You are on page 1of 6

ARALIN PANLIPUNAN GRADE 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
02-11-2020
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas(AP10KSP- Ic-6)
D. Tiyak na Layunin

A. Naiisa-isa ang mga sanhi ng kasalukuyang suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas.


B. Nasusuri ang sanhi at binibigyang halaga ang kasalukuyang suliraning pangkapaligiran
C.Nailalarawan ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas.

II. NILALAMAN

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN


ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

III. KAGAMITAN PANGTURO


A. SANGGUNIAN
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
b. Mga pahina sa Kagamitang pang mag-aaral:
c. Mga pahina sa TeksbuK:
d. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resources:
B. Iba pang kagamitang Panturo: pantulong biswal, laptop, projector
IV. PAMAMARAAN

a. Balitaan May isang mag-aaral na mag-uulat ng napapanahong isyu.

Gawain 1: Minute to Win it Ang mga larawaran sa ibaba ay gagamitin ng


b. Balik-aral guro ng pirapiraso (bilang puzzle). Bibigyan ang 2 mag-aaral (lalaki at babae)
ng 1 minuto upang buuin ito.

Source: https://www.google.com/search? q=drug+addict+figthin g & gs

1. Ano ang iyong nakikitang larawan?


2. Bakit ang isyung personal ay nagiging isyung panlipunan?

c. Paghahabi sa Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga suliranin at hamong


Layunin pangkapaligiran na nararanasan ng Pilipinas at ang epekto ng ito sa
pamumuhay ng mga Pilipino, upang maging mulat tayo at pahalagahan ang
ating mga likas na yaman.

d. Pag-uugnay ng Gawain 2: Awitin at Awit- Suri


halimbawa May 2 mag-aaral na mahusay umawit ang nakatakdang awitin ang kantang
nasa ibaba.

Masdan Ang Kapaligiran – Asin


INTRO
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
AD LIB
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari…

Asin – Masdan Mo Ang Kapaligiran Lyrics | Genius Lyrics Source:


https://genius.com ›

1. Isulat sa inyong kuwaderno ang mga bagay na nangyayari sa ating


kapaligiran ayon sa awiting inyong napakinggan.
a. Lupa
b. Tubig
c. Hangin
2. Anu- ano ba ang kasalukuyang nangyayari sa ating kapligiran?
3. Bakit nangayayari ang mga bagay na ito?

e. Pagtalakay sa Gawain 3: Video Presentation


Konsepto at kasanayan Ipanood sa mag-aaral ang video ng El Gamma Penumbra tungkol sa pagsira
1 ng kalikasan.

Source: https://www.youtube.com/watch?
v=1ReuOnKSi0s&feature=youtu.be

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang tema ng inyong napanood?
2. Ano- anu ang mga bagay na ginagawa ng tao sa ating kapaligiran?
3. Paano ito maaaring makaapekto sa tao at sa ating kapaligiran?
f. Pagtalakay sa Gawain 4: Graphic Organizer
Konsepto at kasanayan Panuto: Punan ang graphic organizer
2 Suliraning Suliranin ng Dahilan ng Best Practices
Pangkapligiran kapaligiran sa Suliraning na ginagawa
(solid Waste) kasalukuyan pangkapaligiran ng
pamahalaan
Yamang Tubig
Yamang Lupa
Yamang gubat
Pamprosesong tanong;
1. Ano ang tinatawag na solid waste? Paano nangyayari ang mga bagay na
ito?
2. Nakaapekto ba ito sa ating buhay? Sa paanong paraan?
3. Sa paanong paraan ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa
ating kapaligiran?
g. Paglinang sa Gawain 5 : Collaborative Approach
kabihasaan Hahatiin ang mga mag-aaral sa 3 pangkat at magkakaroon ng maikling dula-
dulaan tungkol sa Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga likas
na yaman;

Role Playing (Pantomime)


Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga
sa inyong kapaligiran?

Rubriks sa Pantomime:
h. Paglalapat ng aralin Gawain 6 : Costructivism Approach
sa pangaraw-araw na Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mamuno ng isang organisasyon
buhay na may kinalaman sa ating pagsasaayos ng kapaligiran, Anong programa ang
iyong gagawin? Bakit at Paano mot ito gagawin?
i. Paglalahat ng Aralin Gawain 7: Pagbuo ng talata
Ang mga natutunan ko tungkol sa kasalukuyang suliranin ng ating
kapaligiran ay; _____________________
.

Dapat tayo ay marunong magpahalaga sa mga bagay na nasa ating


kapaligiran sapagkat ____________
.

j. Pagtataya ng Aralin (Ang magiging marka sa pangkatang gawain sa paglalapat ay maaring


gawing batayan ng pagtataya)
l. Karagdagang Gawain Magsaliksik ng mga programang may kaugnayan sa solid waste na
ipinatutupad ng inyong barangay at isulat sa isang buong papel ang inyong
nakuhang impormasyon.
Mga Tala
V. PAGNILAYAN A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _____
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation _____
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na naka-unawa sa
aralin _____
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation _____
E. Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:

CHARLES KENN B. MANTILLA


Practice Teacher

Binigyang-puna ni:

LINALYN G. CARIAGA
Teacher 1

You might also like