You are on page 1of 3

eFDS 26: TAMANG KAALAMAN PATUNGKOL SA CLIMATE CHANGE

Description “What is the use of a house if you haven’t got a tolerable planet to put it on?
and Objectives
(“Ano ang silbi ng bahay kung wala naman itong sariwang planetang matutuluyan at mapaglalagyan”)

-Henry David Thoreau

Pilipinas ang pinakamadalas tamaan ng bagyo sa buong mundo. Mahigit kumulang na dalawampu (20) ang
bagyo na dumarating sa bansa bawat taon. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration o PAGASA, mapapansin na mas malakas na ang mga bagyong nararanasan natin
ngayon kumpara noon. Tumaas din ang kategorya sa signal number ng mga bagyo ngayon na umaabot na
hanggang signal number 5 kumpara noong 1990s na hanggang signal number 3 lamang.

Ang pagtaas signal number warnings at paglakas ng mga bagyo sa ating bansa ay isa lamang sa mga sanhi o
epekto ng climate change.

Ano nga ba ang Climate Change? Bakit ito mahalaga? Paano tayo makakatulong bilang isang mamamayan sa
paglutas o paghahanda hinggil sa epekto ng climate change? Sa eFDS na ito ay aalamin natin ang mga
kasagutan sa mga katanungan na ito.

Sa katapusan ng eFDS na ito, ang mga halahok ay inaasahang:


● Maunawaan kung ano ang climate change;
● Maintindihan ang posibleng epekto ng climate change sa kalikasan at sa buhay ng tao at komunidad;
● Malaman ang mga dapat gawin upang maibsan ang epekto ng climate change.

Gawain ALIN ANG NAIBA?


1. Pagmasdang mabuti ang dalawang litrato sa ibaba.
2. Bilugan ang mga bagay na hindi magkapareho sa dalawang litrato sa ibaba.
3. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Maaaring isulat ang mga kasagutan sa ating
Talaarawan, at maaari ring magkaroon ng diskusyon patungkol sa mga kasagutan kasama ang ating
pamilya.

(sample photo)

● Ano ang pagkakaiba ng unang litrato sa pangalawang litrato?


● Ano ang nakikitang emosyon sa dalawang litrato?
● Ano kaya ang dahilan kung bakit ganyan ang emosyon sa dalawang litrato?
● Sa iyong palagay ito ba ay may pagkakatulad sa mundong ating tinitirahan ngayon? Aling litrato ang mas
magandang tirahan?
● Ano ang maari nating gawin upang maging masaya rin ang mundong ating tinitirahan ngayon?

PAKINGGAN AT PAG-USAPAN NATIN


Pakinggan at pagnilayan ang awiting “Masdan mo ang Kapaligiran” na mula sa bandang Asin.

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayo-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon
Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa Page 1 of 3
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Pagnilayan natin ang kantang ito gamit ang mga tanong sa ibaba:
● Ano kaya ang nais iparating ng awiting ito sa ating buhay? Sa ating kapaligiran?
● Anu-ano ang maaaring gawin ng isang indibiwal, pamilya o mamamayan upang maibsan ang climate
change?

Key Ano ang Climate Change?


Contents
and Tips Base sa Republic Act 9729 o ang Climate Change Act of 2009, ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago
ng klima sa isang pinahabang panahon, karaniwan ay dekada o mas matagal pa, bilang resulta ng mga aktibidad
ng tao.

Ang mga nararanasan natin sa pagbabago ng klima ay kagaya ng pag-ulan sa panahon ng tag-init, pagkakaroon
ng malalakas na bagyo na kagaya ng bagyong Odette na sumalanta noong 2021 sa iba’t-ibang bahagi ng ating
bansa na nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pangkabuhayan, bagyong Yolanda noon 2013 na naging
sanhi ng Storm Surge kung saan ang tubig dagat ay umapaw o tumaas sa normal na lebel ng tubig nito, at iba
pa. Ang mga ito ay ilan lamang ito sa mga epekto o halimbawa ng climate change na ating nararanasan.

Ano ang sanhi ng Climate Change?

Ayon sa mga eksperto, ang kadahilanan o sanhi ng mga nararanasan natin na climate change o pabago-bago ng
klima ay ang napakalaking pagtaas ng greenhouse gases (tulad ng carbon dioxide, methane at nitrous oxide) na
nagkukulong sa init ng mundo. Halimbawa ng mga aktibidad ng tao na nakapagpapataas ng greenhouse gases
sa mundo ay ang paggamit ng sasakyan na naglalabas ng usok na walang kulay na nagsusunog ng gasolina
upang mapaandar ito; pagsusunog ng mga uling at langis upang makagawa ng enerhiya na ginagamit para sa
kuryente at iba pang bagay; at deforestation o pagkasira ng ating mga kagubatan. Nagdudulot ang mga ito ng
global warming o pagtaas ng temperatura ng atmosphere ng mundo pati na ng karagatan.

● Pagsunog ng uling, langis at gas Pagkasira sa Kagubatan

Anu-ano ang epekto ng climate change?


● Pagbaha sa iba’t ibang lugar Malalakas na Bagyo

● Tagtuyot kagaya ng El Nino Pagtaas ng tubig sa karagatan na nag resulta ng pagka lubog ng
ibang lugar

● Pabago-bago ng pattern ng klima

● Pag init ng karagatan na nag reresulta ng pagkasira ng likas na yaman ng karagatan Page 2 of 3
● Pagdami ng mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa

Ano ang mga posibleng gawin upang makatulong na maibsan ang climate change?
1. Paghiwalayin ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura. Pwede natin itong gawin sa ating
tahanan at maari rin itong gawing adbokasiya sa ating komunidad sa pamamagitan ng pagpapaskil ng
mga palatandaan sa ating mga pampublikong basurahan.
2. Gamitin ang mga bagay na maari pang gamitin kagaya ng mga plastik na bote na maaring magamit sa
pagtatanim ng halaman o sa ibang bagay.
3. Iwasan ang paggamit ng pang-isahang gamit na plastik. Magdala tayo ng sarili nating mga bag tulad ng
eco bags, bayong, at iba pa, at mga pwedeng lagyan ng wet goods o isda at karne tulad ng lalagyan ng
ice cream.
4. Magtipid sa tubig at kuryente. Patayin ang ilaw at tubig kung hindi ginagamit.
5. Magtanim ng mga halaman. Makakatulong din ang pagpapalago ng ating mga gulayan sa tahanan at sa
barangay
6. Iwasan ang pagsusunog o pagsisiga ng mga dumi na nalikom sa labas ng bahay kagaya ng mga plastik
at mga tuyong dahon.
7. Iwasan ang paggamit ng transportasyon na gumagamit ng gasolina. Kung tayo ay may mga gamit
kagaya ng motorsiklo, o katumbas man, at kung ang lugar na pupuntahan ay malapit lamang, piliing
maglakad na lamang o gumamit ng bisikleta upang makabawas sa pagsusunog ng gasolina. Ang
paglalakad at pagbibisikleta ay maganda pa sa kalusugan at nakakaganda ng pangangatawan.
8. Kung ang komunidad ay malapit sa dagat, maaring gawing proyekto ang pagtatanim ng mangrove o
bakawan upang maiwasan ang posibilidad ng sakuna mula sa pagtaas ng tubig. Maaaring makipag-
ugnayan sa lokol na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno para dito.

Pagninilay Para sa mga magulang:


● Noong kayo ay bata pa, ano ang katangian ng inyong kapaligaran at klima noon? Ano ang pagkakaiba
nito sa ngayon?
● Naniniwala ba kayo sa climate change?
● Ano ang inyong maibabahagi upang makatulong sa pagharap at pag-iwas sa epekto ng climate change?

Takdang- Ibahagi sa pamilya ang mga natutunan sa eFD Sn aito at magkaroon ng plano kung paano makakatulong ang
Aralin bawat isa sa loob at labas ng tahanan upang maibsan ang climate change at maiwasan ang mga epekto nito.

References ● Earth Image: https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/earth-before-and-after-virus-coronavirus-save-vector-30233931


● Climate Change: Republic Act No. 9729, October 23, 2009 https://www.climate.gov.ph/public/ckfinder/userfiles/files/Knowledge/RA
%209729.pdf
● Masdan mo ang Kapaligiran by Asin: https://www.youtube.com/watch?v=dH5QlJz1O4c
● Pag sunog ng uling, langis at gas: https://www.freeingenergy.com/how-much-co2-pollution-from-burning-coal/
● Pagkasira ng kagubatan: https://philippinemorningpost.com/deforestation-paying-the-sin-of-the-past/
● Pagbaha: https://floodlist.com/asia/philippines-2009
● Bagyo: https://www.bostonglobe.com/news/world/2013/11/11/philippines-reeling-aftermath-typhoon-many-areas-still-beyond-
reach/eif0lyIv27SGwFMeWO9GjM/story.html
● Tagtuyot: https://www.philstar.com/headlines/2019/03/06/1899107/drought-due-el-nio-hit-more-provinces
● Pagtaas ng tubig sa karagatan: https://newsinfo.inquirer.net/1492243/urban-poor-struggle-to-adapt-as-rising-seas-threaten-to-
remap-metro-manila
● Pagbago ng pattern ng klima:
https://en.wikipedia.org/wiki/Climate_change#/media/File:Change_in_Average_Temperature_With_Fahrenheit.svg
● Pag init ng karagatan na nag reresulta ng pagkasira ng likas na yaman ng karagatan: https://climate.nasa.gov/news/13/climate-
change-seeps-into-the-sea/
● Pagdami ng mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa: https://borgenproject.org/dengue-fever-in-the-
philippines

Submitted by:

MARICEL GRACE L. GOMEZ, DPA


PDO V / Chief, Family Development Division

Approved by:

GEMMA B. GABUYA
Director IV / National Program Manager

Page 3 of 3

You might also like