You are on page 1of 4

BACOLOD CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Bacolod City

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN


ARALING PANLIPUNAN 10
TAONG PANUNURAN 2023 – 2024
UNANG MARKAHAN

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCS)


a. Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas
II.
PAKSANG ARALIN PETSA:
a. Paksa: Ang mga Hamon at Suliraning Pangkapaligiran
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Quarter 1 Module 2 OCTOBER 9-13, 2023
c. Pagpapahalaga: Kamalayan sa Isyung Panlipunan
d. Kagamitan: Laptop, TV, Larawan, Pen, Speaker

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO
A. PANIMULANG GAWAIN:

1. PANALANGIN
2. PAGBATI
3. PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN
4. PAGTALA NG LIBAN

Indicator#5 Established safe and secure learning environments to enhance learning through the consistent implementation
of policies, guidelines, and procedures.

B. PAGLINANG NG GAWAIN:
1. PAGBALIK-ARAL

2. PAGGANYAK: SONG ANALYSIS

Panuto: Ipaparinig ng guro ang kantang “Kapaligiran” ng Asin sa mga mag-aaral at susuriin nila ang kaugnayan ng lyrics
sa mga isyu na nangyayari ngayon sa kapaligiran.

[Verse 1] Masdan mo ang Kapaligiran


Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad [Verse 3]
At malayo-layo na rin ang ating narating Darating ang panahon mga ibong gala
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Ay wala nang madadapuan
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Ngayo'y namamatay dahil sa'ting kalokohan
Sa langit, 'wag na nating paabutin Lahat ng bagay na narito sa lupa
Upang kung tayo'y pumanaw man Biyayang galing sa Diyos kahit nung ika'y wala
Sariwang hangin sa langit natin matitikman pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
' [Refrain] Pagkat 'pag Kaniyang binawi, tayo'y mawawala
Mayro'n lang akong hinihiling na
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin [Refrain]
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
[Verse 2] Gitara ko ay aking dadalhin
Ang mga batang ngayon lang isinilang Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano-anong mga isyung pangkapaligiran ang nabanggit sa kanta?


2. Anong mga isyung pangkapaligiran na nabanggit sa kanta ang dinadanas ng ating bansa sa kasalukuyan?
3. Bilang mag-aaral, sa anong paraan mo kaya mapapangalagaan ang ating kapaligiran?

Mahusay! Matagumpay nating naisagawa ang unang gawain! Sa modyul na ito, ating inaasahan na
maunawaan ang mga suliraning pangkapiligiran at mga pagkilos na ginawa para mapahalagahan
ang ating kalikasan. Bilang isang mag-aaral dapat nating malaman ang kahalagahan ng
ating kapaligiran at paano ito pangalagaan para maabutan pa ng susunod na henerasyon.

3. PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN: UNLOCKING OF WORDS

 Solid Waste
 Material Recovery Facility (MRF)
 Ilegal Logging
 Fuel wood harvesting
 Illegal Mining

Indicator#4 Displayed proficient use of Mother Tongue, Filipino, and English to facilitate teaching and learning.

4. PAGLALAHAD: PICTURE ANALYSIS


Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na larawan at ang mga epekto nito sa ating kapaligiran.

Suriin ang mga larawan.

Pamprosesong tanong:

 Ano ang pinapakita ng mga larawan?


 Ano kaya ang epekto ng mga aktibidad na ito sa ating kapaligiran?
 Bilang mag-aaral, ano kaya ang mga hakbang na dapat mong gawin
para maiwasan ang patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran?
Indicator#3 Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as well as other higher order
thinking skills

Sa mga larawan na inyong nakita, ano-ano kaya ang mga aktibidad na ito na nakakasira sa ating kalikasan? Sa pag lipas
ng panahon at pag adbanse ng teknolohiya, nagkaroon ito nga mga epekto sa ating kapaligiran katulad ng pagkaubos ng
likas na yaman, polusyon sa hangin, at akumulasyon ng mga basura. Mahalaga na inyong mapag-aralan ang mga iba’t-
ibang suliranin sa ating kapaligiran at kung paano ito matutugunan.

5. PAGTALAKAY:

Talakayin ang pagganyak na mga tanong.


 Ano ang solid waste?
 Saan kaya nagmula (source) ang solid waste?

ACTIVITY: ARRANGE THE PICTURES

ANO KAYA ANG SOURCE NG SOLID WASTE SA ATING PALIGID?

 Base sa mga larawan na makikita ninyo sa pisara, huhulaan ninyo ang may pinakamalaking bahagdan ng pinag
mulan ng solid waste sa ating paligid.

TAHANAN KOMERSIYAL NA ESTABLISYEMENTO INSTITUYON INDUSTRIYA

56.7% 12.1% 4%
27.1%

Ayon sa data, ang bawat Pilipino ay nakakalikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Kung ang populasyon ng Pilipinas sa
kasalukuyan ay 113.9 milyon, ilang toneladang basura kaya ang nagagawa sa bawat araw?

(0.7 *113.9)= 79.73 milyong toneladang basura ang nalilikha araw-araw.

Indicator#2 Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and numeracy.

PAMPROSESONG TANONG:
 Ano ang may pinaka malaking bahagdan ng solid waste sa ating paligid?
 Bakit kaya tahanan ay pinaka malaking bahagdan?

ANO-ANO ANG IBAT’-IBANG URI NG SOLID WASTE?

BIODEGRADABLE NON-BIODEGRADABLE SPECIAL WASTE

PAMPROSESONG TANONG:
 Magbigay ng mga halimbawa ng iba’t-ibang solid waste
 Ano kaya ang epekto ng patuloy na hindi pag segregate ng tama ng mga solid waste sa ating paligid?

ANONG MGA REHIYON SA BANSA ANG MAY PINAKA MALAKING PRODUCTION NG SOLID WASTE?

1. NCR- 9,212.92 tons


2. REHIYON 4A- 4,440.15 tons
3. REHIYON3- 3, 890.12 tons
4. REHIYON 6- 2,892.04 tons
5. REHIYON 7- 2,790.86 tons

PAMPROSESONG TANONG:

 Sa iyong palagay bakit ang National Capital Region ang may pinakamalaking gawa ng basura sa buong
Pilipinas?
 Ano kaya ang psoibleng mangyari kapag ang mga basurang ito ay hindi natapon at na segregate ng maayos?
ANO-ANO ANG MGA PARAAN NG GOBYERNO UPANG MA SOLUSYUNAN ANG MGA SULIRANIN SA
SOLID WASTE?

 Pagpapatayo ng mga MRF (Materials Recovery Facility)


 Paggawa ng batas na nangangala sa ating Kapiligiran (Ecological Solid Waste Act of 2000)

6. PAGLALAPAT: PERFORMANCE TASK: WASTE CAMPAIGN PROJECT

Kayo ay gagawa ng isang “WASTE CAMPAIGN” sa pamamagitan ng pag gawa ng basurahan na gawa
sa iba’t-ibang recyclable materials (lumang drum, balde, atbp.) at lagyan ng label kung ito ay Biodegradable, Non-
biodegradable o Special Waste at gamitin sa loob ng inyong silid-aralan.

Indicator#1 Applied effectively knowledge of content within and across curriculum teaching areas.

Participates in implementing an environmental project such as building and maintaining a school garden or conducting a
war on waste campaign (depends on feasibility) (H9CE -Ig - h – 14) (Health 9)

7. EBALWASYON:

I. REPLEKSIYON

Panuto: Bilang isang mag-aaral, sumulat ng isang sanaysay at talakayin kung paano mo maipamalas
ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

II. ENUMERASYON

1-5. Ano-ano ang suliranin na kinakaharap ng ating kalikasan sa kasalakuyan?


6-10. Paano ito mabibigyan ng solusyon?

Inihanda ni:

DONNA SHYRA G. MORENO


Guro sa Araling Panlipunan 10

You might also like