You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan: Baitang:_______________
Guro: DAVE G. LAGA Petsa:
MODYUL 10: Pagpapahalaga
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:
 Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay
(EsP4PD-Iva-c-10).
LAYUNIN:
 Naipapaliwanag ang pagpapahalaga sa lahat ng mga likha
 Naipamamalas ang pag-unawa sa pagpapahalaga may buhay man o wala
 Naisasabuhay ang kahalagahan ng mga likha may buhay man o wala

SANGGUNIAN:
Picar, S. (2020). Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha:
may buhay at mga materyal na bagay, sarili at kapwa-tao. Retrieved from
https://www.deped-click.com/2021/05/4th-quarter-self-learning-modules-slms_39.html

SUBUKANN
ATIN

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa

sarili, sa kapwa, sa materyal na bagay o sa iba pang mga nilikha at ( X) naman kung hindi.

1|Page
TUKLASINN
ATIN

Panuto: E-scan ang sumusunod na QR Code gamit ang Google Lens sa iyong mobile phone upang
mapakinggan ang kantang “Masdan Mo ang Kapaligiran”.

Masdan Mo ang Kapaligiran

Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran?


Kay dumi na ng hangin, pati na ang ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na natin paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natinmatitikman
Mayroon lang akong hinihiling sana sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan.
Mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang
lalanguyan
Bakit di natin pag-isipan ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan.
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
ngayo’y namamatay dahil sa ‘ting kalukuhan
Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa Diyos
kahit nong ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi,
tayo’y mawawala na.

2|Page
SURIIN
TUKLASINN
NATIN
ATIN

Panuto: Magsulat ng kahit isang salita sa bawat bilog ng semantic web na maaaring magpaliwanag
ng mensahe ng kantang “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng bandang ASIN.

"Masdan Mo
ang Kapaligiran"

PAGYAMANIN
TUKLASINN
NATIN
ATIN

Panuto: Isulat ang NP kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga likha ng
Diyos na may buhay at mga materyal na bagay, sa sarili at sa kapwa-tao. Isulat naman HNP kung
hindi nagpapahayag ng pagpapahalaga.

1. Isinaalang-alang ang kapakanan ng kapwa-tao bago kumilos o magsalita.

2. Palagiang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa nakahahawang sakit na COVID 19.

3. Pagtatapon nang maayos sa mga basura lalo na ang mga gamit na at patapon ng face

mask.

4. Pag-iingat sa cellphone upang may magamit sa online learning.

3|Page
5. Pagputol sa mga puno dahil hindi naman namumunga at minsan abala pa sa kalsada.

ISAISIPNAT
IN

Maipapakita natin ang pagpapahalaga sa lahat ng likha may buhay man o wala sa marami at
mga simpleng pamamaraan. Isa na sa mga ito ay ang pagtanggap, pagrespeto at pagtatanggol sa
ating mga kapwa tao anuman ang kanilang hitsura at antas o kalagayan sa buhay. Pati na rin ang
pangangalaga at pag-iwas sa mga gawaing pantao na nakasisira sa kalikasan.

TAYAHIN
TUKLASINN
ATINNATIN

Pangalan: Baitang: Iskor:

Guro: DAVE G. LAGA Petsa:

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng nagpapahalaga sa lahat ng
likha may buhay at mga materyal na bagay, sarili at kapwa-tao, MALI naman kung hindi.

1. Gumagawa nang mabuti sa kapwa-tao lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

2. Pag-inom ng bitamina at pag-eehersisyo araw-araw para magkaroon ng malusog na

pangangatawan.

3. Kapag naglilinis sa sasakyan sa labas ng bahay, hayaan lang na nakabukas ang gripo.

4. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig.

5. Paghuli at pagbebenta ng hayop na malapit ng maubos upang magkapera pambili ng bigas

at ulam.

4|Page

You might also like