You are on page 1of 9

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 3
(Linggo 2)
PANANAGUTANG PANSARILI

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang–aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Leah Q. Rebaya

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Mga Tagapamahala: Maripaz T. Concepcion, Sheila C. Bulawan

2
I. Panimula

Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang


mapagtibay ang iyong pagpapahalaga at konsepto sa Edukasyon sa Pagpapakatao
6. Ito ay nagsisilbing tulay sa iyo upang matutunan ang aralin na naka paloob dito.

Ang mga ito ay kayang-kaya mong sagutan ng walang gabay ng iyong guro o
ninuman. Ngunit, inaasahang ikaw ay magiging matapat sa pagsagot. Ito ay binubuo
ng pitong bahagi - Paunang Pagtataya, Paglinang ng Kaalaman, Pagpapalalim,
Pagsasapuso, Pagsasabuhay, Pagtataya at Kasunduan. Ang mga bahaging ito ay
inihanda para sa iyo upang magsilbing gabay sa paggamit ng wasto/tamang
impormasyon.

II. Layunin:

Nakagagamit ng impormasyon (wasto/tamang impormasyon)

III. Paunang Pagtataya:

Sa pagkuha ng impormasyon, kailangan tayong maging


mapanuri upang matiyak na wasto/tamang impormasyon ang ating
makakalap. Magdudulot ng pagkalito ang maling impormasyon.

Isulat ang salitang “TAMA” kung ang sitwasyon ay naaayon. Kung hindi
naaayon, isulat ang salitang “MALI” at ang nararapat na sitwasyon.

1. Ang Corona Virus ay isang malubhang karamdaman.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Maaari ng lumbas ng bahay kahit nasa Enhnaced Community Quarantine


ang iyong barangay.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ang Covid – 19 ay sa Pilipinas lamang nangyari.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

1
4. Ang paglalaro ng Mobile Legends buong araw ay mabuti sa kalusugan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Kailangang panatilihing malinis ang katawan upang maiwasan ang mga


karamdaman.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

IV. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa:

2. Paano nakakatulong
1. Bakit ito ang iyong
ang mga sanggunian
pinagkukunan ng
sa pagkuha ng
impormasyon?
impormasyon.

Gumawa ng talaan na may dalawang hanay. Itala ang mga uri ng media sa
hanay A at ang katotohanang hatid nito sa atin sa hanay B.

A B
URI NG MEDIA KATOTOHANANG HATID NITO

2
V. Pagpapalalim:

• Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng isang tao. Ang taong


matapat ay may pagmamahal sa katotohanan. Ang taong
nagmamahal sa katotohanan ay pumipili kung ano ang mabuti at
isinasabuhay niya ito.
• Kailangan suriing mabuti ang mga pangyayari o ang
impormasyong ibinibigay upang magamit ang mapanuring pag-iisip
bago gumawa ng isang pasya.

• Alamin at isipin kung ano ang maaring maging bunga ng iyong


magiging pasya.

• Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na


maging matapat lalo sa pangalap ng tamang impormasyon.

• Kailangang gamitin ang medya at teknolohiya sa tamang


pamamaraan.

• Ang pagkuha ng tamang impormasyon ay para sa ikabubuti ng


lahat.

VI. Pagsasapuso:

➢ Activity 1:
Ang wastong paggamit ng impormasyon ay para sa ikabubuti ng
nakakarami.

• Essay

1. Naranasan mo na bang malagay sa isang sitwasyon na kinakailangan mong


sabihin ang lahat ng impormasyong alam mo?

2. Mahalaga bang palagi natin ipinapahayag ang katotohanan? Bakit oo/hindi?

3
3. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing sinasabi mo ang alam mong
katotohanan?

4. Ano ang iyong ginagawang kilos sa pagsasabi ng tamang impormasyong


alam mo?

5. Sa anong pagkakataon mo inaasahan na magpapahayag ng katotohanan?

➢ Activity 2:
Mahalaga ang pagsasabi ng katotohan gamit ang wastong impormasyon.

• Repleksyon

Lagyan ng (/) ang scale na 1, 2, 3 kung ang mga taong ito ay maaaring
magbigay nang tapat na impormasyon. Ang 3 ang siyang pinakamataas at ang 1 ang
pinakamababa.

Mga tao 1 2 3
1. Magulang
2. Guro
3. Kaibigan
4. Kapitan
5. kapitbahay

VII. Pagsasabuhay:

4
Sa kasalukuyan, ang ating bansa ay humaharap sa matinding
krisis ukol sa kalusugan at dahil dito marami tayong mga
impormasyong nakukuha hingil sa isyung ito.

Marami na tayong nalalaman sa mga nangyayari sa ating bansa. Nababasa,


nakikita at naririnig natin ang iba’t-ibang impormasyon katulad sa social media,
telebisyon, radio at pahayagan.

Sa iyong palagay, lahat ba ng ibinabalita ay pawang katotohan lamang? Lahat


ba ng impormasyon ay may katotohan at basehan? Hindi lahat ng impormasyong ating
naririnig at nalalaman ay may katotohanan. Kinakailangang suriin ang mga ito para sa
ikabubuti ng lahat lalo na ng ating pamilya. Huwag basta maniniwala sa “Fake News”.

Bilang isang bata, ano ang iyong pagkaunawa sa pagmamahal sa


katotohanan? Paano mo ito maipapakita sa anumang sitwasyon o pagsubok ng
inyong karanasan

VIII. Pagtataya:

1. May bagong lipat kayong kapit-bahay at nakita mo na my ibinaon syang


kahon sa likod ng kanilang bahay. Ano ang gagawin mo?

a. Hahayaan ko na lamang siya dahil hindi ko naman alam kung ano


ang laman ng kahon.
b. Pupunta ako sa barangay para isumbong ang aming kapit-bahay.
c. Ipapaalam ko ito sa lahat ng tao sa aming barangay.
d. Kukunin ko ang kahon na ibinaon.

2. Habang nanunood ka ng telebisyon nakita mo na marami na ang


namatay dahil sa virus na Covid19, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang
paglabas ng bahay. Sa ganitong sitwasyon, nanaisin mo pa bang
lumabas ng bahay?

a. Hindi dahil alam ko na delikado pang lumabas ng bahay dahil


laganap pa ang virus.
b. Opo. Dahil hindi naman ako mahahawaan ng virus.
c. Hindi po dahil wala naman akong gagawin sa labas.
d. Opo kasi mamasyal lang naman ako.

3. Narinig mo sa radyo na may paparating na malakas na bagyo. Alam


mong binabaha ang inyong lugar. Ano ang iyong gagawin upang
maipaalam na may paparating na bagyo?

5
a. Ipapaalam ko ito sa lahat upang maagang makalikas sa kanilang
mga bahay.
b. Matutulog na lamang ako at hahayaan na dumating ang bagyo.
c. Itatapon ko sa kanal ang lahat ng basura sa bahay.
d. Maliligo ako sa ulan habang bumabagyo.

4. Ano ang gagawin mo kung nalaman mong pinaghihinalaan na may


Covid-19 ang bagong dating ninyong kapit-bahay galing Manila dahil sa
Balik Probinsya Program?

a. Hindi ako lalabas ng bahay at palagi akong mag huhugas ng kamay.


b. Makikipag kwentuhan ako sa kanya.
c. Bibigyan ko siya ng gamot.
d. Hahayaan ko na lang.

5. Batid sa iyong kaalaman na sa Agosto pa magsisimula ang inyong


pasukan dahil nakita mo ito sa telebisyon. Ano ang iyong gagawin upang
maipaalam sa kapwa mo mag-aaral ang impormasyong iyong nalaman?

a. Ipapaabot ko ito sa pamamagitan ng pag text at pag chat sa lahat ng


aking kamag-aral at lahat ng kakilala ko sa paaralan upang malaman
nila ang impormasyong ito.
b. Hahayaan ko nalang na si titser ang magbigay ng impormasyon sa
kanila.
c. Ipapaalam ko lang sa mga matalik kong kaibigan.
d. Mas mabuti na wala silang alam.

IX. Kasunduan:

Magbigay ng dalawang wastong impormasyon ayon sa kasalukuyang


nangyayari sa ating bansa.

6
Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=learners+life+clip+art&tbm=isch&ved=
ESP 6 Curriculum Guide Rev.2016/inSlideshare
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

You might also like