You are on page 1of 3

Unang Lagumang Pagsusulit

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Test I- Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang


sumusunod na mga tanong. Isulat ang OO o HINDI. 

__________1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at


kakayahan.
__________2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
__________3. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
__________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
__________5. Pakikinig ng mga programa sa radio na nagtuturo ng paggawa ng
makabuluhang bagay.
__________6. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
__________7. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig.
__________8. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing
pinagagawa ka ng pag uulat sa klase.
__________9. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng
pagpasiya.
__________10. Pagpapahalag sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon
mo.

II. Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
__________11. Ito ay ang katangian na paggamit ng isipan upang malaman ang buong
detalye at katotohanan.
a. pagtatanong c. paniniwala
b. pagsusuri d. wala sa nabanggit
__________12. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanuri?
a. paniniwalaan agad ang nabasa
b. pagtatanong sa marunong
c. hindi pa tsi-tsek ng source ng binasa
d. hindi na tatapusin ang buong detalye ng pinapanood
__________13. May nabasa ka sa internet na may paparating na napakalakas na
bagyo sa loob ng ilang araw. Mapanuri ka kung _____
a. manonood ng balita sa TV upang malaman kung may katotohanan ito.
b. magtatanong sa nakatatanda o sa may higit na kaalaman tungkol dito
c. maghahanap pa ng iba pang source upang kumpirmahin ito
d. lahat ng nabanggit
__________14. Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
a. Komiks c. Aklat tungkol sa kagandahang asal.
b. Aklat tungkol sa karahasan. d. Pahayagan na may pornograpiya.
__________15. Paano masasabing makabuluhan ang isang aklat.
a. Ito ay may maraming magagandang larawan 
b. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito 
c. Maganda ang uri ng papel
d. Ito ay makapal

III. Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng   kung ito ay may mabuting
dulot

na impormasyon. Lagyan naman ng        kung ito ay walang mabuting


naidulot.

_________16. Ang palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng facemask/face


shield ay makatutulong upang makaiwas sa COVID-19.
_________17. Nagdaraos ng kaarawan ang kapitbahay ni Marky, marami ang dumalo
na walang suot na facemask at hindi sumunod sa social distancing.
_________18. May napanood na karahasan si Jerome sa TV, ginaya niya ito at
nakasakit sa kanyang mga kapatid.
_________19. Tuwing umaga ay nag-e-ehersisyo si Anna sa kanilang bahay. Ayon sa
kanya, napanood niya ito sa isang programa sa TV upang mapanatili ang
maayos na kalusugan kahit nasa bahay lamang.
_________20. Dahil hindi makalabas ng tahanan ang mga tao ngayon, minabuti ni
Grace na tulungan ang kanyang ina sa pang araw-araw nitong gawain sa
bahay.

Test IV- Ibigay ang mga hinihingi:


A. Mag bigay ng limang isyung may katotohanan:

B. Limang isyung walang katotohanan:

Mga Isyung Nabasa sa Internet


1. Mahalaga bang suriin nang maigi ang mga nababasa mula sa internet?
Ipaliwanag.

2.Dapat bang paniwalaan ang lahat ng nababasa sa internet? Bakit?

You might also like