
2. hindi babata sa edad na 35;
3. marunong magbasa at magsulat;
4. rehistrado bilang botante; at
5. residente ng Pilipinas nang di-bababa sa 2 taon bago ang araw ng halalan.
Sa kabilang banda, upang maging kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan,
kailangang sundin ang mga sumusunod na kahingian:
1. mamamayang ipinanganak sa PIlipinas at may magulang na Pilipino;
2. hindi babata sa edad na 25;
3. marunong magbasa at magsulat; at
4. rehistradong botante at residente ng bansa sa loob ng 1 taon o higit pa sa
distrito kung saan siya ay inihalal (liban sa mga kinatawan ng party-list).
Ang Prosesong Lehislatura
Kailangang siguruhin ng pamahalaan na ang bawat kilos nito ay higit na
pinagtitibay ang diwa ng konstitusyon. Dahil dito, nariyan ang Kongreso na
gumagawa ng mga naaayong batas. Minsan, ito rin ang nagsususog o
nagbabago ng mismong konstitusyon kung kinakailangan. Upang makagawa ng
batas, ang lehislatura o batasan ay lumilikha ng dalawang pangunahing
dokumento: mga panukalang batas (bills) at mga kapasiyahan/resolusyon
(resolutions).
Mula sa Kahon ng Konsepto, sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Ano ang sangay ng pamahalaan ang nabanggit sa Kahon ng Kaalaman?
__________________________________________________________________________

3
2. Anu-anong posisyon/namumuno ang napapaloob sa Lehisturang sangay?
__________________________________________________________________________
3. Anu -ano ang mga paraan ng pagpili sa bawat posisyon/pamunuan?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Magtala ng 2-3 kapangyarihan at tungkulin ng namumuno sa sangay na ito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at Unawain

ANG EHEKUTIBONG SANGAY NG PAMAHALAAN


Ang Ehekutibong Sangay
Ginagawaran ng Artikulo VII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng kapangyarihang
ehekutibo ang Pangulo ng Pilipinas, na siyang magsisilbing puno ng estado, puno
ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Bilang punong tagapagpaganap, pamamahalaan ng Pangulo ng Pilipinas ang
lahat ng ehekutibong kagawaran, kawanihan, at tanggapan.
ANG PANGULO NG PILIPINAS
Inihahalal ang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng boto ng mga
mamamayan para sa terminong may habang anim na taon. Maaari lamang
siyang manilbihan sa loob ng isang termino, at hindi pahihintulutang maihalal muli.
Nagsisimula ang termino ng Pangulo ng hapon ng ika-30 araw ng Hunyo
pagkatapos isagawa ang eleksyon.
MGA KUWALIPIKASYON
Ang mga kuwalipikasyon para sa nagnanais maging Pangulo ng Pilipinas ay
nakabalangkas sa Artikulo VII, Seksyon 2 ng 1987 Konstitusyon. Ayon sa konstitusyon,
maaaring maging Pangulo ang isang tao kung maabot niya ang mga sumusunod
na pamantayan:
1. likas na ipinanganak na Pilipino;
2. isang rehistradong botante;
3. nakababasa at nakasusulat;
4. 40 taong gulang sa araw ng halalan;
5. kailangang nakapanirahan sa bansa nang sampung taon bago ang
halalan.
MGA KAPANGYARIHAN NG PANGULO
Bukod sa konstitusyon, ang mga kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas ay
ispesipikong nakasaad sa Executive Order No. 292, s. 1987, na kilala rin bilang
Administrative Code of 1987. Ang mga sumusunod na kapangyarihan ay:
1. Kapangyarihang pamahalaan ang ehekutibong sangay
2. Kapangyarihag gumawa ng mga ordinansa
3. Kapangyarihan sa mga dayuhan
4.Kapangyarihan ng eminent domain — Tutukuyin ng Pangulo ang panahong
kakailanganin o makabubuting gamitin ang kapangyarihan ng eminent domain sa
ngalan ng pamahalaan, at atasan ang solisitor heneral, sa panahong tingin niya’y
pinakamainam, na maghain ng pagdinig sa hukuman ukol sa legal na pagkuha ng
mga ari-arian.
5. Kapangyarihang maghirang sa posisyon
6. Kapangyarihang pangasiwaan ang mga pamahalaang lokal

4
May atas ang Pangulo, bilang punong ehekutibo, na pangasiwaan ang mga
pamahalaang lokal sa bansa, sa kabila ng kanilang awtonomong estado ayon sa
nakasaad sa Republic Act No. 7160 na kilala rin bilang Local Government Code of
1991.
Nakagawian nang pangasiwaan ang mga ito ng Department of Interior and Local
Government (Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal) na pinamumunuan
ng isang kalihim ng gabinete—ang tumatayong kinatawan ng Pangulo.
7. Iba pang mga kapangyarihan
Bukod sa mga nabanggit na kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas, maaari din
siyang magpatupad ng mga kapangyarihang nakasaad sa konstitusyon at batas.
LINYA NG PAGHALILI
Isinasaad sa konstitusyon ang isang linya ng mga hahaliling opisyal sa
pagkakataong hindi na magampanan ng inihalal na Pangulo ng Pilipinas ang
kanyang tungkulin sa kadahilanang pagkamatay, pagkakaroon ng kapansanan,
o pagbibitiw. Ang sumusunod ay ang linya ng mga hahalili sa kanya:
1. Pangalawang Pangulo — sa mga pagkakataon ng pagkamatay,
pagkakaroon ng kapansanan, o pagbibitiw ng Pangulo
2. Pangulo ng Senado — sa mga pagkakataon ng pagkamatay, pagkakaroon
ng kapansanan, o pagbibitiw ng Pangulo at Pangalawang Pangulo
3. Ispiker ng Kapulungan — sa mga pagkakataon ng pagkamatay,
pagkakaroon ng kapansanan, o pagbibitiw ng Pangulo, Pangalawang
Pangulo, at Pangulo ng Senado.
PANGALAWANG PANGULO NG PILIPINAS
Ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ay inihalal ng boto ng mga mamamayan
para sa terminong may anim na taon, at maaaring ihalal muli nang isa pang
pagkakataon. Magsisimula ang panunungkulan ng Pangalawang Pangulo ng
Pilipinas sa hapon ng ika-30 araw ng Hunyo pagkatapos isagawa ng halalan.
MGA KUWALIPIKASYON
Ang mga kuwalipikasyon para sa mga nagnanais maupo sa Tanggapan ng
Pangalawang Pangulo ay nakalista sa Artikulo VII, Sekyon 3. Ayon sa konstitusyon,
ang mga kuwalipikasyon ng Pangalawang Pangulo ay pareho rin ng sa Pangulo.
KASAYSAYAN
Inihahalal ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng boto ng
mga mamamayan para sa terminong may anim na taon, at maaari pang maihalal
muli. Ayon sa konstitusyon, maaari siyang magsilbi bilang Gabinete kasabay ng
kanyang tungkulin bilang pangalawang pangulo
Ang mga kalihim ay gumaganap bilang kinatawan ng Pangulo sa pagpapatupad,
gamit ang basbas nito, ng mga kapangyarihan ng presidente sa kani-kanilang mga
kagawaran.
LINYA NG MGA KAHALILI
Hindi lahat ng kasapi ng gabinete, gayumpaman, ay saklaw ng kumpirmasyon ng
Komisyon sa Paghirang. Nakasaad sa website ng Komisyon sa Paghirang, kailangan
ng mga sumusunod na kalihim ng kumpirmasyon upang tuluyang manungkulan sa
kanilang posisyon:
1. Kalihim Tagapagpaganap (Executive Secretary)
2. Kalihim ng Repormang Pansakahan (Secretary of Agrarian Reform)
3. Kalihim ng Agrikultura (Secretary of Agriculture)
4. Kalihim ng Badyet at Pamamahala (Secretary of Budget and Management)
5. Kalihim ng Edukasyon (Secretary of Education)

5
6. Kalihim ng Enerhiya (Secretary of Energy)
7. Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Secretary of Environment and
Natural Resources)
8. Kalihim ng Pananalapi (Secretary of Finance)
9. Kalihim ng Ugnayang Panlabas (Secretary of Foreign Affairs)
10. Kalihim ng Kalusugan (Secretary of Health)
11. Kalihim ng Katarungan (Secretary of Justice)
12. Kalihim ng Paggawa at Empleo (Secretary of Labor and Employment)
13. Kalihim ng Tanggulang Bansa (Secretary of National Defense)
14. Kalihim ng Pagawain at Lansangang Bayan (Secretary of Public Works and
Highways)
15. Kalihim ng Agham at Teknolohiya (Secretary of Science and Technology)
16. Kalihim ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Secretary of Social
Welfare and Development)
17. Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal (Secretary of Interior and Local
Government)
18. Kalihim ng Kalakalan at Industriya (Secretary of Trade and Industry)
19. Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon (Secretary of Transportation and
Communications)
20. Kalihim ng Turismo (Secretary of Tourism)
21. Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher
Education)
22. Direktor Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at
Pagpapaunlad (Director General of the National Economic and
Development Authority)
KAPANGYARIHAN NG KALIHIM NG GABINETE
Gaya ng naunang banggit, ang kalihim ng gabinete ang kinatawan ng Pangulo
sa kani-kanilang mga kagawaran. Kung kaya, taglay nila ang kapangyarihang
maglabas ng mga kautusang ukol sa kanilang tanggapan, tulad ng mga
kautusang pangkagawaran (department order). May bisa lamang ang mga
kautusang ito sa mga ispesipikong departamentong sakop ng kalihim. Nagsisilbi ring
tagapayo ng Pangulo ang mga kalihim para sa kani-kanilang larangan.
MGA PAMAHALAANG LOKAL
Lampas pa sa pambansang pamahalaan ang abot ng ehekutibong sangay. Ayon
sa Artikulo X, Seksyon 4 ng konstitusyon, inaatasan ang Pangulo ng Pilipinas na
pangasiwaan ang mga pamahalaang lokal sa buong bansa. Gayumpaman, dahil
sa Republic Act No. 7160, na kilala rin bilang Local Government Code of 1991,
nagtatamasa ang mga pamahalaang lokal ng isang antas ng pagsasarili mula sa
pambansang pamahalaan.
Ang mga serbisyo-publiko at pasilidad na dapat ihatid ng pamahalaang lokal,
ayon sa nakasaad sa Sekyon 17 ng Local Government Code, ay ang sumusunod:
• mga pasilidad at serbisyong pananaliksik para sa mga gawaing pang-
agrikultura at pangingisda, kabilang ang mga taniman ng punla, mga bukid
pandemonstrasyon, at sistema ng irigasyon;
• serbisyong pangkalusugan, kabilang ang pagbibigay ng mga pangunahing
arugang pangkalusugan, pangangalaga sa mga ina at anak, mga
kagamitan at suplay panggamot;
• mga serbisyong pangkagalingan ng lipunan, kabilang ang mga programa
at proyektong pangkababaihan, kabataan, nakatatanda, at may

6
kapansanan; pati na rin mga palaboy, pulubi, batang-kalye, pariwarang
binata’t dalaga, at biktima ng bawal na gamot;
• mga serbisyong naghahatid ng impormasyon, kasama ang mga sistemang
nagpapatalastas ukol sa mga bakanteng trabaho, at isang pampublikong
silid-aklatan;
• isang sistema sa pagtatapon ng basura, o sistemang nangangasiwa at
nangangalaga sa kalikasan;
• mga gusaling pangmunisipalidad/lungsod/probinsya, sentrong pangkultura,
pampublikong liwasan o parke, palaruan, at pasilidad at kagamitang pang-
isport;
• mga imprastruktura gaya ng kalsada, tulay, gusaling pampaaralan, klinika,
palaisdaan, sistemang nagsusuplay ng tubig, pader pandagat, dike, kanal
at imburnal, at karatula at senyas pantrapiko;
• mga pampublikong pamilihan, katayan, at iba pang lokal na negosyo;
• pampublikong sementeryo;
• mga pasilidad at atraksyong panturista; at
• mga lugar para sa himpilan ng pulisya at bumbero, at mga kulungan.
May kapangyarihan din ang mga lokal na pamahalaan na lumikha ng sarili nilang
pagkukuhaan ng kita at magpataw ng buwis, multa, at mga singil na sa kanila
lamang mapupunta.
May punong tagapagpaganap ang bawat lokal na pamahalaan. Ang sumusunod
ang listahan ng kanilang mga lokal na pinuno:
1. barangay — punong barangay (barangay chairman)
2. munisipalidad — alkalde ng munisipalidad
3. lungsod — alkalde ng lungsod
4. lalawigan — gobernador
May kapangyarihan ang mga lokal na pinunong aprubahan o tanggihan ang mga
lokal na ordinansang inirerekomenda ng mga lokal na mambabatas.
PUNONG BARANGAY
Bilang punong tagapagpaganap sa pamahalaang barangay, ipatutupad ng
punong barangay ang sumusunod na mga kapangyarihan at tungkulin:
1. magpatupad ng mga batas at ordinansang angkop para sa barangay;
2. makipagnegosasyon, makipagkontrata, at makipagpirmahan para at sa
ngalan ng barangay, matapos pahintulutan ng Sangguniang Barangay;
3. panatilihin ang kaayusang pangmadla sa barangay;
4. magpatawag at pamunuan ang mga sesyon ng Sangguniang Barangay at
Barangay Assembly;
5. magtalaga o magpalit ng ingat-yaman, sekretarya, at iba pang hinihirang
na opisyal ng barangay;
6. mag-organisa at mamuno ng isang pangkat pangkagipitan para sa
pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o sa mga panahon ng
matinding pangangailangan o kalamidad sa barangay;
7. maghanda ng taunang ehekutibo at dagdag na badyet para sa barangay,
sa pakikipagtulungan ng Barangay Development Council.
8. mag-apruba ng mga garantiya at resibong may kinalaman sa paglalabas
ng mga pondo ng barangay.

7
9. magpatupad ng mga batas ukol sa pagbabawas ng polusyon at
pagtatanggol ng kalikasan;
10. pangasiwaan ang mga gawain ng Katarungang Pambarangay;
11. pamahalaan ang mga aktibidad ng Sangguniang Kabataan sa
pangkalahatan;
12. tiyakin ang paghahatid ng mga pasilidad at pangunahing serbisyong
panlipunan;
13. magsagawa ng taunang palarong barangay na magtatampok ng mga
tradisyunal na laro at disiplinang kasama sa mga palarong pambansa at
pandaigdig; at
14. isulong ang pangkalahatang katiwasayan ng barangay.
MGA ALKADE NG MUNISIPALIDAD AT LUNGSOD
Ang mga alkade ng munisipalidad at lungsod, bilang mga punong
tagapagpaganap sa kani-kanilang lokal na pamahalaan, ay ipatutupad ang
sumusunod na mga kapangyarihan at tungkulin:
1. isagawa ang pangkahalatang pangangasiwa at kontrol sa lahat ng
programa, proyekto, serbisyo, at gawain ng pamahalaang munisipal o
lungsod:
2. Ipatupad ang lahat ng mga aprobadong batas at ordinansa, programa,
proyekto, serbisyo, at gawain ng munisipalidad o lungsod:
3. Pasimulan at sagarin ang paglikha ng yaman at kita na gagamitin sa
pagsasagawa ng mga planong pangkaunlaran, layunin ng programa, at
prayoridad:
4. Tiyaking maihahatid ang mga pangunahing serbisyo at pagbibigay ng
sapat na mga pasilidad, ayon sa nakasaad sa Seksyon 17 ng Local
Government Code.
GOBERNADOR NG LALAWIGAN
Bilang punong tagapagpaganap ng pamahalaang pamprobinsya,
isasakatuparan ng gobernador ang sumusunod na mga kapangyarihan at
tungkulin:
1. isagawa ang pangkalahatang pangangasiwaan at kontrol sa lahat ng
programa, proyekto, serbisyo, at gawain ng pamahalaang pamprobinsya;
2. Ipatupad ang lahat ng mga aprobadong batas at ordinansa, programa,
proyekto, serbisyo, at gawain ng lalawigan:
3. 3Pasimulan at sagarin ang paglikha ng mga yaman at kita na gagamitin
sa pagsasagawa ng mga planong pangkaunlaran, layunin ng
programa, at prayoridad.
4. Tiyaking maihahatid ang mga pangunahing serbisyo at pagbibigay ng sapat
na mga pasilidad, ayon sa nakasaad sa Seksyon 17 ng Local Government
Code.

8
Basahin at Unawain ang mga teksto mula sa Kahon ng Konsepto

Sinu-sino ang bumubuo sa:

Pamahalaang Pambansa Pamahalaang Lokal

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Mula sa naging sagot mo sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2, magtala ng pangalan
ng mga namumuno.

Pamahalaang Pambansa Pamahalaang Lokal

Posisyon Pangalan ng Posisyon Pangalan ng


Namumuno Namumuno

May iba’t ibang lebel ng pamamahala sa Pilipinas para sa lubos na maayos


na pagbibigay sebisyo at pamamahala. Binibigyang-halaga sa bawat lebel ang
kapakanan ng mga mamamayang nasasakupan nito.

Panuto: Balikan ang Gawain sa Unang Pagsubok at iwasto ang iyong mga naging
tanong at sagot sa tulong ng TLC/ Tagapagpadaloy ng Pag-aaral. Pagkatapos ng
pagwawasto at pagsusuri ng Gawain sa Unang Pagsubok, ano ang Reaksyon mo sa
Aralin na ito?

9
Panuto: Piliin ang titik na tumatalakay sa kaalaman ng bawat pangungusap
_____ 1 . Pinamumunuan ng pangulo ang sangay na ito at nagpapatupad
ng batas.
A. Ehekutibo B. Hudikatura C. Lehislatura D. Diktadura
_____ 2. Ito ang sangay na nagbibigay-kahulugan sa mga batas ng
bansa.
A. Lehislatura B. Hudikatura C. Diktadura D. Ehekutibo
______3. Gawain ng sangay na ito ang gumawa ng batas.
A. Lehislatura B. Diktadura C. Hudikatura D. Ehekutibo
_____ 4. Ang iyong kinabibilangan Lungsod.
A. Manila B. Makati C. Muntinlupa D. Mandaluyong
_______5. Ang isang lungsod ay nabibilang sa isang Pamahalaang lokal.
A. Tama B. Mali C. Maari D. Di-tiyak
_______6. Ang namumuno sa kinabibilangan mong lungsod, Muntinlupa.
A. Mayor Isko Moreno C. Mayor Jaime Fresnedi
B. Mayor Abigail Binay D. Mayor Menchie Abalos
________7. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay isa sa mga Gabinete ng
Pangulo na katuwang sa pagtupad ng pagbibigay ng
pangangailangan ng mamamayan ay pinamumunuan ng isang
kalihim. Sino siya?
A. Leonora M. Briones C. Lenie Robredo
B. Francisco Duque III D. Mark Villar
_______8. Ang pamahalaang lokal ayon sa itinadhana ng Batas Republika Blg.7160
ay bumubuo ng lalawigan, lungsod, bayan at barangay.
A. Tama B. Mali C. Maaari D. Walang basehan
________9 . Siya ang pinuno ng kapulungan ng mga kinatawan.
A. Pangulo B.Gobernador C. Ispiker D. Alcalde
____ 10. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa dahil nasa mamamayan ang
kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng
pamahalaan.
A. Tama B. Mali C. Maaari D. Walang basehan

Sanggunian:
Internet Sources:

Ang Hudikaturang Sangay ng Pamahalaan https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov accessed (January


18,2021)

Ang pamahalaan ngPilipinas

https://www.officialgazette.gov.ph/about/ accessed (January 18,2021)

Ang Ehekutibong Sangay

www.officialgazette.gov.ph/about/gov/ accessed(January 18,2021)

10

You might also like