You are on page 1of 10

Paaralan SRPNHS Baitang/Antas GRADE 10

Guro KAREN P. GALARCE Asignatura EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


Petsa/Oras Markahan IKATLONG MARKAHAN

1. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa pangangalaga sa kalikasan.
B. Pamantayan sa Pagganap  Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na
kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa
kalikasan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto  KP12.3. Napangangatwiran na:
a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang
mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang
kalikasan. EsP10PB-III 12.3
2. PAKSANG ARALIN
Paksa: A. Pangangalaga sa Kalikasan
B. Sanggunian: C. Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Pahina 209-233
D. Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint presentation, Manila paper
E. Konsepto ng Aralin: Magabayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa sa
sumusunod na paksa:
 Napangangatwiranan na lahat tayo ay
mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.
F. Mga Kasanayan sa ika-21 na siglo Mapanuring pag-iisip
G. Integrasyon sa Asignatura Filipino, MAPEH, Araling Panlipunan
3. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

Magsitayo ang lahat. Maaari bang isa sa inyo Panginoon po naming Diyos salamat po ng
ang manguna para sa ating panalangin. napakarami dahil ligtas mo po kaming tinipon sa
dakong ito upang makapag-aral po kami ngayon.
Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi
Maraming salamat sa iyo. mabuti sa aming mga puso. Patawarin mo po kami sa
aming mga kasalanan. Ihanda mo ang aming mga
isipan sa pagtanggap ng mga karunungan upang lalo
naming maunawaan ang ituturo sa amin ngayon.
2. Pagtatala Liban
Amen.
Pagsasaayos ng silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang pakiayos ng
mga upuan at pulutin ang mga kalat.
Meron po ma'am.
Mayroon bang liban ngayong araw?
(Tatawagin ang tagatala ng liban sa klase upang
ipalista ang mga lumiban)

3. Pagwawasto ng Takdang Aralin


Meron po ma'am. Pinapabasa niyo lang po saamin
May ibinigay ba akong takdang aralin?
ang pagpapalalim tungkol sa pangangalaga sa
kalikasan.

Binasa niyo po ba? Opo ma'am.

Okay very good!

4. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating talakayan ngayong Ang napag aralan natin noong nakarang linggo ay
araw. Ano ang napag-aralan natin noong tungkol po Pangangalaga sa kalikasan.
nakaraang linggo? Raymart!

Okay salamat.

B. Pagganyak

Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung


ito ay nagpapakita ng paglabag o pangangalaga
sa kalikasan.

 Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli Pangangalaga


ng mga bagong binhi.
 Pakikilahok sa mga organisasyong
nagsusulong ng pagpapanatili ng Pangangalaga
kalinisan sa ating kapaligiran.
 Pagtatapon ng basura sa mga anyong
tubig. Paglabag
 Malawakang paggamit ng mga kemikal
upang makakuha ng maraming ani.

Paglabag
C. Paglalahad ng Aralin

Ang layunin natin sa araw na ito ay:

Napangangatwiran na lahat tayo ay


mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay
tayo sa iisang kalikasan.

D. Pagtalakay
 GAWAIN

Pangkatang Gawain: (Limang Grupo)

Hahatiin ang klase sa limang grupo at bubuo ng Unang Pangkat: Sa pamamagitan ng pagsasadula,
pag-uulat batay sa paksang ibibigay sa bubuo ng maikling diyalogo at ipapakita kung paano
pamamagitan ng masining na presentasyon. nangyayari ang mga sumusunod na isyu;
(Pagsasadula o role playing, tula, awit,
pagsusuri, at concept mapping). Pagkatapos ay  Maling Pagtatapon ng basura
ilalahad ito sa harap ng klase.  Iligal na pagputol ng mga puno

Ikalawang Pangkat: Susulat ng maikling tula na


naglalaman ng epekto ng mga sumusunod na isyu;

 Polusyon sa hangin, tubig, at lupa


 Pagkaubos ng mga natatanging species ng
hayop at halaman sa kagubatan

Ikatlong Pangkat: Susulat ng maikling awitin o


maaaring maghanap sa internet ng awitin na may
kinalaman sa sumusunod na isyu;

 Malabis at mapanirang pangingisda


 Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan,
iligal na pagmimina, at quarrying.

Ikaapat na Pangkat: Susuriin ang ibinigay na isyu at


magbibigay ng halimbawang sitwasyon kung paano
ito nagaganap. Maglalahad din ng paraan kung paano
ito maiiwasan.

 Global warming at climate change


 Komersyalismo at urbanisasyon
Ikalimang Pangkat: Sa pamamagitan ng Concept
Map, magbibigay ng kaisipan tungkol sa pahayag na;

 Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo,


dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.

Maraming salamat, palakpakan natin ang lahat


ng pangkat! Lahat ay mahusay na nakapaglahad
ng kanilang gawain.

 PAGSUSURI

Ano ang iyong nabuong kaisipan sa ating Madami tayong nagagawa na nakakasira sa ating
pangkatang gawain? kalikasan at hindi naiisip ang maaaring maging
epekto nito sa susunod na henerasyon. Bilang
mamamayan ng ating mundo, kailangang may
pakialam tayo sa ating kapaligiran dahil kung tayo ay
nakikinabang sa ating kalikasan dapat lamang na
pangalagaan natin ito.

Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating


kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay
Bakit nasabing lahat ng tao ay mamamayan ng
mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo
iisang mundo dahil nabubuhay tayo sa iisang
sa iisang kalikasan. Ang tungkulin nating ito ay hindi
kalikasan?
lamang para sa mga taong namumuhay sa
kasalukuyan sa panahong ito kundi higit sa mga
taong maninirahan dito sa susunod na panahon at
henerasyon.

Bakit mayroon tayong pananagutan at tungkulin Bilang natatangi sa lahat na nilikha ng Diyos,
na pangalagaan ang ating kalikasan? pinagkalooban niya ang tao ng kapangyarihang gawin
ang nararapat sa kalikasan.
Mahusay!

Bakit sa kabila ng mga pahayag na ito bakit ang


mundo natin ay nalalagay pa rin sa alanganin at
Nagkakaroon ito nang maraming sakit na resulta
nang mga maling pagtaato ng ating kalikasan?

 ABSTRAKSYON

Ano ano ba ang mga maling pagtrato sa Mag-aaral 1: Maling Pagtapon ng basura.
kalikasan ang ginagawa ng tao na tuwirang Maraming mga bagay na hindi na ginagamit dahil sa
taliwas sa pangangalaga sa kalikasan? komersyalismo at konsiyumersimo ang itinatapon na
Magbanggit ng isa sa maling pagtrato sa lamang sa kung saan kung kaya't kapag dumating ang
kalikasan at bigyan ito ng maikling paliwanag malakas na ulan, hindi naiiwasan ang mga pagbaha.
ayon sa iyong pagkaunawa.
Mag-aaral 2: Iligal na pagputol ng mga puno.
Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong
mga walang permiso o iligal ay may malaking epekto
sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang kadalasang pag-
ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay bunga ng
walang habas na pagputol ng mga puno at hindi
Okay magaling! Sunod? pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol ng
puno. Wala na kasi ang mga malalaking ugat na
sumisipsip ng tubig.

Mag-aaral 3: Polusyon sa hangin, tubig, at lupa


Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom
at kailangan sa kalinisan at ang lupang sumusuporta
sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin
sa maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang
polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng
Magaling! Ano pa? hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang
mabuhay.

Mag-aaral 4: Pagkaubos ng mga natatanging species


ng hayop at halaman sa kagubatan.
Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-
unting nawawala at namamatay dahil sa malawakang
pag-abuso ng tao rito. Maraming uri ng hayop at
halaman ang nagiging threatened, endangered, at
ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction.
Okay mahusay! Ano pa? Dahil dito, ang balanse ng kalikasan ay unti-unti na
ring nawawala.
Write to

Mag-aaral 5: Malabis at mapanirang pangingisda


Ang mga yamang dagat ay unti-unti nang nauubos
dahil sa hindi matigil na dynamite fishing na
pumpinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging
sa kanilang natural habitat o tirahan.

Opo tama, ano pa? Mag-aaral 6: Ang pagko-convert ng mga lupang


sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying.
Nagkakaroon ng pagguho nng lupa dahil sa maling
sistema na patagong ginagawa ng mga kompanya
tulad ng pagpapasabog ng mga bundok upang
makakuha ng marmol, paghuhukay ng dalampasigan
upang makakuha ng black sand, at pagtatapon ng
mga debris sa mga yamang tubig ng bansa.
Magaling! Sunod?
Mag-aaral 7: Global warming at climate change.
Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na
nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang
matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng
klima ay ang tinatawag na climate change. Ang
patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng
pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na
ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag
na global warming.
Mahusay! Meron pa po ba?

Mag-aaral 8: Meron pa po. Komersiyalismo at


urbanisasyon.
Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag- uugali ng
tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na
ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman
ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na
maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad
ng mga mall at condominium units.

Okay magaling!
Opo ma'am.
Naintindihan po ba?
Sino ang may tanong? (May magtananong na mag-aaral)…..

Ngayong nalaman na natin ang mga maling Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay
pagtrato sa kalikasan, paano naman kaya pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na
maipapakita ang tunay na pangangalaga sa siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang
kalikasan? Jherade? kalikasan.
Magaling! Ano pa ang maidagdag mo Nathea?
Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang
gawin at sundin hindi lamang sa ating pansariling
dahilan kundi para sa susunod na henerasyon.

Salamat naway naunawaan Ninyo ang ating


aralin sa ngayon?

 APLIKASYON

Bilang mag-aaral alin mga nabanggit na maling Maling pagtapon ng basura. Hindi po ako ang
pagtrato sa kalikasan, ang madalas mong gumagawa nito ngunit ito'y napapansin ko na
nagagawa o napapansin na nagagawa ng iba? nagagawa ng iba. Napapansin ko po na kadalasan ay
itinatapon lamang nila ang kanilang basura sa kung
saan-saan tulad na lamang po ng mga plastik ng
kendi at kung ano pa na kanilang nabibili. Maging sa
loob ng silid-aralan makikita din po ang ganitong
sistema minsan.

Ano naman ang magagawa mo upang Iwasan ang mga maling pagtrato sa kalikasan at
pangalagaan ang ating kalikasan at maiwasan isaalang-alang ang kapakanan nito. Bawat kilos o
ang mga maling pagtrato dito? aksiyon na gagawin ay kailangang naaayon sa tama at
nagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat.
Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay
isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang
ito ay ay nangangahulugang nararapat nating
isaalang-alang ang anumang epektong ginagawa
natin sa kalikasan.
Okay magaling!

 PAGLALAHAT

Ano ang iyong natutuhan sa ating aralin? Mag-aaral 1: Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan
ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat
na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos
ang Kalikasan.

Mag-aaral 2: Ang tungkulin natin na pangalagaan ang


ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat
tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.

4. EBALWASYON

A. Gamit ang graphic organizer, ibigay ang


kaugnayan ng tao sa kalikasan.

B. Pumili ng isang maling pagtrato sa kalikasan


at magbigay ng ilang paraan upang maiwasan
ito.

4. TAKDANG ARALIN

Hanapin at isulat sa kuwaderno ang sampung


utos para sa kalikasan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagsusulit
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedyal?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos. Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nabuo na nais kong ibahagi
sa kapwa ko guro.

Inihanda ni: Pinagtuonang-pansin ni: Aprobado ni:

KAREN P. GALARCE MRS. LORNA R. OBIAS MR. JAIME P. PECASO

Practice Teacher Cooperating Teacher Principal I

You might also like