You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa HEKASI VI

I. Layunin: Pagkatapos ng itinakdangoras, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Nakikilala ang tatlong (3) katangian ng ating pamahalaan;
b. Nasasabi ang sangay ng pamahalaan at ang bahaging
ginagampanan ng bawat isa; at,
c. Nakabibigay ng pangalan ng mga opisyal mula sa tatlong (3)
sangay
ng pamahalaan.
II. PaksangAralin: Ang Republika ng Pilipinas
Sanggunian: Pilipinas: Pinagpalang Bayang Sinilangan ni Michael Cabrera
Kagamitan: powerpoint presentation, pictures
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Teachers Activity
Magandang hapon klas!

Pupils Activity
Magandang hapon din po
titser!

Magkakaroon tayo ng isang


Laro bago natin sisimulan ang
Ating talakayan.
Magpapakita ako ng mga
larawan at huhulaan ninyo kung
sino sila. Naintindihan ba?
Sige. Simulan!

Opo titser!

2. Review
Ano ang tinalakay natin
noong nakaraang tagpo?
Tama! Ano nga ulit ang pamahalaan?

Tungkol sa pamahalaan
titser!
Ito ang gumagabay sa
estado.

Magaling!
Anu-ano naman ang IbatIbang uri ng Pamahalaan sa
Daigdig?
Diktaturyal,

Aristokrasya,
Monarkiya,
Totalitaryan,
Komunismo,
Demokratiko, Unitaryo,
Pederal,
Parlamentaryo, at
Presidensiyal teacher!

Magaling!
3. Pagganyak
Magkakaroon na naman
tayo ng isa pang laro.
Salarong ito, kinakailangan
Ninyong buohin ang salitang na
iskrambol. Paunahan parin ito at
ang unang grupong makasagot
ay tatanghaling panalo.
Naintindihan ba?

Opo titser!

Mgasalita sa laro:
- Republika
- Presidensiyal
- Sentralisado
B. Panlinangna Gawain
1. Paglalahad
Ngayon ay tatalakayin
natin ang tungkol sa Republika
ng Pilipinas.
2. Pamantayan
Bago ang lahat ano muna
Ang dapat gawin ng mabubuting
mag-aaral kapag ang guro ay
nasa harapan at nagsasalita?

Makinig titser!

Okey, ano pa?

Makilahok titser!

Maaasahan ko ba iyan sa inyo?

Opo titser!

3. Pagtatalakay
(Pagbibigay ng kahulugan sa bawat sangay ng pamahalaan)
1.Lehislatibo - Ang Lehislaturang sangay ay pinahihintulutang
gumawa ng mg abatas, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng
mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng
Pilipinas. Nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan
ng mga Kinatawan.
Dalawang kapulungan:
o Senado
o House of Representatives
2. EhekutiboAng Ehekutibong sangay ay binubuo ng Pangulo
at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng
nakararami at magsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng
Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang piliin ang kanyang
Gabinete. Bubuuin ng mga kagawarang ito ang isang malaking
bahagi ng burukrasya ng bansa.
Ilan sa mga tungkulin ng pangulo:
o Magpanukala ng bagong batas
o Magpanukala ng badyet ng bansa sa
taunang SONA
o Commander in Chief ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas
o Pinuno ng Gabinete
o Pangunahing diplomatiko
o simbolo ng estado
3. Hudisyal Ang kapangyarihang tagahukom ay nilikha ng
Saligang Batas upang magpaliwanag ng kahulugan at
interpretasyon ng batas. Malaya ang sangay na ito sa iba pang
sangay ng pamahalaan dahil sila ang inaasahan na nagbibigay
ng katarungan sa bansa at dumesisyon sa mga isyung legal o
kontrobersiya.
(Magbibigay ang teacher sa bawat grupo ng mga gawain ng
tatlong sangay sa pamahalaan)

Ngayon ay magkakaroon na
Naman tayo ng laro.

Magpapakita ako sainyo ng


Mga larawan ng mga opisyal
Na nagtatrabaho sa pamahalaan
At huhulaan ninyo kung saang
Sangay sila nag tatrabaho.
Naintindihan ba?

C. Pangwakasna Gawain
1. Paglalahat
Ano ang tatlong katangian
Ng ating pamahalaan?

Anu-ano ang tatlong sangay ng


ating pamahalaan?

Republika,
Presidensiyal, at
Sentralisado
titser!
Lehislatibo,

Hudisyal, at
Ehekutibotitser!
Ano ba ang tungklin ng sangay
na Leshilatibo?

Paano naman ang


Ehekutibo?

Paano naman ang


Hudisyal?

Sila ay may
kapangyarihan
na gumawa ng
mga legal at
mabisang batas
para sa estado.
Ang pangulo ng
bansa ang may
kapangyarihang
tagapagpaganap
at punong
ehekutibo ng
bansa.
Sila ang
Inaasahang
magbibigay ng
katarungan sa
bansa at
dumesisyon sa
mga isyung legal
o kontrobersiya.

Magaling!
2. Pagsasanay

Sa sangay ng tagapagpaganap o ehekutibo, ang (1)________ ang


namumuno rito kasama ang (2)__________ na pwedeng pumalit
sa kanya kung meron mang pagkakataong wala siya.
Kung meron mang mga katiwalian na nangyayari, ang sangay
na
(3) __________ ang naghuhukom at pagdedesisyunan kung ano
ang tama para sa bayan. Ang sangay na (4)__________ ang
gumagawa ng mga batas para matugunan ang mga
kinakailangan ng mamamayan.
Ang tatlong sangay na ito ay nagtutulungan at tapat na
ginagampanan ang kanilang mga gawain. Sa kabuoan, ang
tatlong sangay ay parte ng ating (5)___________ na siyang
gumagabay sa ating bansa/estado.
IV. Pagkikilatis

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Bakit kailangan nating mga Pilipino ang isang pamahalaan?
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
2. Paano nag tutulungan ang mga magkakahiwalay na sangay ng
pamahalaan sa Pilipinas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Anong katangian ba ang kinakailangang taglayin ng isang


opisyal?
Bakit mo nasabing ito ay kailangan sa isang opisyal?
_____________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________________

V. TakdangAralin
Sa pagkakahati ng ating pamahalaan o separasyon ng
kapangyarihan sa tatlong sangay nito, mainam pa ba ang ganitong
ayos ng pamahalaan sa bansa upang lubos na mapaglingkuran ang
mga mamamayan?

You might also like