You are on page 1of 7

ARALIN 5

Matalino at Di-Matalinong Paraan


ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Takdang Panahon: 3 araw

Layunin
1. Naipapaliwanag ang matalino at di-matalinong mga paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa
2. Napakikita ang wastong saloobin sa wastong paraan ng pangangasiwa ng
mga likas na yaman ng bansa

Paksang-Aralin
Paksa : Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na
Yaman
Kagamitan : speech balloons,diyorama, tape recorder,awiting Ilog Pasig
Sanggunian : Learner’s Material, pp. 136–139 CG AP4LKE – IIb-d-3
Integrasyon : Sining, Pagpapahalaga sa pangangalaga sa mga likas na yaman

Pamamaraan
A. Panimula
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran ng bansa.
2. Iparinig at ipaawit ang isang awitin na nauukol sa matalino at di-
matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa. (Iparinig at ipaawit ang awiting Ilog Pasig.)
3. Itanong ang nilalaman at mensahe ng awitin. Iugnay ito sa aralin.
B. Panimula
1. Sagutin ang mga tanong sa Alamin Mo sa LM, p. 136.
2. Isulat sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata.
3. Iwasto at ulitin sa mga bata ang kahalagahan ng matalino at di-
matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa.
4. Ipagawa ang Gawain A. Tingnan sa LM, p. 138.
5. Iwasto ang mga kasagutan dito.
6. Pangkatin sa apat (4) na grupo ang mga bata.
7. Ipagawa ang Gawain B sa LM, p. 138. Bigyan ng sapat na oras ang
bawat pangkat sa paggawa.
8. Gumamit ng rubric para sa pangkatang gawain.
9. Ipagawa ang Gawain C sa LM, p. 139. Gabayan ang bawat grupo sa
pagsasagawa ng gawain. Bigyan sila ng sapat na panahon para sa gawain.
10. Gumamit ng rubric sa pagbuo at pagtasa ng dayoramang ginawa ng mga
bata.
11. Bigyang-pansin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 139.

Pagtataya
Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Ko sa LM, p. 139.
Takdang Aralin
Gumawa ng isang bagay na maaaring i-recycle mula sa mga lumang
kagamitan sa tahanan. Gawing malikhain ang gagawing proyekto.

ARALING PANLIPUNAN IV
ARALIN 6
Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa
ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa
Takdang Panahon: 2 araw

Layunin
1. Naiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa
pag-unlad ng bansa
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng mga
likas na yaman

Paksang Aralin
Paksa : Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa
Pag-unlad ng Bansa
Kagamitan : larawan na nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas
na yaman, tsart, at graphic organizer
Sanggunian : Learner’s Material, pp. 140–144 CG AP4LKE – IIb-d-3

Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpakita ng larawan na nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng
likas na yaman ng bansa.
2. Itanong:
a. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
b. Ano ang kaugnayan ng pangangasiwa sa likas na yaman sa pag-unlad
ng bansa?
3. Itala o isulat sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang maging
batayan sa paglulunsad ng bagong aralin.
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa
LM, p. 140.
Itanong: Paano nakatutulong ang matalinong pangangasiwa ng likas
na yaman sa pag-unlad ng bansa?
2. Magpalitan ng opinyon o ideya tungkol sa paksa.
3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa
paglinang ng aralin.
4. Ituon ang pansin sa mga larawan na nasa LM, p. 141.
5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungang
nakahanda sa LM, p. 141.
6. Ipabasa nang tahimik ang talata o babasahin at pasagutan at talakayin
ang mga katanungan sa huli.
7. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Mo sa LM, p. 142.

Gawain A (Pangkatang Gawain)


vHatiin sa apat na pangkat ang klase.
vIpaliwanag sa mga bata ang gagawin ng bawat pangkat.
vIpakita sa klase ang nagawa nilang output.
Gawain B
vSa parehong mga pangkat, ipaliwanag sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng
islogan.
vIpagawa ang islogan sa isang sangkapat (1/4) na illustration board.
vPaalalahanan na maaari nilang lagyan ng disenyo ang islogan
subalit mas bibigyang diin ay ang islogang ginawa.
Gawain C(Indibiduwal na Gawain)
vPasagutan ang gawain sa isang sagutang papel.
vSumangguni sa LM, p. 143 para sa gagawin.
8. Pag-usapan at bigyang-diin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Mo
sa LM p. 144.

Pagtataya
Pasagutan sa sagutang papel ang nasa Natutuhan Ko sa LM, p. 144.

ARALING PANLIPUNAN IV
ARALIN 7
Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga
ng Pinagkukunang-Yaman ng Bansa
Takdang Panahon: 3 araw

Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan ng pananagutan
2. Naisa-isa ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at
pangangalaga ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa
3. Nahihinuha na ang bawat kasapi ay may mahalagang bahaging
ginagam-panan para sa higit na ikauunlad ng bansa

Paksang Aralin
Paksa : Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng
Pinagku-kunang-Yaman ng Bansa
Kagamitan : kartolina, panulat, at pangkulay
Sanggunian : Yunit 2, Aralin 7, LM pp. 145–152 K to 12 – AP4LKE-IIb-d-3
Aklat
Cruz, Maritz B., Julia T. Gorobat, Norma C. Avelino (2007).
Yaman ng Pilipinas. Makati City: EdCrisch International,
Inc.pahina 54, 62-74.Divina, Richelda O. et. al. (2009). Pamana
ng Lahing Malaya. Pilipinas: Hope Publishing House. pahina 172,
177 -181.Macapagal, Ray Ann G, et. al. (2013). Araling
Panlipunan HEKASI, Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino sa Dulo ng
Panahon 4. Tarlac City: Wizard Publishing House, Inc. pahina
312-313
Internet
Mga Batas Ukol sa Pangangalaga ng Kalikasan (2010, July 10)
Retrieved July 16, 2014 from
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mga_Batas_Ukol_sa_
Pangangalaga_ng_Kalikasan Mga proyekto ng pamahalaan na
nangangalaga ng mga likas na yaman (n.d.). Retrieved July 16,
2012 from
http://www.maybenow.com/mga-proyekto-ng-pamahalaan-na-
nangangalaga-ng-mga-likas-na-yaman-q23978128 Modyul 4:
Mga Layunin at Tungkulin ng Isang Nagdadalaga at
Nagbibinata (2012, July 24). Retrieved July 16, 2014 from
http://www.zeke7766.blogspot.com/2012/07/modyul-4-mga-
layunin-at-tungkulin-ng.html Porta, Julie Anne (2013, October
8). Aralin Panlipunan I: Mga Pinagkukunang-yaman ng Pilipinas.
Retrieved July 16, 2014
frohttp://www.slideshare.net/jarl143/araling-panlipunana-
i-mga-pinagkukunang-yaman-ng-pilipinas
Santiago, Mary Ann (2013, September 2). Likha ng Panginoon,
Dapat Pahalagahan. Online Balita. http://www.balita.net.
ph/2013/09/02/likha-ng-panginoon-dapat-pahalagahan/

Pamamaraan
A. Panimula
1. Maglaro ng isang sikat na laro sa telebisyon, ang “Pinoy Henyo.”
2. Ang guro ay tatawag ng dalawang mag-aaral na uupo sa harapan.
3. Lalagyan ng guro ng papel na may nakasulat na salita, ang noo ng isa
sa dalawang bata.
4. Ang batang may papel sa noo ang nakatalagang manghuhula ng salita
na nakalagay sa kaniyang noo.
5. Ang isa pang bata ang tutulong sa isa pa na mahulaan ang salita gamit
ang pagsagot sa mga tanong nito.
6. Tanging ang mga salitang oo, hindi,at puwede lamang ang maaaring
isagot sa mga tanong ng batang manghuhula.
7. Bibigyan ng guro ng dalawang minuto ang mga batang naglalaro para
mahulaan ang salita. Subalit kapag nahulaan na ang tumpak na salita
kahit wala pang dalawang minuto, idedeklara na ng guro na sila ay
panalo at isusulat sa pisara ang eksaktong minuto at segundo ng
kanilang pangkakahula.
8. Mga salitang gagamitin ng guro para sa palaro: pamahalaan, paaralan,
simbahan, pribadong samahan, pamilya, at mamamayan.
9. Itanong sa klase:
vAno ang pamahalaan? paaralan? simbahan? pribadong samahan?
pamilya? mamamayan?
10. Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata sa mga katanungan ng guro.
11. Sabihin sa mga bata: Sa araw na ito ay ating pag-aaralan ang paksang
ito: Ang Pananagutan ng Bawat Kasapi sa Pangangasiwa at
Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa.
12. Himukin ang buong klase na bumuo ng suliranin mula sa paksa.
Suliraning mabubuo: Ano-ano ang pananagutan ng bawat kasapi sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng bansa?

B. Paglinang
1. Ipabasa ang bahaging Alamin Mo sa LM, p. 145.
2. Tumawag ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong. Tanungin
ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang binasa.
3. Pagtuunang-pansin ang mga sagot ng mga bata upang magamit sa
pagtalakay ng aralin.
4. Gawin ang bahaging Gawin Mo
.Gawain A
vAng Gawain A LM, p. 149 ay isang gawaing paupo.
vGamit ang bubble map,ibigay ang mga kasingkahulugan ng salitang
pananagutan.
vGamit ang caterpillar map,sasagutin ng mga bata ang mga tanong
sa LM, p. 150.
Gawain B
vPangklaseng Gawain, LM, p. 150.
vAng lahat ng bata ay patatayuin sa gitna o harap ng silid-aralan.
vLaruin ang Lost at Sea scenario.
vMagtalaga ng batang gaganap na pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong
samahan, pamilya, at mamamayan.
vIkuwento ang Lost in the Sea sa mga bata.
vHayaan ang mga batang pumili ng bangkang sasamahan.
vKapag nakapili na sila ng bangka, tanungin ang mga bata na
sumama sa iba’t ibang bangka.
Gawain C
vHatiin ang klase sa anim na pangkat.
vIpagawa ang Gawain C LM p. 151.
vIpabuo ang imahe ng isang pyramid sa mga bata gamit ang
iba’t ibang kasapi na may pananagutan sa pangangasiwa at
pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng bansa.
vTiyakin na ang bawat pangkat ay may kulang na isang tatsulok.
vItanong: Bakit hindi mabuo ang pyramid?
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p. 151.

Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p. 152.
ARALING PANLIPUNAN IV
ARALIN 8
Mga Mungkahing Paraan ng Wastong
Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa
Takdang Panahon: 2 araw

Layunin
1. Nakapagbibigay ng mga mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa
ng mga likas yaman ng bansa
2. Natutukoy ang mga posibleng bunga ng wasto at hindi wastong
pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa
3. Naipakikita ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa mga wastong panga-
ngasiwa ng mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagsulat ng pangako
sa sarili

Paksang Aralin
Paksa : Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na
Yaman ng Bansa
Kagamitan : awit at manila paper
Sanggunian : Yunit 2, Aralin 8, LM, pp. 153–158 K to 12 – AP4LKE-IIb-d-3
Aklat : Hiyas ng Lahi 2 (2013). Sampaloc, Manila: St. Augustine
Publication, Inc.nternet : Mga Likas na Yaman sa Pilipinas (n.d.)
Retrieved July 16, 2014 from http:
//homeworks-edsci.blogspot.com/2011/10/
likas-na-yaman-sa pilipinas-mga-uri.html

Pamamaraan
A. Panimula
1. Ipaawit ang awitin: “Ang mga Likas Yaman ay Gawa ng Diyos.”
Awit:Ang mga bundok na matataas Ay yamang lupa‘Wag nating patagin
Ulitin‘Wag ka nang malungkot O, Wow Philippines.
Palitan ang mga salitang bundok na matataas, yamang lupa at patagin
ng mga sumusunod:
vilog na umaagos/yamang tubig/dumihan
vpuno na mayayabong/yamang gubat/putulin
vharibon na lumilipad/yamang hayop-gubat/panain
vmagsasaka na masisipag/yamang tao/maliitin
vlikas na yaman/gawa ng Diyos/sirain
2. Itanong:
a. Anong mga likas na yaman ang nabanggit sa awit?
b. Ano-anong uri ito ng mga likas na yaman?
c. Ano-ano ang hindi natin dapat gawin sa mga likas na yaman na
nabanggit sa awit?
d. Ano-ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang
mga sinasabi sa awit?
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata gamit ang talahanayan.
Mga Likas Yaman
Halimbawa:
bundok
Uri ng Likas na Yaman
yamang lupa
Hindi Dapat Gawin
huwag patagin
Maaaring Mangyari
magkakaroon ng matinding pagbaha dahil wala nan
bundok na sasangga sa mga bagyo
4. Sabihin sa mga bata na pag-aaralan nila ngayon ang tungkol sa mga
paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.
5. Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng suliranin mula sa paksa.
Suliraning mabubuo: Ano-ano ang mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa?

B. Paglinang
1. Ipabasa ang bahaging Alamin Mo LM sa p. 153.
2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa ibaba
ng pahina. Tanggapin lahat ng sagot ng mga bata.
3. Bigyang-pansin ang mga sagot ng mga bata sa mga tanong upang
magamit sa pagtalakay sa aralin.
4. Ipagawa ang mga gawain.

You might also like