You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN- IKAAPAT NA BAITANG

IKALAWANG MARKAHAN

Aralin 5: MATALINO AT DI-MATALINONG PARAAN NG PANGANGASIWA NG MGA LIKAS NA YAMAN

I. Layunin:
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
- Naipapaliwanag ang matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ng
mga likas na yaman ng bansa.
- Natutukoy ang matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ng mga likas
na yaman ng bansa.
Content
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
- Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at
mga opotunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas-kayang pag-unlad.
Pamanatayan sa Pagganap (Performance Standard)
- Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at gawaing
pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-
unlad ng bansa.

II. Paksang- Aralin:


Paksa: Matalino at di-matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Kagamitan: speech balloons, tape recorder, awiting Ilog Pasig
Sanggunian: Learner’s Material, pp. 136-139, Teacher’s Guide 62-63
CG AP4LKE-IIb-d-3
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa likas na yaman
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbalik-aralan ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran ng bansa.
2. Iparinig at ipaawit ang isang awitin na nauukol sa matalino at di-matalinong
pamamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.
(Iparinig at ipaawit ang ipaawit ang awiting Ilog Pasig)
3. Itanong ang nilalaman at mensahe ng awitin. Iugnay ito sa aralin.
B. Panlinang na Gawain:
1.Pagsagawa ng Gawain
- Magpangkat-pangkat.
- Pumili ng paksa na nakasulat sa speech balloons.
- Kopyahin ito sa malinis na papel. Isulat sa tapat ng bawat speech balloon
ang mga paraan ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang mapanatii
ang mga ito.

Lupang Sakahan/ Yamang Yamang Yamang


Yamang Lupa Gubat Tubig Mineral

2. Paglalahad (slide deck)


Sagutin ang mga tanong:
 Ano ang naiduulot ng matalino at di-matalinong pangangasiwa
ng mga likas na yaman?
 Paano natin mapapangasiwaan ang ating mga likas na yaman?
Gumamit ng Fishbone graphic organizer sa paglalahad ng aralin.
Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng Likas na Yaman

Di- matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng LIkas na Yaman


Bigyang diin:
 Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman ng ating bansa ay
nangangailangan ng matalinong pamamaraan.
 Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay
makatulong upang higit na mapanatili at mapakinabangan ang
mga ito ng mga sumusunod pang henerasyon.
 Tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan ang mga likas na
yaman ng bansa. Ang wastong paraan ng paggamit sa mga ito
ay kapakinabangan din ng mga mamamayan. Ngunit, ang
maling paggamit sa mga ito ay maaaring humantong sa
kanilang pagkasira, pagkawasak, o tuluyang pagkawala.

3. Paglalapat
Hatiin ang klase sa bawat pangkat.
Gumawa ng isang patalastas tungkol sa matalinong paraan ng paggamit ng
likas na yaman.
Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na katanungan:
a.Ano ang epekto sa mga tao ng matalinong paggamit ng mga likas na
yaman.
b. Ano ang ilan sa mga wastong paraan upang mapangasiwaan nang
maayos ang mga likas na yaman ng bansa?

4. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng kaisipan ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na
yaman, at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa malinis na papel.
1. Hagdan-hagdang pagtatanim
2. Pagsusunog ng mga basura
3. Pagmumuling-gubat
4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na
hayop at mga ligaw na halaman.
5. Bio-intensive gardening

5. Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang bagay na maaaring I- recycle mula sa mga lumang
kagamitan sa tahanan. Gawing malikhain ang gagawing proyekto.
IV. Tala
Bilang ng mag aaral na nakakuha ng 80% na pagtataya:___
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation____
V. Pagninilay
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

Inihanda ni:
Gng. Darwisa K. Navarra
T-I, ZCSSC

You might also like