You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Lagumang Pagsusulit

I. Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang OO o HINDI.

__________1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at kakayahan.


__________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
__________3. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
__________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
__________5. Pakikinig ng mga programa sa radio na nagtuturo ng paggawa ng makabuluhang bagay.
__________6. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
__________7. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig.
__________8. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-
uulat sa klase.
__________9. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng pagpasiya.
__________10. Pagpapahalag sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

II. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
__________11. Ito ay ang katangian na paggamit ng isipan upang malaman ang buong detalye at
katotohanan.
a. pagtatanong c. paniniwala
b. pagsusuri d. wala sa nabanggit
__________12. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanuri?
a. paniniwalaan agad ang nabasa
b. pagtatanong sa marunong
c. hindi pa tsi-tsek ng source ng binasa
d. hindi na tatapusin ang buong detalye ng pinapanood
__________13. May nabasa ka sa internet na may paparating na napakalakas na bagyo sa loob ng ilang
araw. Mapanuri ka kung _____
a. manonood ng balita sa TV upang malaman kung may katotohanan ito.
b. magtatanong sa nakatatanda o sa may higit na kaalaman tungkol dito
c. maghahanap pa ng iba pang source upang kumpirmahin ito
d. lahat ng nabanggit
__________14. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
a. Komiks c. Aklat tungkol sa kagandahang asal.
b. Aklat tungkol sa karahasan. d. Pahayagan na may pornograpiya.
__________15. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.
a. Ito ay may maraming magagandang larawan
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal

III. Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng kung ito ay mabuting dulot ng impormasyon.
Lagyan naman ng kung hindi.

_________16. Ang palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemask/face shield ay makatutulong


upang makaiwas sa COVID-19.
_________17. Nagdaraos ng kaarawan ang kapitbahay ni Marky, marami ang dumalo na walang suot na
facemask at hindi sumunod sa social distancing.
_________18. May napanood na karahasan si Jerome sa TV, ginaya niya ito at nakasakit sa kanyang mga
kapatid.
_________19. Tuwing umaga ay nag-e-ehersisyo si Anna sa kanilang bahay. Ayon sa kanya, napanood niya
ito sa isang programa sa TV upang mapanatili ang maayos na kalusugan kahit nasa bahay lamang.
_________20. Dahil hindi makalabas ng tahanan ang mga tao ngayon, minabuti ni Grace na tulungan ang
kanyang ina sa pang araw-araw nitong gawain sa bahay.

You might also like