You are on page 1of 3

Garcia, John Joriz V. Ms.

Alma Almaquer
10-Newton 5.27.2021
3rd Quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao – Module 8

Balikan
Pandemya- Mananatili ako sa aking bahay, at susunod sa mga patakarang inilalatag ng
pamahalaan. Sa pamamagitan nito, mababawasan ang pagkalat ng sakit na malaki ang
maitutulong para sa kabutihan ng lahat.
Kalamidad- Bilang isang mamamayan sa bayan na ito, susunod ako sa mga ipaguutos
ng barangay sa tuwing may kalamidad. Sa pamamagitan nito, mapipigilan ang pagtaas ng
pinsala.
Kaguluhan at krimen- Tutulong ako sa abot ng aking makakaya upang mapigilan ang
krimen at kaharasan sa aking bayan.

Pagyamanin
1. RECYCLING
2. CLIMATE CHANGE
3. CYANIDE
4. DIYOS
5. HAYOP
6. TAGAPANGALAGA
7. KALIKASAN
8. POLUSYON
9. URBANISASYON
10. KOMERSYALISMO
Reflection Paper
“Pangangalaga sa Kalikasan”

Anim na araw ang inubos ng Diyos sa paglikha ng mundo at sa ikapitong araw ay


nagpahinga siya. Nilikha niya ang buong kalupaan at katubigan. Lumikha siya ng puno at
halaman magbibigay sa atin ng iba’t ibang produkto at kakayahan upang makapamuhay ng
matiwasay at maasyo. Lumikha rin Siya ng mga hayop na ating mapagkukunan ng makakain at
kabuhayan. Ngunit bakit ang mga taong biniyayaan ng lubos na kasaganahan ay sila mismo ang
sumira sa regalo ng Maykapal?

Tunay na sa kabila ng pag-unlad ng sibilisasyon at teknolohiya, ang kapaligiran ang higit


na naaapektuhan. Kung may disiplina sana tayong mga tao, siguro malinis at maganda parin ang
kapaligirang ating ginagalawan ngayon. Tayo ang tinaguriang tagapangalaga ng lahat ng bagay
na nilikha ng Diyos. Ngunit ang tanong ay kailan pa tayo kikilos upang itama ang
pagkakamaling ating nagawa? Ngayon ang oras hangga’t hindi pa huli ang lahat. Tayo ang higit
na naaapektuhan. Nais kong makita muli ang paraisong nilikha ng Maykapal. Hahayaan pa ba
nating tuluyang mawasak ang mundo. Papayagan mo ba na kahit ang itsura ng dagat, puno at
halaman ay hindi na kailanman masilayan ng susunod na henerasyon. Tayo ang tagapangalaga,
hindi tayo nilikha upang maging taga-ubos at taga-sira. Simulan natin sa ating sarili, sa simpleng
pagtatapon ng wasto ay masisimulan nating likhain ang paraisong matagal ng hinahanap ng mga
tao.
Maaari nating simulant ang pagbabago at pagsasalba sa namamatay na kapaligiran sa
pamamagitan ng mga maliliit na hakbang. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang
pagbaha at mga “landslide” na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan. Iwasan din
nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda.
At para rin hindi mamatay ang mga yamang tubig. Huwag din gumamit ng mga dinamita sa
pangingisda nang hindi masira ang ating mga koral na bato. Iyan lamang ang mga ilang
halimbawa upang makaiwas sa mga delubyong kayang ibigay ng kalikasan.

Pangalagaan natin ang kalikasan sapagkat dito rin nanggagaling ang ating mga
pangangailangan lalo’t higit ang hangin na ating inihihinga. Sa tulong ng mga ahensya ng
pamahalaan mas mapapadali ang pagsagip sa ating inang kalikasan. Makatutulong rin ito sa mga
susunod pang henerasyon, sana’y masaksihan pa nila ang tunay na kagandahan ng ating
minamahal na kapaligiran. At sa ganitong pamamaraan, matutulungan din natin na magising
mula sa matagal na pagkakahimlay ang ating bansang Pilipinas.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Module 9


Tuklasin
1. Sa unang larawan, mapapansin natin na ang dating taniman o palayan ay nagdaan sa
komersyalisasyon at nagging parke. Sa ikalawang larawan ay ating matutunghayan ang
labis na pagputol ng puno na maaaring makaapekto sa ating kapaligiran. Maaaring
magdulot ito ng “mirror effect”, kung saan sinira natin ang kapaligiran kaya’t babalik ang
pagsira sa atin sa pamamagitan ng lalong pag-init ng mundo.
2. Malaki ang magiging epekto nitong mga gawain na ito sa ekonomiya ng bansa. Tataas
ang kikitain o GDP ng bansa dahil sa lumulobong pumapasok na turista. Ngunit
magkakaroon rin ito ng negatibong epekto sa ating ekonomiya, dahil sa patuloy na
pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa, magdurusa ang mga manggagawang pinoy sa
ating bansa.
3. Para sa ating mga kababayang kinabubuhay ang pagsasaka, masalimuot ang ganitong
mga pangyayari dahil nawawala ang kanilang pangunahing kabuhayan. Isa rin itong
abuso para sa ating kalikasan dahil unti-unti nakakalbo ang mga lupain at kabundukan na
magdudulot ng maraming sakuna at kalamidad sa atin.
4. Kung ating titimbangin ang mga positibo at megatibong epekto nitong mga pagbabago sa
ating ekonomiya, mas maganda pa rin talaga ang nakaraan. Kung saan simple at payak
ang pamumuhay at walang gaanong naaagrabyado. Ngunit hindi rin naman natin
maikakaila na kailangan nating gumawa ng hakbang tungo sa modernisasyon at
makasabay sa karatig bansa sa teknolohiya at unbanisasyon.
Pagyamanin
Hinliliit: Pagtapon ng basura sa tamang tapunan.
Palasingsingan: Palagiang pagwawalis ng bakuran at pagpapanatili ng kalinisan
Hinlalato: Makikilahok ako sa mga proyekto ng barangay patungkol sa pangangalaga sa
kalikasan
Hintuturo: Iiwasan ko ang paggamit ng mga produktong maaaring makasama sa ating
kalikasan tulad ng plastic.
Hinlalaki: Bilang isang student researcher, pag-aaralan kong mabuti ang mga bagay na
makapagpapalaya sa ating kapaligiran mula sa polusyon, deforestation at pang-aabuso.

Reflection Paper
“Tao: Ang Tagapangalaga sa Kalikasan”

Mula sa alibok ay nilikha niya ang isang espesyal na nilalang, ito ay ang tao. Tayong mga
tao ang inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Siya ang tagapangalaga ng
mundo. Kung minsan tayong mga tao ay hindi na napapahalagahan ang kalikasan. Ito ay isang
napakagandang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan.
Ang mga puno ay importante sa mga tao dahil ito ang naglilinis ng hangin at sumisipsip
ng tubig ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na pagputol ng mga puno ay madalas
magkaroon ng mga malalaking pagguho ng lupa at pagbaha, pati ang mga hayop sa kagubatan ay
nanganganib din dahil nawawalan na sila ng tirahan. Kaunti na lang ang mga punong lumilinis
ng hangin ngayon kaya ang mga tao ay madalas magkasakit. Nagkakaroon din ng mga
pagbabago sa klima na dulot ng polusyon. Nagkakaroon ng mga malalakas na bagyo at sobrang
init at matagal na tagtuyot. Pati ang mga ilog ay nasira at namatay na dahil sa kagagawan ng mga
tao dulot ng walang habas na pagtatapon ng basura.
Hahayaan pa ba nating mawala ang mga mahal natin sa buhay bago tayo magising sa
katotohanan na mali ang ating ginagawa. Maaaring hindi nga tayo gumagawa ng mali ngunit
marami namang maliit na paraan upang tayo ay makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan,
kaayusan at kagandahan ng ating kalikasan.

You might also like