You are on page 1of 1

STEM 12-SPECTRUM

TALUMPATI TUNGKOL SA KALIKASAN

Isinaysay ni Je-Ann Elevazo

Magandang araw sa inyong lahat, ako ay naririto upang magbigay ng paalala na bigyan nating
kahalagahan ang ating inang kalikasan. Katakot takot na mga balita patungkol sa kalikasan unti unti ng
nasisira. Nakikita mo ba,nakikita nyo ba, ang mga nangyayareng ka lunos-lunos sa ating inang kalikasan
na tayo rin namang maaapektuhan. Nakakalungkot,nakakagalit, bakit nga ba may mga halang ang
sikmura na mas binibigyang importansya ang pansariling kagustohan. Kay sa pangalagaan ang lugar na
kinalakihan. Bakit nga ba may mga taong hindi pa rin nakikinig sa paalala ng mga siyentipikong nag aaral
tungkol sa klima, hindi baga't ilang dekada na nilang pinaglalaban na bigyan nating kahalagahan at
ingatan ang kalikasan, upang maiwasan ang nalalapit ng pagbabagong klima. Ano,ang ginagawa ng sa
gobyerno,Ano ang ginagawa ng mataas at nasa posisyong ng mga tao,ilan sa kanila'y walang pakealam.
Inaresto mismo ang isang libong siyentipikong nag protesta ,noon lamang Abril,dalawang libo
dalawamput dalawa. Pinakita ng mga siyentipikong ito ang pagmamahal,pinakita mo rin ba ang iyong
pagmamahal sa inang kalikasan? kung hindi pa,sana matakot kana,sana matauhan kana,dahil unti unti
na tayong sinisingil,at buong bansa'y malapit ng makaramdam ng tag gutom,at tag tuyot. Tulad ng tubig
sa ilog ng europa nauubos,tag gutom sa aprika,milyon milyon ng tao at hayop ang maaapektuhan. Ano
pa nga ba ang kayang gawin ng kalikasan, ilang taon ng pinagsalamantahan. hanggang saan pa nga bang
gusto mong makita ang mga ka awa-awang pangyayare ganti sa atin,upang maintindihan ng bawat isa na
kailangan nating maging responsable,sa pag gamit at pagkunsomo ng mga pinagkukunan. Hanggang
saan pa nga ba dadalhin ang sitwasyong ito, upang matigil na ang mga pabrika,pag putol ng puno,pag
tayo ng maraming gusali at kung ano ano pang klasing kagagawan ng tao. Muli binibigyan ko kayo ng
paalala,gantihan natin ng mabuti ang inang kalikasan. Dahil sa atin mismo manggagaling ang tunay na
pagbabago ng kalagayan, na sa atin mismo ang unang magbibigay solusyon para unti-unting makahinga
ang kapaligiran. Na sa ating mga kamay ang pag -unlad upang makamit ang inaasam asam na
kagandahan , kalinisan ng ating inang kalikasan. Maraming Salamat Po.

You might also like