You are on page 1of 13

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF ENGINEERING
DEPARTMENT OF MECHANICAL ENGINEERING

Iniharap kay:
Gng. Ferdausia R. Salem

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng Asignaturang Ekokritisismo

Iniharap nina:

Aming, Michaer S.
Hain, Mohammad D.
Manahan, Pilgrim B.
Nurami, Alwajid M.
Paclibar, Fahad A.

Abril 25, 2023


TALAAN NG MGA NILALAMAN:

Tula ------------------------------------------------------------------------------- 1 - 3

Kanta --------------------------------------------------------------------------------- 4

Sanaysay-------------------------------------------------------------------------- 5 - 6

Pabula-------------------------------------------------------------------------------- 7

Maikling kwento ---------------------------------------------------------------- 8 - 9


KALIKASAN AT ANG LABING TATLONG KATOTOHANAN
Ni Mohammad D. Hain

O Mundo, halika't ba't nagkukubli sa karimlan?


Dilim na hindi mo ninais kailanman, sino kaya ang dahilan?
Sa kasiyahan at kabutihang iyong idinudulot at naidulot,
Patawad kung sukli sayo'y lungkot at matalim na poot.

Kung ito'y itinuturing mo bilang iyong kapalaran,


Tadhana rin ba na puro kalat at dumi na lamang ang nasa kapaligiran?
Kaya sino, sino kaya muli ang tunay na dahilan?
Mukhang unti-unti nang nababatid ang mapanglaw na katotohanan.

Ating simulan sa pagbukas ng ating mga isipan.


Mga mensahe na sa ati'y magbibigay kabatiran.
Kung gayon, ang "katotohanan" ay nararapat languyin
Kahit na sanhing malunod kung sisisirin.

Sadyang maaliwalas ang naging simoy ng hangin,


Sariwang katubigan, at mapayapang lupain.
Tipong hinahagod ka sa ilalim ng lambing.
O kay sarap damhin, animo'y yakap kung ihahambing.

Sandali, ang bilis atang magbago ng panahon.


Lahat ng mga ito ay hugis na lamang ng kahapon.
Malusog na bungad ng Inang Kalikasan,
Utay-utay nang nilalagasan!

1
Mga kagustuhan ng tao ay tinutustusan.
Hindi masama kung dala ng pangangailangan.
Ngunit sa'n tayo natutong maging abusado
Dahilan ng pagliban ng ating dangal at respeto.

Ang mahusay na pag-usbong ng teknolohiya,


At matinding pag-usad ng ekonomiya
Ay ganoong ding pagtaas ng polusyon
Na tanging tayo lamang ang magiging solusyon.

Dating mga punong nakatayo,


Ngayo'y tindig na ng gusali't monumento.
Kaya resultang pagbilis ng pagbaha ay pagtatakhan,
Hindi narapat kung gantong gawi ang suliran.

Maamong agos ng tubig


Ngayo'y dumi na ang siyang nananaig.
Tubig pa ba 'to na puro basura't langis?
Tiyak lamang na hindi na 'to malinis.

Ang hangin ay hindi rin nakaligtas.


Yakap na sa ati'y nagbibigay lakas,
Kailan kaya ito muling mararanasan
Kung puro apoy at usok na lamang ang kapaligiran?

2
Tama, masakit ang katotohanan
Ngunit mas masakit ang mawalan ng tirahang tutuluyan.
Hindi mundo ang may problema,
Sadyang asal nating itim ang siyang mantsa.

O Mundo, halika na't muling wag nang magtago.


Magkakaisa na muli kami sa pag-angat mo.
Patawad dahil kami ang dahilan ng iyong karimlan,
Maging buo tayo at problema'y wakasan.

Maaaninag na muli natin ang magandang kinabukasan.


Pangako na ang nalikhang dilim ay atin nang kukulayan.
Solusyon na dapat sinimulan pa kahapon,
Babawi kami at uumpisahan na namin ngayon.

3
LIKHA-LIKASAN
Ni Pilgrim B. Manahan

(Unang berso)
Oh kalikasan, ang iyong ganda’y aking kaligayahan
Hilaga’t timog, kanluran, pati na rin silangan

(Koro)
Walang maikukumpara, ang liwanag na iyong dala
Sa araw-araw kong paglakbay, oh ang ilaw moa king gabay
Oh kalikasan kong mahal, alagaan ka’y aking dangal
Huwag ka sanag lalayo
Oh kalikasan

(Pangalawang berso)
Oh kalikasan, ang iyong ganda’y di ko na masilayan
Mga puno’t halaman, mga isda sa dalampasigan

(Koro)
Mga basurang di maiibsan, kinabukasan ba o kasawian?
Dito, doon, kung saan saan paano na ang kapayapaan?
Oh kalikasan kong mahal, di ko Nakita na isa akong hangal
Sa aking kapabayaan
Oh kalikasan

(Koda)
Oh kalikasan, ang iyong anyo at kayamanan
Ay dapat alagaan, para sa malinis na kinabukasan

-wakas-

4
PAGPROTEKTA SA KAHALAGAHAN NG KALIKASAN
Ni Fahad A. Paclibar

Ang kalikasan ay ang pundasyon ng ating tirahan at ang pinagmumulan ng buhay para
sa lahat ng nabubuhay na nilalang. Responsibilidad ng bawat isa na protektahan at
pangalagaan ang natural at likas na anyo nito alay sa kinabukasan ng mga susunod na
henerasyon. Sa mga nagdaang taon, kinilala ang kahalagahan ng kalikasan habang
kinakaharap ang mga sakuna na bunga ng pagbabago ng klima at pagkasira ng
kapaligiran. Samakatuwid, napakahalaga na unahin ang pagpapangangalaga ng
kalikasan at paglaan ng sikap tungo sa napapanatiling kinabukasan.

Ang isa sa mga pangunahing argumento na pabor sa pagprotekta sa kalikasan ay ang


mga serbisyong ekolohikal na ibinibigay nito. Ang kalikasan ay nagbibigay hangin na
ating nilalanghap, tubig na ating inumin, at pagkain na ating kinakain. Kinokontrol
nito ang klima at mga pattern ng panahon, pinipigilan ang pagguho ng lupa, at
nagbibigay ng tirahan para sa mga hindi mabilang na species ng halaman at hayop.
Kung wala ang kalikasan, hindi magiging posible ang paglitaw at pagkakaroon ng
buhay ng mga naninirahan. Ang pagprotekta sa kalikasan ay nangangahulugan ng
pangangalaga sa mga serbisyong dinudulot nito, pagtiyak ng isang malusog na
kapaligiran, at pagpapanatili ng planeta para sa mga susunod na buhay.

Ang isa pang argumento na pabor sa pagprotekta sa kalikasan ay ang taglay nitong
halaga. Ang kalikasan ay may intrinsic na halaga, at bawat species ay may karapatang
umiral. Ang pagkawala ng biodiversity dahil sa mga aktibidad ng tao ay humantong sa
pagkalipol ng mga hindi mabilang na species - isang trahedya hindi lamang para sa
mga partikular na uri kundi pati na rin para sa kabuuan ng natural ng mundo.
Responsibilidad nating protektahan ang kalikasan at ang mga naninirahan dito, igalang
ang kanilang karapatang umiral at umunlad.

Higit pa rito, ang kalikasan ay nagbibigay ng maraming benepisyo na tagos sa mga


serbisyong ekolohikal at intrinsic na halaga nito. Napatunayan na ang paggugol ng
oras sa kalikasan ay may positibong epekto sa ating mental at pisikal na kalusugan.
Ang kalikasan ay pinagmumulan din ng inspirasyon, pagkamalikhain, at
espirituwalidad para sa maraming tao. Ang pagprotekta sa kalikasan ay
nangangahulugan ng pangangalaga sa mga benepisyo nito at pagtataguyod ng isang
malusog at kasiya-siyang pamumuhay para sa bawat indibidwal at sa buong
komunidad.

Sa kabila ng maraming argumento na pabor sa pagprotekta ng kalikasan, nasa ilalim


pa rin ito ng banta. Ang mga aktibidad ng tao tulad ng deforestation, chemical
burning, at power plant spillage na humahantong sa pagkakaroon polusyon at

5
pagbabago ng klima ay nagdulot ng mapinsalang pangyayari na hindi na maibabalik
pa sa natural na mundo. Samakatuwid, kinakailangan na ng mga indibidwal,
komunidad, at pamahalaan na kumilos upang protektahan ang Inang Kalikasan.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga napapanatiling gawi, pagtataguyod na
maisikap ang konserbasyon, at pagsuporta sa mga patakarang nagbibigay-priyoridad
sa pangangalaga ng kapaligiran.

Bilang pangwakas na paglalahad, ang kalikasan ay mahalaga para sa kaligtasan at


kagalingan ng lahat ng nabubuhay na nilalang. Ang pagprotekta sa kalikasan ay
nangangahulugan ng pangangalaga sa mga serbisyong ekolohikal, intrinsic na halaga,
at marami pang kabutihan para sa mga bawat indibidwal at komunidad.
Responsibilidad natin bilang mga naninirahan na kumilos upang protektahan ang
kalikasan at tiyakin ang isang napapanatiling kinabukasan. Pagtutulungan ang tanging
panulat para sa papel na mapangalagaan at pakaingatan ang natural na mundo para sa
mga susunod pang henerasyon.

6
ANG MAGKAIBIGANG MATSING AT PAGONG
Ni Alwajid M. Nurami

Noong unang panahon, may isang matalik na magkaibigan na si Matsing at si Pagong.


Isang araw, naglakbay sila sa kalikasan upang hanapin ang kanilang tahanan. Sa gitna
ng kanilang paglalakbay, nakita nila ang isang malawak na kagubatan na puno ng mga
puno, halaman, at mga hayop. Natuwa sila sa ganda ng kalikasan at naisipan nilang
magtayo ng kanilang tahanan sa lugar na iyon.
Ngunit hindi nagtagal, nakita ng dalawang kaibigan na may mga taong nagtatabas ng
mga puno at nagpapatayo ng mga gusali sa kagubatan. Nalungkot sila dahil nasira ang
ganda ng kalikasan na kanilang nakita. Si Pagong ay nagsabi kay Matsing na dapat
silang gumawa ng paraan upang maprotektahan ang kalikasan.
Si Matsing ay naisip ang isang planong kahila-hilakbot. "Ipagpapasa-Diyos ko na lang
ito," sabi niya kay Pagong. "Kapag hindi natin ginawa ang anumang gawain na
makakasira sa kalikasan, siguradong hindi tayo mapapahamak."
Ngunit hindi nagtagal, nakita ng dalawang kaibigan na ang pagiging hindi mapag-alala
ni Matsing ay nagdulot ng malaking panganib sa kalikasan. Nawala ang mga puno at
halaman at nagresulta sa pagbabago ng klima. Dahil dito, ang mga hayop ay nawalan
ng tirahan at pagkain at nagsimulang mamatay.
Si Pagong ay nagpakita ng kanyang katalinuhan at nagsabing, "Ang kalikasan ay
kailangan ng ating pangangalagaan. Hindi natin ito dapat balewalain dahil ito ang
ating tahanan. Kung hindi natin ito aalagaan, tayo rin ang magdudusa."
Sa wakas, nagtulungan si Matsing at si Pagong upang muling buhayin ang kagubatan.
Nagtanim sila ng mga puno at nagpakalat ng mga binhi upang mapalawak ang
kalikasan. Sa huli, natuto sila na hindi dapat natin balewalain ang kalikasan dahil ito
ang nagbibigay sa atin ng buhay.

7
SA BAYAN NG KAIHNAN
Ni Michaer S. Aming

Noong panahon ng Kaihnan kung saan pinaniniwalaan ng mamayanan na may


dalawang misteryosong puno ang nagsasalita at tila ba'y nag uusap tuwing gabi.
Ito ay kwento-kwento lamang ng mga nakakatanda na hindi nagtagal ay
lumaganap sa kanilang bayan. Ang kwento at paniniwalang ito ay naipasa sa
bawat henerasyon, ito ay naging kwento-kwento ng matatanda sa mga puslit na
sila namang ginawang kamangha-mangha.
Ang Kaihnan ay hindi ordinaryong bayan lamang, kilala ito bilang isang
matiwasay at tahimik na bayan, kanilang kalikasan ay pinapahalagahan, bawat
bata sa kanilang bayan ay tinuturuan ng magandang asal.
Pinaniniwalan ng tao sa bayan na ang dalawang puno ay syang sumi-simbolo sa
kanilang bayan. May kasabihan ang matatanda na kaya tila ba'y busog sa
kagandahan ang kanilang bayan ay dahil sa dalawang malaking puno na
nakatayo sa kanilang bayan na naging dayuhan din ng ibang tourista. Malaki
ang pag iingat ng Kaihnan dito at pinangalanan pa nga nilang "Binignit at
Sindol"

Hindi nagtagal sa isang lungsod kung saan nakatira ang mayamang


negosyanteng intsik, nakitaan nya ng magandang potensyal ang bayan ng
Kaihnan. Dahil nga madaming tourista ang pumupunta dito ay naisipan nilang
bilhin ang bayan upang pagtayuan ng negosyo ngunit hindi pumayag ang
Kaihnan dahil sa masamang plano ng mga mayayaman sa kanilang magandang
bayan.

Higit na galit ang nadama ng intsik ng tumutol ang Kaihnan sa kanyang gustong
gawin. Hindi tumigil duon ang mayaman na intsik at sya ay nagpursiging
mapasakamay ang Kaihnan. Dahil likas na may masamang budhi ang intsik,
inutusan nya ang kanyang trabahador na sunugin ang kagubatan kung saan
nakatayo sina Binignit at Sindol nuong gabing iyon ng sa huli ay mapilitang
ibigay ang ng Kaihnan ang bayan sa kanya.

Nagising ang mahimbing na bayan dahil sa init na dala ng apoy. Lahat nagka-
gulo at 'di malaman ang gagawin. Dahil sa bilis ng pagdaloy ng apoy ay 'di na

8
ito kinayang pahupain pa. Ang kagubatan ay tuluyang nawasak dahil sa
hinagpis ng intsik.

Nang kinaumagahan ay biglang 'di inaasahan na bagyo ang dumating sa lungsod


nagtuloy-tuloy ang trahedya at mas lalo pa itong lumala. Ang lungsod ay kulang
sa mga halaman at puno kaya malaking epekto ang tumama sa kanila. Mga
basura'y nagsilabasan dahil sa baha. Dahil sa pangyayaring ito ay naapektohan
ang negosyo ng intsik at sapilitang isinara. Madaming bagay ang nawasak dahil
sa kakulangan ng puno't halaman, mga bahay ay nasira.

Dumating sa punto na napaisip ang intsik. Nagsimula ang kamalasan na


nangyayari sa kanila ay matapos ang pangyayari na kanyang ginawa sa bayan
ng Kaihnan. Marahil ito ay isang parusa ng kalikasan dahil sa kanyang ginawa;
kanyang napagtanto.

Dahil dito, sapilitang bumalik ang intsik sa bayan ng Kaihnan upang humingi
ng tawad at itama ang kanyang pagkakamali. Kanyang pinag-masdan ang
bayan, lahat ay naapektohan at natamaan ng bagyo ngunit ang bayan ng
Kaihnan ay naiiba sa lahat ng naapektohan na parang bang may anghel ang naka
protekta dito. Mas higit pa ang natamo ng iba kumpara sa bayang ito. Marahil
dahil sa kabutihang loob ng Kaihnan sa kalikasan.

At dito na nga napagtanto ng mayaman na intsik na imbis mag pokus sa


kanyang negosyo ay magbigay tulong nalamang sya sa mga nasalanta ng
hinagpis na kalikasan dahil sa kanyang ginawa at kanyang itama ang
pagkakamali na nagawa.

9
10
11

You might also like