You are on page 1of 1

Inang Kalikasan: Ang malaking pagbabago

Kalikasan ang isa sa mga regalong ipinagkaloob sa atin ng may likha. Mayroong malalawak na
kagubatan, Malilinis na ilog at karagatan. Mayroong masasaganang taniman ng mga mais at palay,
magagandang tanawin sa kapaligiran. Tayong mga tao ang inaasahang mangalaga nito ngunit nasaan?
Nasaan kayo? Nasisilayan niyo ba ang malaking pagbabago? Nararamdaman niyo ba ang unti-unting
pagkawala nito? Oh, Inang! Ang mga anak mo'y nagkasala, nawa'y mahanap ang daan upang magbalik
loob sa iyo.

Tapon dito, tapon doon. Sunog dito, sunog doon. Maiitim na usok na galing sa malalaking
pabrika, usok ng mga sasakyan. Buksan natin ang ating mga mata, Inang kalikasan ay hindi na
makahinga. Huwag tayong maging bulag sa katotohanan, kailan pa ba tayo kikilos? Kung tuluyan nang
mawasak ang lahat? Sa paglipas ng panahon, sumabay nito ang malaking pagbabago. Umusbong ang
mga makabagong teknolohiya na siyang naging dahilan kung bakit tuluyan ng nalunod sa agos ang mga
tao. Nawalan na ng pake sa Kalikasan na siyang nagsisilbing hangin upang mabuhay, dito tayo kumukuha
ng mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw ngunit tila tinalikuran na nga ang pinanggalingan.
Masyado tayong naghangad ng sobra kung saan hindi natin namamalayan na nakakasira na pala tayo,
nakakasakit at nakakapatay. Masyado tayong naka pokus sa mga makabagong teknolohiya at
nakaligtaan natin ang epektong dulot nito sa ating Inang Kalikasan.

Ang dating masasaganang tanim, mabeberdeng mga puno ay naging mga gusali na at malalaking
pabrika. Wala ng mga puno na masisilongan dahil sa pagkakaingin na naging resulta ng pagkakalbo nito
o tinatawag na Illegal logging. Nagkakaroon ng baha at landslide na naging resulta ng kasawian ng mga
tao at hayop. Ang ating mga ginagawa ay bumabalik lang din saatin kaya kailan pa tayo gigising? Hindi ito
isang panaginip lang dahil ito'y nagaganap na at magaganap pa.

Lahat tayo ay may kakayahan na gumawa ng aksyon upang mapigilan sa tuluyang pagkawasak
ang ating Inang Kalikasan. Habang tayo ay nabubuhay, kumilos tayo dahil hindi sapat na magkaroon lang
tayo ng mga pagpapahalaga at pananaw. Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago at bilang mga mag-
aaral magkaisa tayo at magtulungan sa pagpreserba at pagpalaganap ng mga impormasyon at magbigay
kamalayan sa ating Inang Kalikasan. Natunghayan natin ang malaking pagbabago nito kaya huwag nating
hintayin na lumala pa. Maging sensitibo tayo hindi lamang sa mga tao kundi mismo sa kapaligiran din
natin. Nais nating mabuhay ng matagal? Buhayin natin ang Inang na siyang nagbibigay din ng buhay at
lakas. Boboses para sa Inang Kalikasan.

Maraming salamat po.

You might also like