You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Mapaliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad.
2. Malaman ang kahalagahan ng likas na yaman at malinis na komunidad.
3. Mapahalagahan and likas na yaman at mapanatili na malinis ang sariling komunidad.

II. NILALAMAN

1. Aralin: Ingatan ang mga katawang dagat


2. Sanggunian: Grade 3 - Learner Material, “Ingatan ang Mga Anyong Tubig”, pp. 5
3. Kagamitan: Powerpoint presentation, larawan, activity cards
4. Values Integrated: Malasakit
5. Strategy used: Group activity

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat at tayo ay
manalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata. Magandang umaga rin po.
3. Awit
Roll Over the Ocean, Roll Over
the Sea Ang mga bata ay aawit
4. Pagtatala ng Liban
Mga bata, may lumiban ba sa
klase ninyo ngayon? Wala po sir.
5. Pagsagot ng
Takdang Aralin
Ating agutan ang inyung
takdang aralin kahapon, sino ang Isulat sa patlang ang Tama kung ito ay tama at
maaring bumasa ng panuto? mali kung ito ay mali.
B. agtatalakay:

Ano ang naging pagbabago ng kapaligiran ng


ating komunidad noon at ngayon?
Nagkaroon po ng pagbabago sa mga likas na
yaman po!
Tama! Ang anyong lupa at anyong tubig ay
nagbago ngayon. Ano ang isa sa mga nagbago sa
anyong lupa ngayon?
Sinasabi po dito na ang kapatagan noon ay
pinagtayuan po ng tahanan at gusali ngayon.

Tama, magaling! Ano naman ang isa sa mga


nagbago sa anyong tubig ngayon?
Ang mga tabing-dagat daw po noon ay
pinagtayuan po ng restoran at gusali ngayon.

Magaling! Tama ang lahat ng sagot ninyo!


C. Paglalahat:

Batay sa ating pinag-aralan, paano mo


maihahambing ang kapaligiran ng ating
komunidad noon at ngayon?
Para po sa akin, ang komunidad natin noon ay
mas malinis at maginhawang tignan dahil kaunti
pa lang po ang mga gusaling nakatayo at wala pa
po gaanong polusyon. Ngayon po ay madami na
ang nakatayong gusali at ibang likas na yaman
ay sinira para pagtayuan ng mga gusali.

Tama!
D. Paglalapat:

Magkakaroon kayo ng pangkat sapagkat may


debate tayong gagawin.

Ang aking katanungan: Ano sa palagay ninyo ang


mas mabuti, ang komunidad noon o ngayon?
Anu-ano ang mabuti at masamang idinulot nito
sa atin?
Ipapaliwanag ng mga bata ang kanilang sagot at
opinyon.
E. Pagpapahalaga:

Bilang isang mag-aaral, paano mo


pahahalagahan ang ating komunidad,
kapaligiran at mga likas na yaman?
Ipapahayayag ng mga bata ang kanilang
saloobin.

IV. Pagtataya

Lagyan ng bilog (O) kung ito ay tungkol sa kapaligiran noon, at tatsulok (∆) naman kung ito ay sa
kapaligiran ngayon.

_____ 1. Malinis at malawak ang kapatagan.

_____ 2. Sa tabing-dagat ay mayroong restoran.

_____ 3. Tinambakan ang look para pagtayuan ng mall.

_____ 4. Napakaganda ng mga bundok at hindi pa ginawang minahan.

_____ 5. Pinagtayuan ng mga tahanan ang kapatagan.

V. Takdang Aralin

Anu-ano ang kaibahan ng sarili ninyong komunidad sa ibang komunidad? Dapat bang pahalagahan ang
mga likas na yaman? Bakit?

You might also like