You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan

Ikalawang Baitang
Markahan 3-Linggo: 3.2
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng
Pangnilalaman mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay
at pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng
sarilingkomunidad

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng


mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo
sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling
komunidad
C. Mga Kasanayan sa Nakapagbibigay ng mungkahing paraan ng pag-aalaga sa
Pagkatuto kapaligiran at likas na yaman ng kinabibilangang komunidad
AP2PSK-IIIb-2

1. Natutukoy ang mga paraan ng pag-aalaga ng mga yamang


lupa

II. NILALAMAN Paksa: Mga Paraan sa Pag-aalaga ng Yamang Lupa

III. MGA A. Mga Sangunian CG. p.49 1. Mga Pahina sa gabay ng guro
KAGAMITANG p.45-46
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral/ o Panimula sa Panalangin
nakaraang aralin at / o
Pagsisimula sa bagong Ano-ano ang mga yamang lupa na makikita ninyo sa inyong
aralin lugar?
B. Paghahabi sa layunin ng Pagganyak:
aralin Pag-awit ng “Anyong Lupa” sa himig ng Leron- Leron Sinta.

1st Row-Ipalakpak ang mga kamay


2nd Row-Ikinding ang bewang
3rd Row- Ipadyak ang mga paa

Anyong Lupa

Mga anyong lupa


Dito, sa’ting bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kay gandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad


halimbawa sa bagong aralin Tungkol saan ang kanta?
Ano-ano ang mga uri ng anyong lupa na nabanggit sa awitin?
Ano-ano ang mga likas na yaman na makukuha natin sa lupa?
(Ipagawa ang graphic organizer.)
D. Pagtalakay ng bagong (Magpakita sa mga mag-aaral ng mga larawan na nagpapakita
konsepto at paglalahad ng ng mga paraan ng pag-aalaga sa mga yamang lupa.)
bagong kasanayan #1
Isa-isahing talakayin sa mga bata ang mga ipinapakitang
paraan ng pag-aalaga sa mga yamang lupa.

Ano-ano ang mga ipinapakita sa bawat larawan?

E. Pagtalakay ng bagong Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ibahagi ang


Konsepto at paglalahad ng kanilang mga ideya kung paano aalagaan ang ating mga
bagong kasanayan #2 yamang lupa.

F. Paglinang sakabihasaan Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang
tungo sa Formative pangalan ng yamang lupa na inilalarawan.
Assessment Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. Ito ay kulay dilaw at matamis ang lasa nito.
(agisng)
__________2. Ito ay tinatawag na puno ng buhay.(oiyng)
__________3. Ito ay kulay kahel at pampalinaw ng mata.
(akalbaas)
_________4. Ito ang pangunahing pagkain ng mga tao. (biasg)
_________5. Ito ang ating pambansang prutas. (ggamna)

G. Paglalapat ng aralin sa Pangkatang Gawain:


pang araw-araw na buhay Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral. Mabilisang ilahad
ang pamantayan sa pangkatang gawain.

(Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang ginawa. Pipili lamang ng


lider.)

Unang pangkat – Maglista ng 5 likas yaman na makukuha o


nanggagaling sa lupa.

Ikalawang Pangkat - Gumuhit ng 3 paraan kung papaano


mapapangalagaan ang mga yamang lupa.

Ikatlong Pangkat - Magpakita ng pagsasadula ng mga paraan


ng pag-aalaga sa likas na yaman.
H. Paglalahat ng aralin Sabihin sa mga bata:

Ang mga yamang lupa ay ang mga yamang makikita sa mga


kapuluan na tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya at
nagbibigay kontribusyon sa mga tao sa kabuhayan.

Mahalaga ba ang mga yamang lupa?

Ano-ano ang mga paraan ng pag-aalaga sa ating mga yamang


lupa.

Paano ninyo mapangangalagaan ang ating mga yamang lupa?

I. Pagtataya ng Aralin Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay tumutukoy sa


pangangalaga sa yamang lupa at ekis ( x ) kung hindi.

_____ 1. Magtanim ng mga puno at halaman sa ating bakuran.


_____ 2. Magsagawa ng crop rotation o pagsalitsalitan ang
halamang itatanim.
_____ 3. Gamitin ang dumi ng hayop at mga nabubulok na
halaman.
_____ 4. Pagsusunog ng mga tuyong dahon.
_____ 5. Pagpuputol ng mga kahoy.

J. Karagdagang Gawain Iguhit ang mga paraan ng pag-aalaga sa mga yamang lupa.
para sa Takdang Aralin at
Remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

You might also like