You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY SA HEOGRAPIYA AT KULTURA

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang maga mag- aaral ay inaasahang:


 Nakapagtalakay ng 3 uri ng interaksyon na nagaganap sa pagitan ng tao at
kapaligiran;
 Nailarawa ang interaksyon ng tao at kapaligiran sa kani-kanilang lugar;
 Naipaliwanag ang kahalagahan ng kapaligiran sa buhay ng tao.

II. Paksang Aralin

Paksa: Human- Environment Interaction


Kagamitan: Laptop, Projector
References:

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

o Panalangin
Magsitayo ang lahat para manalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral Panginoon maraming salamat po sa araw na ito na
upang pangunahan ang panalangin) ipinagkaloob niyo sa amin, nawa`y gabayan niyo po
kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na
ito. Gabayan niyo rin po ang aming guro na siyang
magtuturo sa amin. Amen.

o Pagbati
Magandang araw mga bata! Magadang araw po Bb. Zoe

o Pagsasaayos ng silid- aralan


Pagtetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo pakipulot ng mga kalat na (Magpupulot ng mga kalat ang mga mag-aaral at
nasa ilalim ng inyong mga lamesa at pakiayos ng aayusin ang mga upuan)
inyong mga upuan.

Maari na kayong maupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw? Wala po Bb. Zoe

B. Motibasyon

Ngayong araw ay may bago na naman tayong ( mga inaasahang sagot)


pag- aaralan.
Handa na bang making ang lahat? Opo ma`am.

Kapag sinabi nating” human” ano ang ibig Tao po ma`am ang human.
sabihin?

Magaling, ano naman ang environment? Kapaligiran po.

Magaling, ang tatalakayin natin ngayong araw


ay ang ugnayan ng tao at ng kapaligiran o ang
human-environment interaction.

Kapag sinabi nating human-environment


interaction, ito ay ang tumutukoy sa pakikipag-
ugyan sa pagitan ng mga tao at ng kapaligiran.
Mayroong tatlong uri ng human-environment
interaction, ito ay ang depend adapt at modify.

Ngayon ay tingnang maigi ang larawan, ano ang


Dam po ma`am. Yan po yung may tubig.
inyong nakikita?

Magaling iyan ay dam. Diyan nanggagaling ang


tubig na ginagamit ng mga tao sa pang-araw
araw na pamumuhay. And pagtatayo ng dam ay
halimbawa ng modify. Kapag sinabi nating
modify ito ay ang ginagawang pagbabago ng
maga tao sa kapaligiran. Maaring ito ay
magdulot ng maganda at masama.

Ngayon ay sabihin sa akin kung ano ang


Pinagkukunan po ng tubig.
magandang dulot ng pagtatayo ng dam.

Ano naman ang maaaring maging masamang


Pagkawala ng tubig kapag umapaw- pagbaha
epekto nito?

Magaling, maari ring pagmulan ito ng pagguho


ng lupa. Kapag mayroong pagguho ng lupa ay
maapektuhan din ang mga taong naninirahan
doon. Tandaan, kapag sinabing modify ito ay
ang pagbago ng ating kalikasan, mayroong itong
magandang epekto sa atin ngunit mayroon ding
masamang dulot sa kalikasan maging sa mga
tao.
Ngayon, ano ang nakikita ninyo sa mga
May nangingisda po.
larawan?
Nag- aararo po ma`am.

Magaling, mayroong nangingisda at nag-aararo


o nagsasaka. Kung ikaw ay malapit sa dagat,
maaaring pangingisda ang pangunahing
pinagkukunan mo ng pagkain. Kung kayo naman
ay mayroong sakahan, ang mga tao ay
nakadepende sa pagsasaka. Ito ay mga
halimbawa ng pangalawang uri ng human-
environment interaction, ito ay ang depend.
Kapag sinabi nating depend, ito ay ang paraan
ng mga tao na dumepende sa kapaligiran para
sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan
gaya ng pagkain, tubig at iba pa.

Tingnan ang mga larawan. Ito ang halimbawa ng


pangatlong uri ng human-environment
interaction. Ito ay ang adapt.

Base sa kanilang mga kasuotan ano maari ang


nagging panahon? Sa unang larawan po ma`am ay maaaring summer.
Sa pangalawang larawan naman po ay tag-ulan.
Mahusay, kapag sinabi nating adapt, ito ay ang
pag- angkop nag mga tao sa kapaligiran.
Halimbawa kung tag-init, ang mga tao ay
nakikiangkop sa dito sa pamamagitan ng
pagsuot ng mga mapepreskong damit. Kung tag-
ulan naman tayo ay nagsusuot ng mga
makakapal na damit o jacket.

Maging sa pagkain, tuwing maulan ano ang mga


gusto nating kainin? Champorado ma`am.

Kapag mainit or summer naman ano ang patok


o madalas nating kinakain? Ice candy.
Halo-halo.

Magaling, tatandaan natin iyan.

Ano nga uli ang tatlong uri ng human- Modify.


environment interaction? Depend.
Adapt.
Magaling. Ang ating kapaligiran ay mahalaga sa
atin kung kaya`t dapat natin itong
pangalagaan..

C. Pagsasanay
Gawain 1
Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nakakatulong sa
kapaligiran o nakakasma sa kapaligiran.

Gawain Nakatutulong Nakasasama


sa Kapaligiran sa Kapaligiran
Pagtatanim
ng mga puno
Pagdidilig ng
mga halaman
Pagreresiklo
Pagtatapon
ng basura sa
ilog
Pagputol ng
mga puno
Pagkakalat
Pagtitipid ng
kuryente at
tubig

Gawain 2

Tukuyin ang mga larawan at lagyan ng tsek (/)


kung ito ay modify, depend o adapt.

Modify Depend Adapt


Post Activity

1. Magbigay ng limang paraan upang


mapangalagaan at protektahan ang
kapaligiran.

Abstraction
Mga bata? May natutunan ba tayong bago
ngayon?

Ngayon ay sabihin niyo sa akin kung bakit


mahalagang pangalagaan ang ating kapaligiran. Opo.

Mahalaga po na pangalagaan natin ang ating


kapaligiran dahil isa po ito sa pinagkukunan natin ng
pangangailangan sa araw-araw.

IV. Pagsusuri

1. Iugnay ang column A sa column B ayon sa kahulugan nito.

A B
Modify * * Pagdepende sa kapaligiran.

Depend * * Pagangkop sa kapaligiran.


Adapt * *Pagbabago sa kapaligiran.

2. Para sa iyo bakit mahalagang pangalagaan ang ating kapaligiran?

V. Takdang-Aralin

Gumuhit ng poster na nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran.Kulayan at


pagandahin.

You might also like