You are on page 1of 8

W73

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Ikapito


Markahan Ikaapat na Kwarter Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN KAPALIGIRAN KO, MAHAL KO!
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naipakikita ang pagmamalasakit sa kapaligiran gamit ang kaalaman at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO kasanayan (Show concern to the environment using knowledge and skills) HGJA-
(MELCs) Ivb-5
III. PANGUNAHING NILALAMAN Malilinang ang mga kasanayang pang-akademiko upang tumugon sa pag-unlad
ng pamayanan batay sa internasyonal na pamantayan
(Develop academic skills to respond to community development based on
international standards)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I. Panimula (Mungkahing Oras: 10mins)

Narinig mo na ba ang kwento ng iyong mga lolo at lola patungkol sa mga bagay na kanilang malayang nagagawa noong
sila ay bata pa gaya ng paliligo sa malinis na tubig sa ilog? O di kaya’y pag-akyat sa mga puno na hitik sa mga bunga?
Naranasan mo na rin ba na magawa ang mga bagay na iyon? Sa malamang ay hindi mo na naranasan ang biyayang hatid
ng ating kapaligiran dahil ikaw ay nabibilang na sa bagong henerasyon. Ibang-iba na ang ating kapaligiran sa ngayon. Kulang
na kulang na tayo sa mga puno, isda, malinis na tubig at sa iba pang kayamanang nananahan sa lupa at karagatan. Maging
ang simoy ng hangin ay ibang iba na rin. Dahil dito patuloy tayong nakararanas ng iba’t ibang uri ng kalamidad na
nakamamatay at nakasasagabal sa takbo ng ating sistemang pangkabuhayan.
Sa iyong palagay bakit kaya nangyayari sa ating kapaligiran ang lahat ng ito? Ano ba ang ating bahagi na nararapat na
magawa sa pangangalaga ng kapaligirang bigay sa atin ng Diyos? Sa paanong pamamaraan mo maipapakita ang
pagmamalasakit sa ating kapaligiran?
Sa nagdaang aralin ay nakapagbigay ka ng mga puna o mungkahi para sa kapakanan ng pamayanan. Sa araling ito
inaasahan na iyong maipapakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran gamit ang iyong kaalaman at kasanayan.

Paunang Gawain: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Source: https://www.juantambayan.me/2019/01/25/33-mga-litrato-ng-kalikasan-noon-na-ikinumpara-ngayon-sa-pamamagitan-ng-
10year-challenge/

1. Ano ang masasabi mo sa pagkakaiba ng kapaligiran noon at ngayon?


2. Naiiba ba ang larawan ng kapaligiran noon sa larawan ng kapaligiran ngayon? Bakit? Ano sa palagay mo ang naging
dahilan ng kanilang pagkakaiba?
3. Kung sakali na ikaw ang Lumikha ng kapaligiran noon at ibinigay mo sa mga tao ngayon, matutuwa ka ba sa mga
pagbabago na kanilang ginawa rito?
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15mins)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ang liriko ng awiting Masdan ang Kapaligiran na inawit ng bandang Asin ay nakasulat sa ibaba.
Kung may pagkakataon at magagamit na data ay maaari ring pakinggan o panoorin ang music video ng awiting ito.
Unawaing Mabuti ang mensahe ng awitin, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Masdan ang Kapaligiran by Asin


https://www.youtube.com/watch?v=tNfz0vSHjEU

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin

Hindi na masama ang pag-unlad


At malayo-layo na rin ang ating narating
Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit, huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Bakit 'di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung…

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?


2. May kamalayan ka ba sa mga pang-aabusong ginagawa sa ating kapaligiran sa ngayon? Kung oo, magbigay ng
halimbawa ng mga ito?
3. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nakakakita ka ng mga taong umaabuso sa ating kapaligiran?
4. Sa paanong paraan mo ipagtatanggol at ililigtas ang ating kapaligiran? Magbigay tatlong (3) paraan.

MGA PARAAN PARA MAKATULONG SA PANGANGALAGA NG ATING KAPALIGIRAN


https://brainly.ph/question/1411253

Narito ang ilan sa mga pwedeng gawin upang makatulong na pangalagaan ang kapaligiran:

• Magtanim ng mga punong-kahoy


• Iwasan ang pagtatapon ng mga basura kung saan-saan
• Matutong mag recycle, reuse, at reduce
• Magtipid ng kuryente
• Iwasan ang pagputol ng punongkahoy
• Huwag manghuli ng mga hayop sa kagubatan
• Iwasan ang pagdidinamita sa tuwing mangingisda
• Magtanim ng mga bakawan sa mga karagatan
• Matutong gumawa ng compost pit

Ang mga nalistang pamamaraan sa itaas ay mga simpleng gawain lang na kahit simpleng mga estudyante ay kayang-
kayang gawin upang makatulong na pangalagaan ang kapaligiran. Lahat tayo ay may tungkuling ginagampanan sa
ating kapaligiran at ito ay ang pangalagaan at pagyamanin.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15mins)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinahahayag ng mga pangungusap ay wastong
pangangalaga sa kapaligiran at Isulat ang MALI kung ito naman ay di-wastong pangangalaga sa kapaligiran. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Magtapon ng basura sa mga ilog at kanal.


2. Kusang pulutin ang mga kalat na iyong nakikita sa daan at itapon sa tamang lalagyan.
3. Magtanim ng mga puno at halaman sa bakanteng lote ng inyong bakuran.
4. Tumulong na mag recycle ng mga patapong bagay.
5. Iwanan ang pinagkainan kung saan saan lalo na pag walang nakakakita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Gumawa ng isang slogan patungkol sa pagpapakita ng malasakit sa ating kapaligiran. Sundin ang rubrics na nasa ibaba.
Gawin ito sa isang bond paper o kahit anong malinis na papel na maari mong magamit sa paggawa ng islogan.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10mins)

Lagi nating tandaan na nakasalalay sa pangangalaga ng ating kapaligiran ang ating kinabukasan. Ipinagkatiwala sa atin
ng Diyos ang pangangalaga sa Kaniyang mga nilikha kung kaya’t nararapat lamang na linangin natin at pagyamanin ang
ating kapaligiran at mga bagay na handog ng kalikasan sa atin. Lahat tayo ay tinatawag na makiisa, makilahok at maipakita
ang pagmamalasakit sa ating kalikasan at kapaligiran.

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong gumawa ng personal na liham sa sangay ng pamahalaan na nangangasiwa sa


kapakanan ng ating kapaligiran, ano-anong mga ideya, saloobin o mungkahi ang ipahahayag mo sa kanila? Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Petsa _______________

Sa Kinauukulan___________________________,

_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________

Lubos na umaasa,

_________________________________________
(Isulat ang buo mong pangalan)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5mins)



Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2

VII. SANGGUNIAN Benjie A. Amarillas, Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (Quezon City, St. Bernadette Publishing
House Corporation, 2014), 76-82

https://www.juantambayan.me/2019/01/25/33-mga-litrato-ng-kalikasan-noon-na-ikinumpara-
ngayon-sa-pamamagitan-ng-10year-challenge/

https://unsplash.com/photos/3ym6i13Y9LU

https://brainly.ph/question/1411253

Inihanda ni: Jocelyn C. Dayanghirang Sinuri nina: Rachel C. Mondragon


Teacher III, CBNHS-San Nicolas Eunice N. Quilaton
Nereus V. Malinis
Rio G. Gan
Asignatura Homeroom Guidance Program Baitang Ika-7 Baitang
W4 Markahan Ikaapat na Markaan Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pakikilahok sa ating Komunidad
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakapagpapamalas ng kakayahang umangkop sa mga pagbabago sa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO komunidad (Show adaptive behavior to the new changes in the community)
(MELCs)
Nakikilahok sa mga adbokasiya ng komunidad tungo sa kaunlaran (Participate in
the advocacies of the community toward progress)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagyamanin ang kakayahan upang maibahagi ang sarili sa pagtugon sa
internasyonal na pamantayan (Enrich the ability to share oneself to respond to
international standards)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Ang komunidad ay isang yunit panlipunan na binubuo ng mga taong may pagkakapareho tulad ng mga pamantayan,
relihiyon, halaga, kaugalian, o pagkakakilanlan. Ito ay maaaring magbahagi ng isang pakiramdam ng lugar na matatagpuan
sa isang naibigay na lugar na pangheograpiya (hal. Isang bansa, nayon, bayan, o kapitbahayan). Ang pinakamaiit nay unit
ng komunidad ay ang ating kinabibilangang tiyak na pook kung saan ka nakikisalamuha sa ibang tao. Bahagi ng iyong
komunidad na ginagalawan ang paaralan, barangay hall, simbahan, at iba pang mga gusali ng tanggapan. Ang interaksyon
ng mamamayan at ng mga institusyong ito ang bumubuo sa sistema, tradisyon, paniniwala at mga kaugalian sa isang
komunidad.

Paunang Gawain: Pagmasdan at suriing mabuti ang cartoon sa ibaba na iginuhit ni Bladimer Usi. Pagkatapos ay sagutin ang
mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Figure 1 Slice of Life ni Bladimer Usi

Mga tanong:

1. Tungkol saan ang paksa ng cartoon na Slice of Life na iginuhit ni Bladimer Usi?
2. Ano-ano ang mga gawain na ipinakikita sa cartoon? Isa-isahin ang mga ito.
3. Sa iyong palagay, ano ang mensaheng nais iparating ng naturang cartoon?
4. Ikaw ba ay nakaranas na lumahok sa isa sa mga gawaing ipinakita sa cartoon? Magbigay ng
kaunting detalye sa gawain na iyong sinalihan at ang iyong karanasan sa pagsali dito.
5. Maliban sa mga gawaing naipakita sa cartoon ni Bladimer Usi, paano pa tayo makapagpapamalas
ng mga ganitong gawaing pangkomunidad?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Sa ating komunidad, ating namamasdan ang mga proseso ng pagbabago ngunit hindi natin ito nabibigyang pansin dahil
karamihan sa mga pagbabagong ito ay utay-utay na nararanasan. Kadalasan, sa mga malalakihang pagbabago ay dala
ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng pagkakaroon natin ngayon ng pandemyang COVID-19. Ang pandemyang ito
ay nagpabago hindi lamang sa buhay ng bawat indibwal kundi pati na rin ang mga nakasanayang sistema ay naapektuhan
rin.

Ang mga pagbabagong nagaganap sa ating komunidad ay maaaring positibo at maaari din namang negatibo ang
dulot sa atin. Gayunpaman, anuman ang mga pagbabagong ito, nararapat lamang na tayo ay maging maagap upang
mas makatugon tayo nang naayon sa pangangailangan. Bilang mga mag-aaral na hindi pa naman nakaboboto, mayroon
pa ring Karapatan at responsibilidad na nakaatang sayo bilang bahagi ng kabataan.

Ayon sa United Nations, ang kabataan ay mayroong malaking ambag sa komunidad lalo na sa pagpapaunlad nito.
Nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights na isa sa pangunahing karapatan ang pakikilahok. Ito ay hindi lamang
limitado sa mga botante kundi pati na rin sa mga kabataan gaya mo. Kinikilala ang kabataan bilang pangunahing susi sa
pagsulong ng kaunlaran dahil sa mas mahabang panahon na kaya pa nilang ilaan upang maglingkod sa komunidad.

Bilang kabataan at isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan
nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin ka na:

a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;


b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan
upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili
bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging mabuting
pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at
samahan sa kanilang mga proyekto.

Sa mga sumusunod na paraan ng pakikilahok, nararamdaman mong hindi ka malayo sa mga tao sa iyong pamayanan. Kung
minsan, may mga pagkakataon na hindi mo kilala ang iyong mga kapitbahay; na hindi mo kilala ang namumuno sa inyong
pamayanan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkuling ito, mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At
makatutulong ito upang mas mapaangat ang iyong halaga bilang tao.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Punan ang blangkong guhit ng “T” kung tama ang isinasaad sa pahayag at “M” naman kung
ito ay mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ang kabataan ay wala pang maitutulong sa kaniyang komunidad.

_____ 2. Ang mga botante lamang sa komunidad ang may karapatang makilahok sa mga isyung panlipunan na
kinahaharap ng komunidad na kinabibilangan.

_____ 3. Kinikilalala ng United Nations ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad.

_____ 4. Hindi kinakailangan ng mga kabataan na magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan.

_____ 5. Mahalagang makibahagi at tumulong ang mga kabataan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan,
paaralan at mga samahaman.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ilarawan ang iyong komunidad na kinabibilangan. Mas mainam na maipakita rin ang iba’t
ibang institusyong panlipunan na bumubuo sa iyong komunidad.

Maaaring pumili ng isa sa dalawang paraan kung paano mo ipakikita ang iyong komunidad. Una, maaaring gamitin ang
cellphone upang kumuha ng mga larawan sa paligid ng iyong tahanan na magpapakita sa kalagayan ng iyong komunidad
na kinabibilangan. Kung hindi naman makagagamit ng cellphone, maaaring iguhit sa isang malinis na short bond paper ang
iyong komunidad.

Ilagay ang mga larawang nakuha o iginuhit sa isang short bond paper.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng isang advocacy campaign poster bilang suporta sa pagpapabakuna kontra
COVID-19. Maaari itong gawin sa isang malinis na papel. Naririto ang rubriks sa pagtatasa ng iyong poster.

Naririto naman ang halimbawa ng isang advocacy campaign poster na maaari mong gawing huwaran.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa iyong sagutang papel ay itala ang iyong natutunan ukol sa paksang tinalakay gamit ang 3,2,1 Inventory of
Learning.

• Ang tatlong (3) salita na aking natutunan ay _____________ ______________ ______________


• Ang dalawang (2) pinakamahalagang konsepto na aking natutunan ay _____________________, ____________________
• Ang isang (1) mahalagang aral na aking nakuha ay ___________________________________________

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)

• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2

VI. SANGGUNIAN Department of Education. (2016). “Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7: Learner’s Material
(Units 1 & 2)”. Learning Resource Portal. Accessed May 13, 2021.
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/874

Jacoby Brown, Michael. (2006). “Building Powerful Community Organizations: A Personal Guide
To Creating Groups That Can Solve Problems and Change the World”. (Long Haul Press)

United Nations. (2013). “Youth Participation”. UN.org. Accessed May 13, 2021.
https://www.un.org/esa/socdev/documents/youth/fact-sheets/youth-participation.pdf

Larawan

Usi, Bladimer. “Slice of Life by Bladimer Usi”. Bladimer’s site at Wordpress.com. Accessed May
13, 2021. https://bladimer.wordpress.com/2012/03/03/slice-of-life-by-bladimer-usi/

Inihanda ni: Rachel C. Mondragon Sinuri nina: Eunice N. Quilaton


City of Bacoor National High School – San Nicolas Nereus V. Malinis
Rio G. Gan

You might also like